Chapter 4

1078 Words
Nandito na ako ngayon sa Lazaro haven, kung saan kaming mga Lazaro lang ang p'wedeng pumunta rito. Kumpleto ang gamit dito. P'wede ka makapaglaro ng PlayStation, mayro'n din mga libro, snacks bar sa gilid at higit sa lahat may tulugan. Sinarado ko ang isa sa mga room na mayro'n dito. Bahala sila kung sino matutulog sa mga pinsan ko basta nauna na akong i-occupy ang isang ito. May tatlong room lang ang mayro'n. Nilapag ko sa sahig na gawa sa kahoy ang pagkain kinuha ko snacks bar. May dalandan juice din akong nakita. Everyday, may nagdadala ng mga juice rito sa Haven namin kaya lahat ng juice na nakahilera sa snacks bar ay bagong timpla. P'wede ka ring tumawag sa mismong canteen kung gusto mong kumain ng kanin. Ang madalas na gumagawa nu'n ay si Tyron - isa sa badboy na pinsan ko. Nagmana siya isa naming pinsan na si Ryder, hindi ko sila kinukuya dahil ang papanget nilang lahat. Binuksan ko ang laptop. Pinatong ko ito sa unan na mayro'n dito. Binuksan ko ang breadsticks na kinuha ko sa snacks bar. Napakunot ako ng may marinig ng mga boses sa labas, nandyan na siguro ang mga maiingay kong pinsan. Napailing na lang ako. Titignan ko kung na-reply na ang Bennet na iyon. Sinisira talaga niya ang araw ko dahil sa mga reply na natatanggap ko mula sa kanya. To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com From: Bennetmohindisayo@gmail.com Hi, wala kaming allergies sa lahat ng animal na mayro'n ka. Kung may inaalalagaan ka pa bukod sa aso. Kung ingay lang ang problema mo, p'wede ka manirahan sa ref at maging isang potato. Binilin ka ni tito Reki sa amin kaya sa ayaw at sa gusto mo lilipat ka sa Hanlon Residence. Chef in the house, Bennet ?‍? "Shutangina!!" Malakas kong mura. Hindi ko na napigilang magmura dahil sa inis na nabasa ko mula sa email niya. Mga takas ba sa mental ang mga anak ni Ms. Akuti? Napahiga ako sa kamang nandito. Napapadyak ako sa sobrang inis sa Bennet na iyon! "Alice Domino, low down your voice! May nag-aaral dito!" Napatingin ako sa pinto ng may tatlong katok ang nagmula roon. Nandito na rin pala ang pinsan naming mala-Einstein. Matalino rin naman ako pero mas matalino sa akin si Asher. "Sorry, Asher!" malakas kong sabi sa kanya at umayos na ulit ng upo. Narinig ko ang papalayong tunog ng kanyang sapatos. Buti na lang umalis na rin siya. Sa aming magpipinsan, asarin mo na ang lahat ng mga Lazaro, 'wag lang si Asher. Ikaw lang ang mapipikon sa isang niyan. Tapos, emotional damage pa ang makukuha mo. Kaya 'wag na lang talaga. To: Bennetmohindisayo@gmail.com Ayoko!! Manigas kayo!! Maldita, Alice Domino ✯ Reply ko sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa isang chef na katulad mo. Magiging puti muna ang uwak bago ako lumipat sa Hanlon Residence na iyan! Sinara ko na ulit ang laptop ko. Ayokong mabasa ang reply ng Bennet na iyon. Wala namang k'wenta. Kumain na lang ako kaysa intindihin ang mga anak ni Ms. Akuti. Masisira ako ng bait sa mga anak niya, partidang si Bennet pa lang ang alam ko sa kanilang anim. Tama nga ang sinabi ni Renma kanina, nagkaroon kami ng examination sa bawat units na mayro'n kami. Tatlo pa lang ang tapos namin, at ang dalawa roon ay major pa. Halos ilabas ko na ang utak ko at isa-isahin ang ugat nu'n para makita ang mga pinag-aralan ko. Akala ko naman simpleng essay lang ang sasagutan. Pero, hindi! Dalawang letter na nga lang ang pagpipilian pero nakaka-pressure. Ang tanga ko na kung mali pa ang napili ko. "Alice, may naghahanap sa'yo!" Napatingin na naman ako sa pinto ng may kumatok na naman dito. "Alice Domino, may naghahanap sa'yo!" ulit na sabi niya. "Hoy, Tyron! Kung iisahan mo lang ako para makatulog ka rito, neknek mo!" sigaw ko sa kanya. Huwag ngayon at ako'y bwisit na sa Bennet na iyon! "Hoy! Wala akong panahon para matulog ngayon. May naghahanap talaga sayo!" sigaw niya sa akin pabalik at tinadyakan pa ang pinto. "Just fcking quiet!" Napangiwi ako ng marinig ang boses ni Asher. Bakit ko ba nakalimutang nandito nga pala si Asher? "Alice, there's someone here, looking for you!" Oh, shut up! Nakakarindi ang boses ni Queen. Tumayo ako at iniwan ang aking pagkain at bag para 'di sila maka-p'westo rito. Hindi ko p'wedeng ibaba ang guard ko sa k'wartong ito, lalo na't mga halang ang bituka ng mga pinsan ko. "Oo na! Lalabas na ako!" sigaw ko sa kanila. Binuksan ko ang pinto halos mapatanga ako dahil lahat yata ng mga pinsan ko ay nandito. Pare-parehas ba kami ngayon ng lunch break? "What the hell, Tyron!" singhal ko sa pinsan kong may tama yata sa utak. Naka-hubad siya. Wala na ang uniform niyang pang-itaas. "Bakit hindi ka pumasok sa isa sa mga k'wartong nandito!" Lumapit ako sa kanya at kinutusan. "Aww," tumingin siya sa akin at kakamot-kamot ang kanyang ulo. "Occupied na ang dalawang room, Alice." saad niya sa akin at tinuro ang dalawang k'warto. Occupied na nga ang nakalagay roon. "Si kuya Chaser and kuya Louie ang naka-occupy nu'n, Alice." Napatingin ako kay Queen ng siya ang sumagot. Inaayos niya ang kilay niya. Kahit isang beses lang makita ko man lang si Queen na ang hawak ay libro at hindi ang mga make-up kits niya. "Alice, may tao naghihintay sa'yo roon. Nakakahiya naman kung paghihintayin mo." Doon ko lang napansin si kuya Ryder na abalang kumakain. Wala kang mababakas na emotion sa mukha niya. Simula bata yata kami naka-poker na ang mukha niya. Alam kong may pakakasalan siyang babae. Malas naman ng babaeng niyon. Lumakad na ako palabas sa haven. Sino ba ang walang hiyang tumawag sa akin? Hindi ba p'wedeng mamaya na lang nila ako kausapin? Kakamot-kamot akong lumabas at hinahanap ang taong gusto akong kausapin. "Nasa'n ang naghahanap sa akin?" kausap ko sa aking sarili at luminga-linga sa paligid. "Hi," Napa-atras ako ng may sumulpot sa aking isang lalaki. Naka-puting uniform siya hudyat na med ang course niya. Mas matangkad siya sa akin, black ang buhok niya at may gupit itong boy's cut. Maamo ang mukha niya, pero walang emosyon ang mga mata niya. Nagsalubong ang aking kilay habang pinagmamasdan siya. "Sino ka? Anong pakay mo sa akin?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko siya kilala. Ni-hindi ko nga siya nakikita man lang sa campus. "Hi, I'm Quinn Hanlon, the fifth son of Akuti Hanlon. Nice to meet you, Alice." What the fck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD