Chapter 27

1291 Words
“Alice, come on! Mala-late na tayo!” Narinig ko ang sigaw ni Asher kaya tumakbo na ako palabas at dumiretsong sakay sa kotse na siyang nagmamaneho ay si kuya Harry. Katabi ko ngayon dito sa backseat si Queen na busy na naman sa kanyang make-up. Hindi na talaga siya magbabago. “Um,” nagulat ako ng umandar na agad ang kotse. Wala pa rito si Tyron. “T-teka, si Tyron wala pa!” pigil ko sa kanila. “Alice, nauna ng pumasok si Tyron! You know 'yong hinahabol niyang babae na mahilig sa anime!” Napatingin ako kay Queen na siya na ang sumagot para sa akin. Hindi pa rin ba siya tapos doon? Akala ko sila ng dalawa? “Girlfriend na niya 'yon, 'di ba?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Humarap sa akin si Queen at nakaharap pa sa akin ang brush na hawak niya. “Nope! Hindi pa sila, ano!? Nanliligaw pa rin si Ty sa kanya.” sagot niya sa akin at bumalik na naman ang tingin niya sa compact mirror niya. Napailing na lang ako sa kanya. Minsan lang sisirain ko ang make-up kits niya. Ang kinatatakutan ko lang baka magsumbong ito kila Grandpa. Mas mahal pa yata ang make-up kits niya kaysa sa buhay niya. Naging tahimik ang byahe namin hanggang makarating sa parking lot ng Lazaro's University. Pagkarating namin ay may nakita akong familiar na sasakyan na papasok din. “Alice, Cadmus is here!” Napatingin ako kay kuya Harry nang sabihin niya iyon. Lumabas ako ng sasakyan at tama nga ang hinala ko. Kotse ni Cadmus niyon. “Ate Alice!” mariing sigaw ni Denver sa akin at tumakbo papalapit sa akin. Yumakap siya agad sa akin. “Miss you po! Hindi ka po nagrereply sa email ko po, ate Alice! Ayaw niyo na po ba maging potato?” malungkot na sabi niya sa akin, maaawa na sana ako pero iyong sinabi niya sa akin. Kinutusan ko siya nang mahina. “Baka gusto mong ikaw ang maging potato sa ating dalawa, Denver?” pananakot ko sa kanya. Napanguso siya sa akin at hinawakan ang parteng kinutusan ko. “Ang daya po! Kay kuya Cadmus ka lang nagreply! Hindi mo po ba nabasa email ko sayo, ate Alice?” Ngumiti ako sa kanya, “Hindi. Ang panget ng email mo. D'yan ka na nga baka ma-late pa ako sa class ko!” ani ko sa kanya at dinilaan siya. “Hmmp! Bad ka talaga, ate Alice! Masarap kaya maging potato!” sigaw niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Nakita kong nag-uusap sina kuya Harry and Cadmus, mukhang seryoso ang usapan nilang dalawa. Kaya hindi ko na lang nilapitan si Cadmus. Sumunod na ako sa dalawang pinsan kong nauuna ng maglakad sa akin paalis sa parking lot. Nang biglang may humila sa aking kanang braso. Nakita ko si Quinn. “Bakit?” pagtatanong ko sa kanya. Sa kanilang limang magkakapatid, sa kanya lang ako walang natanggap na email. Galit ba siya sa akin? Hindi siya nagsalita bagkus may inabot lang siya sa akin. Tinanggap ko niyon at nakita ko na lamang na dire-diretso na siyang lumakad paalis din dito. Ano iyon? Bakit gano'n siya? May ginawa ba akong mali sa kanya? O, baka isa rin siyang deboto ni Sandra? Tsk! Wala naman na akong pake sa kanila. Tinignan ko na lamang itong binigay niya sa akin at nakita ko roon ang maliit na note. Binasa ko niyon. “Eat this, sweetheart. It is made of my love and care for you.♡ - Bennet” Napangiti ako sa aking nabasa. Shoot, may pang-lunch na ako. NAKARATING ako sa classroom. As usual walang pinagbago, maingay pa rin ang mga kaklase ko. “Welcome back, Alice Domino!” Napa-ismid na lang ako sa malakas na sigaw na ginawa ni Renma kahit kailan talaga napaka-papansin niya! “Alice, napaka-cold mo talaga sa akin. Bakit ka ganyan! Namiss ko lang naman ang bestfriend k–” Tinignan ko siya nang masama. “Kailan kita naging bestfriend, Renma? Puro sakit nga sa ulo ang binibigay mo sa akin, ha? Baka nakakalimutan mong ako lagi ang nagsasalba sa'yo kapag may gusot kang kinahaharap sa mga magulang mo? Ako lagi ang nagsisinungaling sa'yo kapag nala-late ka ng uwi nu'ng high school tayo. At, higit sa lahat, ako ang tumutulong sa'yo kapag hinahabol ka ni Emily...” nakita kong lumalayo na siya sa akin at hindi na mapinta ang itsura ng mukha niya. “Gano'n ba ang mag-bestfriend, ha, Renma? Puro problema ang dinadala mo sa akin! Kaya bakit kita gagawing bestfriend, ha? Ano ka hilo?” giit ko sa kanya at pinitik ang noo niya. “Waah! Alice Domino! Maayos na nga ang pakiramdam mo! Mainitin na ulit ang ulo!” Iniwan ko siya roon at umupo na sa silya ko. Para siyang tanga na nagbubunyi roon sa harap ng pinto. Kulang na lang ay may itapon siyang confetti. “Renma...” tawag ko sa kanyang pangalan at agad din naman siyang lumapit sa akin. “Yes, madam!” ani niya sa akin at sumaludo pa siya. “Nasaan ang mga notes na sinasabi mo?” pagtatanong ko sa kanya at nilahad ang kanang palad ko sa kanyang harapan. Ilang araw akong absent kaya kailangan kong makasabay agad sa lesson ngayon. May binasa naman ako kagabi pero hindi pa rin sapat niyon. Tinuruan din ako ni Asher pero thirty minutes lang niyon at siya na ang sumuko na turuan ako. Ayoko na rin magpaturo sa kanya. Para siyang terror professor at kapag ‘di mo nasagot ang tanong niya, tatayo ka ng ilang oras. Ugh! “Here's the notes, Madam Alice! Ginandahan ko ang sulat ko para hindi ka magreklamo!” usal niya sa akin at nilapag niya sa akin ang tatlong notebook. Napangiti ako sa kanya. “Okay fine! Gagawin ko na ang pagpapanggap kong jo–” “Huli na ang lahat, Alice Domin– aray!” Sabay kamot niya sa kanyang noo na pinitik ko na naman. Pinitik ko nga ulit siya. Sinasanay na naman niya ang sariling banggitin ang buong pangalan ko. Bwisit. “Subukan mong banggitin ang buong pangalan ko Renma, makakatikim ka sa akin nang sunod-sunod na pitik sa noo.” pambabanta ko sa kanya. “Yessir!” Saludo niya ulit sa akin. “Nalaman na ni Emily na nagsisinungaling ako sa kanya, Alice!” Lumuhod siya sa aking harapan. Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. “Absent ka, e! Tapos, nalaman niyang nagsisinungaling ako!” palahaw niyang sabi sa akin. Napangiwi na lang ako sa kanya. “Anong ginawa ni Emily sayo?” nag-aalala akong tanong sa kanya. Noong highschool kami, nilagyan ni Emily ng mukha niya ang suot na polo uniform ni Renma. Eksaktong absent din ako nu'n kaya buong araw niyang hindi napansin ang picture ni Emily sa likod niya. Naawa ako sa kanya nu'n. Wala ring naglakas loob na sabihin sa kanya ang tungkol doon dahil tinatakot sila ni Emily. Tss. Hinihintay ko siyang sumagot sa akin. “Hindi ako lumabas ng classroom, Alice! Kapag uwian sumasabay ako sa classmates natin para hindi niya ako mapansin! Pero, dahil nandito ka na hindi na ako takot sa kanya!” Napailing na lang ako sa kanya. “Lumaban ka rin kasi.” bagot na sabi ko sa kanya. “Babae siya.” Katwiran niya sa akin. “Hinaharass ka naman niya. Kaya lumaban ka na, Renma.” Tinitigan ko siya. “Para mawala na niyong pagiging obsessed niya sayo.” Umupo siya sa kanyang silyang nasa harapan ko. “Paano?” Ngumiti ako sa kanya. “Edi, manligaw ka na. Para malaman niyang hindi ka talagang interesado sa kanya.” ani ko sa kanya at tinapik ang balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD