Chapter 16

1482 Words
My eyes narrowed as I felt my stomach swell. I feel groggy. Napa-upo ako sa kama at hinawakan ang tiyan kong kumukulo. Hindi ko alam kung anong oras na. Walang orasan sa k'wartong ito. Umupo ako sa gilid ng kama at nakita ko si Coco na bumalik sa kanyang cage at doon natulog. Buti pa siya mahimbing ang tulog. Isang sana all, Coco. Tumayo ako at hinanap ko ang aking phone. Saan ko ba nilagay niyon? Tinaas ko ang unan sa aking kama, wala roon. Maging ang kumot ay tinaas ko rin pero wala rin doon. Saan ko ba nilagay niyon after kong mainis kay Foster? Tinignan ko sa may table, finally! Nandoon ang phone ko. Tinap ko ito ng dalawang beses pero 'di umilaw. Eh? Low battery? Hinanap ko agad ang charger sa bag ko at chinarge ko ang phone ko. Low battery na nga. Hindi ko man lang natignan kung anong oras na. Bumaba na lang ako dahil panay pa ring tumutunog ang aking tiyan. Gutom na ako! Madilim ang buong paligid dito sa first floor ng rest house. Lumakad ako sa kusina at binuksan ang ilaw roon. Malinis ang buong kusina. Binuksan ko ang refrigerator, may nakita akong barbecue na nasa plato, marami pa niyon at may dalawang malalaking tilapia sa kabilang plato rin. Kinuha ko ito at saka ko pina-init sa microwave. Mayro'n kasi rito, iyon na lang ginamit ko. Una kong sinalang ay ang barbecue, hindi ko na inayos. Hindi ko na nga inalis sa mismong plato kung saan ko ito nakita. After, fifteen minutes nilabas ko na rin at sinunod ang tilapia. Habang nakasalang ang tilapia sa microwave, tinignan ko ang rice cooker pero ni-isang butil ay walang kanin na nakalagay. Mukhang papapakin ko lang ito, ha?! Hinintay ko na lang tumunog ang microwave at ng tumunog na ito, saka ko na rin hinango ang tilapia. Tinanggal ko ang saksakan ng microwave at saka gumawi sa dining table. Hindi na ako gumawa ng sawsawan, gutom na ako. Kailangang asikasuhin ko na itong tiyan kong kanina pa nag-we-welga. Heaven! Ganito ang gusto ko, ang mapag-isa ulit at walang nangingialam sa mga gagawin ko. “Oh? Good morning?” Naiwan sa ere ang aking pagsubo ng makita ko si Cadmus. Kumukuha siya ng isang bote ng wine at isang wine glass. Eh? “G-good morning?” pagtatanong ko sa kanya at binaba ang barbecue stick na may laman pa. Tumango siya sa akin at umupo sa aking harap. “Maaga ka natulog, right? So, good morning na sa'yo.” Nakita kong nagsalin ng wine si Cadmus sa wine glass niya? Ayos lang ba siya? Wine glass agad iinumin niya? Nakatingin lang ako sa wine bottle na hawak niya habang naglalagay siya roon sa wine glass. “M-maaga na ba?” pagtatanong ko. Hindi ko nga alam kung anong oras na, e. Wrong timing kasi niyong cellphone ko, e. Low battery na pala. Narinig kong tumawa siya sa aking tanong. “Have you slept too long and thought it was morning?” Tumango ako sa tanong ni Cadmus. “Anong oras pa lang ba?” pagtatanong ko sa kanya at bumalik sa pagkagat ng kinuha kong barbecue kanina. “Two in the morning,” Lumaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. “Hindi ka nag-jo-joke?” hysterical na pagtatanong ko sa kanya. 2AM pa lang. Ba't pakiramdam ko umaga na. Dilat na dilat na ang mga mata ko. Hinila niya ang isang plato, iyong platong tilapia ang laman. “You slept early earlier...” saad niya sa akin. “kaya akala mo maaga na.” pagtatapos niyang sabi sa akin at kumuha ng laman doon sa tilapia. “Kung 2AM pa lang, bakit ikaw nagising ka na rin? Maaga ka ring natulog?” curious na tanong ko sa kanya. Tinignan niya. “Paabot naman ng barbecue," binigyan ko siya ng isa. “Katatapos lang nilang mag-ingay bandang 12mn. I went upstairs earlier because I didn’t like the noise. I just went downstairs to see that they were sleeping soundly.” Nakita kong kinagatan na niya ang barbecue hawak niya at uminom sa kanyang wine glass. “Umiinom ka ba, Alice?” pagtatanong niya sa akin at tinaas ang wine bottled. Umiling ako sa kanya. “I am not a fan of alcoholic drinks.” Tanggi ko sa alok niya. “Nice,” Nakita kong ngumiti siya pero hindi naman umabot sa mga mata niya. “May problema ka ba? Curious lang ako, ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid pero si Foster ang naghahawak ng mga business na naiwan ng father niyo. Paanong nangyari niyon?” pagtatanong ko sa kanya. Nahihiwagaan kasi ako. Kaya noong una akala ko si Foster ang panganay sa mga Hanlon. Ngumiti siya at inubos ang laman ng kanyang wine glass. “I am a child not planned to be born here.” Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Nilagyan niya ulit ng wine iyong baso niya. “Um, Our parents weren't in love before. They are both in Showbiz. They used to be a love team but there is no love between them.” Inikot niya ang wine glass niya kaya maging laman nu'n ay umikot. “They had just finished taping the movie, they agreed to have a drink then when they woke up they were both naked. That’s where I was formed. Accident lang na nabuo ako and may ibang nililigawan ang dad ko noon, isang model.” May nakita akong kirot sa mga mata ni Cadmus. Kaya ba hindi siya ang humahawak ng business nila? “Nang maipanganak ako, galit ang dad ko sa akin. Kumalat sa showbiz ang tungkol sa akin. Masyadong makapangyarihan ang dad ni mom, pinilit nilang ipakasal ang dalawa kahit ni-one percent ay wala man lang pagmamahal sa pagitan nila. I turned two years old ng malamang buntis ulit si mom...” Tumingin sa malayo si Cadmus habang pinaglalaruan pa rin niya ang wine glass. “After, Bennet born, naging masaya sila. Hindi ko alam kung anong mayro'n kay Bennet na wala sa akin. Bakit hindi ko naramdaman ang saya nila noong ako pa lang? Hanggang dumating sina Foster, Chance, Quinn and Denver. Kita ko sa mga mata nila ang saya habang inaalagaan nila ang mga kapatid ko. Then, suddenly nagkaroon ng sakit si dad, sa akin niya ipahahawak ang lahat ng business na napundar nila pero, I refused it. Hindi ko tinanggap ang alok niya.” Narinig ko siyang nagbuntong-hininga. “Sino ang tatanggap doon? Kung ang inaalala lang nila ay dahil panganay ako. That the eldest should handle the business. How can I take responsibility for that if they just have no choice because I am the eldest.” Ngumiti siya sa akin. Oo nga naman. Ibibigay lang sayo dahil no choice sila. Tumayo ako at tinapik ang balikat ni Cadmus. “Hindi mo kailangang itago lahat ng iyan, Cadmus. Hindi porke't ikaw ang eldest sa inyo, pasan mo na ang lahat. And, paano mo nalaman na hindi ka minahal at hindi naging masaya ang parents mo noong nilabas ka sa mundong ito?” pagtatanong ko sa kanya. “Pinapanood ko lagi ang mga video na tinabi ng lola ko. Ni-isang ngiti o pilit na ngiti man lang wala akong nakita roon. Tanging grandparents ko lang nag-aalaga sa akin. Pero, ng dumating si Bennet, naging hands-on na sila sa lahat ng bagay.” Malungkot siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero niyakap ko siya sa kanyang likuran. “Ganito ako noon. Simula namatay si mommy, tanging sila lolo't lola lang din ang nag-aalaga sa akin dahil abala sa trabaho si daddy. Uuwi lang siya once a month pero hindi naging okay sa akin niyon. Kailangan ko ng ama-ng tatayo sa tabi ko at magmamahal sa akin.” pagku-k'wento ko habang nakayakap pa rin ako sa kanyang likod. “Iyong may pupunta sa mga meeting ng school, manonood ng mga activities ko and to support me. Pero, wala, e. Kaya ng malaman kong ikakasal na ulit ang daddy ko sa mommy niyo, nalungkot ako. Hindi ba ako sapat? At, hindi lang iyon, uuwi siya ng Pinas para lang magpakasal.” Humiwalay ako sa kanyang likod at pinahid ang tubig na tumulo sa pisngi ko. “Hindi lang niyon dahil naniwala agad siya sa inyo na kaya niyo kong alagaan. Sino ba naman kayo? Hindi ko nga kayo kilala. Saka, sanay naman na akong mamuhay mag-isa simula mawala ang lolo't lola ko. Kaya ko na ang sarili ko, kaya ko ng tumayo na walang tulong ng ibang tao...” Hindi ko na napigilang umiyak. Nagulat ako ng yakapin ako ni Cadmus, “You'll just cry over that. Then, you will be strong again.” Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko safe ako kay Cadmus. “S-salamat, C-cadmus...” Dahil pakiramdam ko parehas kami ng pinagdaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD