CHAPTER 2

2326 Words
Kumunot ang aking noo nang makita ko si Kuya Leandro na bagsak ang balikat nito at parang napapagod ng husto. Sinalubong ko siya at niyakap. “Okay lang 'yon Kuya, marami pa namang pagkakataon, eh.” Sabi ko sa pag-akalang isang failure ang meeting nito sa mga Darwish. “Tama,” mahinang sumagot si Leandro. “Kaya, huwag ka ng malungkot, okay?” “Hindi naman ako malungkot, eh.” “Ba't ganyan ang face mo?” Tinanong ko siya dahil bakas sa mga mata ng lalaki ang kalungkutan. Bagsak din ang mga balikat nito at parang walang ganang magsalita. “Nakita ko si Hannah, may kasamang lalaki sa plaza.” “Hannah? You mean, si Hannah na anak ni Don Romulo? Type mo siya? Eh di magmukha kang DOM kung magkasama kayo, move on ka na lang, okay?” Mungkahi ko sa kanya dahil sobrang bata pa kasi ni Hannah. Sa aking pagkakaalam ay bago lang nag-celebrate ng debut ang babae. “Ikaw nga eh, hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ang gagong 'yon!” “Iba kasi yong nangyari sa akin,”palusot ko. “By the way, okay na ang deal natin sa Darwish. Signed and sealed.” Muling kumurap ang mga mata ko dahil sa narinig at pansamantala ko siyang tinitigan. Baka naman kasi, mal ilang ang narinig ko at nag-assume lang ako ng husto. Kaya lang ay parang seryoso naman ang Kuya niya kaya nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang tuwa. “Talaga Kuya? Naku, matutuwa si Kuya Bernard kapag malaman niya ang good news!” “Tuwang-tuwa talaga, eh siya kaya ang kasama ni Hannah!” “Sure?” Sabagay, dati pa naman na mas malapit si Hannah kay Bernard kasi mas friendly ito kaysa kay Leandro. Anyway, I should call Zian to celebrate with me! Or maybe, we will go to the plaza na lang mamaya, naisip ko. And so, Zian and I went to the plaza and danced all night! Madaling araw na kami nakauwi, at kasama namin si Hannah. Bilang babae, hindi ako pumayag na doon ito matutulog sa silid ng kanyang Kuya Bernard kaya nag-insist ako na mag-share na muna kami ng room. Wala na kasing bakante sa mainhouse at hindi naman p’wede si Hannah na mag-isa na lang sa guest house. Ngunit nang ako'y magising, wala si Hannah sa aking tabi . “Hannah? Nasa banyo ka ba?” Tinawag ko ang babae. Patlang. Walang sumagot. Naku, baka nabiktima na ang batang ‘yon ni Kuya Bernard? Mabilis akong bumangon at nagtungo sa silid ni Kuya ngunit nakasalubong ko ito sa may pasilyo at nakabihis na. “May lakad po kayo?” Tinanong ko siya. “Wala. Pero may bisita tayo ngayon.” “Sino?” “Taga Darwish. Hindi ka ba binigyan ni Drew ng kopya sa kontratang pinirmahan niya? May taga Darwish na pansamantalang titira rito upang makita kung paano ba talaga natin pinapatakbo ang Wild Chipmunk.” “I see. Anyway, nasaan si Hannah?” “Aba'y ewan ko. Di ba sa silid mo naman siya natulog?” “Wala siya sa silid ko Kuya.” “Try mo sa room ni Drew, baka naroon siya.” “What?” Pero hindi na ako sinagot ni Kuya Bernard. Nasa labas na ako ng silid ni Kuya Leandro at kakatukin ko na sana siya nang mapansin kong hindi naman pala naka-lock ang pinto. “Kuya..? Oh my god!” Natutop ko ang aking bibig nang makita ko ang hubad na katawan ni Hannah at katabi nito ang aking kapatid! Dios mio! Mabilis pa sa alas kwatro na bumalik ako sa aking pinanggalingan. Hindi naman kasi ako inosente at alam kong may nangyari na sa dalawang 'yon. Alangan naman kung biglang nagkaroon ng period ang kapatid kong lalaki? Anyway, bahala na ang Kuya ko kay Hannah, matanda na siya, eh! Muntik ko ng makalimutan na may taga Darwish pala kaming bisita ngayon. Bago ako nagtungo sa kusina upang kumain ng almusal, tiningnan ko muna kung malinis ba ang guest room. Actually, may guest house naman kami sa kabilang side ng rancho kaya lang ay walang katulong doon. Habang papalapit ako sa kusina, parang pamilyar sa akin ang boses ng taong nagsasalita. Pero baka pareho lang. Ilang taon na kasi kaming hindi nagkita, at imposible naman kung ganun pa rin ang boses ng lalaki. “Good morning guys,” binati ko ang dalawa. Nang lumingon sila sa akin, muntik ng malaglag ang aking eyeball dahil hindi ako makapaniwala. “Mickey! Marian!” Lumundag ang aking puso sa sobrang tuwa nang makitang muli ang aking mga kaibigang sina Mickey at Marian. “Hello bes, long time no see! Grabe, dito ka lang pala nagtatago,bruha ka!” “Bakit hindi kayo nagulat nang makita ako?” Syempre, dapat ay ma-shock din sila tulad ko dahil sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, ngayon lang, at dito pa talaga sa rancho. “Sa dami ba naman ng pictures mo sa bahay, syempre kanina pa kami nagulat. Tapos na ang shocking period. O ano, kumusta ka na? Asawa mo ba ang chinitong nag-entertain sa amin kanina?” “Sino? Si Zian? Hindi, ah. Pero manliligaw.” At bumunghalit ako ng tawa. Pakiramdam ko ay isa pa rin akong kolehiyala. Iba talaga ang feeling pag kasama ko sina Marian. “Naku, mukhang mapapalaban yata si Boss nito,” turan ni Marian. “May kasama pa kayo? So bale, tatlo kayong lahat?” Tinanong ko silang dalawa. “Korek! Sinamahan pa siya ng brother mo papunta sa guesthouse.” “Kayo na lang sana doon, wala kasing katulong na pwedeng mag-assist sa guesthouse ngayon. Nag maternity leave, eh.” “Sabi ng Kuya mo, ikaw na lang daw muna ang mag-assist sa big boss namin.” “Big boss talaga? Bakit, ano ba ang posisyon niya sa Darwish?” “Anak ng may-ari.” “Talaga? Naku, nakakahiya naman sa COO ninyo!” COO means child of owner at hindi chief operating officer. “Don't worry, parang paniki naman ang boss namin.” “Meaning?” “Tulog sa umaga at gising sa gabi!” “Ang weird naman. Anyway, tara doon sa porch at ikwento nyo sa akin kung paano kayo nakapagtrabaho sa Darwish, at kayo pa talagang dalawa ha. Kinabahan tuloy ako ng mabasa ko ang email.” “Dahil kay shadi? Naku, mukhang inlab ka pa rin sa kanya bes.” “Hmmm medyo. Hinanap niya ba ako, bes? Nagpunta ba siya sa boarding house?” “Hindi,” diretsang sumagot si Marian at kaagad akong nanlumo. “I see,” nakaramdam ako ng konting pagkalungkot dahil hindi man lang niya ako hinanap. “Anyway, so much for that, kasal na ba kayo? Sure ka na ba talaga dito kay Marian, Mick?”Binatukan ako ni Marian at tawang-tawa naman si Mickey. “Ginayuma niya kasi ako, Erin,” sagot ni Mickey. “Hoy, kapal mo ha. Ikaw nga itong ayaw makipaghiwalay sa akin, iiyak-iyak ka pa, pwe!” “As in iniyakan mo siya, Mick?” “Never! Nag-iimagine lang ang babaeng 'yan!” “Sus, nakakainggit naman kayo.” “Mag lovelife ka na kasi,”mungkahi ni Marian. “Soon. Abangan ninyo ang aking pagbabalik sa larangan ng pag-ibig.” “Fighting! Pero bes, what if kung muli kayong magkita ni Ariel? Ano ang gagawin mo?” “Ewan ko. Siguro ay babalatan ko siya ng buhay!” “Hoy, grabe ka naman. Hindi mo ba siya tatanungin kung bakit bigla na lang siyang nawala?” “Hindi na bes, alam ko naman kasi kung bakit.” “Bakit nga ba? Hindi mo naman kasi ikinuwento sa amin, bigla ka na lang naglaslas ng pulso!” “Grabe noh, as in, muntik pa akong nagpakamatay.” “Yup.” “Anyway, past is past. Tanggap ko na sa aking sarili na ginawa lang niya akong panakipbutas, bes.” “Paano mo nasabi?” “Erin din kasi ang name ng isa pa niyang nobya. Erin Cruz!” “Wow, iba rin ano? Sige, tutulungan kita sa pagbabalat sa lalaking 'yon. Kung okay lang sayo, ibabad pa natin siya sa suka pagkatapos, at saka natin ipapakagat sa mga langgam.” “Naku Mick, mag-iingat ka talaga dito kay Marian at may pagkakriminal ang utak nito. Lagot ka talaga kapag pagtaksilan mo siya!” Alas onse pa lang ay handa na ang pagkaing dadalhin ko sa guesthouse para sa boss nina Marian. Parte ng trabaho ko sa Wild Chipmunk ang magiging alalay ng aming VIP. Literal na alalay talaga kasi ako ang tagadala ng pagkain, tagalinis ng bahay, at personal assistant pa. Dapat i-adjust na ni Kuya Leandro ang aking sahod sa dami ng aking responsibilidad. Sana nga lang ay hindi masungit ang boss nina Marian at madaling pakisamahan upang hindi na ako mahihirapan sa kanya. Pagdating ko sa guesthouse ay bukas ang main door kaya pumasok na ako at tinawag ang taga Darwish na pwede na siyang kumain. Hindi ito sumagot. Siguro ay may ginagawa pa ito sa kanyang silid kaya inihanda ko na lang muna ang mesa at babalik na lang siguro ako mamaya. Nasa may pintuan na ako nang marinig ko ang kanyang yapak. Isang matamis na ngiti ang nakahanda bago ako lumingon. “Good morning-” “Hello, shadi. Kumusta?” “Shadi!” Automatic na lumabas mula sa aking bibig ang tawagan naming dalawa. After all these years, bakit parang walang nagbago sa aking nararamdaman sa kanya? Parang kahapon lang kami huling nagkita, ah. Nasaan na ang galit at pagkamuhi nang bigla itong maglaho at iniwan ako? Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ako tumutol nang yakapin niya ako ng sobrang higpit na halos madurog na ang aking mga buto. “Miss na miss na kita,” sabi niya sa akin. Hindi ako sumagot. Ngunit naisip ko na andito na rin lang siya, mabuti na yong marinig ko mula sa kanya mismo ang dahilan ng bigla nitong pagkawala. “Sinungaling! Bakit mo ako niloko?” Nabigla siya sa aking tanong at parang namutla. Beh, buti nga sa kanya! Hindi na ako tulad ng dati na magpatumpik-tumpik ka. “Shadi, sana ay mapatawad mo pa ako. Pinagsisihan ko na ang bagay na 'yon. Please?” “Hindi ko alam,” umiling lang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang gagawin ko. “Please shadi? Kahit araw-araw mo pa akong paparusahan, okey lang. Tanggapin mo lang ako ulit.” He looked so desperate and sincere at the same time. Naisip ko na, why not? I could make him fall for me then I would dump him like a hot potato! Tapos ang usapan, makapaghiganti pa ako sa kanya! “Talaga? Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo? Baka hindi mo kakayanin,” binalaan ko siya. “Try me,” sagot niya at handang tanggapan ang challenge. “Game!” “Sigurado ka shadi?” “O bakit parang natutuwa ka pa?” “Why not? Eh, pumayag ka ng tanggapin ako ulit! Sapat na sa akin na muli mo akong tinanggap, pangako shadi, I will do my best para makabawi sa mga kasalanan ko,” excited na wika ng lalaki. “Baka puro ka lang satsat, walang aksyon!” “Shadi, ginugudtym mo lang yata ako, eh.” “Reklamo agad? Ikaw nga, ginawa mo lang naman akong panakip-butas dati!” “At first. Pero kalaunan, napamahal ka na sa akin!” “I see. Kaya bigla ka na lang naglaho at nalaman ko na lang na nagpunta ka sa orihinal mong nobya!” “She died,” sabi ni Ariel na may bahid pa rin ng lungkot ang boses. “Condolence.” Dali-dali akong lumabas mula sa guest house at nagmamadaling bumalik sa bahay. Ang totoo, hindi ko pa alam kung papaano ko pakikitunguhan si Ariel. Ang hirap kasi ng sitwasyon namin dahil ngayon pa siya nagpakita muli kung kailan hindi na ako galit sa kanya, kung kailan nakabaon na ang lahat ng pasakit na idinulot ng kanyang pagtataksil. Malapit na ako sa bahay nang makasalubong ko ang isa sa mga tauhan ng Kuya ko. May dala itong supot. “Manong, ano po 'yan?” “Ay mga palaka po mam. Masarap po itong pulutan mamaya, gusto nyo bang masubukan?” “Naku, hindi na po. Hindi ba kayo malalason niyan? Di ba at may lason ang mga palaka?” “Safe po 'to, Ma’am.” “Okay, sige. Pahingi na lang po ng konti kapag luto na ang mga 'yan.” “Aprubado, Ma’am!” Bago magtanghali ay luto na nga ang mga palaka. Grabe ang bilis naman nila! Ipinatawag ko si Shadi na sabay na kaming mananghalian. Mas bibo kung sabay-sabay na kaming lahat sa hapag. Kaya lang ay hindi sumipot sina Mickey at Marian. Naglakwatsa pa ang dalawa at walang nakakaalam kung saang bahagi ng Wild Chipmunks naroroon ang mga ito. Ang ending ay kaming dalawa lang ni Shadi ang magkaharap sa mahabang dining table dahil busy din ang mga kapatid ko. “Hindi mo ba gusto ang pagkain?” I took offense when I noticed that he barely touched his food. “Hindi naman sa ganun, kaya lang, pwede bang sabihin mo sa akin kung anong klase ng karne itong nakahain?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Natatakot ka bang lalasonin kita?” “Hindi naman, kaya lang ang hirap kumain na hindi ko alam kung ano ito.” “Kung ayaw mong kumain, bahala ka. Pwede ka ng bumalik sa pinanggalingan mo. Okay lang naman sa amin kung ikansela ninyo ang deal dahil hindi pa naman kami naghihirap dito sa Wild Chipmunks.” “Heto na, kakain na ako. I trust you, shadi.” Hindi ako sumagot dahil bigla akong nakunsensya. Pagkatapos ng ilang minuto, naubos na ang pagkaing nasa plato ni Ariel. “Masarap ba ang adobong palaka, shadi?” “W-what???”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD