“Good morning, Alice!”
Nakita ko si Renma na malaki ang mga ngiting humarap sa akin. Nilagpasan ko siya at umupo sa silya ko.
“Mali na naman tulog mo?” pagtatanong niya sa akin. Humarap siya sa akin, naka-upo siya sa silya niya sa aking harap.
I sighed, “may pa-epal lang na dumagdag sa mga Hanlon.” mahinang sabi ko kay Renma.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sandra. Pumasok na ulit ako sa loob ng k'warto ko. Hindi ko alam pero nainis ako sa kanyang sinabi. Pumayag sila ng gano'n-gano'n lang?
Tanghali ng nagpasya silang umalis para bumalik ng Manila. Ako na ang bumuhat sa bag ko at maging sa bag ni Coco. Kaya dalawang kamay ko ang may hawak, buti na lang tinulungan ako ni Denver, nawala ng konti ang gigil ko sa kanya.
Tahimik lang akong umupo sa dulo ng van kasama ang aso kong si Coco. Pero, iyong Sandra na niyon ang daldal niya. Akala mo siya ang kapatid ng mga Hanlon, sana nga siya na lang para makabalik na ako sa unit ko.
Tiniis ko ang ingay niya habang nakikipag-k'wentuhan siya sa mga Hanlon. Buti nga nakatulog pa ako kahit papaano habang nasa byahe kami.
Pagkarating namin sa bahay ng mga Hanlon, sobrang nainis ako kay Foster ng sabihin niyang sa k'warto ko muna matutulog ang Sandra na iyon.
Ano sila? Asa?!
Tumutol ako. “Bakit hindi na lang sa k'warto mo patulugin niyan? Mas bet niya siguro niyon?” angil kong sabi sa kanila.
Nakita ko tumalim ang tingin niya sa akin. Pero, wala akong pake sa kanya. “Maliit lang ang kama ko. Ang sahig naman ay okupado ni Coco baka mahawa pa ang aso ko sa rabies niya. Sa ayaw at sa gusto niyo, bawal siya sa k'warto ko!” sigaw ko sa kanila.
Napaisip ako, “kung gusto niyo roon siya matulog, uuwi na lang ako sa unit ko ulit. Para naman may magamit siyang roon, right?”
“Walang uuwi!” Tumingin ako kay Cadmus ng sabihin niya iyon. “Denver, sa k'warto ko muna ikaw matutulog. Ikaw naman, Sandra, sa k'warto ka muna ni Denver matutulog ngayong gabi habang 'di pa inaayos ang isang guest room.” seryosong saad ni Cadmus sa amin.
“A-ah, a-ayos lang naman ako rito sa sofa niyo matulog... Wala naman sa akin niyon, e. Alam ko naman... Ayaw ni Ms. Alice na may katabi, gano'n siguro talaga kapag laki sa yaman.” Narinig kong sabi ni Sandra, nahihiya ang boses niya at nakayuko ang kanyang ulo.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Parang may pinupunto ang isang ito. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, ha?!
“Ang room ng mga babae ay isang sagrado para sa kanila. Kaya siguro ayaw ni Alice na may ibang kasama sa room. Gano'n din naman tayong lahat."
Nagulat ako sa sinabi ni Quinn. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya. Tinignan ko ang mga kapatid niyang mga walang imik lalo na niyong Sandra na niyon.
Wala na rin naman ako gagawin dito, umakyat na rin ako pero hindi pa ako nakakalayo sa kanilang anim sa may sala ng marinig ko na naman ang nakakainis na tono ng boses ni Sandra.
“G-galit ba sa akin si Quinn?”
I rolled my eyes to her. Ang arte ng boses. Nakakairita!
Nasa hallway na ako papunta sa room ko ng makita ko si Quinn na naka-sandal doon sa dingding ng hallway.
“Kapag inaway ka nu'ng si Sandra, lumaban ka. She obsesses with kuya Foster since she was a child.” Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin.
Ngumisi ako sa kanya. “I am Alice, wala pa ni-isang tao ang nakipag-away sa akin. Kung darating niyon na awayin ako ni Sandra, siya ang mag-iingat. Ma-impluwesya kamin tao. Lazaro ako.” saad ko sa kanya at dumaan sa kanyang harapan.
“Oo nga naman. Sa aming anim nga lumalaban ka, sa kanya pa kaya? But, I also warned you, Alice, I don't want to hurt you.”
Lumaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya. “A-anong sabi m–” pagkaharap ko sa kanya, nakita ko na siyang nakapasok sa room niya, katabi ng room ni Denver.
Eh?
Siraulo 'di ako pinatapos sa sasabihin ko.
“Sino naman ang bagong umepal sa buhay mo, Alice?”
Nawala ang aking iniisip ng marinig ulit ang tanong ni Renma.
Sumandal ako sa aking silya, “just a lowly creature.” ani ko sa kanya.
Nakita kong ngumisi siya sa akin. “Kaya mo naman sigurong mawala siya sa landas mo?”
Napatingin ako sa kanya. Alam kong seryoso ang boses niya ng sabihin niya iyon kahit ang mga mata at ang labi niya ay naka-ngiting nakatingin sa akin.
“Tsk, tinatanong pa ba niyon?”
Hindi ko naman kailangan ng makipag-kumpetensya sa kanya. Pero, kung siya ang mauunang awayin ako at kalabanin ako, hindi ako magpapatalo sa kanya. Lalabanan ko siya kagaya ng sinabi ni Quinn.
Nahihiwagaan pa rin talaga ako sa sinabi ni Quinn, bakit kailangan kong mag-ingat kay Sandra?
Ano naman pake ko sa kanya kung may gusto siya roon sa isang siraulo na patay na patay sa sigarilyo? Wala yatang araw na wala siyang hinihithit sa kanyang bibig.
Uunahan ko na agad siyang Rest in Peace.
“By the way, Alice?” Tinitigan ko si Renma ng mawala ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang seryoso ang itatanong ng isang ito, ha?
“Wala akong pera, 'wag ka sa akin mangutang.” saad ko sa kanya.
Unahan ko na kaysa naman umasa siya na pa-u-utangin ko siya.
Ginulo niya ang kanyang buhok at mukhang problemado talaga siya ngayon. “Hindi niyon, Alice! s**t!”
“Uy, shutangina! Ba't minumura mo ako? Mayaman ka rin naman, ha? Umutang ka na lang sa Mama mo!” B'wisit na saad ko sa kanya.
Shit daw! s**t-shitin ko mukha niya!
“Hindi ikaw minumura ko! S-si a-ano... Si Emily nag-chat sa akin...”
Namilog ang mga mata ko at maging ang aking bibig ng marinig ang pangalang Emily.
Isa sa mga fan ni Renma si Emily. Gwapo itong si Renma, mukha ngang babae ang features niya kaya maraming nagkakagusto sa isang ito. Si Emily lang naman ang solid, die-hard at obsessed na fan ni Renma.
Ngumisi ako sa kanya, kita ko sa mukha niya ngayon ang kaba. “Anong mayro'n kay Emily? 'Di ba sa Carter's University naman niyon nag-aaral?”
“Lilipat siya rito! Anong gagawin ko, Alice?” pagtatanong niya sa akin at lalo niyang ginulo ang buhok niya. “Nag-chat ako sa kanya...” Tumingin siya sa akin. “Sorry...”
“Eh?” takang sabi ko sa kanya.
“Magbabayad ako, Alice...”
Anong pinagsasabi ng isang ito? Nababaliw na ba siya?
“S-sinabi ko kay Emily na m-may girlfriend na ako...” Tumitig siya sa akin. “Sorry talaga, Alice! Wala na akong choice! Sinabi kong girlfriend kita!”
Shutangina!