“Bakit mo ginawa niyon, Renma! Ba-bakit ako? Ang daming p'wedeng sabihin na pangalan ng babae! P-p'wede ka namang mag-arkila ng babae na magpapanggap ng girlfriend mong kumag ka! Kaya bakit ako?!” sigaw ko sa kanya.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at binatukan siya nang malakas.
“Sorry, Alice! Wala na akong maisip kung 'di ikaw!” Nakayukong sabi niya sa akin.
“Tch, naniwala ba siya sa'yo?” problemadong tanong ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. “Hindi siya naniwala hanggang hindi niya mismo nakikita. Kaya, Alice, tulungan mo ako! Promise magbabayad ako!”
Napakamot ako sa aking batok. “Problema ito, Renma! Tsk! Paano kung mabuking ka? Wala akong ka-sweet-sweet sa mga lalaki! Tanga mo talaga!”
Sumasakit ang ulo ko kay Renma.
Hindi ko nga alam kung paano maging isang girlfriend dahil ‘No boyfriend since birth’ ako! Paano kung hindi maniwala ang obsessed fangirl na niyon, kasalanan ko pa yata!
Gusto kong tulungan si Renma pero 50/50 talaga ang laban namin. Maging mga pinsan ko hindi maniniwala na boyfriend ko si Renma, shutangina talaga!
“'Wag mo na akong bayaran! Pero, kapag pumalpak itong plano mo Renma, hindi ko kasalanan, ha? Ang daming p'wedeng i-type na name, bwisit ka talaga!” Habol na sabi ko sa kanya at saka binatukan ulit.
Bumalik ako sa aking silya. Mamaya ko na ulit po-problemahin niyon. Nag-bell na kailangan kong makinig, absent ako ng isang araw.
Panay ang kinig ko sa professor namin. Hindi ko alam pero nowadays mas gugustuhin kong mag-stay sa classroom kaysa lumabas sa quadrangle.
Unti-unti na ba akong nagbabago?
“Alice Domino, hindi ka pa aalis? Bell na, ha!”
“Huh?” takang tanong ko kay Renma ng makitang nasa gilid ko na siya at bitbit ang bag niya.
Tumingin ako sa aking harapan. Wala na niyong professor namin. Lutang na naman ako.
Tumayo na rin ako at inayos ang aking gamit. “Pag-usapan natin mamaya niyang problema mo, Renma! Punta muna ako sa Haven.” saad ko sa kanya.
“Sama ako,”
Napangiwi ako sa sinabi niya. “Sure ka? Baka gusto mong kulitin ka naman ni Tyron about sa boxing, ha?” paniniguradong saad ko sa kanya baka kasi tumakbo na naman siya kapag makita niya si Tyron.
Ngumiti siya sa akin. “Tutulungan mo naman ako, 'di ba?”
Aba ang siraulong ito, gagawin pa yata akong pang-shield sa barumbado kong pinsan.
“Tsk! Wala ka bang tatambayan ngayon at gusto mo sumama sa haven namin? Wala ka bang babae na uutuin ngayon?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Himala kasi na gusto niya talagang sumama sa akin. Kapag niyaya ko nga siya rati, todo tanggi agad siya sa akin at bigla na lamang tatakbo papalayo sa akin ang isang ito.
Kaya sobrang himalang gusto niya sumama.
“Grabe! Ano akala mo sa akin babaero, Alice? Gwapo ako kaya malapit ako sa mga babae.” proud niyang sabi sa akin.
Shutanginang mindset nu'n?!
Nakakasira ng ulo.
I rolled my eyes to him. “May utak ka pa ba? Asking as a friend lang.”
Humawak siya sa kanyang dibdib at napayuko rito habang nakahawak pa rin siya roon. Nag-uumpisa na naman siyang mag-drama.
“Ang sakit mong magsalita sa akin, Alice, akala ko ba kai–”
“Kung sasama ka sa akin, sumunod ka na. Ang drama mo, kalalaking tao. Tsk!” usal ko sa kanya.
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil alam kong masakit na naman sa pandinig ang lalabas sa bibig niya. In short, choosy talk, e.
“Alice,” tawag na naman niya sa pangalan ko.
Kaya minsan hindi ko kinakausap si Renma kasi ang daldal. Kalalaking tao ang daldal niya.
“May tsismis ka na naman?” pagtatanong ko sa kanya.
Nasabay siya sa akin sa paglalakad. Pababa na kami sa department namin. “May new transferee. Alam mo ang tungkol doon?”
Napa-isip ako sa sinabi ni Renma. “Baka ang tinutukoy mo ang may pangalang Sandra Flores. Siya ba?” Sinulyapan ko siya at tumango siya sa akin.
“Kilala mo?” takang tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Anak siya ng taga-silbi ng mga Hanlon doon sa rest house na pinuntahan namin. Ginawa siyang scholar ng mga Hanlon...” saad ko sa kanya.
Narinig ko siyang sumipol. May binabalak na naman ang isang ito. Napailing na lanh ako sa kanya.
Dumaan kami ni Renma sa may gilid ng mini garden sa campus. Doon kasi ang pathway papunta sa may Haven namin.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko ng makita ang kanina naming pinag-uusapan. Huminto ako ng siyang pagbunggo sa akin ni Renma.
“Bakit ka humin–”
“Iyon ang Sandra,” turo ko kay Renma at pa-simpleng tinuro ang babaeng naka-upo sa pa-bilog na gawa sa semento at sa gitna nu'n ay may puno na pabilog din.
May kausap siyang dalawang babae, base sa uniform nila HRM student sila.
“Maganda nga,”
I flicked an eyebrow at Renma because of what I heard from him.
Tss, common lang naman ang ganda niya.
Bumalik na ulit ako sa paglalakad. Madadaanan namin sila pero wala akong pake sa kanya.
Ramdam kong sumunod sa akin Renma. Wala naman siyang choice, e. Wala raw siyang nabiktimang babae ngayon.
Pustahan bibiktimahin niya itong si Sandra. Tsk.
“Alice!”
Napahinto ako ng harangan ni Sandra ang dadaanan ko.
Nakangiti siya sa akin at maging ang mga mata niya ay nakangiti. Ano na naman ang pakay nito sa akin?
“Hi, Alice! Sobrang sikat niyo pala rito, ano?” Nakangiti pa rin siya sa akin. “Guys, same kami ng bahay na tinutuluyan!” saad niya sa dalawang babaeng kausap niya kanina.
“Wala ka na bang sasabihin?” seryosong saad ko sa kanya.
Bakit ba niya ako kinakausap? Hindi naman kami close.
“Hmm... Saan ka kakain? P'wede bang makisabay sa inyo?” Nakakiling ang kanyang ulo sa akin at gano'n pa rin ang ekspresyon sa mukha niya.
Nakakairita talaga ang boses niya.
“Sa Haven ako kakainin. Hindi ka p'wede roon. May canteen dito o kung ayaw mo sa canteen, sa likod ng building ng mga med student may mini-snacks bar doon. Siguro naman alam niyon ng mga kasama mo. Matagal na sila rito.” Walang emosyon kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero agad din itong bumalik sa dati. Nagpapakitang tao. Ayaw ilabas ang tunay na ugali.
“Ay gano'n ba?!” nakangusong saad niya sa akin.
Tinignan ko na lamang siya at saka dinaanan. Wala naman akong pake, ayoko sa kanya.
“Psst, siya ba ang pa-epal?” mahinang tanong sa akin ni Renma.
Ngumisi ako sa kanya. “Nasa loob ang kulo ng isang niyon.” saad ko na lamang sa kanya at tumungo na sa Haven.
Pagkarating namin doon, nandoon na sina Asher and Ryder. Himala at dalawa pa lamang sila rito.
Tinignan ko ang tatlong k'warto, naka-bakante pa silang lahat.
Isang himala at wala sina Queen and Tyrone, ano kaya kinaaabalahan ng mga iyon?