Chapter 29

1308 Words
“Alice, may naghahanap sayo. Quinn Hanlon ang pangalan!” Napalingon at napataas ako ng tingin ng tawagin ako ng classmate ko. Seryoso ba siya? “Sino naghahanap sa akin?” pagtatanong ko ulit doon sa classmate naming nag-announce kanina na may naghahanap sa akin. “Quinn Hanlon daw name niya.” saad niya ulit at bumalik sa pagwawalis ng classrooms namin. Anong kailangan niya sa akin? “Pakisabi nauna ng luma–” “Nakita na kita.” “Waah!” sigaw ko at napa-atras ng makita ang mukha ni Quinn. Sobrang lapit nito sa akin. “Anong kailangan mo sa akin?” inis kong tanong sa kanya at inayos ang gamit ko. “Nag-email si uncle Reki sa'yo. Kailangan ka sa bahay.” kalmado nitong sabi sa akin at kinuha ang bag ko. Napatulala ako sa kanyang ginawa at nakita ko na lamang na palabas na siya ng classroom namin. “Hoy! Ibalik mo 'yan!” sigaw ko sa kanya pero ang bwisit na Quinn na 'to parang walang narinig mula sa akin. “Hoy!” ulit kong sigaw sa kanya pero bwisit nakalabas na siya ng classroom namin. “Habulin mo na, Alice. Baka kung sa'n pa niya dalhin ang bag mo! See you tomorrow!” saad sa akin ni Renma kaya tumango ako sa kanya. Mabilis akong lumabas ng classroom namin at nakita kong pababa na sa hagdan si Quinn. Shutangina! Ang bilis niyang maglakad! Tumakbo ako sa gitna ng corridor, wala na akong pake kung may mabangga man ako. Ang kailangan ko ay habulin ang isang niyon. “Quinn! Quinn Hanlon!” sigaw ko nang malakas sa kanyang pangalan. Huminto ito at tumingin sa akin pero agad din siyang bumalik sa paglalakad. Bwisit talaga ang isang ito. Kanina napaka-cold niya sa akin. Wala man lang siyang sinabi na kahit ano kaninang umaga basta na lamang niya binigay sa akin ang lunch box na gawa ni Bennet. At, siya lang din ang walang email na ginawa sa akin. Tapos ngayon may paganito siyang nalalaman. Pinanganak ba ni Ms. Akuti si Quinn sa sama ng loob? Siya lang talaga ang bihirang ngumiti, e! Hinablot ko ang kaliwang braso niya at sa wakas huminto na rin siya sa paglalakad. “Ano ba talagang kailangan mo?” Hinihingal kong tanong sa kanya. Shutangina! Para akong nag-exercise ng isang oras. Napahawak ako sa aking tuhod habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ko. “Kailangan ka sa bahay.” Tipid niyang sagot sa akin. Napamaang ako sa kanya. “Oh tapos? Iyon lang? Bakit kailangan ako sa bahay niyo?” pagtatanong ko ulit sa kanya. Shutangina, nauuhaw ako! Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa ginawa ng isang ito! Nagkibit-balikat siya sa akin. “Basta kailangan ka raw sa bahay.” Shutangina! Robot ba ang isang ito? “Bakit nga ako kailangan sa bahay niyo? Last time I know, wala naman kayong parte sa buhay ko!” Nabu-b'wisit na ako sa kanya. Hinahigh blood na naman ako ng isang Quinn Hanlon. “Step-sister ka namin.” Walang kabuhay-buhay niyang sagot sa akin. Shutangina talaga! Kung p'wede lang pumatay ng tao, uunahin ko na ang isang ito. Pero, ayokong makulong! Dalhin ko kaya ito sa America, uso pa rin ba ang purge roon? “Bwisit ka talaga, Quinn!” Malakas na sigaw ko sa kanya ng makita kong tumatakbo na naman siya papunta sa parking lot. Hindi pa ba siya napapagod tumakbo? Ako, kasi pagod na pagod na kakahabol sa bag ko! Uhaw na uhaw na rin ako! Mabilis akong tumakbo para sundan ang anak ni Ms. Akuti na pinaglihi sa sama ng loob. Hinabol ko siya nang hinabol hanggang makarating kami ng tuluyan sa parking lot at doon tanaw ko siyang nasa harapan ng black car, kotse ni Cadmus. Ngayon ko lang napansing si Cadmus na ang naghahatid-sundo kay Quinn. Dati kasi si Denver lang ang sinusundo-hati niya at si Quinn ay roon sa kapatid niyang obsessed sa Sandra na iyon. “Ate Alice!” Speaking of the devil. Narinig ko na naman ang matinis na boses ni Denver. Pagod na nga ako at mukhang mabibingi pa ang magkabilang tenga ko dahil sa boses niya. “Ate Alice!” Nakita kong nakangiti siya sa akin ngayon. Malaki ang ngiti niya at maging ang mga mata niya ay masaya. Napangiwi na lang ako sa harapan niya. “Sasabay ka po sa amin papuntang bahay, ate Alice? Naghahanda na po si Mommy at si daddy Reki po para sa kasal po nila!” Masaya niyang sabi sa akin habang kita sa kanyang mga mata ang kislap doon. Daddy Reki. Ngumisi ako kay Denver. “Hindi ako pupunta sa bahay niyo. Kaya nandito ako para kunin ang bag ko kay Quinn, hinablot niya.” saad ko sa kanya at nilagpasan siya. “Wha-why po, ate Alice? Wala naman na po roon sina kuya Foster and ate Sandra! Balik ka na po, ate Alice.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Denver. Ayoko ng tumuntong doon. Ayoko ng tumuntong ulit sa pamamahay nila! Nasa harapan ko na sina Cadmus and Quinn. Hinablot ko sa kanang kamay ni Quinn ang bag ko. “Hindi ako pupunta o tatapak ulit sa bahay niyo. Pakisabi kay Ms. Akuti, dadalo ako sa kasal nila pero ang tumuntong ulit sa bahay ng mga Hanlon 'di ko na magagawa.” seryoso kong saad sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatingin sa akin at wala sa mukha nila ang nagulat dahil sa aking sinabi. “I know what they did to you hurts. We would not have known the truth if Chance had not revealed what really happened between the three of you...” Napatingin ako kay Cadmus ng mag-umpisa siyang magsalita. “If you still don't want to go to our house, it's okay. I understand. I'll tell mommy what you told us, Alice.” Nakangiting saad niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Salamat, gurang!” Nakangising sagot ko sa kanya at tinapik ang kanyang braso. “Gu-gurang?” Nagtatakang tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yup!” ini-emphasize ko pa ang sound ng letter ‘p’ sa kanya. “Tsk! 25 lang ako, pretty Alice at 19 ka lang.” Yumuko siya sa akin para mapantayan niya ang aking mukha. “6 years lang ang agwat natin...” Umatras ako sa kanya, ang lapit na ng mukha niya. Ilang hibla na lang ang layo namin sa isa't-isa. “Luh, asa? Kung tatanda man ako, mas matanda ka naman sa akin kaya Gurang ka pa rin! Bleeh!” Sabay dila ko sa kanya. “I hate you kuya Foster! I hate you! Dahil sa'yo ayaw na ni ate Alice sa akin!” Nawala ang atensyon ko kay Cadmus at sabay kaming napalingon sa likuran namin. Nakita namin si Denver na sinusuntok na ngayon ang Foster na 'yon. Hindi lumabalaban ang isa. Nakatitig lang siya sa kapatid niyang panay suntok sa kanyang katawan. Nakatayo sa gilid ni Foster, si Sandra. Tss... Pathetic couple. “Denver!” Narinig kong tawag ni Cadmus sa bunsong kapatid nila. Hinila niya ito palayo sa kapatid nilang walang imik at nakatingin lamang kay Denver. “Enough! Nagtext na si mommy, uuwi na tayo!” Hila-hila niya si Denver habang may sinasabi pa rin siya kay Foster at maging doon sa Sandra na 'yon. Nakita kong nagulat silang napatingin sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at iniwas ang aking tingin sa kanilang dalawa. “Sasabihin ko na lang kay mommy ang tungkol sa sinabi mo, Alice. Sige, mauuna na kami.” ani niya sa akin at pinapasok na rin niya si Denver. Pagka-alis nila, umalis na rin ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko na rin kasing dumating ang kotse ni kuya Harry. Hindi ko na rin kasi silang tinignan after noon. Lahat pala sila galit sa dalawang iyon. Deserve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD