Hindi ko alam kung paano ako nakatakbo palabas ng babay nila. Pagkatanong sa akin ni Cadmus, ba't naka-uniform ako kahit maaga pa ay hindi na ako nakapag-isip pa.
Tumakbo ako pabalik sa room ko. Kinuha ko ang bag and sapatos ko saka ako tumakbo palabas ng bahay nila.
Hindi ko na nga napansin si Coco kung gising na ba siya nang umalis ako. Kaya heto ako ngayon nasa Haven namin nakahiga sa malambot na kutson.
Two hours pa bago ang class ko. Ang pino-problema ko paano ko sila haharapin mamayang 5PM, paniguradong susunduin na naman kami ng Foster na iyon.
"Wah!" sigaw ko pero kinulong ko ang aking boses sa unan na yakap ko. Baka kasi may tao na rito sa Haven, tapos sigawan din nila ako pabalik.
Tumigilid ako ng higa. Anong gagawin natin ngayon, Alice? Dagdag problema na naman ang iniisip ko ngayon.
"Argh! Bakit ko ba iniisip kung anong gagawin ko mamaya? E, ako si Alice Domino, walang pake sa ibang tao. Wala pake kung ano ang iniisip nila sa akin. Dahil, iisa lang naman ang iniisip ko at iyon ay protektahan ang aking sarili sa ibang tao." kausap ko sa aking sarili at dahil sa sinabi ko, nakatulog na ako.
"Alice Domino! Alice Domino!"
Dinilat ko ang isang mata ko at tumingin sa pinto na kanina pa may malalakas na katok mula roon.
"A-ano n'yo–" nawala ang boses ko at halos 'di ko na natapos ang aking sasabihin.
Masakit ang ulo ko at pati ang lalamunan ko. Hindi ako maka-ayos ng salita.
"Alice Domino, open this door! Mag-a-alas-nuwebe na!"
Gusto ko man magsalita at isigaw sa taong kumakatok sa labas ng pinto ay hindi ko magawa.
Bumangon ako pero agad din akong napahiga. Nanghihina ako.
Oh, s**t, 'wag ngayon.
"A-argh..." Pilit kong bumangon pero walang lakas ang aking braso at maging ang buong katawan ko.
Napahiga na lang ulit ako habang habol ang aking hininga. Naalala ko wala pa akong kain simula kanina. Wala rin akong gaanong tulog simula ng malaman ang tungkol dito.
"Alice! Hindi ka ba papasok!"
Napatingin ako sa kay Asher, nabuksan na niya ang pinto kung nasa'n ako.
Tinitigan ko lang siya dahil wala talaga akong lakas ngayon.
"Are you okay?" Bakas sa boses ni Asher ang pag-aalala sa akin.
Umiling ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama. "Namumula ang mukha mo, Alice!" bulalas niyang sabi sa akin at kinapa niya ang aking noo gamit ang kanyang kanang palad.
"Ang init mo!" Inalis niya ang kanyang kamay. "Stay there, okay? Ano bang pinaggagawa nila sa'yo!" Rinig kong sabi niya habang palabas sa k'warto.
Nauuhaw ako. Umiikot ang paningin ko. Heto na naman ako, mahina. Ayoko sa lahat ng ganito.
"Tyron! Kunin mo niyong maliit na palanggana d'yan at lagyan mo ng tubig! Queen, bitawan mo muna niyang make-up mo, magpa-init ka ng tubig..."
Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Asher. Lalong sumasakit ang ulo ko.
"I'll call kuya Harry! Inaapoy ng lagnat si Alice!"
Iyon lang ang huli kong narinig ng tuluyang kunin ulit ako ng kadiliman.
---
Napadilat ako ng makaramdam ng pagka-uhaw. Nanunuyo ang aking lalamunan. Bumangon ako at doon ko nakita ang buong paligid.
Puro puti ang nakikita ko. Nakita ko ang IV sa aking likod-palad. Sa gilid ko ay swero.
Bakit nandito ako?
Bakit nila ako rito dinala?
Ayoko rito.
Gusto kong umuwi.
Kahit nanghihina pa ako, tinanggal ko ang IV sa akin. Hindi ko kailangan niyan. Hindi ko kailangan ng awa sa ibang tao.
Bumaba ako sa kama at muntik pa ako matumba buti na lang napakapit agad ako upuang mayro'n dito. May silya sa tabi ng kamang hinihigaan ko.
Nasa'n ang damit ko?
Gusto ko ng umalis dito.
Hinahanap ko ang aking damit pero wala. Maging doon sa gilid ng sofa na mayro'n dito ay wala rin.
Nasaan ang uniform na suot ko?
Napalingon ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. "Teka, hindi ka pa p'wedeng tumayo! Kailangan mo pang magpahinga!" saad sa akin ni Quinn.
Hahawakan na sana niya ako pero tinabig ko ang kamay niya. "Ayoko rito." madiin kong sabi sa kanya. "Uuwi na ako." pagtatapos kong sabi sa kanya.
"Hindi ka pa p'wede umuwi, Alice. Kailangan mo pang magpahinga." Tinuro niya ang kama pero umiling ako sa kanya.
"Uuwi ako! Ayoko rito! Ayokong mag-stay sa hospital!" sigaw ko sa kanya.
Ayokong maalala ulit ang ilang taon na ang nakakalipas. Kung paano ko nakita ang pag-aagaw buhay ng lolo't lola ko. Ayoko ng maalala niyon.
"Hospital niyo ito, Alice." saad niya ulit sa akin.
"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan, ha? Ayoko rito! Ayokong mag-stay sa hospital! Ayoko!" sigaw ko sa kanya.
Napaupo ako sa sahig at halos manginig na ang buong katawan ko. "Ayoko rito. G-gusto ko ng makauwi..." paulit-ulit na sabi ko sa kanya.
“Quinn, si Ali– anong nangyari?”
Nakita kong lumapit sa akin si Foster at hahawakan sana niya ako pero lumayo ako sa kanya.
“Gusto kong umuwi, F-foster... Ayoko rito.” pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin at sunod kong nakita ang pagtango niya sa akin. “Sure, uuwi na tayo. Come on,” Inalalayan niya akong tumayo at nagulat akong binuhat niya ako.
“Stay here first, okay?! Pupunta lang ako sa family doctor niyo.” kausap niya sa akin at saka kami iniwanan ni Quinn.
Naging tahimik ang pagitan naming dalawa. Ang sunod kong narinig ay pagsara-bukas ulit ng pinto. Lumabas siya.
Hindi ko na kayang tumagal dito sa hospital. Any moment, mag-be-breakdown ulit ako. Kahit nanghihina ako, pinilit kong tumayo ulit sa kama. Humawak ako sa dingding ng k'warto upang doon kumuha ng lakas.
Pinihit ko ang doorknob at lalabas na sana ng may marinig akong mga boses.
"Anong ginawa niyo sa cousin namin?"
Napasandal ako sa dingding at napa-upo dahil nanghihina pa rin ang aking mga binti. Narinig ko ang boses ni Tyron.
"Calm down, Tyron! Hindi ka nakakatulong! Hindi niyo siya dapat dinala sa hospital!" Narinig kong sigaw ni Asher.
Nandito ang mga pinsan ko.
"s**t! You didn't know anything about our cousin, Mr. Foster. Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan niya ng mag-isa habang si tito Reki ay lumilibot sa ibang bansa para makahanap ng artifacts. Hindi niyo alam kung gaanong kasakit sa kanya na makita ang lolo't lola niyang binawian nang buhay ng sabay sa hospital na ito. Kaya ng araw na iyon, ni-ang pagtuntong sa kahit anong hospital ay ayaw niya, maging itong family hospital namin. Kayo ang tinawagan namin para maalagaan at makapagpahinga na siya sa inyo pero dinala niyo pa rin pala siya rito... You can call our family doctor at siya na mismo ang pupunta kung sa'n man kayo nakatira. Alam niya ang estado ni Alice. Hindi sana kayo gumawa agad ng hakbang."
Napayuko ako ng marinig ang boses ni Harry. Sa amin lahat ang maaasahan sa aming magpipinsan. Siya rin ang susunod na magmamana nitong hospital dahil sa aming magpipinsan, siya lang ang nagtaka kumuha ng medisina.
"We didn't know that, Harry."
Hindi ko na kaya gusto ko na talagang umuwi.
"H-harry..." mahinang tawag ko sa pangalan ng pinsan ko. Gumapang ako palabas sa pinto na silang pagkagulat nilang lahat.
Nakita ko ang kinakabahan na mukha ni Foster, lumapit siya agad sa akin at binuhat niya ulit ako.
"Uuwi na tayo, Alice." saad niya at dumiretso lumakad sa gitna ng mga pinsan ko.
Nakasunod sa aming likuran si Quinn na may buhat na isang bag.
"We're sorry, my mini-monster..."
Iyon ang huling narinig ko at nakatulog ako sa kaliwang balikat niya habang buhat-buhat pa rin niya ako.