Chapter 11

1115 Words
Masama ang tingin ko sa bunso nilang kapatid. Mukhang siya ang magpapa-stress ng buhay ko rito. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang sinabi niya kanina kung gusto ko na raw ba maging potato sa refrigerator. Legit ang high blood ko sa kanya. Muntik ko ng ibato ang sapatos ko sa pagmumukha ng isang niyon. Napabangon ako sa kama. Ang galing nga, e. After ng dinner namin kanina, masasarap naman ang mga niluto nila. Perks to have a chef sa family. Sinamahan nila akong puntahan ang k'warto ko rito. Nasa east wing ang aking room, kahilera ng room ko ay iyong kay Denver. Buti na lang talaga sound proof ang mga room. Kasi after nila akong hinatid, pinagmumura ko na silang lahat, hindi na sa isip ko kung 'di nilabas ko na talaga. Bwisit! Maayos na ang room ko ng madatnan ko ito. May pink bedsheet and pillowcase ako. Pink curtain, pink rug and carpet, halos lahat ng nandito ay pink. Mukha bang pink ang favorite color ko? Stereotype, ha? Hindi porket babae, pink na agad! May mini-refrigerator din ako rito. May side table, may television and PlayStation pa rin. Talagang pinaghandaan nila. Sila kaya nag-ayos? O, baka naman tumulong ang mga girlfriend nila? Imposibleng, walang mga girlfriend ang mga iyan lalo na si Foster. Bakit ko ba iniisip ang mga iyon? Ang dapat pag-isipan ko kung paano sila inisin para sila na mismo ang magpapatalsik sa akin. Ang gagawin ko na lang ngayon ay maging isang demonyo para mission complete ako sa aking gagawin. Umupo ako sa gilid ng kama ko. Nakita ko si Coco na mahimbing na natutulog sa higaan niya. Sana all, Coco, mahimbing na ang pagkakatulog. Tumayo ako at gumawi sa veranda ng room ko, kita ko rito ang puno ng mangga. May mga pa-ilaw na nakalagay roon kaya maliwanag sa gitna nito. Tumingin ako sa mga kahilera kong k'warto, lahat ng iyon ay madilim na. Siguro mahimbing na silang natutulog habang ako nag-iisip kung ano ang gagawin kong kalokohan para sa kanila. Bumalik na ulit ako sa loob at sinara ang pinto ng veranda. Sira ang bathroom na mayro'n ako rito, hindi raw nila naipagawa agad ang connection ng tubig sa room ko. Kaya ang malas ko, roon ako sa first floor maliligo, aagahan ko na lang ang gising ko bukas. Humiga ulit ako sa kama at nag-iisip pa rin ng plano para sa kanila ng maramdaman kong hinihila na ako ng kadiliman. TUMUNOG nang malakas ang cellphone kong nasa gilid ko. Dinampot ko niyon at nakita ko ang aking alarm ang tumunog. 5:30 AM na. Kahit inaantok pa ako. Kahit namumungay pa ang aking mata ay bumangon na ako. Ayoko talaga silang makita. Kahit 9AM pa ang pasok ko ngayon ay aagahan ko na lang at sa Haven na lang ako babawi ng tulog. Humikab ako at tinaas ang dalawang kamay ko. Para akong zombie na naglalakad habang hawak ang towel and uniform ko. Naka-ilang tingin ako sa mga dala ko para wala akong maiwan na damit. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng room ko at sumilip sa magkabilang hallway, nang makitang wala pang tao at madilim pa rin sa buong sulok ng bahay nila ay lumabas na ako. Mahina ang aking paglalakad sa hallway para 'di sila magising talaga. Malay ko ba baka matatalas ang pandinig ng mga Hanlon na ito. Gano'n din ang ginawa ko ng bumaba ako sa hagdan. Halos i-angat ko na ang paa ko para 'di gumawa ng ingay man lang. Nadaanan ko ang kitchen, wala pa rin talagang tao. Ano oras kaya ang gising ng mga ito? Binuksan ko nang tahimik ang pinto ng bathroom. Thanks, God! Walang tao. Ako pa nga lang ang gising. Tinignan ko muna ang bawat sulok ng bathroom baka kasi my hidden camera-ng nilagay ang mga iyon. Lalo na't hindi naman nila ako tunay na kapatid. Nang makasigurong wala naman kahit ano sa loob ng bathroom ay agad akong naligo. Ang dating isang oras kong paliligo ay naging twenty minutes na lang yata, kasama na roon ang pagbibihis ko. Naka-uniform na ako. Handa na ako pumasok. Dating gawi lumabas ulit ako ng tahimik. Okay sana lahat ng pag-akyat ko, gano'n ma lamang ang aking pagkagulat ng may makitang isang bulto na katawan ang nakahiga sa may sahig, nakadapa siya kaya 'di ko makilala kung sino siya. "A-are you okay?" Nanginginig kong tanong sa kanya at mahina siyang sinipa pero 'di pa rin siya gumagalaw. "M-multo ka ba?" Napaatras ako sa kanya dahil sa aking tanong pero wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya. May multo yata sa bahay nila! P-pero, madaling araw naman na, e. 'Di ba, alas-dose sila nagpapakita? Napayakap ako sa aking sarili ng makita kong gumalaw siya at gano'n na lamang ang gulat ko ng tumingin siya sa akin. "M-multo! Wah!" Mariing ko sigaw sa kanya. Napaupo pa ako sa sahig habang pa-atras sa kanya. "M-may multo! Tulong!" Naiiyak kong sigaw habang humihingi ng tulong. 'May multo! May multo!' paulit-ulit kong sabi sa aking isipan. Umilaw ang hallway kung nasa'n ako at ang multo. Nakita ko sa dulo ng west wing ang nakatayo na si Cadmus, magulo pa ang buhok nito at mukhang nataranta ng marinig ang sigaw ko. "Multo!" sigaw ko sa kanya at tinuro ang lalaking papalapit sa akin. Lumapit siya roon at ngayon ko lang napansin na hindi yata multo iyong nakadapa sa sahig. "Chance," narinig kong tawag niya roon sa nakadapa pa rin sa sahig. Eh? Chance? "Bakit ang aga mong nakabihis, my mini-monster?" Napalingon ako sa likod ng makita si Foster, magulo rin ang buhok niya. Tinulungan niya akong tumayo. Pinagpagan ko naman ang aking uniform na nagusot dahil sa multo na iyon. "Multo," turo ko roon sa inaalalayan ni Cadmus. "Si Chance niyan, the fourth son." saad niya sa akin at tinulungan niyang buhatin niyong lalaking nakadapa, hindi raw multo, e. "Anong ingay niyon?" "It's too early..." "What's happening?" Napangiwi ako halos lahat yata sila ay nagising ko na dahil sa hampas lupang kapatid nilang natutulog sa sahig. Mission failed. "Is this Chance? Akala ko ba mamaya pa ang uwi nito?" Nakita ko si Bennet na lumapit sa lalaking inihiga nila sa sofa. Wala pa ring malay ang isang niyon. Lasing ba ang kapatid nila? "S-sorry, akala ko multo siya." mahinang sabi ko sa kanila. Naramdaman kong may gumulo sa aking buhok. "It's okay, my mini-monster. Maaga na rin naman na." saad sa akin ni Foster. Siya lang naman tumatawag sa akin ng gano'n, e. Sapakin ko siya. "It's okay, Alice." Tumingin sa akin si Cadmus. "Ba't naka-uniform ka na agad? Mag-si-six pa lang naman ng umaga." dugtong na sabi niya sa akin. Mission failed. Send help.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD