Chapter 14

1265 Words
“Eh, beach resort?” takang sabi ko sa kanilang lahat. “Yes, Alice! Nakausap na rin namin si tito Reki, pumapayag siya sa plano namin.” simpleng saad sa akin ni Cadmus. Tinaas niya ang isang tasang kape niya at ininum ito. “B-bakit ngayon niyo lang s-sinabi sa akin?” bulalas kong saad sa kanilang anim. Hinaplos ko ang balahibo ng alaga kong aso. Nakaisip na naman ako ng kalokohan. “Coco...” Kausap ko sa aking aso. “bite them. Lahat sila.” Pagkasabi kong niyon lahat sila nagsitayuan sa sofa maliban kay Bennet na tumatawa-tawa. “Shoo! Shoo!” I smirked dahil sabay-sabay nilang sinasabi amg salitang shoo sa aking alagang aso na si Coco. “Bite them, Coco!” sigaw ko kay Coco at tinuro ang limang nakatayo sa sofa. Nakataas ang mga balahibo ni Coco at ang mga ngipin niya ay nakalabas na rin. Galit na si Coco. “My mini-monster, please carry that dog...” Nagmamakaawa na sabi ni Foster pero dinilaan ko lang siya. “No,” pilyong sabi ko sa kanila. “B-bennet, pick that dog!” sigaw na utos ni Cadmus kay Bennet na kanina pang tumatawa dahil sa mga kapatid niya. Nakakaawa naman sila. “Coco, come to mommy. Don't bite them baka magkaroon ka ng rabies mula sa kanila.” tawag ko sa aking alagang aso. Pagkabawi ko sa aking sinabi, biglang bumaba ang mga balahibo niya at naging maamo ulit ang mukha ni Coco. “Ang bait-bait kaya ng aso ko. Kayo nga niyong mga bad d'yan, e!” Binuhat ko si Coco at hinarap sa kanila ang alaga ko. “See? Ang maamo ng mukha niya.” pagtataray na sabi ko sa kanila. Nakita kong sabay-sabay silang bumaba sa pagkakatayo nilansa sofa at mukha na silang guminhawa ng hawakan ko si Coco. Tumayo na ako sa aking pagkaka-upo sa isahang sofa nila. “Aalis na ako.” saad ko sa kanilang anim. “H-hey? Mag-uusap pa tayo about sa o-outi–” “Ano niyon?” nakangiting tanong ko kay Foster. “Wala,” sukong saad niya sa akin. Kaya umalis na ako sa harapan nila. Maglilibot na lang ako. Kung itutuloy nila ang outing na iyon, sila-sila na lang. Never akong sasama sa kanilang anim. --- “Waaah!” bulalas kong sigaw sa kanila na makitang nasa kotse ako at kasama silang anim! “B-bakit nandito ako?” pagtatanong ko pa rin sa kanila. Shutangina!! Ang natatandaan ko after namin mag-dinner, umakyat na ako sa k'warto ko. Ni-lock ko pa iyan para walang makapasok at makapagpahinga ako nang maayos. Kaya paanong nandito ako ngayon sa kotse at kasama silang anim? Pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari kagabi pero 'di talaga, walang pumapasok sa isipan ko. “Sinong nagtangkang isama ako rito, ha?!” sigaw ko sa kanila pero tinignan lang nila ako at bumalik sa mga ginagawa nila. Shutangina talaga! Kung p'wede lang talaga maging legal ang pumatay ng mga pangit katulad ng mga Hanlon brothers na ito, ginawa ko na. Pero, mapapalayas ako sa kaharian ng mga holy. Nakabihis lang naman ako ng pantulog. Ito ang suot ko kagabi. Magtimpi ka, Alice, hindi ka p'wede pumatay ng mga mukhang hayop na katulad nila. “Aww! Aww!” Nawala ang aking iniisip ng marinig ang tahol ng aking alagang aso. Nakita ko si Coco na nasa cage niya. Hindi ito ang cage niya, ha? “Binili ko niyan. Ang ganda , 'di ba?” Nakita ko sa aking katabi si Bennet na masayang nakatingin sa kulungan ni Coco. Tumingin ako sa kanya. Walang ngiti ang aking mukha na humarap sa kanya. “Binili mo niyan?” pagtatanong ko sa kanya para ma-confirm kong binili talaga niya ang cage ni Coco. Tumango siya sa akin. Proud pa siyang tumango na hindi nawawala ang malaking ngiti sa labi niya. “Mm-hmm...” I smirked at him, “hindi mo ba alam na lalaki ang alaga kong aso, ha?! Bakit kulay yellow ang binili mong kulungan?!” bulalas ko sa kanya at tinuro pa ang cage ni Coco. Kulay yellow ito at hindi lang niyon may pa-bulaklak pa na design sa cage niya! “Pinagloloko mo ba ako, Bennet? Ang daming p'wedeng bilhin na cage, bakit yellow pinili mo?” sigaw ko pa rin sa kanya pero wala siyang imik sa mga sinasabi ko. Mas maganda pa nga niyong cage na binili ko para sa aso kong si Coco. Kulay black niyo na nilagyan ko ng star sa paligid, sticker lang naman niyong nilagay. Mas okay pa niyon kaysa rito sa yellow cage na may bulaklak na design. “You don't like it, my litte sister? Coco loved that, he chose that cage!” ngiting sabi sa akin ni Bennet. Paanong si Coco ang mamimili niyan? Anong pinagsasabi niya sa aso ko. Mag-o-one year old pa lang niyan. Lahat ng gamit malamang magugustuhan ni Coco. Hindi ko sinagot si Bennet. Lalo lang niya ako bubwisitin kapag nagsalita pa ako. Isama mo pa na nandito ako sa loob ng van kasama silang anim, hindi lang niyon, binitbit nila ako rito na naka-pantulog. Napaka-shutangina talaga nilang anim. Confirm, may mga saltik nga ang mga anak ni Ms. Akuti. Sana hindi ako mahawa sa kanilang anim. AFTER FOUR HOURS na byahe namin, nakarating din kami sa rest house nila. Pinaka-dulo yata ito ng Nueva Ecija. Iyon kasi ang huling kita ko na may arko sa dinaanan namin then after niyon wala na akong nakitang arko. Si Foster ang nagbitbit ng backpack ko. Hindi ko nga alam kung ano ang pinaglalagay nilang damit sa bag na iyon. Lalo ako nabubwisit kung paano nila nakayang kunin ang mga underwear ko. Naha-highblood na naman ako. Bwisit talaga sila! Kinuha ko sa cage si Coco at iniwan ko ang cage sa loob ng van. Hindi ko kailangan niyan. Pakakawalan ko si Coco para hindi sila makalapit sa akin except si Bennet, paniguradong makakalapit siya. Gawa sa kahoy ang kanilang rest house pero isa lamang pala niyon na palamuti sa labas dahil sa loob gawa sa semento ito, na may kulay light blue ang buong pader pero may kulay puti ito na pahaba na sumusukat na two inches ang lapad. Maganda ang interior ng rest house nila. Sumunod ako sa kanila pa-akyat at may dalawang pinto lang ang mayro'n dito. “My mini-monster, that's your room!” Turo ni Foster sa akin, sa kaliwang bahagi. “Maganda ang view d'yan, makikita mo ang lake and paglubog and pagsikat ng araw d'yan.” pagpapatuloy niyang sabi sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Binuksan niya ang pinto. Sobrang linis ng k'warto. May iisang kama ang nandito, queen size bed and table and silya. Nilapag ni Foster ang bag na bitbit niya. “Baba ka na lang kapag nakapagpalit ka na, okay, my mini-monster?” nakangiting saad niya. Tinaas ko na lang ang kanang kamay ko at ambang ibaba ko na si Coco ng lumabas siya tuluyan sa room. “Takot naman pala,” napailing na lang ako sa kanya. Lumakad ako sa maliit na veranda na mayro'n sa k'wartong ito. Tama nga sila, kita rito ang lake. May malaking puno rin akong nakita. Pinahid ko ang dalawang daliri ko sa railing ng veranda, walang alikabok. Mukhang na-ma-maintain ang paglilinis sa rest house nila, ha? Nag-unat ako ng aking katawan at nakita ko si Coco na nilalaro ang kanyang buntot, hinahabol niya ito. Okay, bukas din naman uuwi na kami. Titiisin ko na lang na makasama silang anim sa rest house na ito. Lalo na niyong Denver na niyon. Napaka-maldito kahit kailan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD