Chapter 2

1252 Words
Tumapat ulit ako sa laptop ko. In-open ko ang skype para malaman kung online ba si daddy. Hindi p'wedeng 'di ako makapagtanong sa kanya tungkol sa paninirahan mo sa Hanlon Residence na iyon! Hindi ko nga alam pangalan ng mga anak ni Ms. Akuti, e. Iyong ugali rin hindi ko kilala tapos agad nila akong ipagsisiksikan sa lugar na iyon! No way! Ayoko! Mas okay akong mag-isa kaysa may kasamang iba! Lalo na mga lalaki pa sila. Napababa ang aking tingin ng makitang umiikot sa aking paa si Coco. Tinignan ko ang lalagyan ng pagkain, ubos na ang laman nu'n. Binuhat ko si Coco at nilagay sa aking hita. "Buti ka pa, Coco, nabusog ka na. Pero, ako, hindi ko na magawang sumubo ng pagkain ko." kausap ko sa aking baby dog. Tinignan ko tuloy niyong pagkain kong hindi ko pa rin maubos dahil sa nalaman ko kay daddy. Okay lang naman sa akin na ikasal siya kay Ms. Akuti, kung iyon ang gusto niya. Wala akong tutol doon lalo na't ikasasaya ni daddy. Pero, ang manirahan kasama ang mga anak niya lalo na't anim niyo, it's a big no, no for me! Hinanap ko ang pangalan ni daddy sa Skype list ko. Hindi p'wedeng 'di ko siya makausap ngayong araw. Dahil 'di ako makakapag-concentrate sa klase kung inaalala ko niyon! Bang! Finally, nakita ko na rin ang pangalan Reki Lazaro. Kapag sinu-swerte ka nga naman naka-green ang pangalan niya. Hinaplos ko ang alaga kong si Coco, tahimik siyang nakahiga sa aking hita. Inaantok ka na? Pagkatapos mong kumain, matutulog ka ulit? Si Coco talaga! Nag-request ako ng video call sa kanya. Sana naman i-accept niya agad. Kailangan ko pang maligo at may class pa ako today! "Daddy!" bungad na tawag ko sa kanya ng i-accept niya ang request ko. Bumungad sa akin sa kabilang screen ang dagat. Eh? Nasaan siya? Bakit may dagat? May dagat ba sa Greenland? Nakatingin lang ako sa screen ng maiba na naman ang background nito, sa pagkakataon nito si daddy na ang nasa screen ng laptop. "Daddy!" tawag ko ulit sa kanya. "Nasaan ka na naman ba?" iritadong tanong ko sa kanya. Napakamot ito sa kanyang likod at tumawa sa akin. "May baby Alice!" masayang tawag niya sa pangalan ko. Nangasim naman ang aking mukha dahil sa tinawag niya sa akin. Baby? Sure na ba siya nu'n? Hindi ba niya alam na 19 years old na ako! "Don't call me baby, daddy! Hindi na ako baby!" inis na sita ko sa kanya pero tinawanan na naman niya ako. "By the way, daddy! Ano itong natanggap kong email, ha?" singhal ko sa kanya. Kung makakapasok lang ako rito sa screen, hihilahin ko siya at bubugbugin dahil sa sobrang inis ko ngayon. Nawala ang ngiti niya at tumingin ng seryoso sa akin. "Don't tell me ngayon mo lang nabasa ang email na niyon?" singhal niya pabalik sa akin. Sa pagkakataon na ito, ako naman ang napakamot sa aking buhok at napangisi sa kanya. "Ngayon nga lang, daddy!" Kamot-kamot kong sabi sa kanya. "Alam mo naman hindi ako nagbabasa ng email! Saka, nasaan ka ba ngayon? May dagat ba sa Greenland, ha?" balik ko sa kanya. Ako itong galit dapat kaya 'di ako magpapatalo sa kanya. "N-nasa Miami Beach kami ngayon, Alice." nahihiya niyang sabi sa akin na siyang kinalaki ko ng mga mata ko! "At, sino kasama mo? Si Ms. Akuti ba, daddy?" Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Proud itong tumango sa akin at naiba na naman ang screen. Puro mga naka-swimsuit attire ang aking mga nakita. Ang ganda sa Miami Beach. "Daddy... Iyong about sa email p'wede bang 'di ako manirahan sa mga Hanlon Residence? Safe naman ako rito sa condominium, e. Saka, hindi ko alam kung mababait ba sila? Paano kung may gawin silang masama sa akin? Hindi ko kaya niyon, daddy?" pagmamakaawa kong sabi sa kanya. "Saka, daddy, paano kung allergies sila sa mga aso? Paano na ang baby dog kong si Coco!" Sabay angat ko kay Coco na mahimbing na natutulog pa rin. "Paano kung hindi sila sanay na may kasamang babae sa bahay na iyon? Anong gagawin ko daddy?" pagpapatuloy kong sabi sa kanya. "Ayokong lumipat, daddy. Dito na lang ako sa unit ko, please..." pagmamakaawa kong sabi sa kanya. "Huh?! Ngayon mo lang nabasa ang email ko, Alice..." Tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha ni daddy ang pagkakaproblema sa akin. "Alam mo bang ilang araw ka ng hinihintay ng mga step-brothers mo, ha?!" singhal niya sa akin na siyang kinagulat ko. "Ilang araw ka na nilang hinihintay na lumipat sa Hanlon Residence. Ilang araw na silang naghihintay na may dumating na malalaking truck para ayusin ang gamit mo pero ngayon mo pa lang nabasa ang email ko sa'yo!" Napangiwi ako sa sinabi ni daddy sa akin. "Eh? Hindi ko naman kasalanang ngayon ko lang nabasa. Dapat nagsend ka ulit ng email sa akin." pagtataray kong sabi sa kanya. "Saka, hindi ko na kasalanan kung maghintay sila sa paglilipat ko! Bakit sinabi ko bang hintayin ni--" Napatigil ako sa pagsasalita ng may makita akong diyosa sa likuran ni daddy. Ang ganda niya. "Hi, are you Alice?" malambing na tanong niya sa akin. Maging ang boses niya ay mukhang mabait. Ang lambing-lambing ng bawat salitang lumalabas sa kanya. Napatulala ako sa screen habang nakatingin sa kanya. Tumango ako sa kanyang tanong. "Y-yes po," "Hi, I'm Akuti Hanlon." pagpapakilala niya sa akin na siyang paglaki ng aning mga mata. Napapikit ako sa aking narinig. "K-kayo po si Ms. Akuti? I mean, you are Ms. Akuti?" ulit kong sabi sa kanya. Baka kasi 'di siya nakakaintindi ng tagalog, e. "Yes, I am, darling. I understand tagalog, Alice. Nice to meet you. Ang ganda mo katulad ng mommy mo." saad niya sa akin at ngumiti nang napakatamis. Ang ganda niya! Halos mapanganga ako dahil sa sobrang ganda ni Ms. Akuti. "K-kayo rin po, Ms. Akuti..." nahihiya kong sabi sa kanya. "Bakit naiba ang tono ng pananalita mo, baby Alice?" Tinignan ko nang masama si daddy ng sumabat ito. "Manahimik ka nga daddy!" "Paano ako mananahimik, ba't hindi mo nga kasi binasa agad iyong email na sinend ko sayo!" Heto na naman tayo. "Busy ako. Busy ako sa mga schoolwork, daddy! Busy rin ako kay Coco!" sagot ko sa kanya. Tama nga sinabi nila lolo't-lola, hindi mapagkakailang anak niya ako. Parehas kami ng expression kapag galit. Carbon copy daw ako ni daddy. "Naghihintay nga ang mga step-brother mo sa pagdating mo sa kanila!" Ang kulit niya! Ang kulit ni daddy! "Hi, Alice, don't worry mababait ang mga anak ko. You can tell me if my gagawin silang masama sa'yo. Naghihintay na sa pagdating mo si Bennet - ang pangalawang anak kong lalaki." malawak na ngiti na sabi niya sa akin. Bennet. "Isang chef ang anak ko, kaya paniguradong hindi ka magugutom sa kanilang lahat. Siya ang boss pagdating sa kitchen." dugtong niyang sabi sa akin. Napatango ako sa kanya. "Isesend ng daddy mo ang email ng pangalawa kong anak sayo, para ma-contact mo. And, also, mag-e-email din ako kay Bennet para mapaghanda na nila ang room mo." Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po, Ms. Akuti." "You can call me mommy, Alice. Pero, kung hindi ka pa sanay. Ayos lang sa akin." mahinahon niyang sabi sa akin. Ewan ko pero may kung anong kapangyarihan yata siya kaya ako napasunod sa gusto niya. Dahil pagka-end namin ng video call. Tinignan ko agad ang aking email. Nandoon na nga ang email ng pangalawa niyang anak na si Bennet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD