Episode 5

1503 Words
"Angela, p'wede bang sa ibang direksiyon ka muna tumingin?" Hindi niya alam kung nag-aadik ba si Allen o ano. Lumabas kasi ito sa banyo nang hindi pa naitataas ang suot nitong pantalon kaya naman mariin siyang napatitig dito. "Ano'ng trip 'yan, Sir Allen? Balak mo ba akong akitin sa pamamagitan niyan?" "Huwag ka nga munang tumingin! Kapag mga ganitong eksena talaga halos hindi ka kumukurap, eh, 'no?" "Kaya ka nga nagpasama sa akin dahil gusto mong makita ko 'yan, 'di ba? Tapos kung makapagsalita kayo akala niyo sobrang manyak ko samantalang kayo nga itong manyakis." Nang maisuot nito ang pantalon nito ay sinamaan siya nito ng tingin. "Kapag mga ganitong eksena talaga sobrang laki ng mata mo. Imbes na pumikit ka mas lalo ka pang tumititig." "Ba't naman po ako pipikit?" "Wala! Let's go!" Nagmamadali itong humakbang at iniwan na siya. Minsan iniisip niya na baka may disorder ang amo niya. Sa banyo lang naman ang punta pero nagpasama pa. Normal pa kaya ang mga ganiyang tao? "Ano pa ang hinihintay mo riyan? Nakalabas na ako, 'di ba?" Hindi niya namalayan na bumalik pala ito ulit. "Bilisan mo! Sumunod ka kaagad sa akin!" Kung hindi niya lang ito amo malamang nasikmuraan na niya ito. "Bakit ganiyan ka makatingin? Sasaktan mo ako? Sasaktan mo ang taong nagbibigay ng suweldo sa iyo?" Nginitian niya ng matamis si Allen at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito. Hindi lang basta hawak dahil pinagsalikop niya ang mga iyon. "Gusto mo lang yatang hawakan ko 'tong mga kamay mo para kumalma ka, eh." Saglit itong natulala sa ginawa niya pero agad ding nakabawi at pilit na pinaghihiwalay ang mga kamay nila kaso hindi niya ito hinayaan hanggang sa makabalik sila sa dati nilang puwesto. "Humanda ka sa akin mamaya kapag nasa sasakyan na tayo, Angela," pagbabanta nito pero binalewala niya lang ito at bahagya pang kinurot ang pisngi nito. "Ang cute mo talaga. Pa-kiss nga!" Ngumuso pa siya pero pinitik nito ang mga labi niya. "Nakakahiya ka." Nang tumikhim ang mga kaibigan nito ay tinigilan na niya si Allen dahil nagbabanta na ang mga mata nito. "Ano'ng ginawa niyo sa banyo?" tanong nina Sir Edwin at Sir Kyle kay Allen pero hindi umimik ang amo niya. "Angela, ano'ng ginawa niyo sa banyo?" Siya naman ang tinanong ni Edwin. "May ginawa ba siya sa iyo?" "Nagpasama lang po siyang umihi sa akin," tugon niya. "Bakit daw?" "Hindi ko nga rin alam, eh. Siguro naniniwala siya na may multo sa restroom," pabulong niyang tugon na naging dahilan ng pagtawa ni Edwin. "Sa aming magkakaibigan siya ang pinakamatapang tapos multo lang pala ang makakatalo sa kaniya! Pambihira!" "Kaya nga, eh." Sa pagkagilalas niya ay biglang tumayo si Allen at hinatak siya nito paupo sa tabi nito. Ang mga kaibigan tuloy nito ay nanunuksong tumingin sa kanila. "Bawas-bawasan mo 'yang kadaldalan mo. Ano'ng akala mo, hindi ko naririnig na sinisiraan mo ako?" "Sinisiraan? Hindi ako ganoon, Sir. Isa pa, wala naman akong maibabato na paninira sa iyo dahil…" Kinindatan niya muna ito. "Wala naman ng maipipintas sa iyo." Sa tuwing tinititigan niya ito ay nag-iiwas ito ng tingin at medyo namumula ang pisngi. "Kinilig ka, 'no?" "Says who? I already knew those things a long time ago, so I wasn't surprised." "Kaunti na lang talaga iisipin namin na may pagtingin kayo sa isa't isa," wika ni Samuel. Ang lalaking kaibigan nito na nagmamay-ari ng bar. Tinawanan niya lang ang sinabi nito pero si Allen ay nanahimik lang. Tahimik lang 'yan ngayon pero mamaya pag-uwi nila ay tiyak na uusok ang ilong niyan at sesermunan siya hanggang sa makarating sila sa bahay. "Sir Samuel, may naghahanap po sa inyo," tawag ng isa sa mga tauhan ni Samuel kaya nagpaalam ito sandali sa kanila. Si Sir Kyle ay nagpaalam na pupunta muna sa banyo sandali. "Angela, nagugutom ka ba? Gusto mong ikuha kita ng makakain?" tanong ni Edwin sa kaniya. "Magpapaluto ako kay Gino ng pagkain kung gusto mo. Ano ba ang gusto mo?" "Kahit ano po, hindi naman ako mapili, eh." "Okay. Maiwan ko muna kayo rito," anito at nagmamadaling lumabas kaya ang naiwan na lang ngayon ay silang dalawa ni Allen kasama ang mga babae na pumasok kanina. Nang akmang uupo ang isa sa mga babae sa kandungan ni Allen ay hinatak niya ang buhok nito. "Miss, pag-aari ko na 'yan kaya 'wag na 'wag mong pakikialaman 'yan," aniya sa seryosong tinig. "P'wera na lang kung gusto mong masaktan," dagdag niya pa sabay ngisi rito. Mabuti na lang at mabilis itong lumayo kay Allen dahil kung hindi ay baka totohanin niya ang banta niya. Nang tingnan niya si Allen ay nakatingin na naman ito sa kaniya. "Bakit?" tanong niya. "May gusto ka bang sabihin?" Umiling-iling ito. "Ano'ng sasabihin ko?" "Di ka ba magpapasalamat na pinoprotektahan kita mula sa mga 'yan?" Turo niya sa mga babaeng hanggang ngayon ay malagkit na nakatingin kay Allen. "Kung wala ako rito kawawa ka. Partida, matino ka pa niyan, ah. Paano pa kaya kapag nalasing ka na?" "I can protect myself." "So, 'di mo ako kailangan?" "Hindi." "Kunwari ka pa! Iihi nga lang hindi mo kayang mag-isa, eh." Nang mapansin niya na may sugat ang kamao nito ay kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi iyon napansin kanina no'ng pinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa. "Napano 'yan? Nakipagsuntukan ka?" "Wala 'to." "Napano nga 'yan?" "Wala nga!" "Pinatulan mo ba 'yong lalaki na umaway sa akin kahapon?" May lalaki kasi kahapon na sira ang ulo dahil hinarang sila nito at kinatok-katok ang bintana nila at minura-mura siya. Hindi raw kasi siya marunong magmaneho dahil ang bilis niyang magpatakbo. Nang akma niya itong bababain ay pinigilan siya ni Allen. Sa huli ay nadiskubre nila na driver pala ng kapitbahay nila ang lalaking 'yon. Gustong-gusto niyang basagin ang mukha ng lalaking 'yon kaya lang ayaw niyang ma-stress ang lola ni Allen. "Huwag mong sabihin sa akin na pinuntahan mo ang lalaking 'yon at sinuntok mo?" "I did! Happy?" "Bakit mo ginawa 'yon? Huwag mong sabihin na dahil sa akin kaya mo siya binalikan at sinuntok?" Hindi ito sumagot. "Sabi ko na nga ba, eh!" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. "May gusto ka na sa akin, 'no?" "Ilayo mo nga 'yang mukha mo sa mukha ko, Angela!" iritable nitong tugon. "Sinuntok ko ang lalaking 'yon dahil uminit ang ulo ko sa kaniya kagabi." "Kagabi? May ginawa ba ulit siya kagabi?" "He said, you're an idiot; that's why I punched his face! That f*****g asshole!" "Sana kasi hinayaan mo ako na harapin ang lalaking 'yon para ako ang bumasag sa mukha niya. Ang kapal ng mukha niyang murahin ako, mabuti sana kung pinapakain niya ako." "Isa pa 'yon sa ikinagalit ko." "Hayaan mo na." Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Sa susunod, 'wag mo akong pipigilan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Mas nag-aalala pa nga ako sa iyo kaysa sa sarili ko, eh." Well, totoo 'yon dahil magaling siya sa martial arts kaya naman kaya niyang protektahan ang sarili niya. "Kaya kong patahimikin ang lalaking 'yon kaya lang pinigilan mo ako. Kung hindi lang kita mahal hindi kita susundin." "Ano'ng sabi mo?" "Ang sabi ko, kung hindi ko lang kayo amo hindi ko kayo susundin," pag-iiba niya habang natatawa. Kapag mga ganitong usapan talaga ay parang gustong niyang kurot-kurutin ang pisngi nito. "'Wag kang uminom dahil magmamaneho ka pa pauwi," paalala nito nang makita nito na tumungga siya ng alak. "Mamaya niyan maaksidente tayo, eh." "Malabong mangyari 'yon. Kahit malasing ako ng husto, kaya ko kayong iuwi ng ligtas," aniya sabay lingon dito. Lagi niyang nahuhuli si Allen na nakatitig sa kaniya kaya naman lagi niya itong niloloko na may gusto sa kaniya. "Dahan-dahan sa pagtitig dahil baka po matunaw ako. Alalahanin niyo, marupok po akong tao." Inismiran siya nito bago nito nilagok ng tuloy-tuloy ang baso ng alak na hawak nito. "Huwag kang masyadong uminom dahil magahasa ka rito," aniya at inilapit niya sa harapan niya ang bote ng alak para siya na lang ang magsasalin ng alak sa baso nito. "Uuwi pa tayo kaya dahan-dahan lang. P'wede kang magpakalasing kapag nasa bahay lang tayo. Sa ngayon, control-in mo 'yang pag-inom mo." Binalingan niya ang mga babae. "P'wedeng bang lumabas muna kayo? Tatawagin ko na lang kayo mamaya kapag kailangan na kayo rito." "Bakit mo sila pinalabas, Angela?" "Naiinis kasi ako sa mga mukha nila. Hindi mo ba napansin na nakabukaka 'yong dalawa habang nakaharap sa iyo? Kulang na lang ipakita na nila 'yong p********e nila pero parang wala lang sa iyo." "Angela, may problema ka ba sa pag-iisip?" tanong nito sa seryosong tinig. "Alam mo bang hindi na normal ang mga ikinikilos mo?" "Bakit?" "Wala. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Pinitik niya ang noo nito nang mahuli niya na tumaas ang sulok ng labi nito. "Nakakahiya naman. Sa tingin mo ba normal ka rin? Pareho lang tayong may problema sa pag-iisip, 'no! Hindi ako papayag na may maiwan sa ating dalawa dahil mag-amo tayo. Kaya nga nag-click tayo dahil may something ka rin, eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD