CHAPTER 1

1001 Words
Nine years ago, I was a naive probinsyana. Kaya nga siguro madali akong naloko ng Ariel na 'yon, eh! Sinubukan ng mga kapatid ko na libangin ako upang makalimutan ko ang taong unang nagpatibok sa aking puso pero walang nangyari. Hanggang sa natanggap na ng dalawa na mahirap naman talagang kalimutan ang unang pag-ibig kaya hinayaan na lang nila ako. Hanggang sa naisipan ni Kuya Leandro na magtayo ng rancho sa Cambangay, isang barangay na malayo sa kabihasnan ngunit sagana sa yamang-bukid. Luntian ang mga damo na tumubo sa bukid na mainam para sa mga baka. Nagsimula ang Wild Chipmunk na nasa singkwenta lang ang inaalagaan naming baka. Pangarap na talaga ng mga Kuya ko ang magkaroon ng rancho kahit maliit lang. Noong pulis pa kasi ang dalawa, may mga baka na silang pinaaalagaan sa ibang tao, kaya hindi na nahirapan ang dalawa sa paglikom ng capital. Lahat ng perang naipon ko mula sa pagnenegosyo ng Usana ay ibinigay ko sa kanila pangdagdag puhunan. Fast forward ngayon, nasa 1000 heads na kami. Konti pa din kumpara sa ibang mga rancho,pero dito sa Wild Chipmunk, siniguro namin na hindi stressed ang aming mga baka at damo lang talaga ang kinakain, walang halong grains o kung ano pa man. Iba din kasi ang lasa ng beef kapag hindi stressed ang mga baka. Usually sa mga customers namin ay mga may-ari ng restaurants sa karatig lugar. Sa amin din kumukuha ng baka ang mga locals tuwing may handaan. Competitive lang naman kasi ang presyo namin. Tamang-tama lang, 'ika nga. I was checking my emails for possible orders when someone called. “Wild Chipmunk, good morning!” “Baka ba talaga ang negosyo ninyo o chipmunk?” “Excuse me?” Sino naman kaya itong hudyong kay aga-aga ay nanggugulo na. “Joke lang, ikaw naman, hindi ka mabiro. Anyway, I would like to talk to the person in-charge.” “In-charge ng ano po?” “May requirement kasi ang restaurant namin and I heard from a friend, Sanjou Takumi, na walang kasing-sarap ang beef ng Wild Chipmunk.” “Tama kayo, sir. Dito sa amin, premium po ang lasa sa halagang abot-kaya,” excited niyang wika sa taong nakausap sa telepono. “Good. Natitiyak kong magugustuhan ito ng mga parokyano namin. Paki-email na lang sa akin ang order form para maasikaso ito ng tauhan ko, okay?” “Noted po sir. Kukunin ko na lang po ang email address ninyo.” “Okay. Sierra, Hotel, Alpha, Delta, India at darwishgroup.com.” “Copy sir. In a few minutes ay matatanggap na po ninyo ang aming order form. Salamat po at magandang araw.” May nakahanda na akong email para sa mga first time customers ng Wild Chipmunk. I was typing his email address when I noticed it. SHADI@DARWISHGROUP.COM Pinagpawisan ako ng malamig at nagdalawang isip ako kung pindutin ko ba ang send button. Paano kung tama ang hinala ko na si Ariel ang nakausap ko sa phone? “Hey, what's wrong?” Hindi ko namalayan na pumasok si Zian sa opisina at tumabi sa akin. Matagal na ang lalaki sa rancho at matagal na rin niya akong nililigawan. “Ikaw pala, Zian. Si Kuya?” “May kausap pa sa cellphone. O, bakit hindi mo pa ipinapadala 'yan?” Ang tinutukoy nito ay ang na-draft kong email para sa Darwish Group. “Paano kung hindi natin kayang i-cater ang ganito kalaking kumpanya?” “Saka na lang natin isipin ang problema kung umorder na sila. O hayan, sent na. Hintayin mo na lang ang kanyang reply. By the way, may sayawan mamaya sa plaza, gusto mo bang pumunta?” “Ayoko. Para sa mga teenager lang naman ang mga disco na 'yan, eh.” “Ano ka ba naman, Erin? You are still young,” giit ni Zian sa akin. “Hello? Mag twenty-nine na kaya ako. Ikaw ang bata kasi twenty-five ka pa lang,” sagot ko sa kanya. “Age doesn't matter naman, eh.” Ngumiti lang ako sa sinabi niya dahil minsan ay nadala na ako sa kasabihang age doesn't matter. At isa itong bangungot na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa aking puso at isipan. “Thanks sa pag-invite, Zian. Update na lang kita mamaya kung pupunta ba ako.” “Okay, Erin. Look! Nagreply na kaagad ang taga Darwish!” “Mas excited ka pa yata sa akin, eh.” Binuksan ko ang email ni Mr. Darwish at binasa. “Is this for real?” Halos hindi ako mapaniwala sa aking nabasa. Paulit-ulit siyang kumurap at binasang muli ang nakasulat sa order form at hindi pa rin niya mapigilan ang sariling mamangha! “Ang alin?” “Five hundred kilos per day! Sa halagang three hundred fifty per kilo, in one month ay mahigit five million kaagad!” “Easy. Hold your breath! Hindi pa naman kasi sure, eh. Basahin mo.” “Makikipagmeeting pa pala sila kay Kuya. Hmmm, ano pa ang hinihintay mo Zian? Tawagin mo na si Kuya Leandro, bilis!” “Opo, Madam.” Ilang saglit lang at pumasok na si Leandro na nagtataka kung bakit parang urgent ang pagtawag niya rito. “Kuya, heto na ang big break na hinintay natin para mas madali tayong makapag-expand!” “What are you talking about?” Ipinakita ko sa kanya ang email ni Mr. Darwish at nang ngumiti ang kapatid ko, alam ko na interesado itong makipagtransaksyon sa Darwish. “Gosh, excited na ako para sa future ng Wild Chipmunk! Ano pa ang hinihintay mo Kuya? Tawagan mo na siya kaagad at makipagmeeting sa kanya!” “Masusunod, Boss.” Base sa pag-uusap ng dalawa, pupuntahan na kaagad ni Kuya si Mr. Darwish dahil gusto nito na agad-agad silang magcontract signing. “Goodluck po,” sabi ko nang papaalis na si Kuya Leandro upang makipagkita kay Mr. Darwish sa opisina nito. Wild Chipmunk was a four-hour drive from Darwish but knowing Leandro's driving skills, he could make it in less than two hours.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD