CHAPTER 4

4158 Words
NINE YEARS AGO Hindi pumasok ang aming instructor sa last subject kaya maaga akong nakauwi sa aming boarding house. Pagkatapos kong magpalit ng damit, muli akong bumaba at nagtungo sa maliit na karinderya na pag-aari ni Dragon, ang aking landlady. Paksiw na isdang galunggong, pinakbet at kanin ang aking inorder para sa hapunan. "Softdrink o tubig? Tinanong ako ni Ate Mai, ang kapatid ni Dragon.  "Tubig na lang ho," sagot ko. Umiinom din naman ako ng softdrinks pero kapag may okasyon lang kasi hindi maganda sa kalusugan ang mga ito. "Napakakuripot mo talaga, Erin. Sige na nga, ililibre kita ng isa. Ano ba ang gusto mo?" Masama  sa kalusugan ang softdrinks pero kapag libre ay ibang usapan na po 'yon. "Hmmm, mountain dew na lang po." "Sus, ikaw talaga!" Napangiti si Ate Mai nang ibinigay niya sa akin ang malamig na mountain dew. "Dahil nilibre mo ako ng soft drink, sagot ko na din ang pang one week mo na supplements. Essentials or Proflavanol?" "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Hindi ka malulugi? Mabuti pa ay kumain ka muna habang pag-iisipan ko kung ano ang pipiliin." "Sige po, Ate Mai."Malaki ang agwat ng aming edad ni Ate Mai pero magka-vibes po kaming dalawa. Young at heart pa rin kasi ito sa edad na trenta. NBSB din ang babae tulad ko, kaya inaasahan ko na susunod ito sa mga yapak ng nakakatandang kapatid na si Dragon. Matapos kong ilapag sa mesa ang aking inorder na pagkain, kumuha ako ng siling labuyo at inilagay ko sa sabaw ng paksiw. Mahilig lang talaga ako sa maaanghang na pagkain dahil sa probinsya namin hindi maari na walang sili sa hapag lalo na kung may sabaw ang ulam. Wala pang limang minuto ay tapos na akong kumain. "Magkano po lahat, Ate Mai?" "Forty pesos lang Erin." Dumukot ako ng singkwenta mula sa aking bulsa at ibinigay ko ito sa kanya. "Huwag nyo na lang pong suklian kasi makigamit ako sa landline." Limang peso kada tatlong minuto ang bayad sa kanilang telepono. "O sige, sino ba ang tatawagan mo? May nobyo ka na ba, Erin?" "Naku, wala pa ho! Si Helena lang ang tatawagan ko, ang advance mo namang mag-isip Ate Mai." Nagsimula na akong idayal ang telephone number nina Ellie nang makalimutan ko ang last two numbers. Naiwan ko pa naman ang aking cellphone sa itaas. Ang ginawa ko ay muli kong dinayal ang kanilang telephone number, anyway kung wrong number ay pwede ko namang ibaba at subukan ang isa pang combination. Last two numbers lang naman ang hindi sigurado, eh. Nang mag-ring ang kabilang linya, matiyaga akong naghintay na may sasagot sa tawag ko.  "Yes?" Hindi ko kilala ang boses ng sumagot. Siguro ay pinsan ito ni Helena o di kaya ay tiyuhin. "Magandang gabi ho, pwede ko bang makausap si Helena?" "Sino po sila?" Masarap pakinggan ang boses ng nakasagot sa telepono, parang isang DJ sa radyo. "Si Erin po ito, kaklase niya sa UV." "Saglit lang po at tatawagin ko," sabi nito at narinig kong tinawag ng lalaki ang pangalan ng aking kaibigan. "Pwede ba tayong maging magkaibigan din?" Why not? Kung relative naman ito ni Helena, for sure ay relative ko din ito dahil third degree cousin ko kasi si Ellie. "Sure. Ano ang pangalan mo?" "My full name is Ariel Dalisay, but you can just call me Ayi."  Naisip ko na baka sa side ng uncle ni Helena related si Ariel kasi hindi familiar sa akin ang kanyang apelyido. Ay mali, super familiar pala sa akin ang apelyido na Dalisay. "Kaano-ano po kayo ni Cardo Dalisay?" "Baka relative lang namin 'yon pero hindi ko siya kilala." Natawa ako sa sinagot niya, eh hindi ba talaga nito kilala si Cardo Dalisay, ang bida sa Probinsyano na hanggang 2050 pa ang airing sa ABS. "Talaga? By the way, saan po kayo nag-aaral?" "Sa UV din." "Anong year mo?" "Third year." "Ah, ahead lang pala ako ng isang taon sayo." "Ah, so fourth year ka na. Hmmm pwede ba tayong mag-meet?" "Bakit naman hindi? Sumama ka na lang kay Helena bukas, magkaklase kasi kami sa isang subject bukas ng hapon." "Ano'ng oras at room number?" "Kay Helena ka na lang magtanong, nasa iisang bahay lang naman kayo, eh." "Inutusan pa kasi siya." "Ay ganun? So, tatawagan ko na lang siya uli mamaya." "Huwag mo munang ibaba, usap muna tayo. Wala kasi akong kausap dito sa bahay ngayon eh." "At ano naman ang pag-uusapan natin?" "Kahit ano," sabi niya. "Hmm, ano nga ulit ang room number ng klase ninyo ni Helena bukas?" "Room 613, alas kwatro y medya ang labas namin." "So, I'll see you bukas. Before 4:30, nandun na ako sa labas ng room ninyo!" "Ahhh..masyado ka yatang excited. Sumabay ka na lang sa amin na magmeryenda, okay ba 'yon?"  "Sige ba, basta ilibre mo ako."  Ang kapal naman nito, ngayon nga lang kami nagkakilala sa telepono, magpapalibre na kaagad siya sa akin. "Deal, basta pandesal at icewater lang ang kakainin mo." "Hindi naman ako pihikan sa pagkain, eh." "Hindi pa ba available si Helena?" "Hindi pa rin, eh. May ginagawa pa siya." Gusto kong sabihin sa lalaki na tulungan niya na lang si Helena para makapagpahinga naman ito. Ano ba ang akala nila sa kaibigan ko? Muchacha? "Okay. Tatawag na lang uli ako." "Sige. Ay teka, wait lang po, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo para itext na lang kita bukas?" "Okay," at sinabi ko sa kanya ang aking cellphone number. Nang maibaba ko ang telepono, nagbayad ako ng additional kay Ate Mai dahil medyo natagalan ang pakikipag-usap ko kay Ariel. "Huwag na, ilang minuto lang naman 'yon eh." "Naku, tanggapin mo na Ate Mai, baka pagalitan ka ni Dragon." "Sige na nga. Erin, pwede bang dito ka muna? May kukunin lang ako sa kwarto ko, saglit lang talaga, please?" "No problem. Ate, makigamit uli ako ng telepono mamaya ha, hindi ko kasi nakausap si Ellie kanina, eh." "Okay, basta bawal ang phone s*x!" Phone s*x? Ano naman kaya 'yon? 'Yong imbes na lalaki ang ka-partner ay telepono na lang? Hindi ko ma-imagine ang bagay na sinabi ni Ate Mai. Basta, tumango na lang ako sa bilin niya sa akin para tapos na ang usapan. Muli kong dinayal ang numero sa bahay nina Helena. Nakatatlong ring  din bago may umangat sa awditibo. "Ellie, mabuti naman at ikaw na ang nakasagot. Grabe naman sila, imbes na makapagpahinga ka na, inuutusan ka pa!" "Hindi kita maintindihan, at saka bakit ngayon ka lang napatawag? Kanina pa ako nakaupo dito sa gilid ng landline." Naguguluhan ako sa ipinagtapat ni Ellie. "Tumawag naman ako kanina pero ang sabi ni Ariel Dalisay na pinsan mo ay inutusan ka pa raw!" "Sino si Ariel Dalisay? Wala namang Ariel sa bahay namin." Kung ganun, sino ang nakausap ko kanina? "Sinabi pa nga niya sa akin na nasa kusina ka pa at naghugas ng pinggan,eh. Huwag mo nga akong tinatakot, Ellie." "Totoo ba talaga ang sinasabi mo o nagdadahilan ka lang dahil late kang tumawag?" "Totoo nga! Kinuha nga niya ang cellphone number ko eh dahil magpapalibre daw siya ng meryenda bukas." "Hala ka! At ibinigay mo naman? Baka mali ang numerong tinawagan mo kanina." "Impossible! Narinig ko pa nga na tinawag ka niya, eh!" "Talaga? Pero ngayon lang naman nag-ring ang telepono namin simula nang dumating ako sa bahay." Kinabahan ako. "Ellie, sa tingin ko ay wrong number nga ang natawagan ko kanina." "Patay kang bata ka!" "Kaya nga, huwag na huwag kang aabsent bukas." At least kung pupuntahan man ako ng lalaking 'yon ay may kasama ako. "Ilang taon na raw ang Ariel na yan? Oy bes, baka siya na ang forever mo!" sabi ni Ellie na parang na-excite sa takbo ng aming kwentuhan. "Ay grabe ka din mag-assume bes! Na wrong number lang, forever kaagad?" "Who knows?" Tumawa ako at sinabayan ang pagkapraning ng aking kaibigan. "Depende. Kung magandang lalaki naman, why not coconut? Tutal last sem ko na 'to, hindi naman siguro nila ako itatakwil kung makikipagrelasyon ako ngayon." "Hmm hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan. So paano, pwede na ba akong mag-absent bukas?" "Yan ang huwag na huwag mong gagawin, magtatampo talaga ako sayo, pwamis yan!" "Okay fine. Gusto ko pa sanang magtelebabad kaya lang may tatawagan ang tiyuhin ko. Bukas na lang natin ituloy ang chikahan, bye na." "Sige, bye." Sakto namang bumalik na si Ate Mai at ibinigay ko sa kanya ang karagdagang bayad sa payphone. "Hindi pa ba kayo magsasara?" "Mamaya pa. Umakyat ka na upang mag-aral. Hmm..gusto kong subukan ang proflavanol. Kung type ko, saka na ako oorder ng isang bote." "Thanks, Ate Mai. At dahil suki talaga kita, kukunin ko na ngayon din ang supplements mo at babalik ako kaagad!" Patakbo akong umakyat hanggang third floor kung nasaan ang aking silid. Dalawang ziplock plastic ang aking kinuha at nilagyan ng Proflavanol C100. Pababa na ako nang umilaw ang along cellphone. Binuksan ko ang mensaheng dumating na galing sa isang unregistered number. Nag hi lang naman ito kaya nireplyan ko din ng hello. Pero hindi natapos sa hi at hello ang lahat. May sumunod pang text message. "Si Ariel ito, ang nakausap mo sa phone kanina." "Ah, ikaw pala 'yon! Napakasinungaling mo! Bakit nagpanggap kang tinawag si Helena kanina eh alam mong wrong number ang na-dial ko." "Ha? Totoo namang busy si Helenita kanina, eh." "Helenita?" "Yup, pero ang palayaw niya ay Helen o Helena." Napaisip ako. Kung ganun ay coincidence lang talaga ang lahat? "Whatever." Iyon ang huli kong text sa kanya bago bumaba para ibigay kay Ate Mai ang kanyang vitamin c. Pagbalik ko, nakailang miskol na ang lalaki at sampong text na nagtatanong kung tulog na ako. Hindi ba into naisip na malamang ay natutulog na dahil hindi na nga ako nagreply, di ba? Common sense! Nakakaloka talaga ang isang 'to. Mabuti pa ay matulog na lang ako ng maaga para may sapat na oras pa ako bukas upang tumambay sa library. Baka makita ko si Chester sa library bukas. Handa na akong matulog nang tumunog ang aking cellphone. Si Ariel! Sasagutin ko ba? "Hmmm hello?" "Hi Erin, akala ko nakatulog ka na. Hindi ka na kasi nagreply sa mga text ko." "Ganun na nga, bakit ka napatawag?" "Wala lang. Masarap kasi pakinggan ang boses mo, eh." Char! Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. "Bolero." "Totoo nga, promise. Pwede bang mamaya ka na lang matulog?" "Bakit?" "Usap muna tayo," sabi ng lalaki sa kabilang linya. "At ano naman ang pag-uusapan natin?" "Kahit ano lang, pwedeng tungkol sa akin o tungkol sayo." "Ah, parang getting to know each other, ganun ba? Eh di, tanungin mo na lang ako." "Cool! First question, virgin ka pa ba?"  Ganito na ba talaga kababaw ang mga lalaki ngayon? At walang respeto sa mga babae! "Honestly, not anymore." I lied. "I see. So, kailan mo isinuko ang bandila mo?" At may bandila pa itong nalalaman, hah! Goodness gracious! Talaga bang pag-aaksayahan ko ito ng oras eh halata namang bored lang ang lalaki na naghahanap ng good time. "Last month lang," sabi ko. "So, may nobyo ka na pala!" "Wala akong nobyo. Kailangan ba talaga na nobyo ko siya?" "You are so cool! So, open-minded ka pala. Kung sakaling magkita tayo bukas, can I kiss you?" "Why not?" As if, magkikita kami bukas! "So, girlfriend na kita?" Ansaveh? Girlfriend agad? Bilib na talaga ako sa isang 'to.  Parang si Cardo Dalisay ng Probinsyano, isang alamat! "Depende sa magiging performance mo bukas. So, tulog na tayo?" "Wait lang." "Bakit na naman?" "Dapat may tawagan tayo." "ANO?" Gulat naman ako, hindi dahil sa kaputiang dulot ng tide, kundi sa takbo ng aming usapan. Wala pa nga three hours, magnobyo na raw kami, tapos kailangan ay may tawagan pa. Tulad ng ano naman kaya? Honey pie? Sugar bunch? Cupcake?  "Ganun dapat ang magnobyo, mayroong terms of endearment." Feeling ko ay isang matandang manyak itong kausap ko sa phone. Siguro ay baldado na ito at sa telepono na lang naghahanap ng libangan. If that's the case, then I don't have to be nervous tomorrow. "Wala akong maisip, ikaw na ang bahala. Just call me tomorrow, same time. Bye." "Goodnight." "Goodnight din, bye." Pinagsisihan ko Kung bakit sinagot ko pa ang tawag niya, kailangan ko tuloy na bumili ng panibagong sim card bukas.  Kahit anong pilit ko sa aking mga mata, nahihirapan akong matulog muli. Pagtingin ko sa wall clock, alas singko pa lang ng umaga. Ano naman kaya ang pwede kong gawin sa oras na 'to? Wala naman akong assignments na kailangang gawin, wala din akong quizz mamaya na kailangan kong magreview? Hmmm, bakit hindi na lang kaya ako mag jogging? Baka swertihin pa ako ngayong araw at masilayan ang mukha ni Chester na laging nakasimangot. Malapit lang sa sports complex ang bahay nina Chester at alam kong araw-araw itong tumatakbo para lagi itong fit and healthy. Kulay green na sweatshirt at jogging pants ang isinuot dahil malamig pa ang hangin sa labas. Walking distance lang din ang sports complex galing sa boarding house kaya ilang minuto lang ay nasa track field na ako. Napansin ko na maraming mga teens ang nag jogging at ang iikli ng mga suot nilang shorts. Ano ba ang meron? Baka may artistang naligaw sa lugar namin. Ah kaya pala! Kung hindi ako nagkakamali, mga varsity players ng school namin ang aking namataan sa di kalayuan. Narito din kaya si Chester? Sana nga. Matapos kong mag stretching ay kaagad akong tumakbo. Nakailang metro pa  lang ako nang may bumangga sa akin. "Oppss sorry, akala ko kasi ay puno ng saging ang tumatakbo." Nang makabawi ako ay nilingon ko ang bumangga sa akin. "You!" He just smiled at me, showing his newly brushed white teeth, flashing his dimples, and those chinito eyes are just so adorable. Pero hindi, hindi pwede na palagpasin ko na lang ang nangyari. "Puno ng saging? Ako? Sa ganda kong 'to, puno ng saging ang tingin mo sa akin?" "Eh, wala bang salamin sa inyo? " Sabi ng lalaki na tiningnan ako from head to toe. "So ano ngayon kung berde lahat ng kasuotan ko?" "Wala naman, ano lang, mukha kang saging." Pagkatapos niya akong laitin ay tumakbo na ito palayo sa akin. And I heard him laughing! Parang gusto kong umuwi na lang sa boarding house. I was about to leave when I saw Chester running towards me! Napa-omg talaga ako habang papalapit na siya sa akin. "Ches-!" Tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig at parang naka-focus lang ito sa kanyang pupuntahan...si Gretchen pala! Kung karneng baboy ako, ako 'yong patapon na dahil double dead na. "Crush mo?" "Ikaw na naman? Bakit ba ang bilis mong nakabalik rito?" "No no no! Ikaw ang kanina pa nakapako diyan. Why don't you join me? Ipakita mo sa kanya na kaya mo siyang palitan ng mas gwapo, mas matangkad, at mas bata!" And once again, he smiled at me. Arghh! "Puro ka kalokohan," sabi ko habang tumatakbo ng mabagal pero biglang may sumabay sa amin na mga varsity players sa highschool. "Yel! Sabi ko na nga ba at may dahilan kung bakit bigla ka na lang sumabay sa amin ngayon." "Oo nga, Yel. Pakilala mo naman kami sa bago mo.!" "Huwag mo na lng silang pansinin, ganyan talaga ang mga 'yan." "So, varsity ka rin?" "Ganun na nga!" "I see." Aalis na sana ako nang papalapit sina Chester at Gretchen, kaya binilisan ko na lang ang aking pagtakbo upang hindi nila ako makita. "Sumabay ka na sa akin mag breakfast." Ipinaglihi siguro ang lalaki sa bato, ang tigas kasi ng ulo! "Saan?" "D'yan lang sa tabi-tabi." "Salamat, pero doon na lang ako sa boarding house namin." "Bakit, mag-eemote ka pa rin ba?" "None of your business!" Ano'ng pakialam nito kung doon na lang ako sa boarding house kakain? Masarap din naman ang tinolang isda sa karinderya ni Ate Mai. Tuwing umaga ay inihaw na porkchop at tinolang isda ang bestseller sa kanilang karinderya. "Hindi mo ba ako yayayain na mag-almusal?" Muling humirit ang lalaki nang paalis na ako. Ang kulit talaga niya, nakakaputi ng buhok! "At bakit ko naman gagawin 'yon?" "Hmmm, dahil ni-rescue kita mula sa kahihiyan kanina?" "Tulad ng?" "Tulad ng nangyari kanina na todo ang pagngiti mo tapos nilagpasan ka lang pala ng crush mo.." Inirapan ko siya! At binigyan ng warning gamit ang nakakamatay na titig! "Ulitin mo pa at makakatikim ka na sa akin!" "I like that." "Diyan ka na nga!" Bwisit! Walang pupuntahan kung kakausapin ko pa rin siya. Kukulo lang ang dugo ko at masisira ang aking araw. "Hey, hindi ka talaga mabiro, ano?"  "Hindi ka rin marunong umintindi, ano?" sinagot ko siya ng isa pang katanungan.  "Gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo, eh." "Pwes, marami na po akong kaibigan. Kulang na nga ang oras ko para sa kanila, eh, tapos dadagdag ka pa?" "Kung oras lang ang problema mo, marami ako niyan. So, friends na tayo?" "Hindi!" At pinara ko ang taxi na papalapit sa amin. Hindi bale nang magbayad ng pamasahe kaysa patuloy ko siyang makakausap, nakaka-drain ng energy ang isang 'yon! Habang lulan ako ng taxi, pasimple akong lumingin sa pinanggalingan ako, at nakita ko siyang nakatayo pa rin doon sa gilid ng kalsada.  Hindi ako dumiretso sa boarding house at nagpahatid kay Manong Driver sa cathedral. Ipagtitirik ko ng kandila ang aking pinsan na pumanaw last month. Sa edad na trenta y kwatro ay natalo ito ng cancer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya kasi parang naka-imprint na sa aking memorya ang kanyang masiyahing mukha.  And I felt guilty! Simula kasi ng malaman kong may kanser siya, sa f*******: na lang kami nag-uusap at ni minsan ay hindi tungkol sa kanyang sakit ang aming napag-uusapan. Natakot kasi ako noon na baka mas lalo niyang maramdaman na may malubha siyang sakit siya kung lagi ko itong ipaalala sa kanya. And he has his own priorities too. Sayang at hindi man lang kami nagkausap sa personal, mabuti pa ang mga kasamahan niya sa trabaho, dahil marami silang pictures na magkasama, samantalang ako ay konti lang at matagal na 'yon. What if kinumbinse ko siyang uminom ng supplements para sa kanyang cells, posible kayang maka-survive siya sa cancer?  "Sanjie, kung nasaan ka man ngayon, huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman pababayaan ang mga magulang mo. Ang lungkot lang na wala ka na. Pero kumusta na po pala kayo, diyan? Gusto mo ba ng beer?"  I just have so many regrets, I should have done that and this for him, but it's too late now. He's already gone! Pinahid ko ang aking mga luha nang maramdaman ko na parang may tao sa aking likod at sinasamyo nito ang aking buhok. Then I felt a tingle in the back of my neck.  But no, I was in the house of God, whom should I fear? Gathering all my strength, I turned around and came face to face with him. "Oh my God! Sinusundan mo ba talaga ako?" Tumaas ang aking boses nang makita ko si Ariel. "Ikaw ba ang may-ari nitong simbahan?" At namimilosopo pa siya kaya mas lalo akong nainis. "Naku, luma na ang istilo mong 'yan!" Inakala siguro ng lalaki na kinilig ako sa mga ginagawa niya.  "Hindi mo ba talaga ako ililibre ng almusal?" "Hindi! At walang dahilan upang gagawin ko 'yon!" "Naubos na kasi ang allowance ko sa pamasahe ng taxi, eh." "Inutusan ba kitang sumakay ng taxi?" "Please?" Kung hindi lang ako maawain sa mga galang aso at pusa, naku, walang mangyayari sa nakakaawa nitong hitsura. Wala na sigurong mas hihigit pa sa lalaki kung pakapalan ng mukha ang labanan. Iba din, eh. "Fine. Pero pagkatapos nito ay huwag mo na akong guguluhin, please lang din." "Okay, I promise. Magiging busy na rin kasi ako sa nobya ko simula bukas." Ah, may nobya naman pala siya! Siguro, kung ako ang nobya ng lalaki, hindi ko mapapayagan na makipaglapit ito sa ibang babae. "Alright, lets go. Nagugutom na rin kasi ako, eh."Dinala ko siya sa pinakamalapit na karinderya mula sa cathedral.  "Balbacua sa akin at kaning-mais," sabi ni Ariel sa serbidora habang ako naman ay natatakam na sa mainit na sabaw ng tinolang isda. "Tinolang isda naman sa akin at inihaw na pork belly." Umorder din ako ng maiinom, tubig sa akin at coke naman para sa lalaki. Matapos kong bayaran ang inorder na pagkain ay nagtungo na ako sa mesa kung saan naroon si Ariel. Tahimik lang ang lalaki habang kumakain at ganun din ako. Iba din talaga kapag city boy, kasi kahit mahirap lang ay hindi pa rin halata sa kutis nito. Napansin ko kasi na malinis ang balat ni Ariel, walang gasgas at parang alagang-alaga talaga ito. Mukhang mayaman kahit gipit sa pera. "Okay lang ba na mauuna na ako sayo?" Alangan naman kung pipigilan ko siya. Kung gusto nitong mauna, eh di mauna siya! Pero sobra naman ang lalaki, hindi man lang ba ito makapaghintay na matapos akong kumain? "Okay, nagmamadali ka yata, eh." "Do you want me to stay?" Ha? Nakakagulat naman ang linyang binitawan niya. Sus, baka hihirit lang ito ng isa pang libre. "Of course not!" "Talaga bang okay lang?" "Sabi ng oo, eh!" "Okay. Salamat sa libreng almusal, hayaan mo sa susunod, ikaw na din ang ililibre ko." "Naku, huwag na." Pagkatapos kong kumain ay umalis na rin ako mula sa karinderya at umuwi sa boarding house. Siguro ay tatrabahuin ko na lang ang aking blog tungkol sa pera at negosyong pinasok. "Erin, mabuti at narito ka na. Kanina ka pa kasi hinihintay ni Helena." "Talaga Ate Mai? O sige, pupuntahan ko muna siya." Pagdating ko sa third floor, nadatnan ko si Helena na kausap si Bugoy. "Ellie, kanina ka pa ba?" "Kararating ko lang. Teka, saan ka ba galing at mukha kang -?" "Puno ng saging?" Ako na ang tumapos sa kung ano man na gusto niyang sabihin. "Ganun na nga." Ah, siguro 'yon din ang dahilan kung bakit hindi ako napansin ni Chester. "Wala ka bang trabaho ngayon?" "Wala. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo kagabi at wala naman akong cellphone para itext ka." "Di bale na, so nag-almusal ka na ba?" "Tapos na, kumain na ako sa bahay." "So, dating gawi?" Sabi ko na ang tinutukoy ay ang panonood ng sine. May sinehan kasi malapit sa boarding house kung saan pwede naming uulit-ulitin ang panonood ng isang pelikula. "Pwede bang dito na lang tayo sa boarding house mo at magbasa ng mga novels, may dala ako rito eh. Noong isang linggo ko lang ito binili." "At magpadeliver ng chickenjoy!" excited kong wika habang binuksan ang pintuan ng aking silid. Kahit nasa sentro ng siyudad ang aking boarding house, maraming mga kahoy ang nakapalibot sa buong compound kaya keri lang kahit walang aircon sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang dalawang bintana na malalaki at saka nagpalit ng pambahay. "Ay expensive yan bes, iba na lang ang kakainin natin." Suhestiyon ni Helena sa akin. Sabagay, tama naman ito na may kamahalan ang isang bucket ng chickenjoy. "Ano ba ang gusto mo?" "Ano pa, eh di chichirya. Gusto ko 'yong boy bawang na cornick, ikaw ano'ng sayo?" "Boy bawang din at saka dingdong." "Eh di tara na at mamili ng chichirya sa supermarket!" Excited na wika ng kaibigan. Pero may pangamba ako dahil nakakasira sa ating kidney ang pagkain ng sobrang maalat. At alam naman natin na pagdating sa mga chichirya ay loaded ang mga ito sa sodium. "Eh, kung maglaga na lang kaya tayo ng kamote? O di kaya ay saging na saba, para healthy." "Naku, hayan ka naman. Hindi naman tayo kumakain ng chichirya araw-araw, noh!" "Sige na nga."  Walking distance lang ang supermarket galing sa boarding house kaya wala pang singko minuto ay nasa loob ng kami at namimili ng mga chichirya. "Ayaw mo ba ng champorado?" "Ngeh, ang init kaya ng panahon ngayon, tapos magluluto tayo ng champorado?" "Mamayang gabi na lang natin kakainin," sabi ko at ipinaglaban talaga ang aking paborito. "Hanggang alas-nuybe pa kasi ang klase ko mamaya, eh. Pero magkikita naman kayo ng ka-phonepal mo kagabi, siya na lang ang imbitahin mong kumain ng champorado."  "Hah! Speaking of that man, kailangan ko palang bumili ng bagong simcard!" Pambihira talaga, malaking abala kasi tuwing magpapalit ng bagong numero, eh. Kinakailangan ko pang ipaalam sa lahat ng contacts ko na may bago na akong number.  Isang plastic ng chichirya ang nabili namin ni Helena at hindi ako sigurado kong mauubos ba namin ito. Malapit na kami sa boarding house nang makasalubong namin ang tindero ng buko. Perfect! Gagawa na kami ng buko juice na may gatas, pwede ding lagyan ng biscuits tulad ng skyflakes para mas masarap.  "Manong, magkano po ang isa nito?" "Trenta po, mam." "Sige, bigyan mo ako ng tatlo." Habang hinihintay namin ang inorder na buko, muli akong kinausap ni Helena tungkol sa lalaking nakausap ko kagabi sa phone. "Paano kung pupuntahan ka talaga niya?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD