CHAPTER 3

4292 Words
NINE YEARS AGO First day of School. Pagdating ko sa universidad, nahawa ako sa excitement ng mga freshmen. Grabe talaga sila, sobrang ingay, at ang gulo-gulo. Halos hindi na ako makadaan papuntang stairs na malapit sa canteen dahil andami nila. "Excuse me po," pasintabi ko sa mga estudyante na ewan ko lang kung bakit kailangan pang tumambay sa labas ng kantena kung pwede naman silang pumasok doon.  Hawak-hawak ko ang aking studyload habang paakyat sa hagdanan patungo sa ikaanim na palapag ng building. Sino kaya ang magiging instructor namin sa Cost Accounting? Huwag naman sana si Mr. Escudero! May reputasyon kasi ang guro na pahihirapan ang mga estudyante nito. Hindi na rin mabilang ang mga estudyante na pinaiyak nito dahil sa maliliit ang mga gradong nakuha lalong-lalo na ang mga estudyante na nasa block section, kung saan requirement ang i-maintain ang kanilang mga grado upang muling maka-enrol sa block section sa next semester. Nasa ikaapat na palapag pa lang ako nang maisipan kung tumigil muna sa pag-akyat dahil parang sasabog na ang aking baga. Hindi kasi uso ang elevator sa pinapasukan kong unibersidad, at kapag business courses ang kinukuhang kurso, kadalasan ay nasa 4th-6th floor talaga ang mga klase. Makalipas ang ilang minuto ay paakyat na akong muli nang makasalubong ko ang mga nagtatakbuhang highschool students. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito sa Teresita Building? Sa tingin ko ay mga basketball player ang mga ito dahil sa kanilang mga height or masyado lang talaga akong assuming. Porke ba at matangkad ay basketball player kaagad? Echus! "Miss, mukhang kinakapos ka yata sa paghinga? Kailangan mo ba ng mouth to mouth?" Dinilatan ko ang binatilyong nagsasalita. "If you have nothing good to say, don't say anything!" Sabi ko sa kanya na umani ng pangangantyaw mula sa mga kasamahan nito. "Hanep, pare ko, englisera pala itong si miss beautiful." "Naku, pare. Ligawan mo na para hindi ka na ibagsak ni Ma'am sa english, may nobya ka na, may tutor pa!"  Napuno ng tawanan ang stairway ng building kaya hindi na ako nakatiis pa mula sa pagkapahiya. Ano naman ang laban ko sa isang grupo na mga pilyong binatilyo? "Excuse me," sabi ko at nagpapatuloy na umakyat papunta sa 6th floor. "Miss, nakalimutan mo yatang ibigay ang cellphone number mo!" tawag nung isa ngunit hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa aking pupuntahan. Ilang minuto na lang at mali-late na ako. Nakakahiya kapag unang araw, tapos late kaagad. Pagdating ko sa 6th floor, kaagad kong hinanap ang room 619 na nakalagay sa studyload. Nang hindi ko ito makita, nagtanong-tanong ako sa ibang estudyante na naroon, at itinuro nila sa akin na ang aking room assignment ay nasa building ng mga criminology students. Muli kong tiningnan ang aking studyload. Oo nga, bakit hindi ko napansin ang letrang karugtong sa 619?  "Paano nga po pala ako pupunta doon sa building nila? Kailangan ko pa bang bumaba?" "Naku, hindi na kailangan. From here, just go straight, then turn right. Siguro nasa mga fifty meters from the corner, ay may makikita kang library. Sa gilid nyan ay may daanan papunta sa building na hinahanap mo." "Thank you po," nagpasalamat ako sa estudyanteng nagbigay sa akin ng direksyon. "No problem. Oo nga pala, ako si Roldan, graduating ng Customs Administration. Ikaw, ano'ng pangalan mo?" Naku, mukhang presko iyong napagtanungan ko at nakipagkilala kaagad, pero syempre, hindi naman pwede na susungitan ko siya. "Erin. Sige po ha, nagmamadali kasi ako, at malapit nang magsimula ang klase namin." "Gusto mo bang ihatid kita doon?" Nag-offer si Roldan. "Naku, huwag na. Maabala ka pa, sige, bye." Nagmadali akong makaalis palayo kay Roldan dahil hindi ko type ang style niya. Masyadong presko kasi ang dating! Grabe talaga ang araw na 'to. Lahat ng nakasalubong ko ay pawang mga chicksboy. Habang naglalakad ako patungo sa building ng mga criminology, pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakaupo sa pasilyo. Ano'ng problema nila?  Bakit hinayaan ng Dean ng Criminology na pakalat-kalat lang sa pasilyo ang mga mag-aaral nito? Nang marinig kong nagtatawanan ang ilan sa kanila, binilisan ko ang aking paglalakad. Finally, nahanap ko na rin sa wakas ang aking room. Agad akong pumasok at pumili ng mauupuan. Doon ako sa may dulong bahagi pumuwesto at tahimik na naghihintay sa magiging instructor namin. "Hoy, Erin! Nag-enrol ka rin pala ng Cost Accounting?" Nilingon ko ang lalaking nagsasalita, at nakilala ko si Archie. "Hindi kita napansin nang pumasok ako, hindi ba at tapos ka na sa subject na ito last sem?" Magkaiba ang aming major, pero sa mga minor subjects at iilang major ay magkaklase kami ng lalaki. "Eh, ibinagsak ako ni Escudero, kaya no choice kundi ang mag-enrol muli." Sabi ni Archie. "Paano kung si Escudero muli ang instructor ngayon?" Tinukso ko siya. "Hmmm, andito ka naman, eh. Pakopyahin mo na lang ako," sagot niya. "Ah, ganun ba 'yon? O sige ba, basta ilibre mo ako palagi ng snacks. Ang hirap kaya mag-study tapos pakokopyahin lang kita." Hindi naman bobo si Archie, sadya lang talaga na mahirap ang Cost Accounting. Ako nga, nang mabasa ko ang librong nabili ko sa National Bookstore nung isang araw tungkol sa aming subject, parang gusto ko na ding mag-shift sa ibang kurso. "Deal. Basta isang burger lang at isang softdrink. 'Yan lang ang kaya ng budget ko, eh." Pumayag si Archie, ed di wow naman! "Deal! Ikaw kasi, laging ang nobya ang tanging laman ng utak mo, kaya nahihirapan ka tuloy sa mga subjects natin." Pinagsabihan ko siya tungkol sa kanyang nobya na naging dahilan upang hindi makapag-aral ng husto si Archie. "Subukan mo kasing magnobyo para maintindihan mo ang feelings ko," tila nagalit yata siya ng banggitin ko ang kanyang gf. "Ayoko nga. Bawal pa sa akin ang makikipagnobyo, eh."  "Bahala ka sa buhay mo, basta masarap sa pakiramdam ang may minamahal." Hihirit pa sana ako nang biglang pumasok ang magiging instructor namin. Jusko Lord! Si Mr. Isko nga! Nagkatinginan na lang kami ni Archie at tahimik na kinuha ang aming libro. Wala kasing sinasanto ang naturang guro, hindi uso ang introduction phase tuwing first day ng klase, at exam kaagad! "Good afternoon, everyone! I'm sure na kilala n'yo ako," sabi ni Mr. Escudero. "Yes, sir!" Sabay na sumagot ang iilan sa mga kaklase ko.  "Sino sa inyo rito  ang first-timer na ako ang magiging guro?" Itinaas ko ang aking kanang kamay, at ganun din ang ginawa ng mga kaklase ko. Ano kaya ang pakulo ni Mr. Isko, bakit kailangan pa ang ganito? "Alright. At sa mga estudyante na nasubukan na ang aking pagtuturo, itaas ang kamay." Nilingon ko si Archie,ngunit parang nag-aatubili itong itaas ang kanyang kamay. Sinenyasan ko siya na gawin ang gusto ng guro. "Good. First-timers, look at them. Sila 'yong mga estudyanteng bumagsak sa cost accounting last sem." Doon na ako kinabahan sa sinabi niya. Almost seventy-five percent kasi ng klase ay mga naging estudyante na ni Mr. Isko. Baka, mapurnada pa ang pagtanggap ko ng diploma? "Huwag muna kayong kabahan kasi may magandang balita naman akong dala para sa inyo, lalong-lalo na sa mga graduating nitong semester na 'to." Good news daw? Ano naman kaya to? "Actually, I have an emergency situation at home. Hindi ko na i-detalye ang buong pangyayari, basta simula ngayong araw ay nagbitiw na ako bilang instructor. Si Mr. Carrillo na ang papalit sa akin dito. So, I hope na lahat ng graduating ay makapasa. Good luck everyone." At nagsigawan kaming lahat nang tumalikod si sir. Tuwang-tuwa, eh! Kapag mwf ay broken ang aking schedule sa klase. After the first subject, may dalawang oras ako na breaktime at pwedeng maglakwatsa sa malapit na Department Store. Dahil malapit lang naman ang aking boarding house mula sa school, mas pinili kong umuwi at magpahinga. Bukas na lang ako pupuntang library tutal kakasimula pa lang naman ng klase. Ngunit pag-uwi ko sa nirerentahang silid, napakaimposible na makatulog ako saglit sa sobrang ingay. Parang nagpa-children's party yata ang isa sa mga nangungupahan. Problema talaga kapag hindi exclusive sa mga estudyante ang boarding house. Naisipan kong bumalik na lang sa school at sa library na lang ako magpalipas ng oras. Paglabas ko ng silid ay siya ring paglabas ni Marjo, kapatid ng may birthday party. "Ate Erin, kanina ka pa ba diyan? Snacks ka muna dito sa amin, birthday kasi ni bunso." "Salamat pero nagmamadali kasi ako, eh. May kinuha lang ako sa loob, i-greet mo na lang ako kay bugoy ng happy birthday."  "Ganun ba? Hmmm, wait lang ha, kukuha lang ako ng sandwich para dalhin mo sa school." Nagmagandang-loob si Marjo na bigyan ako ng sandwich. "Nakakahiya naman sayo,Marj." Gusto ko sanang tumanggi dahil nakakahiya naman kasi. "Sus, minsan lang naman may ganito sa amin. " Muling pumasok si Marjo sa kanila at nang lumabas ito ay may dala ng sandwich...at kasamang lalaki. "Ate Erin, si Ariel  nga pala, kaklase ko." It was him! Never kong makakalimutan ang pagmumukha ng estudyanteng 'yon! "Ah, nag-cutting classes ka, ano?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na maging mataray. "Medyo," sagot niya. Naks, ni hindi man lang ito nahiya sa sinabi niya. "Salamat dito Marj ha, sige tutuloy na ako." "Sabay na lang po kayo ni Ariel kasi babalik na rin siya a skul," sabi ni Marjo. "May dadaanan pa kasi ako," sabi ko kay Marjo bago ko kinausap ang binatilyo. "Alam mo naman siguro ang daan pabalik sa skul diba?" Tinanong ko ang lalaki habang magkasunod kaming bumaba. "Yup." "Mabuti kung ganun, kasi wala akong panahon para maging yaya mo." "Hindi naman yaya ang kailangan ko kundi girlfriend," sumagot pa. "Asus, ang bata-bata mo pa, girlfriend lang ang inaatupag mo. Ano naman kaya ang magiging future mo?" Tinanong ko siya. "Future kaagad? Hindi ba pwedeng mag-enjoy muna habang bata pa." Antipatiko talaga si Ariel at sobrang angas ang dating. "At ano naman ang akala mo sa babae, aber? Laruan lang ba ang tingin mo sa amin? Kung balak mong maglaro, sana nag sports attire ka na lang."  "Grabe siya o. Kung maka-judge, wagas. NBSB ka ba?" Nagtanong siya, pero iba ang dating sa akin ng tanong niya sa totoo lang. "Eh, ano ngayon kung NBSB?" tinarayan ko siya. "Ahhh, I see. Ganyan naman palagi ang mga NBSB, umaastang mataray pero ang totoo, gusto lang magpapansin sa aming mga lalaki." Ano raw? Nagpanting ang aking taynga sa kanyang sinabi. Ako? Umastang mataray para mapansin niya? Wagas din kung mag-assume ang mokong na 'to. "FYI, you are not my type!" Hindi uubra sa akin ang pagiging matangkad niya. So what kung may pagka-Enchong Dee ang kanyang mukha? "Sabi ko na nga ba at mag-eenglish ka na. May lahi ka bang foreigner? Fyi din, di ko rin type ang mga englisera, feeling matalino eh hindi naman basehan 'yon sa pagsukat ng intelligence ng isang tao."   "Aba, may pinaghuhugutan ka yata? Anyway, I hope that I won't see you again in school." Pagkasabi ay mabilis akong naglakad palayo sa binatilyo. Nakakabadtrip kasing kausap ang isang iyon, hindi nagpapatalo at lagi na lang may sagot. Eh di siya na ang magaling! "Miss, sandali lang!" Tinawag ako ni Ariel. "Bakit ba, sunod ka ng sunod? Aso ka ba?" Inirapan ko siya dahil nakakainis na talaga ang pangbuwisit niya sa akin. "Bakit?" "Ulol ka kasi! Mahirap bang intindihin na ayaw ko sayo?" "Ang sakit mo namang magsalita. Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo!" May pagkasalbahe talaga ang isang ito. Kanina lang ay tinawag akong miss beautiful, tapos ngayon ay pangit na kaagad? Sino ba ang niloloko nito? Hinarap ko siya at dinilatan ng mata. "Hoy, kung ayaw mo sa ugali ko, umalis ka na. Gusto mo bang makatikim ng umaapoy na suntok mula sa akin?" Hindi ito sumagot at mabilis na tumawid sa kabilang bahagi ng kalye. Beh, buti nga sayo! Akala siguro nito na hindi ko siya papatulan. Ako pa? Eh ang mga kuya ko nga, walang say sa akin doon sa bahay namin. Naisipan kong doon na muna ako magpalipas ng oras sa loob ng Yum Yum Cafe na nasa Plaza Fair. Masarap ang kanilang grilled cheese sandwich at chocolate drink. Perfect para sa meryenda. At gusto ko ring makita ang aking bestfriend na si Helena. May parttime job ang babae sa Yum Yum. Pagpasok ko sa loob, siya na kaagad ang nakikita ko dahil kasalukuyan siyang nasa counter. Nataon din na walang ibang customer na nakapila kaya ako na kaagad ang mag-oorder. Helena smiled before reciting to me her usual greeting to the customers. "Good afternoon, Ma'am. Welcome to Yum Yum Cafe, what can I get for you?" "Hello. Available pa ba ang grilled cheese sandwich sa oras na 'to?" Usually, I have it in the morning kasi.  "Yes, it's available 24/7. How many orders?" "Isa lang. Ikaw, anong oras ang break mo? Baka pwede tayong sabay na magmeryenda?" "Thank you Erin, pero tapos na ang breaktime ko, eh. Next time na lang?" Tumango ako at kinuha ang one hundred peso bill mula sa aking wallet at ibinigay ko kay Helena. "I receive one hundred. Alright, here's your change and your number. Please take your seat and wait for your food." "Thanks, Ellie." Papunta na ako sa isang bakanteng mesa nang maalala ko ang isang bagay. Bumalik ako sa counter. "Hey, can I call you tonight? Chika-chika, you know. Bihira na lang kasi tayong magkita, eh."  "Sure. Mga alas syete, nasa bahay na ako n'yan."  "Good. I really missed you. Sana magkaroon ka naman ng oras na makapag-bonding tayo." "Me too, kaya lang, alam mo na. Busy pa ako sa paghahanapbuhay, eh." "Basta, tonight ha, tatawagan kita." As usual, doon ako sa may sulok na bahagi umupo dahil ayokong maistorbo ng ibang tao habang kumakain. Kinuha ko ang aking tablet na Huawei M3, binuksan ang app na Monefy na app at nirecord ang nagastos ko sa meryenda. Sunod kong binuksan ay ang Usana Hub upang tingnan kung magkano ang commission na matatanggap ko this week. "Excuse me, pwede bang maki-share ng table?" "Sure," sabi ko, pero nang makita ko kung sino ang nagtatanong, kumulo kaagad ang aking dugo. "Ikaw na naman?"  "Bakit ba allergic ka sa akin?" "At nagtatanong ka pa? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo doon sa may hagdanan kaninang umaga?" Tumingin ang lalaki sa kisame na parang may iniisip. "Ikaw ba 'yon?" Nagtatalo ang aking isipan kung dapat ba akong maniwala sa kanya, afterall, fresh pa ang nangyari. Imposible naman yata na hindi niya maalala 'yon. Ibig sabihin, ako lang ang na-stress sa ginawa niya kanina? "Yeah, it was me. Simula ngayong araw, tandaan mo ang pagmumukhang ito, at tuwing magkasalubong tayo sa school, umiwas ka na kaagad upang hindi ka makatikim-" "Ng umaapoy na kamao?" "Buti at alam mo!"Nang dumating ang aking inorder na pagkain, kinalimutan ko na lang na may isang taong nakaupo sa harap ko at nag-focus na lang sa pagkain. "Masarap ang grilled cheese sandwich nila," sabi niya. "Bibili ba ako kung hindi masarap?" "Bakit ba ang taray mo? Sige ka, baka maging matandang dalaga ka n'yan. Hindi ka papasukin ni Senyor Pedro sa langit." "Funny. Sumali ka na lang kaya sa Showtime?" Hindi niya ako sinagot dahil dumating na rin ang kanyang pagkain. Pareho kami ng inorder? "Baka iisipin mo na soulmate tayo dahil pareho tayo ng pagkain?" Ang kapal talaga niya, pwamis! Gamit ang aking isang paa, sinipa ko ang kanyang tuhod sa ilalim ng mesa. Napangiwi ito sa sakit. "Masakit ba?" Tumango ang lalaki. "Next time na guguluhin mo pa ako, higit pa diyan ang aabutin mo, intiende?" "Hindi naman kita inaano, bakit ka nananakit ng tao? Alam mo bang importante sa akin itong mga paa ko? Buti nga at pinag-aksayahan kita ng oras, eh!" Sabi nito at padabog na tumayo at lumipat sa ibang mesa Nang umalis ang lalaki, bahagya akong nakonsensya at nahiya sa aking ginawa. Ako ang mas matanda sa aming dalawa ngunit nang tiningnan niya ako ng masama, para akong bata na natatakot mapalo. Tatayo na sana ako upang mag-sorry sa lalaki nang lumapit si Helena sa akin. "Hello Ellie, off ka na?" "Mamaya pa. So, sino 'yon? Nobyo mo ba?" "Who?" "Sino pa? Eh di 'yon?" Gamit ang nguso nito ay itinuro ang binatilyong tahimik na naupo sa kabilang bahagi ng kainan. "Hoy, tamaan ka sana ng kidlat sa pinagsasabi mo. Hindi mo ba nakita ang suot niyang uniform? Highschool pa siya, bes!" "Age doesn't matter naman pagdating sa love life. At saka, parang attracted din naman siya sayo." "Ah, kaya pala tinawag niya akong pangit. Alam mo ba ang sinabi niya sa akin kanina? Pangit na nga ang pagmumukha ko, pangit pa ang ugali. Imagine?" Tumawa nang malakas si Helena sa sinabi ko kaya bigla kaming pinagtitinginan ng mga tao. Nang bumalik si Helena sa workstation nito, muli kong pinagtuunan ng pansin ang aking sandwich dahil mas masarap siya kainin kapag mainit pa at may pares na inuming tsokolate. Usually, kapag may meeting din po ako with my prospects sa USANA, dito na rin sa cafe na ito ko sila dinadala especially kapag umaga ang meeting.  Two years na ako sa USANA at ang una kong naging customer ay ang aking magulang at mga nakakatandang kapatid. Noong una ay nagdadalawang-isip pa sila kung bibili ba o hindi kasi may kamahalan ang mga supplements. Pero nang nasubukan na nila ang mga produkto, lalong-lalo na ang Essentials, naging suki ko na rin sila, hanggang sa sumali na din sila sa business.  Ang aking mga magulang ay kapwa mga guro pero nahihirapan pa rin sila sa pagbayad ng aking tuition fees noon considering the increasing cost sa lodging, pagkain, books at iba pa. Mabuti na lamang at sinuportahan ako ng ibang kaklase at mga guro na bumili ng mga produktong ibinibenta ko sa kanila. Kumita ako sa retail sales, maliit lang ang margin niya, pero malaking tulong na rin sa akin. Kahit papaano ay may source of income na ako habang nag-aaral pa lang. Pagkatapos kong kumain, tiningnan ko ang kinauupuan ng binatilyo kanina. Umalis na pala siya. Hihingi pa sana ako ng tawad, di bale, next time na lang kung magkita kami. Mabuti pa ay i-update ko na lang muna ang aking blog. Importante kasi sa mga tulad kong online entrepreneur ang presence sa worldwide web. Kahit na nauna ako ng ilang taon kaysa sa aking mga downline, kailangan ko pa ring magtrabaho para sa akin, at para din sa kanila. Team effort kasi ang kailangan para ma-meet namin ang aming mga goals. Matapos kong ipublish ang aking bagong post, iniligpit ko na ang aking gamit at nagpaalam kay Helena na babalik na ako sa school. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina na nagkakandarapa ako sa paghahanap ng aking room assignment.  Ang eswelahan namin ay may tatlong gate. At ang main entrance ang pinakamalapit mula sa Plaza Fair, kaya doon ako dumaan. Nasa loob na akong unibersidad nang magtalo ang aking isipan kung saan ako dadaan patungo sa business ad na building. Pwede sa education department, kaya lang kapag hapon ay bihira na lang ang mga estudyante doon at may kadiliman ang kanilang mga pasilyo. Para kasing naka-dimlight lahat ng ilaw, siguro ay nagtitipid ang may-ari ng school. Or I could pass by the maritime dept, to engineering , then business ad. Compared to the crim students, mas behave kasi ang mga taga maritime. Hindi sila pakalat-kalat sa pasilyo, at ganun din ang mga engineering students. Bakit kaya ganun ang taga crim?  Ay, bakit close ang access door dito? Napakamot ako sa aking ulo nang mabasa ang signage na sarado ang access door from maritime to the business ad department. Nakakainis naman! But I have no choice. Either, babalik ako sa aking pinanggalingan or sa taas na lang dumaan. I don't know what happened, but the fifth floor of Admin Building was abandoned, no classes were held, and no students would dare to loiter in the hallway.  Sobrang tahimik ng buong paligid. Siguro dahil na rin sa aking imahinasyon kaya naramdaman kong nagsitayuan ang aking balahibo sa batok. Paglingon ko, nakita ko ang maraming bungo ng tao na nasa ibabaw ng mesa. Shit!  Mabilis akong tumakbo na parang may humahabol sa akin. "Ayyy! Pasensya na po talaga kayo, pero hindi kita napan-".Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sana nang makilala ko kung sino ang aking nabangga.  "Dr Moises! I'm really sorry. Hindi ko talaga sinasadya!" Panay ang aking paghingi ng tawad kay Dr Moises, ang dating Dean sa College of Biological Sciences. As far as I know, he was demoted due to a certain scandal na involve ang mag-aaral nito sa Nursing. "It's okay, hindi naman ako nasaktan. Sa laki kong 'to, parang ipis lang naman ang bumangga sa akin. Bakit ka nga pala tumatakbo?" Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya ang tunay na dahilan kaya nagsinungaling na lang ako. "Mali-late na po kasi ako, eh." "I see. Pero dapat mag-ingat ka pa rin." "Thanks po."  Sa edad na trenta  y singko ay masasabi kong successful na si Dr Moises sa career nito. Sikat din ang lalaki sa mga babaeng mag-aaral dahil sa hitsura nito at taglay na karisma. Si Dr Moises ang tipo ng lalaki na gugustuhin ng karamihan na maging boyfriend. May stable job, maginoo at gwapo pa.  Nang dumating ako sa silid-aralan ng Business Management, hindi kaagad ako pumasok dahil wala pa naman ang instructor namin. Nagpahangin muna ako at patingin-tingin sa baba kung saan maraming estudyante ang naglalaro ng table tennis. Nakilala ko ang isa sa mga naglalaro na si Richard, ang president ng table tennis club at pamangkin ni Ma'am Fuentes, ang guro namin sa Business Math. When he looked up, he smiled when he saw me. I smiled back at Richard, and his girlfriend, Gretchen.  Then I saw him!  Bigla na lang akong kinabahan at na-excited ng sobra. Unang pagkikita pa lang namin ni Chester, crush ko na kaagad siya. Engineering student ang lalaki at miyembro ng tennis club. Noong ipinakilala ako ni Richard kay Chester, halos hindi ako makapagsalita ng maayos sa sobrang kaba. Siya ang tipo kong lalaki, tahimik, seryoso at parang misteryoso ang dating. Tuwing magkasalubong kaming dalawa sa school, mag hi hello din naman ang lalaki pero hanggang doon lang 'yon. Last semester, bago mag-sembreak ay sumama ako kay Ma'am Fuentes na panoorin sina Richard na nagpa-practice ng table tennis.  "Bakit palagi kang sumasama kay Auntie?" Auntie din kasi ang tawag ni Chester kay Ma'am Fuentes. "Gusto ko din kasing manood..." sabi ko sa mahinang boses. "Kung nagpupunta ka lang dito para sa akin, huwag ka nang mag-aksaya ng oras dahil hindi naman kita type. Alam mo ba kung sino ang gusto ko?" "Hindi." "Siya." Si Gretchen ang babaeng itinuro ng mga mata nito. Siguro, iyon ang dahilan kung bakit lagi itong tahimik kapag kasama si Richard dahil nagseselos ito sa dalawa. Mag-bestfriend pa naman ang dalawang lalaki. Sayang kung masisira ang kanilang relasyon dahil lang sa iisang babae. Sumenyas ako kina Richard na papasok na ako sa classroom namin. Hindi ko na din hinintay na mapansin pa ako ni Chester kasi alam kong mababadtrip lang siya sa akin. Pagpasok ko  sa classroom, nagulat ako dahil naroon na pala ang instructor namin. Pero bakit nasa likurang bahagi ito nagsasalita? Napaka-unusual naman ng taong ito, sa isip ko. "Good afternoon sir, I'm sorry for being late." "No prob, Miss Monceda! Take your seat now." Nagtataka ako kung bakit kilala niya ako eh first time ko pa naman siyang naging instructor. When I scanned the faces of all my classmates, I knew why and how. Ako lang pala ang tanging babae na nag-enrol sa kanyang subject. I have nothing to be ashamed of, but I'm still uncomfortable in a classroom full of male species.  "Monceda?" "Yes, sir!" "Come here and introduce yourself." Wala akong magawa kundi ang magpakilala sa lahat. Tumayo ako at pumunta sa tabi ni sir. "Hello everyone, I'm Erin Monceda, a graduating student of Business Management. I am the youngest child in our family of five. My everyday activities include going to school, study at home and monitor my online business." "Online business? Like selling clothes online?" One of my classmates asked me. "Actually, no. I'm a product distributor of USANA." "Paano ba sumali diyan?" Tinanong ako ni sir at nang tiningnan ko ang aking mga classmates ay parang interesado din sila. Ngumiti ako. "Mamaya ko na lang po i-discuss ang mga detalye pagkatapos ng klase or kapag free time ninyo, salamat po." Hindi ko kasi alam kung interesado ba talaga sila o ano. Isa pa, one hour lang ang klase namin at ayokong ubusin 'yon sa pag-explain sa kanila. Nakakahiya naman kay sir na hanggang ngayon ay hindi ko rin alam kung ano pangalan niya. "Thanks, Monceda. So, who's next in line? Any volunteer?" So, hindi pa talaga magsisimula ang klase ngayon, it's more on getting to know each other pa. Walang gustong mauna sa mga lalaki. "Ikaw na muna sir," sabi ko. "Late ka kasi kaya hindi mo alam na tapos na akong magpakilala sa kanila. Well, for your benefit, I'm Adonis Belarmino and I am the general manager of Daily Report." Wow! Bigla akong nagka-interes kay Mr. Adonis. Bagay na bagay ang lalaki sa aming subject na business management dahil talagang may alam ito kung paano magpatakbo ng isang organisasyon. "Sir, sir, may nakalimutan akong itanong kay Monceda!" Nilingon ko ang lalaking nagsasalita. Hindi siya familiar sa akin, taga ibang department siguro ito. Ang business management kasi ay elective subject ng ibang kurso tulad ng IT at CS. Hindi ako judgmental na tao pero sa tingin ko ay gagawin lang niya akong katatawanan. Hitsura pa lang niya.... "O sige, magtanong ka na." "May boyfriend ka na ba?" "Boyfriend? Wala. Pero may asawa na ako," sabi ko, at pinigilan ko ang aking sarili na matawa sa kanyang reaksyon. "Sino naman?" "Bakit ba napakatsismoso mong tao?"     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD