Chapter 21

1486 Words
Kumunot ang noo ko ng sumigaw siya nang napakalakas. “O-ouch, Alice! Help! Somebody help me, please!” Oh s**t! “A-anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ginulo niya ang kanyang buhok at maging apron ay sinira niya. Magagalit si Bennet. “Please, somebody help me! S-si A-lice! T-tama na Alice!” Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang sumisigaw pa rin siya. Shutangina! Nababaliw na siya! Napa-upo siya sa sahig at eksaktong may narinig kaming boses. “What's going on here?” Kinakabahan ako. Bakit tumatalbog itong puso ko kung gano'n wala naman akong kasalanan. Nakita ko si Foster na lumapit kay Sandra. Umiiyak ang baliw na iyon habang mahigpit siyang yakap ni Foster. “S-sinabutan ako ni A-alice, Foster... H-hindi ko alam kung ba't niya ginawa niyon. W-wala naman akong ginagawa sa kanya.” “You're such a liar!” sigaw ko at dinuro pa si Sandra! Masamang tumingin sa akin si Foster. “Bakit ginawa mo niyon?” seryosong tanong niya sa akin. Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Do you believe her? I'm just standing here to drink. She's crazy!” balik na sigaw ko sa kanya. “Enough the lie, Alice! Kitang-kita mismo sa kanya. Magulo ang buhok niya and worst nasira ang apron ni Bennet!” Napatawa ako sa sinabi niya. “Really? Naniniwala kayo sa acting niya?” I mocked at him. “Sige maniwala ka sa kanya dahil wala naman akong pakealam. Kasi kung makikipag-away ako sa kanya hindi lang niyan ang inabot niya sa akin.” Tinignan ko siya at maging iyong si Sandra pero lumihis ang kanyang tingin sa akin. Lumabas ako sa kusina at mukhang kararating lang nina Cadmus, Quinn and Denver sa scene. “What happened, Alice?” Hinablot ni Cadmus ang kanang braso ko pero tinanggal ko ang kamay niya roon. “Oh, iyong magandang si Sandra ay umiiyak sa kusina, puntahan niyo na rin at damayan siya. Kawawa naman ang cinderella sa pamamahay na ito.” malungkot na sabi kay Cadmus at saka umalis sa harapan nila. Wala na akong pake. Inumpisahan niya, edi totohanin natin ang lahat ng ginawa niya kanina. Balibag na sinara ko ang pinto ng room ko. Sobra akong naiinis maging ang buong kalamnan ko ay nanginginig dahil sa galit. “Argh! Fck you, Hanlon brothers! Lalo ka na Foster! Bwisit kayo pareho ni Sandra!” mariing na sigaw ko at binato lahat ng gamit na makikita ko. Fck! Fck y'all! I want to go home! “Alice, open this door!” Tumingin ako sa pinto ng may marinig na boses ako roon. “Fck you! Hindi ko kayo kailangan!” sigaw ko sa kanila ng makita ko ang tasa na binili ni Foster sa akin, tinapon ko niyon papunta sa pinto. Tumunog niyon na siyang pagkabasag ng tasa na 'yon! “Hindi ko kayo kailangan! Fck you Hanlon Brothers! Gusto ko nang umuwi!” paulit-ulit kong sabi sa taong kumakatok pa rin sa pinto ng room ko. Hindi sila makapasok kahit nabuksan na nila ang doorknob ng pinto ko. Naka-double locked ang pinto ko, may binili pa akong locked sa taas ng doorknob ko. Paulit-ulit ko silang naririnig na buksan ko ang pinto pero paulit-ulit ko rin silang sinisigawan na mga mura sa kanila. Ayoko na rito. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa condo unit ko. Ayoko silang makitang lahat. And, it's went black. Napadilat ako. Ganito pa rin ang p'westo ko. Nakayuko sa gilid ng kama ko. Ganito ako naabutan ng antok. Dahan-dahan akong tumayo at humingi ako ng suporta sa gilid ng kama pero halos matumba ako dahil sa pagkamanhid ng aking mga paa. Umupo ako at inayos ang magulo kong buhok. Napapikit ako ng maalala na naman ang nangyari kanina. Gusto ko silang saktan at sigawan nang paulit-ulit. Gusto kong gumanti dahil unang-una wala naman akong kasalanan. Lagi na lang ako. Ako na lang palagi dahil spoiled brat ako. Dahil isa akong Lazaro. Nagkakaroon ng ulap ang mga mata ko. Gusto ko na lang umuwi. Kung ayaw nila ako tumira sa condo unit ko, sa Lazaro main house ako titira. Pinunasan ko ang aking mata bago pa ito magkaroon ng tubig at tumulo sa aking magkabilang pisngi. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang maleta ko. Dinala ko ito hanggang sa tapat ng aking dresser, pinaglalagay ko roon lahat ng mga damit ko at maging ang isang bodybag ay pinaglagyan ko rin ng damit. Nagpasya na ako. Uuwi na ako. Nilapag ko ang dalawang bag sa gilid ng study table. Nakita ko roon ang cellphone ko. Dinouble tap ko ito at lumitaw ang oras 3:48AM. Siguro naman wala ng tao sa hallway. Siguro naman wala akong makakasalubong ni-isa sa kanila. Lumabas ako at sumilip sa kanang bahagi ng hallway, madilim as usual. Kailangan kong kumuha ng pagkain, hindi ako nakakain ng meryenda and dinner, gutom na gutom na ako. Naging maingat ang bawat hakbang ko para hindi ako makagawa ng ingay man lang. Pero, lagi yata akong nakatadhana ng makasalubong na mga panget kapag madaling araw. “Oh, hi, Alice?!” Hindi ko siya pinansin. Bumaba ako nang tuluyan sa may sala. Ang pinagtataka ko lang ba't sa room siya ni Foster lumabas? “Kawawa ka naman, ano? Hindi ka pinaniwalaan?” Hindi ko pa rin siya pinansin. Ako, kawawa? Luh, asa siya! Binuksan ko ang refrigerator pero walang tira na pagkain niyon. “Hindi ka nga pala tinirhan ng pagkain, Alice. Bad ka kasi kanina, e.” Hindi ba siya titigil ka kadaldal? Nakakabwisit niyong boses niya, ang sarap itapon sa planetang Nemic! Binuksan ko ang mga cup board at doon ako nakakita ng mga biscuits, ayos na ito kaysa wala akong makain. Kinuha ko ang isang pack na biscuits na may palaman sa gitna. Kumuha rin ako ng isang pitchel at baso. Sa k'warto na lang ako kakain may epal na dumating dito. Nilagpasan ko si Sandra pero shutangina para siyang konsensya ko na sunod nang sunod pero wala naman saysay ang sinasabi dahil hindi totoo ang mga lumalabas sa bibig niya. “Hindi ka ba titigil?” Huminto ako sa harapan niya. Umiling siya sa akin. “Gusto ko mawala ka rito.” Nilapag ko ang pitchel na hawak ko baka kasi ibuhos ko sa kanya ang tubig ng pitchel, hindi p'wede para sa kanya ang mineral water. “Oh? Bakit bahay mo? Isa ka bang Hanlon?” I mocked at her. “Grabe, ha? Ano mayordoma lang? Feeling tagapagmana ng mga Hanlon?” dugtong na sabi ko pa sa kanya. Nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi niya. Ganyan nga ma-b'wisit ka! Tinignan ko ang aking mga kuko sa kanang kamay ko. “Nakakaawa ka kanina, ano, Sandra? Baliw ka ba? Matagal ka na yatang may sayad, e. O, baka naman isa kang attention seeker? Tama ba?” nakangiting tanong ko sa kanya. “Uy, asking as not a friend, okay? Wala kasi akong kaibigan katulad mo.” Dahil sa huling sinabi ko, hindi na siya nakatimpi pa. Hinuli niya ang buhok ko at sinabunutan ako. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Sinampay ko siya sa magkabilang pisngi niya. Pareho kaming napahiga sa sahig. Shutangina, sayang iyong biscuits na kinuha ko! Hindi siya marunong lumaban! Dinaganan ko at doon ako nakakuha ng laban mula sa kanya. “H-help!” Ayan na naman ang salitang help niya! “T-tulong! Tulong Foster!” sigaw niya at gano'n na lamang ay bigla akong umangat sa aking pagkakadagan kay Sandra. “Enough, Alice Domino!” sigaw niya sa akin at siyang pagkaupo ko ng 'di ko inaasahan ang pagsampal niya sa aking kanang pisngi. “How dare you? B-bakit mo ko sinampal...” blangko ang mga mata kong tinignan silang dalawa. “Wala kayong karapatan na saktan ako!” Hawak ko ang kanang pisngi ko, tumayo ako sa aking pagkaka-upo. Walang bakas sa mukha niya ang gulat. Gusto niya talaga akong saktan. Oo nga naman, sinaktan ko ang pinakamamahal niyang si Sandra. “Enough your cry, little btch! Ang sakit sa tenga! Wala naman tumutulo sa mga mata mo!” sigaw ko sa kanya. “Alam ko na kung bakit once a year lang umuuwi si tito Reki dahil sa ugali mo, Alice!” Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Foster. “Dahil kasalanan mo ba't namatay ang mommy mo! Ikaw ang sinisisi ni tito Reki kaya namatay ang mommy mo! You're such a brat!” Napa-atras ako sa kanyang sinabi. Paulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ni Foster. Bakit kasalanan ko? Ginusto ko bang mamatay si mommy habang nilalabas niya ako sa mundong ito? “W-wala kang alam! Wala kayong alam!” mariiing sigaw ko sa kanya at tumakbo paakyat sa k'warto ko. Nagkulong ako sa k'warto ko. “Wala kayong alam! Wala kayong alam...” Kinuha ko ang cellphone kong nasa study table. “A-asher, ayoko na rito...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD