Chapter 20

1571 Words
“Alice!” Napatingin ako sa pinto ng roon namin. Inaayos ko na ang gamit ko. Finally, uwian na rin! Nakita ko roon si Asher na nakatayo. Binitbit ko na ang bag ko at nauna ng lumabas kay Renma. “Bakit?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako kay Asher. Isang himala kasi na pumunta siya sa classroom ko. Nag-usap naman kami nang maayos kanina about sa nangyaring pagkakasakit ko. “Are you sure na okay ka na talaga?” Seryoso ang kanyang mukha ng tanungin niya ulit ako. I smiled to him at tinapik ang kanyang balikat. “I'm 100% okay, Asher. Huwag ka na mag-alala. Iniisip ko tuloy ako ang favorite mong cousin sa lahat.” Nakangising wika ko sa kanya. I heard him sighed. “I was worried to you, Alice, sa lahat ng pinsan natin ikaw ang vulnerable. Lalo akong nag-alala ng pumunta kayo sa rest house ng mga Hanlon. Inapi ka ba nila roon?” sunod-sunod ang tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Sila ang inapi ko, Asher. Never kaya nagpapa-api ang mga Lazaro. Isang Lazaro ako, Asher, baka nakakalimutan mo. Pinapaalala ko lang sa'yo.” I smirked. Ginulo niya ang buhok ko kaya tinapik ko ang kanyang kanang kamay. “Asher!” inis na wika ko sa kanya. Need ko na naman ayusin ang buhok ko. “Come on, ihahatid na kita sa parking lot.” Nakangiti niyang sabi at kumalawit ako sa kanyang braso. “Isang himala naman po, Asher? So, favorite cousin mo na talaga ako?” pang-aasar ko pa ulit sa kanya. “If 'yon ang gusto mo, Alice Domino!” Tumango ako sa kanya. “Ipababalita ko sa lahat ng mga Lazaro na ako ang favorite cousin mo para mainggit sila lahat lalo na si Tyron!” Bwisit na Tyron na niyon, e. Speaking of the devil, nakita namin siyang naglalakad ngayon papunta na rin sa parking lot. Sa magkabilang tabi niya ay may babae. Nambabae na naman yata ang isang ito. Kawawa naman dahil niyong nililigawan niya, binusted na siya. Napailing na lang ako. “Hindi na talaga magbabago niyang pinsan natin, ano, Asher? Imbis na magbago para magustuhan siya, mas pinapalala pa niya ang sitwasyon para 'di siya magustuhan.” “Huwag mo na lang pansinin. Ayon na iyong Foster, naninigarilyo na naman. Ganyan ba talaga niyan?” saad ni Asher sa akin. Napatingin ako sa tinuro ni Asher, nakita ko nga roon si Foster na naninigarilyo. Grabe, sana ayos pa ang baga niya, ano? Feel kong nakakalimang sticks siya ng cigarettes na hinihithit kapag hinihintay niya kami. “Foster!” Sabay na lumingon kami ni Asher na marinig ang matinis na boses na iyon. Nakita namin si Sandra na mabilis na tumatakbo palalapit kay Foster. Nakakahiya siya, hindi ba niya alam nasa campus pa kami. “Who's that?” takang tanong sa akin ni Asher. Ngumiwi ako sa kanyang tanong. “A lowly creature, Asher. Anak ng taga-silbi ng mga Hanlon. Ginawa nilang scholar.” bagot na sagot ko sa kanya. Lumakad na rin kami. Ako ang nahihiya sa kanilang dalawa. Mag-jowa na ba sila? Kung makalambitin itong si Sandra sa leeg ni Foster. Sana ayos lang silang dalawa. Tumigil kami sa harapan nila pero mukhang hindi nila kami napapansin. “Ehem,” mahinang ubo ko para mapansin na nila ako. Pareho silang nagulat ng makita nila ako. “Sorry sa istorbo pero naka-lock itong pinto ng kotse.” Saka hinila ulit ang pinto pero gano'n pa rin. “S-sorry,” Kamot niya sa kanyang batok at may pinatunog na siya. “Bukas na niyan.” dugtong na sabi niya sa akin. Hindi na ako sumagot sa kanya at tumingin na lamang kay Asher. “Salamat,” ngiting sabi ko sa kanya at tumango na lamang siya sa akin. Pumasok na ako sa backseat ng kotse. Si Quinn na lang ang hinihintay namin. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa pagitan nina Foster and Sandra simula nu'ng gabi na iyon. Nasa labas pa rin silang dalawa at nag-uusap doon. Ewan ko sa kanilang dalawa, tss, what a lowly lovely creatures scene. Yuck! Tumingin na lang ako sa kabilang bintana. Gusto ko na umuwi at magpahinga. Bumukas ang pinto sa kabilang side ko, nakita kong pumasok si Quinn, naka-simangot siya teka ganyan pala mukha niyan palagi. Sa kanilang anim, si Quinn at si Chance ang magkamukha, iyon nga lang mukhang pasan lagi ni Quinn ang daigdig para kay Chance, si Chance kasi iyong palaging masaya. “Kanina pa ba sila ganyan?” Nagulat ako ng magtanong si Quinn sa akin. Tumango ako sa kanya. “Mag-jowa ba sila? Isa ba sila sa mag-jowa na kailangan itago ang status ng pagmamahalan nila?” nakangising tanong ko sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako, nagkibit-balikat lang siya sa akin. Tumahimik kaming dalawa ni Quinn ng pumasok na sa loob si Sandra at kasunod lamang nito ay ang pagpasok din ni Foster. Parehas silang tahimik habang nagda-drive kami na siyang pagtataka ko. Ano kaya pinag-usapan ng mga ito? Nakarating kami sa bahay nila na wala pa ring imik ang dalawa. Mukhang tampo malala, ha? Buti nga. “Welcome home, Alice!” Nagulat ako ng batiin ako ni Cadmus pagkalabas namin ni Quinn sa elevator. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you po,” sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero nagiging malapit ang loob ko kay Cadmus parang sa kanilang anim siya ang p'wede mong sandalan. Hindi ko na pinansin ang mukha ni Quinn na nagtataka. Wala naman siyang p'wedeng itanong sa akin. Gumawi ako sa room ko, baka kasi nandito na si Coco pero pagdating ko sa room, wala. Siguro na kay Bennet pa si Coco. Pinatong ko ang bag ko sa study table at pabagsak na humiga sa kama. Monday na monday pero ang pagod ko parang friday na agad. Hindi ko alam pero ubos na ang energy na binaon ko ngayong linggo. “Hay!” Dumapa ako sa kama at nangalumbaba rito habang nakataas ang dalawa kong paa sa ere. “Problema ko about kay Emily, bwisit kasing Renma na iyon. Tapos, bwisit din ako rito kay Sandra. May tinatago talaga ang isang ito.” Nag-indian seat ko rito sa kama. “Kung ano man ang pinaplano niyang masama sa akin, hindi ko siya uurungan. Kahit magtawag pa siya ng mga kamag-anak niya. Makapagpalit na nga lang ng pambahay!” Tumayo ako at dumiretso siya sa dresser ko. Maayos na rin pala ang bathroon sa room ko. May tubig na'ng dumadaloy. Buti naman! Pagkatapos kong magbihis, nagpasya akong bumaba. Nagugutom ako at kailangan kong hanapin si Coco. Baka kasi akalain ni Coco pina-ampon ko na siya kay Bennet. Sana hindi niya ako kalimutan na ako ang mommy niya. Anak ko si Coco. Tumingin ako sa hallway, tahimik ang daan. Mukhang busy ang mga Hanlon sa kani-kanilang k'warto. Tama niyan 'wag kayong lumabas habang nandito ako. Ay, bahay pala nila 'to. Hehehe. “Lalala~” I hum down the living room, wala lang feeling ko lang humuni dahil walang tao sa hallway at maging sa sala nila. But, the fun faded from my mind when I saw Sandra happily cooking. Anong ginagawa ng isang ito rito? Bakit inunahan niya ako? “Oh, hi, Alice!” Nakangiting bati niya sa akin ng makita niya ako. May suot siyang apron mukhang apron pa ni Bennet ang ginamit niya. Nagpaalam ba siya? “Ginamit ko na iyong apron ni kuya Bennet. Wala kasi siya ngayon nasa veterinarian siya kasama niyong aso mo. Kaya balak kong gumawa ng macaroni spaghetti, meryenda ba natin.” Gano'n pa rin ang mukha. Shutangina! Parehas ba kami ng isip? Bakit naisip niyang gusto ko ring magluto ng macaroni. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya. Nawalan tuloy ako ng gana. Binuksan ko na lang ang refrigerator at kinuha ang isang pitchel. “Hindi ko nga alam ba't tinanggap ka agad nilang kapatid, Alice...” Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagsalin ng tubig sa basong kinuha ko. “...hindi mo ba napansin? Parang bigla ka na lang winelcome nila rito sa bahay ng mga Hanlon. Alam kong anak ka ng magiging asawa ni Mrs. Akuti pero ang weird lang, 'di ba? Hindi ka naman nila tunay na kapatid pero dito ka rin naninirahan. Malandi ka ba?” Napatingin ako sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang ngisi roon. Maging ang kanyang labi ay nakangisi sa akin. “Are you referring to yourself?” Walang gana kong saad sa kanya. “Kung landian lang din pala ang usapan dito ba't hindi ka muna tumingin sa salamin paniguradong masasagot ang tanong mo.” I mocked at her. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Tama, ipakita mo talaga sa akin ang tunay na ikaw, Sandra. “Oh, ba't hindi ka na makapagsalita? Natamaan ka ba? Sapul na sapul ba?” Sumandal ako sa may bar counter sa may sala. “Nagmamalinis ka lang naman kapag nasa harapan ka ng mga Hanlon pero demonyita ka, Sandra. Grabe ka ring magtago ng sarili mo, ano?” Lalong lumaki ang ngisi ko sa kanya. Binalik niya ang kanyang ngisi sa labi niya. “Kaya kitang ihulog, Alice. Katulad na lamang nito...” Kumunot ang noo ko ng sumigaw siya nang napakalakas. “O-ouch, Alice! Help! Somebody help me, please!” Oh s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD