I feel gloomy.
Nakatitig ako sa kisame ng k'warto ko at doon ko lang nakapa sa aking noo na may towel na nakalagay sa akin.
Tinanggal ko ito at nilagay sa gilid ng kama, hindi naman na gaanong basa ang towel. Kinapa ko ang sariling noo ko, wala na akong init na naramdaman. Maayos na rin ang pakiramdam ko.
Bumango ako at nakita kong wala si Coco sa aking room. Nasaan si Coco?
Tinignan ko ang buong sulok ng k'warto pero wala roon si Coco. Nasaan ang alaga kong aso?
Baka kinuha na naman ni Bennet, sa kanilang anim sa kanya ko nakitang malapit si Coco. Bago ako lumabas sa k'warto ko, nagpalit muna ako ng damit. Ang suot ko ay isang mahabang pantulog na hanggang sa aking gitnang binti.
Sino naman kaya nagpalit sa akin? Don't tell me, isa sa mga magkakapatid na niyo!
Shutangina!
Subukan lang nilang palitan ako ng damit, gigilitan ko ang mga leeg nila hanggang maubusan sila ng dugo at mamatay!
Pinihit ko ang doorknob at saka ako nag-psst-psst para makuha ang atensyon ng alaga kong si Coco.
Aso ang alaga ko, ha? Hindi pusa, doon kasi siya sumasagot kapag tinatawag ko si Coco.
Madilim pa rin dito sa hallway. Maaga akong nagising dahil buong araw yata akong natulog kahapon, kahit gusto ko pang ipikit ang mga mata ko 'di ko na niyon magagawa. Dilat na dilat na ang dalawang mata ko.
Nasa kalagitnaan ako ng hallway ng maramdaman kong kumulo ang aking tiyan, napahawak ako rito. Nagugutom na ako.
Kaya imbis na si Coco ang hinahanap ko, gumawi na lang ako sa kusina nila.
Hindi naman masama na magluto, 'di ba?
Nagugutom na ako, e.
Hindi ko nga matandaan kung kumain ba ako ng kanin kahapon. Puro tubig lang yata ang pumasok sa aking tiyan simula umaga.
Binuksan ko ang refrigerator nila, may nakita akong ham and eggs na nakalagay. Kinuha ko ito at maging ang hotdog.
Sunod kong tinignan ang rice cooker nila, may laman pa niyon. I-pa-fried rice ko na lang kaysa naman magsaing ulit ako.
Ginamit ko ang electric stove nila. Doon na lang ako magluluto, sanay naman akong gamitin ito dahil ganito ang ginagamit ko sa unit ko noon.
Inuna kong i-prito ang eggs, ginawa ko itong sunny side-up, masarap ito lalo na kung 'di gaanong luto ang dilaw ng itlog. Dalawa ang ginawa ko. Sunod kong pinirito ay ang ham and hotdog, sinabay ko na silang dalawa.
Habang tumatagal lalong nag-iingay at nagwawala itong tiyan. "Konti na lang maluluto na ito, kumapit ka na lang muna d'yan, tiyan ko!" Kausap ko sa aking sarili at tinapik nang mahina ang aking tummy.
Fried rice na ang ginagawa ko. Nilagyan ko lang ito ng hiniwa kong hotdog and isang batik na itlog.
Nang makatapos akong magluto saka ako kumain. Hindi ko na nga inabalang buksan ang ilaw sa dining table nila, sapat na iyong ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana. Baka kasi magising ko pa sila at nalaman nilang kinakain ko ang mga pagkain nila.
Para naman akong akyat-bahay nitong ginagawa ko.
Minamadali ko ang aking pagsubo para makatapos na akong kumain, huhugasan ko pa ang mga ito at saka ako babalik sa k'warto.
Saturday ngayon, wala kaming pasok. Kaya need kong magtanong kay Renma kung anong ginawa nila kahapon. Ayokong mahuli sa klase.
Oo, masungit ako.
Oo, maldita ako.
Oo, hindi ako nakikipaghalubilo sa ibang tao.
Oo, loner ako.
Oo, introvert ako.
Pero, grade conscious ako.
Ayokong bumababa ang grades ko.
Napapikit ako ng bumukas ang ilaw sa dining table. Hinarang ko ang aking kanang kamay sa mata ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa bumbilya.
“Bakit ka naman kumakain na hindi binubuksan ang ilaw, my little-sister?”
Napa-angat ang aking tingin sa second floor kung saan ko narinig ang boses. Nakita ko roon ang nakatayong si Bennet habang hawak ang aso kong si Coco.
Kumawala ito sa pagkakahawak ni Bennet at nakita kong pababa na ito sa hagdan.
“Coco,” tawag ko sa pangalan ng aso ko.
Tahol nang tahol ito at paikot-ikot sa aking paa.
“Gutom ka pa ba? Gusto mo magluto pa ako para sa'yo?” saad ni Bennet sa akin na siyang pagkalapit niya.
Umiling ako sa kanya at inabala ang aso kong nakikipaglaro sa aking mga paa.
“Are you feeling well, my little sister?” pagtatanong niya sa akin at nagulat ako ng kapain niya ang aking noo gamit ang kanyang kanang kamay.
“Hindi ka naman na mainit,” saad niya sa akin at inalis ang kanyang kamay sa noo ko. “I will make you soup so that your strength will return immediately. Cadmus also bought some fruit there, you can eat that too. You worried us.” pagpapatuloy niyang sabi sa akin at gumawi sa may kusina.
"B-bakit naman kayo nag-aalala sa akin? Simpleng sakit lang naman ito." ani ko sa kanya at umiwas ng tingin sa kanya.
Bumalik ang gawi ko sa plato ko. Uubusin ko na ito para makabalik na kami ni Coco sa room ko.
“Bakit kami nag-aalala sa'yo? You are our sister, Alice Domino. You are not our bloodline but we consider you as our sister. Our little sister. Kaya 'wag mo na kami paalalahanin sayo, okay?" magiliw niyang sabi sa akin at nag-thumbs-up pa siya.
Nakita kong nagsuot na siya ng apron at naging busy na siya sa kusina. He's a chef after all.
Habang tumatagal na nandito ako sa dining table, isa-isa ko na silang nakitang pababa rito.
“Ate Alice!” Napapikit ako ng marinig ang salitang ate. “Magaling ka na po ba?” Nakita ko sa aking harapan ang malungkot na mukha ni Denver. “Mamamatay ka na po ba? Huwag po, bata ka pa po.”
Aba, shutangina!
Masamang damo kaya ako?
Hindi na ako nakapagtimpi, kinutongan ko siya. “Gusto mo ikaw unahin ko, ha? Kapag namatay ako at naging multo ako, uunahin kitang, maldito ka!” saad ko sa kanya at inangilan siya.
“Hindi ka naman po mabiro, ate Alice. Hehe!” Sabay kamot niya sa kanyang batok.
Bwisit!
Sa kanya ako ma-ha-highblood, e.
“Hey! Hey! My little-monster, are you feeling so so so good, right now?”
Hindi ko binalingan ng tingin si Foster. Mukha pa lang niya naiinis na ang araw ko.
“Leave Alice alone! She is no longer comfortable with what you are saying and you are all still by her side.” Tumango ako sa sinabi ni Cadmus.
Sa kanilang anim, mukhang siya ang terror sa bahay na ito. Siya rin kasi ang panganay.
Nasa tabi ko lang naman ay sina Denver, Bennet and Foster. At, bwisit na ako sa kanila ngayon. Hindi ako makatapos sa kinakain ko kasi panay lagay sila sa plato ko.
"Tsss..."
Pa-simple akong tumingin kay Quinn na mukhang bad mood yata. O, ganyan na siya simulang pinanganak siya sa mundong ito, laging nakasimangot at seryoso sa buhay.
“Good morning to everyone! To my brothers and supporters! I am so grateful for the support you give me.”
Sabay-sabay kaming napatingin sa may hagdan kung saan nanggagaling ang boses na niyon.
“It's Chance! Kuya kong superstar!” masigla sabi sa akin ni Denver.
Napangiwi na lang ako.
“Breakfast is ready, Chance. Kumain ka na rin.”
“Eh?!” napasigaw ako at napatayo habang nakaturo roon sa lalaking tinatawag nilang Chance.
Pula ang buhok nito, may tatlong piercing siya sa kanyang kanang tenga at isang piercing na mahaba sa kaliwang tenga niya.
“H-hindi ba siya m-multo?” nauutal kong tanong sa kanila habang nakaturo pa rin doon sa lalaki na may malapad na ngiti sa kanyang labi.
Umupo siya sa silyang kaharap ko. “Oh? Ikaw si Alice Domino?" Nakaturong sabi niya sa akin at kumuha na ng pagkain.
“Ano naman sa'yo?” pabalang saad ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin, “wala lang naman. Gwapo pa rin naman ako, e.”
Eh?
Isa na namang siraulo.