"Hi, I'm Quinn Hanlon, the fifth son of Akuti Hanlon. Nice to meet you, Alice." pagpapakilala niya sa akin.
"Anong kailangan mo sa akin?" pagtatanong ko sa kanya.
Tama nga ang tsismis, may Hanlon ngang nag-aaral dito. Pero, anong pakay niya sa akin? Pipilitin din ba niya akong doon tumira sa kanila?
"Pinapasabi ni kuya Bennet, sorry. Hindi siya ang nagrereply sa'yo sa email niya. Pinakilaman ni Denver ang email ni kuya Bennet, siya ang nagrereply sa'yo." seryosong saad niya sa akin.
"Eh?" Iyon lang ang nasabi ko sa kanya.
Kaya pala gano'n ang reply niya.
"Sino naman si Denver, kapatid niyo rin?" pagtatanong ko ulit sa kanya dahil sasapukin ko ang Denver na iyon.
"Our youngest brother, he's the 6th son of Akuti Hanlon. Senior high school student. Sorry sa naging asal niya sa'yo. Na-spoiled kasi ni kuya Foster - Foster Hanlon the 3rd son, siya ang namamahala sa mga business na naiwan ng daddy namin and ni mommy." paliwanag niya sa akin.
Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Sinagot na niya, ang dapat na itatanong ko sa kanya.
Tinaasan ko siya ng aking kanang kilay. "Okay. Tapos ka na magsalita? Babalik na ako sa loob." saad ko sa kanya.
Wala akong panahon para makipag-usap sa katulad nila!
"Mayro'n pa akong sasabihin..." pagpipigil niya sa akin.
Hindi ako lumingon sa kanya. Bahala siyang makipag-usap sa likod ko. Maganda naman ang back view ko, e.
"Simula bukas hahakutin na ang gamit mo papuntang Hanlon Residence. Ayon lang, p'wede ka na bumalik sa hide-out niyo."
Napalingon ako sa kanya at nakita ko na siyang naglalakad. Hinabol ko siya at hinablot ko ang kanang kamay niya.
"No way!" sigaw ko nang mariin sa kanya. "Hindi ako pupunta sa inyo!" Turo ko pa sa kanya.
Tinignan niya ang kamay kong nakakapit sa braso niya. Tinanggal ko niyon at sinamaan siya ng tingin.
"Sa ayaw at sa gusto mo, doon ka talaga pupunta. Ilang days na kaming naghihintay sa'yo, lalo na si kuya Cadmus." mariing niya sabi sa akin.
Nakakatakot siya dahil wala kang mababakas na emosyon sa mga mata niya. Napalunok ako at inayos ang aking sarili. Bakit ako matatakot sa isang ito? Ako si Alice Domino Lazaro! Dapat sila ang matakot sa akin.
"Ano naman pake ko kung naghintay kayo? Bakit? Sinabi ko bang hintayin niyo ko? At, sinabi ko bang gusto ko kayong makasama sa iisang bubong, ha, Mr. Quinn Hanlon?" Pinag-krus ko ang aking kamay sa harap ng dibdib ko habang may bakas sa aking labi na isang pang-uuyam.
"Tama nga ang sinasabi ng lahat, spoiled brat ka!" He mocked me.
Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Eh, ano naman sa'yo?" pagtataray ko sa kanyang sabi.
Pinupuno na ako ng isang Quinn na ito. Itapon ko kaya sa dead sea ang siraulong ito. Isa pa lang siya, paano na ang limang kapatid niya kung makakasama ko sila sa iisang bubong? Stress ang aabutin ko.
Nagulat ako ng yumuko siya sa harapan ko. Halos mapa-atras ako pero hinawakan niya ang aking bewang para 'di ako makagalaw.
Ngumisi siya sa aking harapan. "Wala naman sa akin pero sa mga kapatid ko mayro'n..." Halos mangilabot ang buong katawan ko ng haplusin niya ang aking mukha gamit ang isang kamay niya. "P'wede ko namang ipabalita sa iba ang totoong ugali mo, Ms. Alice Domino. Ayaw mo sa mga atensyon, right?" bulong na sabi niya sa akin.
Sa pagkakataon na iyon, tinadyakan ko ang kanyang pinag-iingatan. Halos tumalon siya sa tuwa, este ewan ko ba't tumalon siya 'di ko nga gaanong natamaan, e.
"Whatever, Mr. Quinn! Gusto mo tulungan pa kita ipabalita sa iba! Bye! Sana magka-anak ka pa!" pang-aasar na sabi ko sa kanya.
Iniwan ko siya roon habang nagtatalon-talon pa rin. Ayaw mo kasi akong bitawan, bwisit!
"Mag-iingat ka sa Quinn na iyon, Alice."
Napalingon ako sa gilid kung saan may mga nakalagay na malalaking puno. Nakita ko roon ang pinsan kong si Asher.
Tumingin siya sa akin. "Iba gumanti ang Quinn na iyan."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Hindi ko siya aatrasan."
Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat, "basta mag-ingat ka d'yan. Matalino niyan katulad ko at paniguradong sa araw na ito nag-iisip na iyan kung paano ka gagantihan." Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin.
I rolled my eyes to him, "gantihan niya. Edi, mag-gantihan kaming dalawa..." Napatigil ako sa kanyang sinabi. "Teka! Nakita mo ginawa ko sa kanya?" gulat na sabi ko kay Asher.
Proud itong tumango sa akin, "Yes. Siguradong basag ang itlog nu'n." ngising sabi niya sa akin at nilagpasan na ako.
"Asher, tapos na ba lunch break mo?" pahabol kong sigaw sa kanya.
Nagkibit-balikat siya sa akin. "Maingay na sa loob. Gising na si kuya Chaser and kuya Louie. Hindi na ako makakapag-aral nang tahimik doon." Sabay alis na niya.
Napatingin ako sa pinto ng haven namin. Gising na iyong dalawa?
Oh, shutangina! Kailangan ko na rin umalis baka pati ako madamay sa gagawin nilang dalawa.
Pagkapasok ko pa lang sa loob, rinig ko na agad ang mga boses nila. Mukhang rambol na naman ang mayro'n nito. Kapag talagang nagkakaharap ang dalawang iyon laging may gulo buti na lang wala pa si kuya Ryker.
"Hoy! Hoy! Hoy!"
Speaking of the devil.
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likod at ayon na nga siya. Sumisipol siya habang naglalakad at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng slacks niya.
Rambol na nga.
Tumakbo akong tumungo sa room na i-no-occupy ko. Pinasok ko ang laptop sa bagpack ko. Binuhat na ito at maging ang pagkain ko sana pero kinausap ako ng baliw na Quinn na iyon, 'di ko tuloy nakain. Sa classroom ko na lang kakainin.
Binaliktad ko ang sign sa k'warto at lalabas na sana ng makita ko si Queen na mukhang ina-abangan ako.
"Pakilala mo naman ako sa Quinn Hanlon na iyon, Alice!" bungad niya sa akin.
Naaalibadbaran talaga ako sa make-up brush niyang hawak-hawak niya.
"Ipakilala mo sa sarili mo. Ano mo ako secretary? Bahala ka na sa mga pinsan nating lalaki, Queen!" sigaw na sabi ko sa kanya at umalis na roon.
Sa wakas, nakalabas din ako sa Haven na iyon. Hindi na haven ang isang niyon kapag nagsama-sama sa iisang room sina kuya Chaser, kuya Louie and kuya Ryker. Riot ang aabutin ng mga iyon. Lalo na't kung kami-kami lang din ang magkakasama. Si Tyron pa ang magiging referee para sa tatlong niyon.
Wala rin naman ako maaasahan kay Ryder, panonoorin na lang niya ang tatlo kung paano mag-away-away.
Pabagsak akong umupo sa seat ko ng makabalik sa classroom.
"Anong nangyari sa'yo?" Tinignan ko nang masama si Renma ng magtanong ito sa akin. "Oh, chill lang, Alice! Nagtatanong lang ako." depensang sabi niya sa akin.
"Oo nga pala, Renma..." Umayos ako ng upo. "May kilala ka bang Quinn?" pagtatanong ko sa kanya.
Inayos niya ang kanyang salamin sa mata. "Quinn Hanlon ba?"
Tumango-tango ako sa kanya. "Huwag kang lalapit doon, Alice. Kung sa'yo physical and emotional damage ang aabutin sa'yo pero nasa level pa lang ng 40-50%. Doon kay Quinn, 1000% level na ang emotional damage ng isang niyon. Baka lalo ka lang ma-highblood. Iwasan mo kung kaya mo siyang iwasan." seryoso siya habang sinasabi niya iyon sa akin.
Nagsalubong tuloy ang aking kilay. Na-highblood na nga ako sa unang pagkikita namin, e.
"Gano'n ba?" walang kabuhay-buhay kong sabi sa kanya.
"Oo gano'n nga! Alam ko laging nakakalaban ng pinsan mong si Asher ang isang niyon, pagdating sa patalinuhan. Sa kanya ka magtanong about sa Quinn na iyon." Suggest niyang sabi sa akin.
Napa-ubob na lang ulit ako sa desk ko. So, kailangan kong mag-ingat sa kanya? No way! Siya ang dapat mag-ingat sa akin.