Episode 6

1847 Words
"Ba't hindi ka pa nakabihis, Angela? Kung kailan naman aalis na tayo saka mo pa naisipan na uminom ng kape! Sumasakit na naman ang ulo ko sa iyo!" singhal ni Allen sa kaniya na sinabayan pa nito ng pagkamot sa ulo. Nakabihis na siya kanina ng pang-alis kaya lang ayaw umandar ang sasakyan nito kaya nagpalit siya ng damit dahil aayusin niya muna ang sasakyan nito. Pero bago 'yon ay nagtimpla muna siya ng kape dahil gusto niyang mainitan muna ang sikmura niya bago siya sumabak sa trabaho. "Ano? Maaga pa para sumakit ang ulo niyo, Sir Allen. Kung makapagsalita po kayo parang krimen ang uminom ng kape, ah." "Alam mo naman kasi na may lakad ako ngayon, 'di ba? At saka, hindi ka naman nagkakape, ah!" "Sira po ang sasakyan niyo kaya manghiram muna kayo ng sasakyan kay Doña Lorenza," aniya habang natatawa. Sumandal siya sa sasakyan nito na aayusin niya habang mariin na nakatitig sa amo niyang pormadong-pormado. "Ayaw ko!" "Eh, ano'ng gagamitin natin kung ayaw mong hiramin ang sasakyan ng lola mo? Hindi naman p'wedeng lumipad tayong dalawa papunta sa ospital." Hindi niya alam kung bakit ayaw nitong bumili ng bagong sasakyan gayong napakarami naman nito pera. 'Yong sasakyan kasi nito ay mukhang sasabog na anumang oras dahil sa tantiya niya ay dalawang dekada na yata nitong ginagamit ito. Kagaya ngayon. Hindi na naman kumakagat ang preno nito. "Ano ba ang sira niyan?" tanong nito habang nakanguso sa sasakyan nito. "Preno lang naman," aniya. "P'wede naman nating gamitin 'to." Turo niya sa sasakyan nitong bulok. "'Yon nga lang, hindi ko alam kung makakabalik pa tayo ng buhay lalo na kapag nasa highway na tayo. Siguro, mag-iwan na tayo ng sulat sa mga pamilya natin para hindi na sila mabigla." "Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Angela," pormal nitong tugon. "Hindi rin naman ako nagbibiro," sagot niya. "Kilala mo ako kaya alam mo na hindi ako bibiyahe hangga't hindi ako nakakasiguro na magiging ligtas ang biyahe natin. Pero, kung kaya mong tumalon habang umaandar 'tong sasakyan, eh, 'di tara na." "Huwag na! 'Wag na lang tayong umalis!" "Bakit ba kasi ayaw mong bumili ng bago? Ang dami na ng sakit nitong sasakyan mo, oh. Kung naging tao lang 'tong sasakyan mo, malamang bedridden na 'to matagal na." "Hangga't umaandar 'yan, hindi ako bibili ng bago dahil malaki ang bahagi ng sasakyan na 'yan sa buhay ko." "Sir Allen, sabihin na natin na may sentimental value ang sasakyan na 'to. Sa sobrang pagpapahalaga mo rito ay baka buhay mo ang maging kapalit. Bumili ka na ng bago tapos itong sasakyan mo, ipasok mo sa kuwarto mo para kahit natutulog ka magkatabi kayo." "Ha-ha-ha!" Tumawa ito ng sarkastiko. "Nakakatawa." "Importante ba ang pupuntahan mo ngayon?" tanong niya pagkuwan. Kung may importante itong gagawin sa ospital ay pipilitin niya itong iangkas sa motor niya. "Medyo." "Ihahatid na lang kita gamit ang motor ko." "Huwag na dahil mahal ko pa ang buhay ko! Isa pa, wala akong tiwala sa pagmumukha mo. Magta-taxi na lang ako kaysa umangkas sa iyo." "Ikaw ang bahala." Inubos na niya ang kape niya at pagkatapos ay nilampasan niya ito dahil maliligo na siya. Hindi niya alam kung aayusin niya ba ang sasakyan nito o ibebenta niya sa junk shop para magkapera siya. Pagkatapos niyang maligo ay naabutan niya pa si Allen na nakasandal sa entrada ng pinto. Nang makita siya nito ay umalis ito sa pagkakasandal at tiningnan ang helmet na bitbit niya. "Saan ka pupunta?" tanong nito. "Lilibutin ko 'tong Pilipinas," biro niya pero ang totoo ay pupunta siya sa grocery dahil bibili siya ng personal hygiene. "P'wede bang ihatid mo muna ako?" "Akala ko ba wala kang tiwala sa akin?" "Hindi ako makikiusap kung hindi importante ang pupuntahan ko ngayon." "Sigurado ka?" "Oo!" sagot nito. Halatang walang choice kung hindi ang umangkas sa kaniya. "Ihahatid kita sa pupuntahan mo pero sa isang kondisyon." "Ano?" "I-kiss mo muna ako para ganahan akong magmaneho. Kahit smack lang." "'Wag mo na pala akong ihatid," wika nito sabay alis sa harapan niya at naglakad na ito papunta sa gate. She loves to tease Allen always. Pakiramdam niya ay hindi buo ang araw niya kapag hindi niya ito hinaharot. Napailing-iling siya bago pumasok sa loob ng kuwarto niya para kunin ang isa niya pang helmet na ipagagamit niya rito. Nagsuot din siya ng leather jacket at rubber shoes bago siya lumabas ulit. "Kuya Nestor, pasuyo po ako. Pakibuksan po muna 'yang gate dahil ilalabas ko po ang motor ko," aniya sa hardinero nina Allen. "Oo ba!" Tumakbo ang matanda patungo sa gate para buksan ito. "Salamat po, Kuya Nestor," aniya nang mailabas niya ang motor niya sa gate. "Pakisara na lang po ulit." "Sige. Ingat ka, Angela." "Opo!" tugon niya. "Sakay na!" wika niya kay Allen na nakasandal sa puno. Ang gara ng suot tapos sasakyan lang hindi makabili. Kung hindi nga lang siya nito paghihinalaan ay baka matagal na niya itong binilhan ng sasakyan. Nag-aalala kasi niya na baka magpa-imbestiga ito sa totoong katauhan niya. "Sir Pogi, tara na!" Tiningnan lang siya nito at pagkatapos ay tumingala na ulit sa kawalan habang nakasandal pa rin. "Ayaw mo ba?" Hindi ito sumagot. "Bahala ka. Kung hindi ka sasabay, eh, 'di 'wag!" Nang buksan niya ang makina ng motor niya ay bigla itong lumutang sa harapan niya kaya natawa siya. "Are you making fun of me?" Inalis niya ang ngiti sa mga labi niya at pagkatapos ay bumaba siya sa motor niya para isuot niya ang extra niyang helmet sa ulo nito. "Makakarating kaya tayo ng buhay sa lugar na pupuntahan natin?" tanong nito nang maisuot niya na ang helmet dito. "Bakit naman hindi? Wala ka bang tiwala sa akin?" Umiling ito. "Wala talaga." "Eh, 'di mag-book ka na lang ng taxi." Nang akma na siyang sasakay sa motor niya ay mahigpit nitong hinatak ang leather jacket na suot niya. "Bitiw." "Magdahan-dahan ka, ah! Kapag hindi ka nagdahan-dahan 'wag ka nang magpapakita sa akin kahit na kailan." "Mag-taxi ka na nga lang," aniya at sumakay na siya sa motor niya. Halos makipag-unahan ito sa kaniya na sumakay sa motor niya. "Pakipot ka talaga kahit kailan. Aangkas ka rin naman pala sa huli nag-inarte ka pa." "Shut up and drive carefully!" Nginitian niya ito bago niya isinuot ang helmet niya. "Yumakap ka sa baywang ko para hindi ka malaglag, Sir Allen," aniya pero hindi ito kumibo kaya nilingon niya ito at itinaas niya rin ang visor ng suot niyang helmet para makita niya ito. "Humawak ka sa baywang ko para makaalis na tayo." "Dito na lang ako hahawak sa ilalim ng upuan nitong motor mo." "Mabilis akong magpatakbo kaya baka malaglag ka," wika niya pa. "What am I, a kid?" "Saan ba tayo pupunta?" "Sa kasal ng schoolmate ko no'ng elementary." "Sa simbahan ba tayo pupunta o sa venue na?" "Sa venue na." "Saan ba 'yong venue?" "Sa Commonwealth." "Okay." At dahil walang balak na humawak sa kaniya si Allen ay siya na mismo ang kumuha sa kamay nito at inilagay niya iyon sa baywang niya. "Ano ba, Angela? Umayos ka nga!" Nilingon niya na naman ito. "Ayaw ko lang na malaglag ka dahil siguradong iiyak ako noon." Nakataas ang visor ng suot nitong helmet kaya kitang-kita niya ang masama nitong hitsura ngayon. "Mamahalin pa kita kaya hindi ko hahayaan na mapahamak ka." "Tumigil ka nga! Mahiya ka nga kahit kaunti, Angela! Hindi mo ba alam na ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi mo? Nakakahiya ka!" "Galit ka na naman. 'Wag kang magalit dahil baka mabawasan 'yang kaguwapuhan mo. Kapag nabawasan 'yan, mababawasan din ang pagmamahal ko." "Hindi ka ba talaga titigil?" "Titigil na po." Sa pagkakataong ito ay humarap na siya sa motor niya para paandarin na ito. Ang mga kamay nito ay nakahawak nga sa baywang niya pero maluwag naman kaya naman ang ginawa niya ay hinawakan niya ang magkabila nitong kamay at iniyakap niya iyon sa baywang niya bago niya pinaandar ang motor niya. "Angela, slow down, will you? Nagsisisi talaga ako na umangkas ako sa iyo!" bulyaw nito mula sa likuran niya. Ang higpit na ng yakap nito sa kaniya ngayon. Hindi niya malaman kung saan ito hahawak. Ang dibdib niya ay nasasagi na rin nito dahil yakap na yakap na ito sa kaniya ngayon. "f**k! s**t! I feel like I'm going to die now! Angela, are you listening to me? Slow down!" Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo niya. Sadyang nerbiyoso lang ang angkas niya. "Angela, ano ba!" "Sixty lang ang takbo natin, Sir Allen. Tumingin ka sa speedometer. Mukha bang mabilis ang patakbo ko?" "Make it twenty, Angela!" "Ano? Eh, 'di sana naglakad na lang tayo! Magtiwala ka lang kasi. Akala mo naman kasi ipapahamak ka! Kagaya ng sinabi ko kanina, mamahalin pa kita kaya iingatan kita habang buhay." Halos hindi na siya makahinga ngayon dahil sa uri ng yakap nito. "f*****g pervert!" "Saan ba sa Commonwealth nakatira ang kaklase mo?" Itinuro nito ang daan na tatahakin niya. Lumiko sila pakanan hanggang sa makarating sila sa isang malaking bahay na napapaligiran ng nagtataasang mga puno. "Dito na tayo, Sir Allen." "Finally, we arrived safely!" "Wala kasi kayong tiwala sa akin, eh." Mula sa gate ay kitang-kita nila na nagkakasiyahan na dahil mababa lang naman ang bakod ng bahay ng kaklase nito. "Pumasok na kayo, Sir," saad niya matapos niyang tanggalin ang suot niyang helmet. Nang matanggal niya ang helmet niya ay ang helmet naman nito ang tinanggal niya. "How about you?" Nakitaan niya ito ng pag-aalala kaya nginitian niya ito. "Dito lang ako sa labas. Hihintayin kita hanggang sa matapos ka." "Sumama ka na lang sa akin sa loob." "'Di na. Hindi naman ako kailangan sa loob, eh." "Sigurado ka?" Tumango siya. "Pasok na." "Sigurado ka ba talaga na ayos ka lang dito?" tanong nito habang lumilinga-linga sa paligid. Hindi niya alam kung natatakot ba ito para sa kaniya o sa mga punong nakapaligid sa kanila. "Angela, saglit lang ako sa loob. Magpapakita lang ako sa kaklase ko tapos umuwi na tayo." "Ayos lang ako rito. Isa pa, nakakahiya naman sa kaklase mo kung uuwi ka kaagad gayong ito ang pinakamahalagang araw sa buhay niya. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako aalis dito. Mamaya paglabas mo ay dito pa rin ako." Bahagya niyang inayos ang damit nito. "Pagdating mo sa loob 'wag kang sisimangot para marami ang maakit sa iyo. Pero, kapag may lumapit na babae sabihin mo may nagmamay-ari na sa iyo." "Tsk! Sige na, papasok na ako sa loob," sa halip ay sabi nito. Ang akala niya ay kokontra na naman ito pero mukhang nasasanay na ito sa mga lumalabas sa bibig niya. "Ingat ka." Itinuro niya ang bakanteng lote. "Doon kita hihintayin. Hindi kasi puwede rito dahil makakaharang ako. Huwag kang magmadali dahil hihintayin kita kahit gaano ka pa katagal sa loob." "Sige." Habang naglalakad ito papasok sa gate ng kaklase nito ay panay ang lingon nito kaya naman nag-thumbs up siya para iparating dito na ayos lang siya. Kahit mainit ang ulo nito kapag nilalandi niya ay nakikitaan niya pa rin ito ng pag-aalala paminsan-minsan lalo na kapag mga ganitong sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD