Chapter 17

1220 Words
“A-ate Alice–” Binato ko agad ng tsinelas ko si Denver. Ang ingay ng boses niya, magigising si Cadmus. “Bakit dito natulog si kuya Cadmus?” pagtatanong ni Denver sa akin habang nakatingin sa kuya niya. Hindi ko pinansin ang tanong niya. Nakatitig lang ako kay Cadmus na mahimbing na natutulog sa mahabang sofa. Tumayo ako sa aking pagkaka-upo. Inayos ko ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung paano kami naging ganito. After namin mag-k'wentuhan kaninang madaling araw, nakaramdam ako ng lungkot sa kanya. Parehas kami ng pinagdaanan. Nakatitig ako sa kanya pagkatapos niyang i-k'wento sa akin na nagseselos siya sa lima niyang kapatid. Kahit, ako rin siguro, kung ako ang nasa kalagayan niya. Magseselos din at magtatanong sa sarili ko kung ano ang wala ko na mayro'n ang mga kapatid ko? Bakit sila naging masaya sila nang ilabas ang mga kapatid? Bakit? Bakit sa akin hindi nila nagawa? Kaya dama ko ang nararamdaman ni Cadmus. Napansin ko ang pagtitig sa akin nina Quinn and Foster pero hindi ko niyon pinansin. Sino ba sila para pansinin ko? “Anong nangyari kay kuya Cadmus, ate Alice?” Kinalabit ako ni Denver at siyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Sabihin na lang natin napagod siya sa lahat ng pinagdadaanan niya. Kaya ikaw, magpakabait kang maldito ka!” “Weh? Bakit pati ako damay?” Aba! Sumasagot pa ang malditong ito! Sarap talaga kotongan nang kontongan ang isang ito para tumanda, e. “Ang panget mo kasi! Na-i-stressed na ang kuya mo sa'yo!” sumbat ko sa kanya. “Bakit ikaw hindi ka ba panget?” nakangising sabi niya sa akin. Shutangina! Talagang may banat pa siya, ha? Itong maldito na ito! Ngumisi ako sa kanya at pinag-krus ang aking kamay sa harap ko. “Atleast 'di ako pandak katulad mo.” Kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi. Mainis kang pandak na maldito ka. “Bakit pati height ko damay, ha? Tatangkad pa kaya ako!” sigaw niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Luh? Aasa ka lang!” pang-aasar ko pa sa kanya lalo. “Saka, sino nagsabing tatangkad ka pa? Nasa senior high ka na nga, 'di ba? Tas, tuli ka na. Hindi ka na tatangkad.” Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanang balikat niya. “Tanggapin mo na lang.” Iiling-iling na saad ko sa kanya. “Atleast pogi ako!” sigaw niya sa akin. Natawa naman kami sa reaksyon niya. Naiinis na ang maldito. Buti nga sa kanya. “Argh!” Sabay-sabay kaming napalingon sa may sofa. Nakita namin si Cadmus. Napangiwi na lang ako ng makita ko siyang nakasandal at hawak ang ulo niya. Kasalanan naman niya iyon, 'di ba? Uminom siya, e. “Bakit ang ingay niyo?” saad niya sa amin. Tumakbong lumapit si Denver kay Cadmus. “Inaaway niya ako kuya Cadmus!” sumbong nito at tinuro pa ako. “Pandak ka naman talaga, e!” sigaw ko sa kanya. Pansin ko, ang mas malapit kay Cadmus itong si Denver at the rest nakatingin lamang sa kanya. Nagpalitan kami ng asarang dalawa ni Denver. Hindi ako magpapatalo sa isang ito. “Pandak!” “Flast-chested!” Aba! Shutangina ito! “Hi,” Napatahimik kami ni Denver ng may marinig na boses sa may pinto. Nakita namin si Sandra na nakangiti at may hawak na isang kaldero, 'di naman gaanong kalaki niyong hawak niya. Nakita kong lumapit agad si Foster kay Sandra. Kinuha niya ang dala nito. “Beefy Caldereta niyan. Luto namin ni Mama.” saad niya sa amin habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Ano naman pake namin? Share mo lang? “Thank you, Sandy!” nakangiting saad ni Bennet at siya na ang bumuhat doon. “My little sister, Denver and Quinn. Kumain na rin kayo. Mamayang tanghali uuwi na rin tayo.” Huminto sa amin si Bennet at sinabi niya iyon hanggang tumuloy na siya sa may kusina. “Hindi ako nagugutom. Busog pa ako! Aakyat na lang muna ako sa room. Pakisabi na lang kung uuwi na.” saad ko sa kanila at hindi na sila hinintay na magsalita pa. Dumaan ako sa harapan nina Foster and Sandy na nagkukwentuhan pero wala akong pake sa kanila. “Ayos lang ba ang kapatid niyong babae?” rinig kong saad ni Sandra kay Foster. Nakaka-bwisit ang hinhin ng boses! “Hindi ko sila kapatid!” sigaw ko sa kanya at tumakbo pa-akyat sa k'warto. Pagkabalik ko sa k'warto, nakita ko si Coco na gising na. Nilalaro niya ang basahang mayro'n dito. “Hi, Coco!” tawag ko sa aking aso. “Uuwi na tayo mamaya. Hindi na natin makikita ang Sandy na niyon. Dapat pala kagatin mo ang isang niyon, iyong baon na baon, ha? Pero, inaalala ko baka magkaroon ka ng rabies galing sa kanya.” kausap ko sa aking alagang aso. Hinaplos ko ang malambot at mabalahibo niyang buhok. Binuhat ko si Coco at nilapag ko siya sa kama. “D'yan ka lang Coco, okay? Kukunin lang ni mommy ang dog food mo.” ngiting sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang bag na hinanda ni Bennet para sa aso ko. Kinuha ko roon ang pagkain ni Coco and ang bowl nito. Pagkalapag ko pa lang ng bowl niya ay tumalon na siya sa kama. Lumapit siya sa akin na kumakawag-kawag ang buntot kaya nilagyan ko na ng pagkain. Sa kabilang bowl naman ay sinalinan ko iyon ng tubig. Buti na lang may bottled water ako rito, hindi ko na kailangang bumaba para kumuha ng tubig. Sumandal ako sa gilid ng kama. “Coco,” tawag ko sa aso kong busy kumain. “Makakabalik pa kaya tayo sa dati nating buhay? Sa unit natin?” Napabuntong-hininga ako. Gusto kong mamuhay nang mag-isa. Na walang iniisip katulad ng kay Cadmus. Buti na lang wala akong kapatid kasi kung gano'n ang nangyari sa akin, malulungkot din ako at tatanungin ko ang sarili ko ba't nag-exist pa ako. Bakit kailangan ako pa ang lumabas sa mundong ito kaysa sa iba? Bakit kailangan pa nilang bumuo kung ayaw naman nila mag-alaga at mahalin ang niluwal nila? Hindi naman kasalanan ni Cadmus na may nangyari sa mga magulang nila. Hay! Ang hirap siguro ng gano'n? Nawala ang iniisip ko ng may marinig akong kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito. Nangunot ang noo ko ng makita ko siya. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Anong pakay ng isang ito sa akin? Nagulat ako nang ngumisi siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ko. Aba! Anong pinaparating ng isang ito? “Ano ba pakay mo?” Walang emosyon kong sabi sa kanya. “Sasama ako sa inyo. Doon na ako mag-aaral ng college sa school na pagmamay-ari niyo.” Ngising sabi niya sa akin. “Oh? Tapos? Ano naman pake ko? Kailangan kong mag-celebrate?” pagtataray ko sa kanya. Anong pinaparating niya sa akin? Siraulo rin ba ang isang ito? Ngumiti siya sa akin nang napakalaki. “Wala lang kasi maging ang paninirahan ko sa Manila ay sa mga Hanlon din ako titira.” Nagulat ako sa kanyang sinabi pero hindi ko pinahalata sa kanya. “Goodluck!” ngisi kong balik sa kanya at sinarado na ang pinto sa mismong harapan niya. Bwisit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD