CHAPTER 5

4800 Words
NINE YEARS AGO On time dumating si Mr. Carillo at parang wala ito sa mood. Nakasimangot ang mukha ng instructor namin na parang natalo ito sa sugal o di kaya ay hiniwalayan ng nobya. Padabog nitong inilapag ang dala niyang libro sa mesa at pagkatapos ay bigla itong natahimik. "Roldan! Come here." Agad na lumapit si Roldan kay Mr. Carillo at para itong tuta na yumuko lang. "I-distribute mo itong questionnaire." Nang marinig namin ang sinabi niya, nagkatinginan kaming lahat dahil hindi naman nabanggit nito na may exam kami ngayon. Matapos ibigay ni Roldan sa amin ang mga questionnaire ay umupo na rin ito at kumuha ng ballpen. Nang tumingin ako sa gawi ni Mr. Carillo, nagalit ito. "Monceda, tapos ka na ba?" "Hindi pa ho sir," sumagot ako. "Ganun naman pala! Eyes on your paper!" Napahiya akong tumingin kay Roldan at nag focus na lang sa test questions. Kumuha ako ng scratch paper at nagsulat. "Anong problema niya?" At ibinigay ko ito kay Roldan. Tinanggap ni Roldan ang papel at isinulat din nito ang sagot. "Binasted daw 'yan ni Emily." "Emily who?" "Mamaya na lang tayo mag-usap." "Okay." Malakas ang aking kutob na ang sinasabi ni Roldan na Emily ay walang iba kundi ang aming instructor sa Humanities. Well, kung ako naman ang nasa katauhan ni Miss Emily, hindi ko rin sasagutin si Mr. Carillo. Hindi naman pangit ang lalaki, pero hindi rin ito gwapo. Uso lang ang hitsura nito sabi ng ibang mga mag-aaral. Ano kasi, medyo malapad ang noo ni Mr. Carillo, tapos parang paubos na rin ang buhok nito. Siguro, pwede na rin kung maganda ang pangangatawan ng lalaki, kaya lang, bagsak din si Mr. Carillo sa ganung aspeto. Pang daddy na kasi ang katawan nito dahil sa beer belly. "Finished or unfinished, pass your papers!" Ay, iba talaga kapag mabasted, masyadong mainitin ang ulo, at nagmamadali pa si Mr. Carillo. Natitiyak kong bagsak ang aking score sa exam na 'to. Andami kasing mga tanong na hindi ko nasagot ng maayos. "Roldan, pakidala na lang nitong paper ko. Nakakainis naman siya, bakit ba dinadamay niya tayo?" "Shhh, baka marinig ka ni sir." "Hmmp, bahala siya. May klase ka pa ba?" "Yup. Pero may kinse minutos pa naman, meryenda muna tayo?"  "Free?" "Syempre hindi, hindi mo naman ako pinakopya kanina, eh." "Eh, alam mo namang nangangamote din ang mga sagot ko kanina. Hayaan mo, pareho naman tayong bagsak sa exam na 'yon? Bwiset talaga si Mr. Carillo." "Kalma ka lang, ang puso mo, plastic yan. Sige Erin, mauuna na ako, nasa ibang palapag pa kasi ang aking next subject."  Nang makaalis na si Roldan, saka ko pa lang inayos ang aking mga gamit para umalis na din. Hindi naman ako nagmamadali dahil mamaya pa naman ang susunod kong klase at vacant ako ng mga dalawang oras. Siguro ay doon na lang ako sa library uli tumambay at magbasa ng mga marketing books. Kailangan ko pa rin kasi ng additional knowledge sa marketing, eh. "May naiwan ka ba? Bakit ka bumalik?" Tinanong ko si Roldan nang muli itong pumasok sa classroom namin. "May naghahanap sayo sa labas." Ah, baka si Helena! Ang bruhang 'yon, hindi man lang nagpaalam sa akin na mag change schedule siya! Magkaklase sana kami sa Cost Accounting, kaya lang nagpalit ng schedule ang babae dahil na r sa trabaho nito. Makakatikim siya sa akin ngayon! Bitbit ang aking bag ay nagmamadali akong lumabas ngunit hindi ko nakita si Helena. Nasaan siya?  Nilingon ko ang buong paligid ngunit wala talaga siya. Naku, mukhang pinaglalaruan lang ako ni Roldan, ah! "Teka, Roldan!Hintayin mo nga ako." Hinabol ko ang lalaki na papanaog na sa hagdanan. "Bakit?" "Ginugudtym mo lang ako, di ba? Eh, wala namang ibang tao sa labas ng room natin!" "Ay, sorry. Nakalimutan kong sabihin sayo na nasa kabilang side po siya naghihintay, sa may pasilyo going to the crim department." "Ganun ba? O sige, pupuntahan ko muna siya, bye." Kung may cellphone lang sana si Helena, tatawagan ko na lang sana siya. Mabilis akong naglakad upang magkita na kami kaagad. "Bulaga!" Sumigaw ako upang gulatin ang babae, ngunit ako ang nagulat nang makita kung sino ang nakatayo sa bahaging 'yon ng building. "Hello, Erin. Mabuti na lang talaga at nagpunta ako rito, kung hindi, magsisisi talaga ako habang buhay." "O, ba't ka naman naligaw sa building namin? Hindi ba't sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita pa o makausap man lang." "Tama. But I think we are destined to meet like this." Tinaasan ko siya ng kilay. May pa-english english pa itong nalalaman. Hah! "Destined, my foot!" "I'm Ariel Dalisay, ikinagagalak kong makilala kita." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niyang pangalan. Teka, hindi ba at iyon din ang pangalan ng lalaking kausap ko kagabi sa telepono? Oh my goodness! "Ikaw?" Nag-iinit ang aking pisngi nang maalala ko ang pinag-usapan namin kagabi. Bakit sa akin nangyari ang ganito? Matamis na ngumiti ang lalaki na para bang sinasadya nitong palabasin ang dalawa nitong dimples. "Your soulmate," sabi niya. "What? Anyway, since narito ka na rin lang. Mabuti na yong magkagliwanagan tayo pareho. Kung anuman ang napag-usapan natin kagabi, kalimutan mo na 'yon." "Ibi-break mo na ako kaagad? Kagabi lang naging tayo, tapos ngayon, ayaw mo na sa akin?" "Hoy, kung magsalita ka, parang inaano naman kita niyan. Syempre, sa telepono lang 'yon, hindi seryoso. Napakabata mo pa talaga upang seryosohin ang lahat ng bagay." "Ayoko. Kung kailan may naisip na akong tawagan nating dalawa, ibi-break mo na ako kaagad? Ang salbahe mo naman, Erin." "Ay, grabe. Ako talaga ang salbahe sa ating dalawa. Look, hindi mo ba naisip na ginugudtym lang din kita kagabi?" "Di ba wala ka namang boyfriend? Subukan mo lang ako kahit isang buwan lang, anyway open-minded ka naman." "At ano naman ang akala mo sa iyong sarili? Product sample?" Nakakaloka talaga ang isang 'to. Nauubusan na ako ng dahilan. What if, susubukan ko kayang magkaroon ng nobyo kahit isang buwan? Kaya lang, masyado pa siyang bata kumpara sa akin. "Sige na, pumayag ka na." "Ayoko. Wala naman akong mapapala sa pakikipagnobyo, eh." "Mali ka diyan. For example, pwede mo akong mahalikan anytime, i-date anytime. Andami kayang naghahabol sa akin." "Ah, so dapat magpasalamat pa ako sayo dahil ako itong pinili mo, ganun ba?" "Hindi naman sa ganun. Ewan ko sayo, andami mong dahilan. Ang kaibigan mo ba ay wala ding nobyo? Paano kung wala na siyang time para sayo? Eh di mag-isa ka na lang." "Wala naman siyang boyfriend, eh." "Talaga? So, sino 'yon?" At itinuro niya sa akin ang isang pares ng babae at lalaki na masayang nagkukwentuhan sa baba. Si Helena? "Ang advance mo namang mag-isip, nagkwentuhan lang, magnobyo na kaagad?" "Pustahan tayo. Doon ako sa may relasyon ang dalawang 'yan. Kung ako ang mananalo, tuloy ang usapan na nobya na kita. Game?" "Game." Kilala ko si Helena at hindi nito ililihim sa akin kung sakaling may nobyo na ito. Wala namang dahilan upang hindi niya sabihin sa akin dahil alam naman ng babae na susuportahan ko siya. Sabay kaming bumaba ni Ariel upang komprontahin si Helena. Sigurado akong matatalo ang lalaki sa aming pustahan dahil ako ang mas higit na nakakilala sa aking kaibigan. Nasa entrance pa lang kami ng quadrangle nang mapansin kami ni Helena. Kinawayan ko siya bago nilapitan. "Hi bes, kaklase mo?" Hindi siya sumagot kaagad at kahit saan napupunta ang mata ng lalaki. Nang mapansin nito ang aking kasama, biglang nagliwanag ang awra ng aking kaibigan. "Huhulaan ko, ikaw si Ariel Dalisay, di ba?" Sinaway ko siya sa kanyang ginawa. "Sa kasamaang palad, siya nga si Ariel Dalisay." "Wait, hindi ba at siya ang lalaking nakasama mo noon sa Yumyum?" "Hoy, hindi ko siya kasama, no. Naki-share lang siya ng table sa akin noon." "Aba, aba, aba! Isa itong malaking kababalaghan! Sa tingin ko ay meant to be talaga kayong dalawa." Gusto kong sabihin kay Helena na tumigil na ito pero sumabat sa usapan si Ariel. "Actually, kanina ko pa sinabi sa kanya na mag-soulmate nga kami." "Tumigil na nga kayong dalawa! Ikaw bes, hindi mo ba ako ipakilala dito sa kasama mo?" "Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Erin, this is Mark, my boyfriend." "Boyfriend? Kailan ka pa niligawan ng isang ito?" "Dati pa. Hindi mo ba siya naalala? Siya yong drummer sa public highschool ng lungsod natin, remember?" Tiningnan ko ulit ang lalaki. Ay, kamukha nga! "Kailan pa naging kayo? At bakit mo ito inilihim sa akin?" "Honestly, ngayon ko pa lang siya sinagot, eh." "What??"Kung ganun ay mukhang sinuswerte nga talaga si Ariel. Diyos ko, baka kapamilya talaga ito ni Cardo Dalisay na kahit ilang beses ng sinubukang patayin, ay buhay pa rin hanggang ngayon at mukhang magtatagal pa hanggang 2075. "Hello Mark, ako nga pala si Ariel, nobyo din ni Erin." Nagkatinginan muna kami ni Helena bago niya ako hinila sa may gilid kung saan pwede kaming makapag-usap na hindi maririnig ng ibang tao, particularly nila ni Mark at Ariel. "Tama ba yong narinig ko na nobyo mo na siya?" Tinanong ako ni Helena na parang ayaw nitong maniwala sa sinabi ni Ariel. "Yes, at kasalanan mo 'yon, bruha ka. Kung dati ay sinabi mo na sa akin na manliligaw mo ang isang 'yon, sana'y hindi ako natalo sa pustahan namin kanina." "Pustahang ano?" Muli kong ikinuwento ko kay Helena ang naging usapan namin ni Ariel sa telepono, pati na ang part kung saan tinanong ako ng lalake kung virgin pa ba ako at ang sagot ko naman ay hindi. Lahat 'yon ay ipinagtapat ko sa aking kaibigan kaya tawang-tawa siya sa mga kaganapan.| "So iyon, may instant boyfriend na ako. Double date na lang tayo pag may time." Malakas na tumawa ang babae at hinampas ang aking braso. "Sira ka talaga, Erin. Paano kung malaman ng mga Kuya mo? Kaya mo ba siyang ipaglaban?" "Ipaglaban agad? Hindi pa naman ako mag-aasawa eh, unang araw ko pa lang na may nobyo." "Tama, at pareho tayo. So, let's enjoy na lang muna?" "Syempre, basta ang importante, hindi natin isusuko ang ating mga bandila." Sabi ko kay Helena. "Syempre hindi! Bweno, nagmeryenda ka na ba?" "Hindi pa, eh. Kayo?" "Tapos na, sabay kaming kumain ni Mark sa Plaza Fair." "Wala ka na bang klase?" "Mamaya pa ang next subject ko kaya dito muna kami ni Mark. And for you bessy, mas mabuti pang mag-snacks muna kayo. Pero infairness sayo, hindi ko inexpect na isang highschool student ang maging una mong nobyo." "Feeling ko, parang gusto mong sabihin sa akin na para na akong sugar mommy para kay Ariel, tama?" "Slight lang. Pero syempre, ikaw ang mas nakakatanda." "Ay grabe ka bes, wala naman akong balak