"Renma, ha? Tss..."
Napalingon ako kay Quinn parang may sinabi siya pero 'di ko marinig. Nakatingin siya ngayon sa bintana. Doon naka-pokus ang tingin ng mga mata niya.
Nakatingin ako sa aking side hanggang ngayon kasi nandoon pa rin si Foster at mukhang kinakausap pa rin niya si Renma.
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Renma na siyang pinagtataka ko. May sinasabi sigurong masama itong Foster na 'to.
Aamba na sana akong bababa ng pigilan ako ni Quinn. "Huwag kang bumaba. Pabayaan mo si kuya Foster doon."
Kunot noong lumingon ako sa kanya. "May sinasabing masama niyang kapatid mo sa kaibigan ko!" sumbat kong sabi sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin at nagkibit-balikat. "I don't know!"
Nakakainis!
Bwisit na mga Hanlon na ito.
Bubuksan ko na ang door sa aking tabi ng makita kong pumasok na si Foster. Nakapaskil sa kanyang labi ang isang ngiti.
"Anong ginawa mo kay Renma?" agad kong tanong sa kanya ng makapasok siya.
Lumingon siya sa akin, "nothing, my mini-monster." saad niya sa akin habang may pilyong ngiti pa rin sa labi niya.
Hindi ako naniniwala sa kanya.
Lumingon ulit ako kay Renma, nakita kong kumakaway siya sa akin hanggang 'di ko na makita ang kanyang katawan dahil mabilis magpatakbo itong si Foster.
Niyakap ko ang aking bag. Nakayuko ako at walang kinakausap ni-isa sa kanila. Nag-uumpisa na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
Paano ko sila pakikisamahan?
Urgh, hindi ko alam kung anong gagawin ko roon once na dumating na kami.
Hahanapin ko agad si Coco. Baka kinawawa na nila ang aso ko.
"Are you okay, my mini-monster?" Narinig kong pagtatanong ni Foster sa akin.
Hindi ako nag-angat ng paningin sa kanya. Hinayaan kong naka-yuko ako. Wala naman akong sasabihin, e. At, ayoko silang kausapin.
Galit ako sa kanila. Kay daddy at sa lahat ng taong nakapalibot sa akin. Wala akong tiwala sa ibang tao.
Nang hindi ako sumagot sa tanong niya, naging tahimik na ulit ang simoy ng hangin sa loob ng kotse.
Pero, ang bilis ng t***k ng puso ko ay hindi nagbabago. Pakiramdam ko may namumuo ng pawis sa aking noo at nag-uumpisa na ngang mamasa rin ang aking magkabilang kamay.
Pa-simple akong tumingin ng maramdaman kong lumiko ito pakaliwa. Gano'n na lamang ang kabang nararamdaman ko ng makita ang isang condominium style na bahay.
Bahay nila ito?
Bakit ganito?
May malaking gate kaming pinasukan at nakasulat sa itaas na iyon ay Hanlon Residence. Hindi sa kalayuan ay may makikita kang malaking puno na mukhang puno ng mangga ito.
Kapag nalampasan mo na iyon ay makikita mo na ang condominium style.
Huminto ang kotseng sinasakyan namin. Naunang bumaba si Quinn at sumunod si Foster. Nagulat akong nasa tabi ko na si Foster, siya ang nagbukas ng pinto sa aking gilid.
"Don't be shy, kanina pa sila naghihintay sa pagdating mo. Hindi kami kumakain ng tao. Come on," saad niya sa akin at kinuha ang bag ko sa aking hita.
Hindi ko hinawakan ang kanyang kamay niyang nasa aking harapan. Nakatingin na ako ngayon sa bahay nila. Hindi pala siya condominium style dahil gano'n nga talaga ang style ng bahay nila!
"Kailangan nating maghintay. Naunang umakyat si Quinn, ang demonyong nerd na iyon hindi tayo sinabay!" Galit na saad niya sa kanyang kapatid.
Sumandal siya sa gilid ng elevator habang hinihintay na namin ito bumaba. May dalawang number lang naman ang nakasulat doon.
"Weird, ano? Bahay namin parang condominium?" Natatawang sabi niya sa akin na siyang kinagulat ko.
"Ayaw kasi namin magkita-kita. Magkakapatid kami pero may mga sariling buhay na kaming anim. Kaya ito ang ginawa namin sa dating bahay, ginawa naming ganito. Bawat floor may mga room, sa first floor, nandoon ang kitchen, sala and bathroom. Sa second floor ng unang palapag, ang mga room. Bawat room ay may mga bathroom din katulad sa mga condominium units pero sa ngayon sira ang bathroom sa room mo, my mini-monster..." Bumukas na ang elevator kaya pumasok kami.
"Sa pangalawang floor, ay mga guest room."
Nagningning ang aking mga mata sa aking narinig, sa second floor ako maniniraha–
"Hindi ka roon nakalagay, may room ka kahilera namin." Nakangisi niyang sabi sa akin.
Bwisit!
"Wait? Second floor ang mga guest room? Ba't sabi mo kanina sa second floor ang mga rooms para sa inyo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Makikita mo rin," pagkasabi niyang iyon ah bumukas na ang elevator.
Eh?
Lumabas kami sa loob at nakita kong may hagdan pababa.
"See? Itong tinutungtongan natin ay ang second floor nang first floor." saad pa niya sa akin. "Iyang magkabilang hilera na niyan ay nandyan ang mga room natin." aniya at sabay turo sa magkabilang gilid ko.
Natin?
Lumakad siya sa paharap at tumigil siya sa veranda ng floor na ito. "Ito ang sala and iyon ang kitchen!"
Lumapit ako sa kanya at gano'n na lamang ang gulat ko ng makita sa sofa ang mga kapatid niya.
"Welcome home, Alice Domino!" Malakas nilang sabi sa akin na siyang kinatanga ko.
May mga design sa sala nila. Na mukhang pinaghandaan nila ang pagdating ko.
Nakita kong nasa hita ni Bennet ang alaga kong si Coco. Kumakawag ang buntot niya habang tumatahol sa akin.
"Noong isang linggo pa niyang design, hindi na namin inalis." Napatingin ako kay Foster ng sabihin niya iyon.
Hindi nila tinanggal?
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at bumaba kami sa sala nila. Nakakailang lunok na yata ako ng aking laway dahil sa kanila.
Sino niyong dalawang katabi ni Bennet?
"Come on," napasunod ako kay Foster, hila-hila niya ang kanang pulsuhan ko.
Hindi ko na mabilang kung nakaka-ilang lunok na ako ng aking laway.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Nasa harapan ko na silang lima? Teka? Akala ko ba anim ang anak ni Ms. Akuti?
"Aw!" Napatingin ako sa sahig ng makita ko si Coco na dinidilaan na ang aking sapatos na suot.
Kinuha ko ito at kinarga. "Coco," tawag ko sa kanyang pangalan at saka dinilaan ang aking pisngi.
"Ehem," napabalik ang aking tingin ng may umubo sa kanilang lima.
Ang kaninang katabi kong si Foster ay sumama na rin sa mga kapatid niya.
"Welcome home to Hanlon Residence, Alice Domino!"
Napatitig ako sa kanilang lima ng sabay-sabay silang sinabi ang katagang niyon. Lahat sila ay nakangiting sinalubong ako.
"I'm Cadmus, first born in this family. I'm high school teacher at Lazaro High school." pagpapakilalang sabi niya sa akin.
So, siya ang panganay sa kanilang lahat. Ba't mas mukhang matanda si Foster? Eh?
"I'm Bennet, second born. Chef ng bahay." Then he smirked at me.
Kilala ko na naman siya. Siya ang unang nagpainit ng ulo ko. Bwisit na email na niyan.
"You know me na, right? So, pass na ako, my mini-monster."
Tss. Hambog na Foster. Nakapamulsa pa siya.
"Ipapakilala ko na lang si Chance, the Fourth son of this family. Artist siya ng isang agency. He can act, sing, and dance. Also, he's a model. Bihira mo lang makikita ang isang niyon dito, always nasa sariling condo niya ang isang niyon." saad ni Foster sa akin.
So, siya ang nawawala sa lima ngayon.
Chance? May narinig na ba akong name sa artists na Chance ang name?
"Hi, I'm Denver the handsome of the family, ate Alice!" magiliw niyang pagpapakilala sa akin na siyang kinangiwi ko.
Mukhang hyper ang isang ito.
Teka? Ate? Tinawag niya akong ate?
"M-mas matanda ako sayo?" bulalas kong sabi sa kanya.
Tumango siya sa akin habang nakangisi, "of course, 15 pa lang kaya ako! Belat!" ani niya sa akin at dinilaan pa ako.
Shutangina!!
Naalala ko na!
Siya niyong sumasagot sa akin sa email!
"Gusto mo na bang maging potato sa ref?"
Siya nga.