"Bennetmohindisayo@gmail.com..." basa ko sa email na natanggap ko mula kay daddy.
Anong klaseng email ito? Parang pinaglaruan naman. Sure bang ito ang email ng anak ni Ms. Akuti?
Parang playtime naman kasi. Chef daw ang work nu'n pero ang sss 'di man lang pinag-isipan.
Kina-copy ko ang ang email na binigay sa akin. Pumunta ako sa create email upang mag-send na sa kanya.
To: bennetmohindisayo@gmail.com
Hi, I'm Alice Domino Lazaro. Ako nga pala iyong lilipat sa residence niyo. P'wede bang hindi na lang ako d'yan manirahan?
Thanks,
Alice Domino Lazaro ✯
Hindi ko alam pero 'di ko talaga makita ang sarili ko na may kasamang ibang lalaki sa bahay. At worst, 'di ko pa sila kilala.
Habang naghihintay ako ng reply niya. Maliligo muna ako. Mahuhuli ako nito sa class, e.
Tinakpan ko ang pinagkainan kong 'di ko naman naubos, naka-tatlong subo lang yata ako dahil sa nabasa kong email kay daddy.
"Coco, maliligo muna si mommy." kausap ko sa aking alagang aso.
Kinarga ko siya at nilapag sa kama. Ang sarap ng tulog niya. Sana isang shih tzu na lang ako, para after kumain tulog na lang ulit. Tapos kapag nagugutom, tatahol lang ako para mapansin.
Ano ba itong pinag-iisip ko.
Kinuha ko ang aking towel na nakasabit sa ulunan ng kama ko. Pumasok na ako sa bathroom para makaligo na ako. Hindi ako p'wedeng ma-late dahil terror ang first professor namin at baka i-drop out agad niya ako. Kahit sabihin mong apo ako ng President ng University.
Binilisan ko ang aking pagligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng school uniform. Kulay itim ang slacks and beige ang loob ng top namin at itim rin ang coat na suot. Same lang din naman ito sa boy uniform.
May iba pang uniform, depende sa course na kinukuha ng mga nag-aaral. P'wede ka ring mag-civillian na lang kung 'di mo trip ang uniform.
Inayos ko ang aking sarili. Blinower ko ang buhok ko na hanggang ibaba ng aking armpit. Nang makitang maayos na ang aking itsura at p'wede na akong magpakita sa ibang tao. Umalis na ako sa full mirror na mayro'n ako.
Umupo ulit ako sa table kong goods for two lang. Tinignan ang email kung nagreply na ba ang Bennet na iyon.
Gano'n na lang ang pagtataka ko sa kanyang reply.
Adik ba ang isang ito?
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: Bennetmohindisayo@gmail.com
Nope.
Chef in the house,
Bennet ??
Isang salita lang ang ni-reply niya sa akin! Wala man lang siyang dinagdag na dahilan! Bakit ganito ang pangalawang anak ni Ms. Akuti!
To: Bennetmohindisayo@gmail.com
May aso ako. Nangangagat ang aso ko.
Magulo akong matulog.
Hindi ako sanay na may ibang taong gumigising sa akin.
Ayoko sa lahat ng maingay.
Kaya hindi ako lilipat, Mr. Bennet.
Thanks,
Alice Domino✯
Hindi ako makakapayag na matalo ako ng isang ito! Over my dead body!
Sinarado ko ang laptop. Ayoko munang makita ang reply niya. Baka lalo lang ako ma-bwisit sa katulad niya!
Kinuha ko na ang laptop at nilagay sa bagpack ko. Aalis na ako. Papasok na ako. Ayokong mahuli.
Bago ako lumabas sa unit ko, nag-iwan na ako ng makakain ni Coco at maging tubig niya ay pinuno ko na rin.
Pupunta naman si Nanay Sabel - ang nag-iisang kasambahay namin. Pero, 'di siya i-stay-in. May pamilya rin siyang inaasikaso.
Sinarado ko na ang pinto ng unit ko, at nilagyan ng notes:
Nanay Sabel, may iniwan na po akong pagkain ni Coco. May naamoy rin po akong mabaho sa refrigerator. Salamat po!
Pagkababa ko sa lobby ng condominium, nakita ko na agad ang mga pinsan ko. Sinusundo at sinasabay na nila ako papuntang campus.
Binuksan ko ang backseat, nakita ko agad si Queen na abala na naman sa mukha niya. Mukha na siyang clown.
"Hi, cous!" bati niya sa akin pero ang tingin niya ay nasa compact mirror niya at abala siyang naglalagay ng liptint sa kanyang labi.
I rolled my eyes to her, "mukha ka ng clown, Queen." bulgar na sabi ko sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko sa kanya. Abala pa rin siya sa paglalagay. Napailing na lang ako sa kanya.
"Hindi ka niyan papansinin, Domino. Ang utak niyang si Queen ay nasa make-up niya."
Tinaasan ko ng kilay ang isa pa naming pinsan na si Harry. Siya lang naman ang tumatawag sa akin na Domino.
"As usual, Queen bee ng campus pero wala naman laman ang utak." ani ko sa pinsan namin at nagkibit-balikat na lang.
"I heard that, Alice! You're so mean! Hmmp!" malakas niyang sabi sa akin at tinuro pa niya ako.
"Whatever, Queen bee, wanna bee!" I mocked to her.
Narinig ko ang pagsara ng kanyang compact mirror. "Aha! Nabasa mo na siguro ang email ng daddy mo, ano?"
Lumingon ako sa kanya at may ngisi sa kanyang labi. "Ano naman pake mo?"
"Ang balita ko, Alice, mayro'n daw iyong anim na anak na lalaki. Gwapo kaya sila? Ang dalawa sa anak ng pakakasalan ni Uncle Reki ay nag-aaral din sa Lazaro University. Hmm... Mahanap nga sa website."
Napailing na lang ako sa kanya. Basta gwapo talaga ang usapan nagiging bobita lalo itong pinsan ko.
"Do what you want, Queen." huling sabi ko sa kanya at lumabas na ng kotse.
Mabuti na lang naging mabilis ang byahe namin dahil hindi ko na matiis na makasama sa iisang lugar ang Queen na iyon!
"Alice, ipakilala mo ako sa kanila!" Malakas niyang sabi sa akin.
Kaya ang ginawa ko tinaas ko ang aking kanang kamay sa kanya at inalay ang aking gitnang daliri.
Bwisit!
Pumasok ako sa classroom namin. Sobrang tahimik at wala kang nababakas na maingay rito. Lahat sila nag-aaral.
May quiz ba sa ibang subject?
Umupo akong nagtataka habang nakatingin sa mga classmate ko. Nakatutok ang kanilang mga mata sa libro at notes nila.
May hindi ba ako narinig kahapon?
Nakita ko si Renma Sullivan - abala rin ang lalaki sa pagbabasa ng libro niya.
Sinipa ko ang upuan nito kaya siyang paglingon niya sa akin.
"May quiz ba? O, long test?" seryosong tanong ko sa kanya.
Binaba niya ang librong binabasa niya. Ngumisi siya sa akin at mukhang may alam nga siya.
Lintik!
"Hindi ka nakinig kahapon, Alice?" Nandoon pa rin sa labi niya ang ngisi nito.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Magtatanong ba ako kung alam ko, Renma? Ano nga?!" angil ko sa kanya at sinipa ulit ang upuan niya.
"Ang high blood mo talaga palagi! Nasaan ba ang isipan mo kahapon? Hindi ka ba nakinig sa announcement? Lahat ng 3rd year sa buong campus ay magkakaroon ng examination, kaya ang iba rito ay nagkukumahog na mag-review." paliwanag niya sa akin.
Kumiling ang aking ulo na tumingin sa kanya. "Ah," sabi ko na lang sa kanya.
"Ang haba ng sagot mo sa sinabi ko, ha? Ano pa nga ba aasahan ko sa'yo, Alice, kahit 'di ka mag-review papasa ka naman. Oh, siya!" saad niya at tumalikod na ulit sa akin.
Nakita ko na namang bumalik siya sa kanyang pagbabasa.
Actually, nakalimutan ko ang tungkol doon. Napasarap kasi ang panonood ko ng KDrama, e. Pasensya naman na.
Para 'di ako ma-out-of-place, nagbasa na lang din ako. Para 'di ako nagmukhang alien sa kanila.