maging sugar mommy ano, but of course, ayokong magpalibre sa kanya. Siguro ay mag-KKB na lang kami parati tuwing may date." KBB means kanya-kanyang bayad. "Ayun! O sige, kanya-kanya muna tayo ngayon sa pag-aasikaso ng ating lovelife. Go, kunin mo na si Ariel at iwanan nyo na kami, please lang." "Sabi mo, eh." Tinawag ko si Ariel at nagpaalam kaagad ito kay Mark. "Meryenda muna tayo," sabi ko. "Sure, ililibre kita ng burger diyan sa likod ng university." "Kaya ba ng allowance mo?" Mahal na din kasi ang burger sa mcdo, eh. at Mcdo lang naman ang may burger sa likod. "Ako pa! Let's go," sabi ng lalaki at hinawakan niya ang aking kamay, binawi ko ito ngunit hindi bumitiw si Ariel at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak niya sa aking kamay.  "Pwede bang bitawan mo na ang aking kamay? Nakakahiya, o." "Sa gwapo kong ito, mahihiya ka pa rin?" "Hambog mo talaga," sabi ko kahit totoo naman na may hitsura ang lalaki. "Ilang taon ka na pala?"  "Twenty." "Twenty? Bakit hindi ka pa nakapag-college?" "Tumigil kasi ako after the accident." Wala na akong follow-up question pagkatapos nitong banggitin ang accident. Ayoko pa kasing maglevel-up ang relasyon namin dahil unang araw pa lang naman. Ayokong ma-involve sa kanya emotionally. "I see. At least okay ka na ngayon at nakapag-aral na ulit." Ilang metro na lang ang distansya namin sa Mcdo nang huminto ang lalaki sa tapat ng isang matandang babae na nagtitinda ng hotcake, tinapay at kwekkwek. "Manang, dalawang burger nga po, at dalawang coke." Shit! So dito lang pala kami sa turo-turo magmeryenda? Kung sinabi nitong dito lang, ako na lang sana ang magbabayad sa Mcdo. Hindi kasi ako sigurado kung malinis ba ang pagkagawa ng pagkaing nasa bangketa ibinibenta, eh. But of course, ayaw ko rin namang saktan ang kanyang damdamin kaya ngumiti na lang po ako. Nang ibigay niya sa akin ang burger na  tinapay lang naman na nilagyan ng mayonnaise at nakabalot sa plastic, agad ko itong kinagat at nginuya. "Masarap," sabi ko.  "Sabi ko sayo, eh. Nakakamura ka na, nakatulong ka pa kay Manang sa kanyang hanapbuhay, kaysa doon ka sa Mcdo kakain, mayayaman na sila eh." "May point ka diyan. So magkano ang isang 'to?" "Ten pesos lang ang burger at ten pesos din ang softdrink. So, bente lang kada isa. Kung sa Mcdo tayo, siguro ay aabot ng one hundred peso ang mababayaran natin." Nakatayo lang kami sa gilid ng paninda ni Manang habang kumakain ng burger at umiinom ng malamig na softdrink. Napadighay pa ako nang maubos ko ang aking meryenda. "Nabusog ka ba?" "Hmmm, pwedeng isa pa?" sabi ko at tumawa ako ng malakas sabay sabing "joke lang". Tumawa rin si Ariel at  kinurot niya ang isa kong pisngi. "Ang cute mo talaga," sabi niya sa akin at naniwala naman ako. Araw ng sabado at araw din ng paglalaba. Although mayroong laundry shop sa tapat ng boarding house, mas gusto ko pa ring maghandwash lang tutal ilang piraso lang naman ang lalabhan ko. Sa boarding house namin ay mayroon talagang laundry area para sa mga tenants. Nasa likod ito ng bahay, may gripo, mga balde at sampayan. Pwede ring maglaro ang mga bata habang naglalaba ang kanilang ina dahil malawak naman ang lupain na natatabunan ng bermuda grass. Kahapon ay magkikita sana kami ni Ariel tulad ng napagkasunduan ngunit hindi ito tumupad sa usapan. Siguro ay may bago na itong girlfriend. Hmmm, bahala siya sa buhay niya! Okay lang naman sa akin kapag ganun nga, kaya lang ay hindi ko mapigilan ang aking utak na isipin siya. Kaloka naman 'to!  Isang araw lang naman kaming nagsama ngunit parang type ko na rin siya. Maginoo kasi si Ariel at palabiro din. Hindi ito boring kausap at maraming tricks na nalalaman upang pakiligin ako ng husto. Mukhang sanay na talaga siya sa pakikisama sa mga babae at ako naman na first time pang makikipagrelasyon sa isang lalaki ay tuwang-tuwa naman sa mga pinagagawa niya. Simpleng pisil lang sa pisngi at HHWW ay para na akong nakalutang sa alapaap. Feeling ko, ang ganda-ganda ko na. Sinaway ko ang aking sarili dahil hindi ako matatapos sa paglalaba kung palaging siya ang laman ng aking utak. "Hi." Muli na naman akong nawala sa sarili nang marinig ko ang boses ng lalaki. Nang tiningnan ko siya, mas lalong na blanko ang aking utak. Ang gwapo niya sa suot na maong pants at puting sando! Fresh sa aking paningin na naka-tsinelas lang siya at kaswal ang kasuotan. Binatang-binata siya sa kanyang hitsura ngayon at para akong character ng isang anime na naglalabasan ang mga hugis puso mula sa aking mga mata habang nakatitig sa kanya. "Bakit ka narito?" Tinanong ko siya nang makabawi ako mula sa pagkapraning. "Namiss kasi kita. Pasensya ka na at wala ako kahapon, wala kasi kaming klase at nagpasama si Cleo sa akin papuntang Simala." Nagpanting kaagad ang tenga nang marinig ko ang pangalan ng isang babae. Teka nga muna, nagseselos ba ako? "Who's Cleo?" "Sister ko." Kapatid daw. Who knows kung magkapatid ba talaga sila? "I see. Sabi mo ay varsity player ka, wala ka bang practice ngayon?" "Actually, meron. Kaya kita pinuntahan dito dahil gusto kong panoorin mo ako sa gym." "Saka na lang ako manonood, may gagawin pa kasi ako, eh." "Itong paglalaba? Konti lang naman 'to, kaya tulungan na kita." "No!" Pinigilan ko ang lalaki nang bigla itong umupo sa harapan ko at gustong tumulong. "Doon ka na lang maupo sa ilalim ng acacia." Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang aking puting blouse. Mabuti na lang at mabula ang sabon na binili ko mula sa kaklaseng nagdi-deal ng mga personal collection products, kung hindi, makikita sana ni Ariel ang aking mga panloob na nakababad sa ilalim. "Eh, gusto kitang tulungan." "I said no." Diniinan ko ang pagsasabi ng hindi upang malaman nito na seryoso talaga ako. "Pwede bang dito na lang ako? Panonoorin na lang kita habang naglalaba ka." "Mas lalong hindi pwede!" "Ah, alam ko na kung bakit. Siguro ay mga underwear ang nasa ilalim ng mga bulang iyan, ano. Natatakot ka bang pipintasan ko ang mga damit mo?" "Bakit naman ako mahihiya eh Avon kaya itong mga panty at bra ko." "Ah, iyong mga bulaklakin na parang pang Flores de mayo?" "Oy hindi naman lahat ng design sa Avon ay bulaklakin. Mayroon din namang plain lang." "Meron nga, pero purple naman ang kulay o di kaya ay orange. Or baka 7 in 1 ang nabili mo, iyong may nakasulat na Monday to Sunday?" "Tse!" "Gusto mo bang hulaan ko ang anong kulay ang suot mo ngayon?" Dahil sa inis ay nasabuyan ko siya ng tubig na may bula. "Ayaw mo pa rin bang umalis?" "Sus, hindi ka talaga mabiro." Pagkasabi ay tumayo ang lalaki at hinubad ang sando na nabasa. "Pahiram na lang ng susi sa kwarto mo at doon na lang kita hihintayin." "Ano? Bawal ka doon." "Nagpaalam na ako kay Ate Mai at pumayag na siya. Isa pa, kilala naman ako ng mga boarders sa itaas. Pwede bang labhan mo na rin itong sando ko?" Ang kapal talaga niya! Itinapon ko ang kanyang sando ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay kinuha ko rin ito, nilabhan at isinampay. Ewan ko ba kung bakit nagpapauto ako sa kanya. Paakyat na ako sa itaas nang mapansin ako ni Ate Mai na siya ring paglabas nito mula sa karinderya. Binati ko siya ng good morning. "Erin, nagkita na ba kayo ng nobyo mo?" "Opo." Nahihiya akong tumango kay Ate Mai dahil noong isang araw lang kami nag-usap at sinabi ko sa kanya na wala pa akong nobyo, tapos ngayon ay mayroon na. "Mamaya, tanungin mo siya kung may uncle ba siya o nakakatandang kapatid na pwede niyang ireto sa akin." "Ikaw talaga Ate Mai." "Ang pogi naman kasi ng batang 'yon. At sakto din sa height at mukha din namang mabait." "Pero chixboy po siya, Ate." "Ganun naman lahat ang mga lalaki. Sabi nga nila, mas masarap magmahal ang mga tipo ng boyfriend mo ngayon." "Ngeh!" "Sige na, umakyat ka na at baka maagaw pa 'yon ng iba." Parang  manghuhula talaga si Ate Mai dahil nadatnan ko si Ariel na masayang nakikipagharutan kay Marjo. Hindi ba nito nahalata na may pagtingin sa kanya ang kaklase nitong babae? "Shadi!" Tinawag ko siya gamit ang endearment na naisip ko. Sumenyas ang lalaki gamit ang kanyang mga makakapal na kilay kung siya ba ang tinawag ko. "Marj, hihiramin ko lang sandali itong boyfriend ko." "Ikaw ang girlfriend niya? Pero mas bata siya sayo." "Wrong. Kasi same lang naman ang age namin, eh." "Ganun? So, bye Ariel, mukhang malabo na maging tayo. Huwag mong saktan si Ate Erin ha." Nagpaalam si Marjo na may gagawin pa daw pero alam kong nagdadahilan lang siya. Pero okay na din na umeksit na ang babae para makapag-usap kami ni Ariel. Eh, ako naman kasi ang pinuntahan niya, di ba? Binuksan ko ang aking silid at pumasok kaming dalawa. "Simula ngayon, shadi na ang tawagan nating dalawa." " Bakit shadi at hindi na lang honey or babe?" "Iyon ang gusto ko!" "Okay, your wish is my command, shadi." Omg, bakit ako pa yata itong nahihiya na tawagin siyang shadi? Ang bilis naman niyang maka-adjust. "I like your room, it's neat and so feminine. Maybe you should teach my sister on how to be a girl." Naintriga na talaga ako sa kapatid nitong si Cleo. "Tibo siya?" "Of course not. Mas gusto lang niya ang makalat na silid." "I see. Sige, maupo ka mauna at maliligo lang ako sandali." "Okay, shadi." Gosh, parang naalibadbaran ako sa tawagan naming dalawa. "May mga magazines diyan na pwede mong basahin." "Hmmm, ayaw mo bang tulungan kita sa paliligo mo? Baka hindi mo maabot ang iyong likod kapag mag-scrub ka na, I can do it for you." "Tse!" Padabog kong isinara ang pintuan ng banyo. Pilyo talaga itong si Ariel, at kung hindi ako mag-iingat ay baka madisgrasya ako ng lalaki.  Paglabas ko ng banyo ay naroon pa rin si Ariel sa kinauupuan nito kanina at abala sa paglalaro ng Candy Crush. Fan din kasi ako ng candy crush dati pero ngayon ay nagsawa na ako. Kumbaga, tapos na ang kahibangan ko sa larong cc.  "Wow, sariwang-sariwa! Pwede sa kilawin!" Sabi niya nang lumabas na ako at nakabalot pa rin ng towel ang aking basang buhok.  Noong una ay hindi ko siya na-gets agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Inihalintulad ba naman ako sa isda!  Siguro ay kailangan ko ng palitan ang nasirang hairdryer sa loob ng banyo. Ayokong mabastos ulit dahil lang sa bagong ligo ako at basa pa ang buhok.  "Kung babastusin mo lang ako ay mabuti pang umalis ka na lang," sabi ko sa kanya. "Joke lang naman, sorry na, please?" "Fine," sabi ko at umupo sa isang bakanteng silya malapit sa aking higaan. "So, what time ang practice ninyo? Hindi ka pa ba mali-late?" "Actually, kanina pa ako late." "Ano pa ang hinihintay mo? Umalis ka na, baka masabon ka ng coach ninyo." Hindi naman sa pinapaalis ko siya, concern lang ako sa pagiging player niya. Ang alam ko kasi ay libre ang tuition fee ng mga varsity player sa school namin.  "Paaalisin mo ako ng nakaganito lang?" Itiniruo niya sa akin ang kanyang upper body na walang suot na sando.  Pero mamaya pa kasi matutuyo ang damit niya dahil wala naman akong dryer, nakasalalay lang sa init ng araw ang aking isinampay. "May extra tshirt naman ako diyan, 'yong sa intrams na may print, try mong isukat." "Ano'ng kulay?" "Kulay dilaw. Noong second year ako, large kasi ang naibigay sa akin na tshirt kaya hindi ko nagamit."  "Salamat, pero hindi bagay sa akin ang yellow." "Ang arte mo naman, ilang metro lang naman ang lalakarin mo patungong gym eh." "Basta ayoko sa dilaw, dito na lang muna ako sa boarding house mo." "Sus, gusto mo na namang makalibre ng tanghalian, eh." "Bakit mo alam?" "Whatever. Matulog ka na lang muna kung bored ka, may gagawin pa kasi ako." "Sabay tayong matulog?" "Ano ka hilo? Kita mo naman na basa pa ang buhok ko, tapos patutulugin mo ako? Ayoko pang mabulag, no." "Bakit ka naman mabubulag?" Bakit nga ba? "Basta iyon ang lagi kong naririnig mula kay Mama, kaya bawal matulog kapag basa pa ang buhok." "Sus, wala namang koneksyon ang mata sa buhok. Baka ayaw lang ng mama mo na mabasa ang unan kasi matagal itong matuyo." "Hmmm, pwede rin. Magbasa ka na lang kung gusto mo, basta may tatapusin lang ako saglit." "Hindi ba pwedeng mamaya na lang 'yan at mag-usap  muna tayo? Magkwentuhan? Like getting to know each other?" "Ang oa naman ng getting to know each other. Tutal if ever na magtagal tayo, malalaman rin naman natin ang lahat tungkol sa isa't-isa, di ba?" Nang mapansin ko na parang hindi niya nagustuhan ang aking sagot, nag-isip ako ng paraan kung paano namin ma-achieved ang gusto niyang getting to know each other na stage. "Wait," tumayo ako at nagtungko sa cabinet na lagayan ko ng mga books at ibang notes. May nabili kasi akong biodata dati para sa project namin. Kinuha ko ito at ibinigay ang isang kopya sa lalaki. "Isulat mo na lang dito lahat ng mga personal details mo, okay? Then exchange tayo mamaya at sabay nating basahin kung ano ang mga naisulat natin, game?" "Ang labo mo naman, bakit biodata pa? How about kung i-add na lang kita as friend sa f*******:?" "Pwede rin, pero later na lang 'yon. Tanggapin mo na kasi itong biodata." Pwede naman ang f*******:, kaya lang, gusto kong may pagkakaabalahan siya para hindi niya ako guluhin. I have to check my usana business dahil ilang oras na lang at cut-off na para sa weekly commissions at rank advancement. May target kasi akong goal, eh.  Kinuha ko ang aking tab ang binuksan ang usana hub na app. Omg! Three hundred points na lang ang kulang at ma-hit ko na ang aking goal. Sayang kung palalampasin ko pa ang pagkakataon! Pansamantala kong iniwan ang app ng usana hub at binuksan ang aking messenger at nag-message sa  team. Oh no, walang nag-reply kahit isa man lang sa kanila kaya nag-iwan na lang ako ng inspirational quote para ma-hit din nila ang kani-kanilang goal for this week. "What's that?" Nagulat ako nang biglang nagsalita ang lalaki sa aking likuran. "Kanina ka pa diyan?"  "Medyo, pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinagkaabalahan mo." "Familiar ba sayo ang Usana?" "Of course. Iyan po kasi ang food supplements ng team namin sa school. Parang member din ang coach namin, pero hindi ako sigurado." "I see. So, nagustuhan mo ba ang product?" "Yup." "Wala ka bang balak na bumili para sa parents mo o sa mga kapatid mo?" "So, nagsi-sales talk ka ngayon, sige galingan mo pa, baka bibili ako mamaya." "Huwag na nga lang." Naniniwala ako na kung para sa akin ang minimithi kong rank advancement ay mapupunta pa rin ito sa akin. In god's time. "Paano ba maging member ng Usana?" Interesado ba talaga siyang sumali or ginagago niya lang ako? But still, kailangan kong i-explain sa kanya ang nature ng business at syempre ang ibang produkto ng Usana. Magsasign-up man siya o hindi, ginagawa ko pa rin ang trabaho ko na i-share ang vision ni Dr. Wentz. Pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya ang lahat, natahimik ito at parang nag-iisip talaga. "So?" "So, what are you waiting for? I-enrol mo na ako. Nag-alala ka ba na wala akong pambayad?" "Nope, hindi naman sa ganun, sure ka na ba talaga? Walang bawian?" Hindi naman kasi problema ang pangbayad dahil pwede ko naman siyang pautangin kung sakali pero char lang. Ibinigay niya sa akin ang kanyang biodata at credit card. Nang makita ko ang pangalan ng school namin sa card, alam kong isa ito sa kanilang mga privilege. "I'm sorry, pero next time ka na lang mag sign-up. Wala ka pa kasing TIN, eh." "Ganun ba? Sayang. Di bale, magkwentuhan na lang tayo." "Pwede rin. So ano naman ang pag-uusapan natin?" "Shadi, itong sasabihin ko sayo ay top secret ng team namin, maski kay Helena ay huwag mong sasabihin." "Tsismoso ka pala, sige shoot. Sabihin mo na kaagad ang top secret na 'yan." "Kilala mo naman ang coach namin di ba? As you can see, hindi siya masyadong gwapo, pero karinyoso naman at palabiro. May crush kasi siya na HRM student, di ba malapit lang naman ang building ng HRM sa gym?" "Yup," sumagot ako. "Alam ng babae na crush siya ni coach." "Eh di maganda, hindi na siya mahihirapan sa pagdidiskarte sa babae." "Mali ka diyan. Insecure si coach sa ibang manliligaw ng crush niya." "So, ano'ng ginawa ng coach mo para magustuhan siya ng babae?" "One time, may dala siyang malaking box ng prutas, inakala ng mga boys na para sa amin 'yon, hindi pala." "Para kay girl ang prutas, tama?" "Exactly! Hinatid niya ang malaking box na 'yon sa classroom ng babae, syempre nahiya si girl, tuloy nabasted siya doon mismo sa classroom na 'yon." "Kawawa naman pala siya." "Hindi ka ba natatawa sa kwento ko? Imagine, isang box ng prutas talaga ang dala-dala niya tapos nabasted lang." May nakakatawa ba sa ikinuwento niya? Parang wala naman. Nakakaawa nga ang coach niya, tapos matatawa pa ba ako?  "Hindi naman kasi comedy ang nangyari sa coach mo, nakakaawa nga siya, di ba?" "Iba ka talaga , shadi. Joke kaya, yon!" "Galingan mo kasi ang pagkwento, baka matawa na talaga ako." "Hmmm, mabuti pa ay ito na lang ang gawin ko sayo."  Bigla niya na lang akong kinabig at hinalikan sa labi, pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. Ganito ba talaga kapag first kiss? Nakakatulala! At nakakahiya! Parang hindi ko na kayang salubungin ang kanyang mga titig sa akin. Jus ko Lord! Na-conscious tuloy ako kung hindi ba ako bad breath o amoy kilikili. Ang lapit niya kasi sa akin at parang gusto pa niyang ulitin ang kanyang ginawa kanina.  "Hoy! Lumayo ka nga!"Sa wakas ay nagawa ko siyang itulak. Pero infairness, ang tigas ng dibdib ni Ariel. "Takot ka bang mahalikan ulit? Eh, pwede ko namang ibalik sayo ang ninakaw kong halik kanina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD