Chapter 15

988 Words
Kinagabihan, nakita kong nag-iihaw ng malalaking tilapia sina Quinn and Denver. May iilan ding barbecue akong nakita. Laking pasasalamat ko kasi may kalapit bahay na nakatira rito. Sila pala ang naglilinis ng rest house ng mga Hanlon. Gumawi ako sa kusina, doon ko nakita ang anak ni Nanay Milagring and Tatay Juanito, na si Sandra pero mas gusto niyang tawagin siyang Sandy. Halos ka-edad lang namin siya. May anak din silang lalaki pero nagta-trabaho na ang panganay nilang anak sa ibang bansa at ang bunsong anak nilang babae na si Sarah ay nag-aaral sa may bayan. Tinanong ko sila kung ba't hindi na lang sila umalis dito, gano'ng may nagta-trabaho naman na sa kanila. May isang oras kasi ang byahe papuntang bayan, kawawa naman sina Sarah and Sandy na nag-aaral sa bayan pero ang sagot nila sa akin, hindi nila p'wedeng pabayaan ang rest house dahil sa mga Hanlon kaya nila napagtapos ang panganay nilang anak. At, mababait daw ang magkakapatid na ito. Maniwala ako. “Ma'am Alice, may kailangan po kayo?” Napatingin ako kay Nanay Milagring Ngumiti ako sa kanya at umiling. “Wala po. Kukuha lang po ng tubig.” saad ko sa kanya at dumiretso na sa refrigerator. Iniwan ko pala sa taas si Coco, tulog kasi ito at baka makagat niya ang mga bisita, I mean, sila Nanay Milagring. Dinala ko ang baso ko at lumabas sa likod ng rest house pero wrong timing yata ako. Nakita ko sa likod ang dalawang tao. Sina Sandy and Foster, nag-uusap ang mga ito. Hindi ko alam pero nagtago ako sa makapal na puno na mayro'n dito. Hindi ko nga alam ba't nagtatago pa ako. Hays. Sino ba sila? “F-foster...” Napakunot ang aking noo ng marinig ang boses ni Sandra, masyadong mahinhin ang boses niya. Nakakairitang pakinggan. “Um, h-hanggang ngayon... Hanggang ngayon 'di pa rin nagbabago ang pagtingin ko sayo.” Nagulat ako at halos takpan ko ang aking bibig dahil sa aking narinig. Love confession ba ito? “I'm deeply inlove to you, Foster!” Nagulat ako ng malakas niya iyong sinabi kay Foster. Sabi na nga ba may mali ng una ko siyang nakita. May mali sa kanya. Sumilip ako sa aking kinatataguan. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Foster. Likod lamang nila ang nakikita ko kaya hindi ko makita ang mga itsura nila ngayon. “Mm-hmm...” Kumunot ang noo ko at maging ang magkabilang kilay ko ay nagsalubong. Anong sagot niyon? Hindi ko alam pero uminit ang ulo ko sa aking narinig. Makaalis na nga lang. Ba't ko pa sila pinapaki-alaman. Ano naman pake sa usapan nilang dalawa? Umalis ako roon sa aking pinagtataguan, at bago ako tuluyang lumabas sinulyapan ko muna silang dalawa. Gano'n na lamang ang pagkadismaya ko sa aking nakita. “Tch, paaasahin ka lang niyan. Sakit sa mata ang mga lalaki.” Dire-diretso akong lumabas kung nasa'n ang pagtitipon nila. Kumuha ako ng paper plate sa may lamesa at nakita kong may bagong hango na barbecue ang dalawang taga-luto roon, kumuha agad ako roon. Kumuha rin ako ng tag-isang apple and orange. At, bottled water. “Hey, my little sist–” “Ayokong makipaghalubilo sa inyo.” pagputol ko sa sasabihin ni Bennet at saka ako umakyat sa k'warto ko. Ni-lock ko ang pinto. Ewan ko pero ayokong kumausap ni-isa sa kanila. Na-bu-b'wisit ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong bumalik sa unit ko. “Aww!” Napatingin ako kay Coco na makitang gising na ito sa loob ng kanyang cage. Binuksan ko ang cage niya, dali-dali siyang lumabas habang kumakawag ang kanyang buntot sa akin. Ngumiti ako sa alaga kong aso at hinaplos ang kanyang balahibo. “Ikaw lang ang mayro'n ako, Coco. Ikaw lang ang kasiyahan ko.” saad ko sa aking aso na dinidilaan ang aking hita, buti na lang hindi ang pagkain ko. Kinain ko ang kinuha kong dalawang barbecue. Kulang sa akin. Sana pala inapat ko na. Dahil kulang sa akin, ningatngat ko na ring ang dalawang prutas na kinuha ko. Pagkatapos kong kainin ang pagkain kinuha ko kanina. Nanood na lang ako sa YouTube ng mga funny moments ng mga animal. Pampatanggal umay sa mga nangyayari sa akin. “Aww! Aww!” sunod-sunod ang naging tahol ng aso ko ng makita niya ang kapwa niyang lumalangoy sa pool. Aba, mukhang na-inlove siya sa aso, ha? Kumakawag kasi ang buntot niya. “Alice? My mini-monster?” Sumingkit ang mga mata ko ng marinig ang boses sa labas ng pinto. Anong kailangan ng isang 'to? “What?” sigaw kong tanong kay Foster. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng gano'n. Bwisit siya! “May dinala akong pagkain para sa'yo. Dalawang barbecue lang ang kinuha mo sabi ni Sarah.” I rolled my eyes dahil sa kanyang sinabi. “Wrong information! May kinuha rin akong apple and orange. Tch!” sagot ko sa kanya. “Not enough para mabusog ka. Open this door! Kunin mo 'to!” sigaw niya pabalik sa akin. “Ayoko! No thanks! Busog na ako! Gusto ko na matulog!” Balik na sigaw ko rin sa kanya. Akala niya magpapatalo ako sa katulad niya? Luh? Asa naman siya! “Please, kunin mo na ito, Alice, baka magkasakit ka na naman. Kagagaling mo lang sa sakit.” Narinig ko na nagbago ang tono ng boses niya. “Busog na nga ako! Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintidihan, ha, Foster? Saka, don't be too nice to me, okay?” mariing kong sabi sa labas ng pinto ko. “Bakit ang tigas ng ulo mo?” sigaw na naman niyat ilang ulit kumatok sa pinto. “I don't fcking care! Lubayan niyo nga ako!” sigaw ko sa kanya. Nawalan na ako ng ganang manood ng YouTube. Pinatay ko ito at saka nagtaklubong ng kamot sa buong katawan. Bwisit sila! Ayoko ng kahit anong concern nila sa akin! Ayoko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD