Chapter 28

1117 Words
“Alice, papunta siya rito sa atin.” mahinang sabi sa akin ni Renma at pa-simpleng tinuro si Emily na palakad palapit sa amin. Napaka-cheerfull niya kahit kailan. Ang mga mata niyang masaya kahit malayo pa lang siya at ang kanyang paglundag habang naglalakad. Tss... “Renma!” Napangiwi ako ng sumigaw si Emily nang napakalakas kaya maging ang mga naglalakad na ibang estudyante ay napatingin sa kanya. “A-alice...” Nanginginig na boses ni Renma na tawag sa akin. Nagtago siya sa aking likuran. “Tss, ‘wag ka nga matakot sa kanya. Para kang hindi ka lalaki. Lumakad na tayo, nagugutom na ako!” usal ko sa kanya at hinila ang kanang kamay ni Renma. Para kaming tangang dalawa rito sa gitna ng hallway, naghihilahan kasi kami. “Hi, Alice!” bati sa akin ni Emily ng makaharap namin siya. Hindi ko siya pinansin. Bumaling ang tingin niya sa aking likuran. “Hi, Renma myloves!” Magiliw niyang sabi sa aking likuran habang dama kong nanginginig na sa takot si Renma. Hindi namin pinansin ang sinabi ni Emily. Hinila ko na lang ulit si Renma. Nagugutom na talaga ako, kumukulo na itong alaga ko sa aking tiyan. “Wait!” Matilis na saad niya sa amin at napahinto ako dahil huminto si Renma. Hinawakan na naman niya siguro. Tinignan ko siya nang walang kabuhay-buhay. Shutangina, ‘wag niya ngayon ako inisin, gutom na ako! “Nagugutom na ako! Palayasin mo niyang kamay mo sa braso ni Renma.” pananakot ko sa kanya pero walanghiyang ‘to, ngumisi sa akin. “Edi, kumain ka na! Si Renma naman ang kailangan ko, e!” sagot niya sa akin habang hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi. Tinapatan ko ang kanyang mukha. “Bestfriend ko itong si Renma kaya sasama siya sa akin. Tsupi, pandak!” Hinawakan ko ang kanyang noo at pinitik ito pero wala pa ring sa kanya. Shutangina, obsessed and die-hard fangirl na 'to! “Bakit hindi ka makaintinding walang gusto si Renma sayo, ha, Emily? Ganyan ba kasarado ang isip mo? Kaya kahit hindi tama pinipilit mong i-tama? Spoiled brat!” saad ko sa kanya at doon ko na yata naputol ang pisi niya. Nakasimangot na siyang tumingin sa akin. Ganyan nga, ipakita mo ang tunay mong ugali. Ayoko sa lahat niyong bait-baitan pero demonyita naman pala. “E, I like Renma! Akin siya!” sigaw nito sa akin at nakataas na ngayon ang kanang kilay niya. Nilapitan ko siya at at ningitian. “Hoy, pandak! Hindi isang bagay si Renma, hindi porke't gusto mo siya kailangan kunin mo na. At, hindi porket may crush ka sa kanya dapat magkaroon din siya ng crush sayo. Iba-iba ang feelings ng tao, maliwanag ba tayo?” seryosong pagkakasabi ko sa kanya at pinitik ang noo niya. “Tara na, Renma!” Baling ko rito sa kaibigan kong tulala na naman kaya hinila ko na lang siya. Tahimik kaming nakalabas ng building namin. Buti na lang hindi na sumunod sa amin ang pandak na 'yon. “T-thank you, Alice...” Huminto ako at nilingon siya. Tinignan ko ang buong katawan niya, buti na lang hindi na siya nanginginig. “Wala 'yon. Tara na sa Haven, isasama kita baka sumunod iyong si Emily sa atin at naghihintay lang na maghiwalay tayo ng landas. Huwag kang mag-alala wala roon si Tyron, mukhang may pinopormahan ang siraulo kong pinsan.” Pagkasabi kong 'yon biglang umaliwalas ang mukha niya. Sabi na nga ba takot ang isang ito kay Tyron, e! “Sa Hanlon ka pa rin ba nakatira, Alice?” Naglalakad na ulit kami ng magtanong si Renma sa akin. Umiling ako sa kanya at ngumiti. “Mm-hmm... Hindi na, kaya nga ilang araw ako absent, 'di ba?” “May ginawa ba sila sa'yo?” Napatingin ako sa kanya at kita ko sa kanyang ngipin at pagngitngit niya. Umiling ulit ako sa kanya. “Wala naman. Saka, ako kaya si Alice Domino Lazaro. Wala sa bokabolaryo ko ang magpatalo at magpaawa sa ibang tao. Kaya chill ka lang, Renma!” ani ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Nagulat akong napatingin sa kanya ng ilipat niya ako sa kanang side niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero naka-seryoso na ngayon ang kanyang mukha habang nakatingin sa harap ng dinadaanan namin. “R-renma...” mahinang tawag ko sa kanyang pangalan pero hindi siya lumingon sa akin. Nakita kong lumihis ang kanyang mata sa kaliwa niya, kaya sinundan ko 'yon. Doon ko nakita si Quinn na mabagal na naglalakad pasalungat sa direksyon na tinatahak namin. May binabasa siyang libro at mukhang hindi niya kami napansin man lang. Dumaan siya sa gilid naming dalawa ni Renma pero nasa libro pa rin ang atensyon niya. “Ilang araw rin pabalik-balik niyang Hanlon na 'yan sa classroom natin, Alice. Ilang beses nagtatanong sa akin kung pumasok ka na ba. Kaya tinanong kita kung sa Hanlon ka pa rin ba nakatira.” Napatingin ako kay Renma dahil sa sinabi niya. “Kaya napaisip akong... Wala ka na sa mga Hanlon. Bakit siya magtatanong sa akin kung nasa iisang bahay lang naman kayo? Wala ba talaga silang ginawang masama sa'yo?” Umiling ako sa kanya. “Wala nga!” usal ko sa kanya. “Bestfriend kita, Alice! Always mo akong nililigtas kay Emily, kaya bakit hindi ko ililigtas ang nag-iisang bestfriend na mayro'n ako simula noong elementary tayo! Ikaw lang ang kaibigang mayro'n ako!” Ngumiti ako kay Renma, “Walang masamang nangyari sa akin, Ren! Nagkaroon lang ng away sa pagitan namin ni Sandra pero hindi naman ako nagpatalo sa kanya. Inikot-ikot ko ang buhok niya, nakailang hibla rin ako ng buhok na natanggal sa kanya at higit sa lahat nadaganan ko siya. Tinalo ko siya. Umalis ako sa Hanlon dahil ang papanget nilang lahat doon!” natatawang sabi ko sa kanya at ginulo niya ang buhok ko. Bwisit! Akala ko si Quinn lang ang makakasalubong kong Hanlon pero hindi, may nakasalubong pa akong huwad na Hanlon. Iyong mayordomang Hanlon. Iyong dyosa sa Hanlon at higit sa lahat ang dinedeboto ni Foster sa mga Hanlon, si Sandra. “Speaking of the devil...” Kahit hindi naman sabihin ni Renma 'yon, nakita ko naman na ang pinaka-demonyo sa lahat. “Huwag mo ng pansinin. Hindi dapat pinapansin ang mga demonyo. Baka mahawa pa tayo!” mahinang sabi ko sa kanya at sabay kaming tumawa. Hindi ako lumingon sa kanya. Masaya na akong malamang pinaalis sila ni tita Akuti sa bahay na iyon. Akala niya siguro kakampihan siya. Tsk! Bago kami lumiko papuntang Haven, naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin. Hanggang titig ka lang naman pero talo ka kapag nagsagupaan ulit tayo. Sumbong Foster, tss...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD