Chapter 30

1199 Words
“SURE kang pupunta ka na sa bahay ng mga Hanlon?” Nagtatakang tanong sa akin ni Renma. Ilang beses na ba siyang nagtatanong sa akin. “Oo nga, 100 times ko na rin sinasabi sayo, Renma!” Nag-uumpisa na naman ako mainis sa kanya. “Inaalala lang kita, Alice. Alam ko naman na ayaw mo ng pumunta sa bahay ng mga Hanlon.” Tinignan ko si Renma, bakas sa mukha niya ang pag-aalala niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inakbayan siya. “Don't worry about me, okay? Maayos na ako at pupunta ako roon hindi dahil sa kanila, kung 'di kay Ms. Akuti, Renma...” Sinukbit ko na ang bag sa aking balikat at palabas na sana ako ng classroom ng lingonin ko ulit siya. Nakaupo pa rin siya ngayon. “Kung ako sa'yo, Renma, tumayo ka na rin d'yan at umuwi ka na. Baka... makita ka na naman ng obsessed fangirl mong si Emily. Ikaw rin?” Nakangisi kong saad sa kanya at tuluyang lumabas na sa classroom. “Alice!” Napailing na lang ako sa kanya ng marinig ko siyang sumigaw nang malakas. Bahala siya. Sinabihan ko na siya kung hindi siya magmamadali, maaabutan na naman siya ni Emily. Tsk. Hindi naman na talaga dapat ako pupunta sa mga Hanlon kung hindi lang ako nakatanggap ng email mula kay Ms. Akuti. To: Alicelazaroatyoursevice@gmail.com From: Akuti.RevasH@gmail.com Hi, darling Alice! Hopefully the two of us will meet at home, I have an announcement to say for everyone tomorrow. I hope you go. I have wanted to see you in person for a long time. Love your new mom, Akuti ♡ Kaya heto ako magpapahatid kay kuya Harry sa bahay ng mga Hanlon. Hindi ko alam kung tungkol saan ang announcement na sasabihin niya para sa amin mamaya pero need ko na rin talaga silang puntahan para mawala na itong kabang nararamdaman ko. Need ko na rin malaman kung ano ang susuotin ko bilang isa sa mga bridesmaids niya. “Kuya Harry!” Tawag pansin ko sa pinsan namin, kumaway pa ako sa kanya. “Come on, Alice, ihahatid na kita!” sambit niya sa akin at binuksan ang pinto sa passenger seat. Lumapit ako sa kanya, “Kuya, hindi po ba natin hihintayin ang tatlo?” takang tanong ko sa kanya. Hindi kasi ito ang p'westo ko sa kotse niya. Ang umuupo rito palagi ay si Tyron. Ayaw niya kasi makatabi si Asher, hay! Ewan ko ba sa dalawang iyon. “Nandito si Cole, siya na ang bahala sa tatlo.” maikling saad niya sa akin kaya pumasok na ako sa loob. Nakita kong umikot na rin siya papunta sa driver's seat at pumasok doon. “Kuya Harry, tatawag na lang po ako mamaya kapag magpapasundo na po ako.” “No need. Sasamahan kita, mag-i-stay ako roon, Alice.” Gulat akong napatingin sa kanya. “N-no need na k-kuya–” “Huwag na makulit, Alice! Okay, sasamahan kita, okay?” Tumingin siya sa akin at ngumiti. Wala na akong nagawa kung 'di pumayag na lang din. Sana nga lang walang masamang mangyari kapag nandoon na kami. Minsan din madaling uminit ang ulo ng isang ito. Saglit lang din ng makarating kami sa bahay ng mga Hanlon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nakaka-ilang lunok na rin ako ng laway ko dahil sa kabang nararamdaman ko. “We're here, Alice.” Tumungo ako sa sinabi ni kuya Harry. Bumaba na ako at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. “They also have a nice house, they made it into condo style.” Napalingon ako kay kuya Harry at napangiwi sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pinupuri ba niya ang bahay ng mga Hanlon o what? Sumabay siya sa paglalakad sa akin at pinindot namin ang elevator sa 1st floor, dalawang button lang naman mayro'n dito. “Looks like they have guests.” saad niya sa akin at nakita kong nakatingin siya sa labas. Doon ko lang napansin ang mga sasakyang nakaparada roon. “Looks like it's not just a normal announcement, Alice. I think your step-mom's announcement is important.” Binilang ko sa aking isipan ang mga kotseng nakaparada roon, anim lahat-lahat kasama ang amin. Mukhang importante nga ang announcement na sasabihin ni Ms. Akuti sa amin. Pumasok kami sa elevator at heto na naman ako. Kinakabahan na naman. Bumibilis ang t***k ng puso ko, namamasa na ang akig kamay at higit sa lahat nakaka-ilang lunok na ulit ako ng aking laway. Bumukas ang elevator, inakbayan ako ni kuya Harry. “Just relax, Alice.” mahinang sambit niya sa akin. Napalunok ako nang makitang may mga decoration sa paligid namin. Importante nga ang sasabihin niya, may mga dekorasyon pa sa may sala. Sa itaas ng sala nila ay mga lobong kulay blue and pink. Don't tell me. “Ate Alice!” Nawala ang atensyon ko mga dekorasyon ng marinig ko ang boses ni Denver. “Buti po pumunta ka, ate Alice!” saad niya sa akin ng makalapit siya sa aking kinatatayuan. “Dito ka na po ulit titira sa amin?” Nakayakap niyang tanong sa akin. Umiling ako sa kanya. “No, pumunta lang ako dahil may announcement daw si tita Akuti.” saad ko sa kanya at nilayo sa akin. “Opo, may important announcement si Mommy! Kanina ko pa po tinatanong kung tungkol saan, ayaw niya sabihin sa akin! Hmmp!” Simangot niyang sabi sa akin. Nagulat ako nang hilahin niya ako pababa sa may sala nila kaya wala na akong nagawa kung 'di sumunod na lang sa kanya. Nakita ko rin naman si kuya Harry na sumunod sa amin pababa. Nakita kong kumpleto ang magkakapatid sa may sala, nandoon din si Sandra. Pero, hindi ko sila pinansin. May nakita rin akong ibang tao sa may sala nila, hindi ko sila kilala. “Is this Reki's daughter, Cadmus?” Napatingin ako sa sopistikadang babaeng na nakatingin at nakaturo ang kanyang pamaypay sa akin. Hindi ko siya kilala. Pero, base sa itsura niya nasa late 40's na siya. “Yes po, Aunt Chen! She is the only child of Uncle Reki.” Nakangiting sagot ni Cadmus sa babaeng nagtanong sa kanya. Tita nila? Siguro kapatid ni tita Akuti. Lumakad siya papalapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “Hi, nice to meet you. I'm Chen Revas, Akuti's older sister. It's nice to meet you. You are really beautiful, you look like your daddy. Lazaro's lineage are really beautiful.” Napangiti na lamang ako sa kanya. “Nice to meet you also, Ms. Chen!” Magalang na sabi ko sa kanya at yumuko. Nagulat akong niyakap niya ako. “Bagay kayo ni Cadmus, Alice...” bulong niya sa aking kanang tenga na siyang kinagulat ko. T-teka, t-tama ba niyong narinig ko? O, sadyang nabingi lang ako ng ilang segundo. Tinignan ko si Ms. Chen pero ngiti na lamang ang binigay niya sa akin. Shutangina, bakit kumakabog itong dibdib ko kung mali naman ang narinig ko mula sa kanya. Napatingin ako kay Cadmus at gano'n na lang din ang pag-iwas ko ng makitang nakatingin din siya sa akin. Alice, pigilan mo. Magiging kapatid mo na rin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD