Napabangon ako dahil sa tunog ng alarm clock na nasa aking ulunan. Gusto ko pa matulog pero itong alarm clock na ito ay nag-e-eskandalosa dahil sa sobrang ingay, pakiramdam kong maging ang mga katabi kong condo unit ay naririnig na nila ang ingay nito.
"Shut up!" malakas na sabi ko sa alarm clock at dinampot ito saka in-off.
Ang ingay niya!
Para akong zombie na umupo sa gilid ng kama. Magulo ang buhok ko at ang ibang hibla ng aking buhok ay nasa mukha ko na.
Gusto ko pa matulog pero iyong kalahati ng katawan ko ay gising na dahil sa ingay. Napadilat ako ng biglang tumunog ang aking tiyan. Wala na akong choice kung 'di tumayo at maghilamos na.
Sa loob na labing isang taon, nasanay akong mag-isa. Dahil noong pitong taon pa lang ako ay wala na si daddy sa aking tabi. Isang Archaeologist ang daddy ko. Hindi siya pumipirmi sa isang bansa para maghanap lamang ng mga artifact and ibang bagay na makikita sa sinaunang panahon.
Pitong taon pa lang ako ng iwan niya ako sa aking lolo't lola pero nawala na sila noong tumuntong ako ng labing-anim na taong gulang. Kaya nanirahan ako sa binili niyang condominium units sa akin. Kahit gusto ko man na manatili na siya rito sa Pilipinas pero 'di niya maiwan ang trabaho niya.
Once a year lang siya dumalaw sa akin. Madalas naman kaming mag-video call pero hindi sapat sa akin niyon. Hindi sapat para sa nag-iisang anak niya. Wala naman sa akin ang perang kinikita niya sa trabaho niya, ang kailangan ko ay pagmamahal niya bilang isang daddy.
Hindi ko nga alam kung paano namatay si mommy. Hindi ko pa malalaman kung 'di na-i-k'wento sa akin nila lola, namatay si mommy pagkatapos kong ipanganak. Hindi ko na alam kung anong cause, hindi ko na kasi kayang tanungin pa ng makita ko ang sakit na bumalantay sa mata ni lola.
Napailing ako sa aking sarili. Pinusod ang aking buhok, may nakita akong goma sa lapag kaya kinuha ko ito at pinantali ko sa aking buhok.
Bakit ko ba naisip niyon? Maayos naman na ako ng mag-isa.
Napangiti ako ng makita ko si coco, ang aso kong shih tzu poodle. Regalo ito ni daddy noong nag-birthday ako ng debut ko. Hindi ko na hiniling sa kanya na magkaroon ng engrandeng debut, wala rin naman ako gaanong kaibigan.
"Hi, coco! Good morning!" bati ko sa aking baby dog habang nag-iikot na ito sa pagitan ng mga paa ko..
"Gutom ka na like mommy, coco?" Binuhat ko ito at nilagay sa aking lap. Hinaplos ko ang buhok niya. "Ang haba na naman ng buhok mo. Natatabunan na naman ang mga mata mo, coco." saad ko sa aking alagang aso.
Nilapag ko na ulit ito. Kailangan kong gumawa na'ng breakfast ko at breakfast ni Coco. Pareho na kaming gutom
Kinuha ko ang dog bowl ni coco, nilagyan ito ng dog food - kung saan hiyang at hinaluan ng durog na carrots, syempre ang vitamins niya nilagay ko na rin doon. Nilagyan ng konting tubig at hinalo para sa kanya.
"Coco," tawag ko sa baby dog ko.
Tumakbo ito papalapit sa akin. Pagkalapag ko pa lang sa kanyang lalagyan, nilantakan na niya agad ang kanyang pagkain. Sa kabilang bowl naglagay ako ng tubig na maiinom niya.
Nakangiti akong pinagmamasdan si Coco na kumakain. Masaya na siyang kumakain kaya ako rin dapat kumain na.
Kumuha ako ng dalawang itlog at isang hotdog para 100 ako mamaya sa examination namin. May papasok pa ako mamayang alas-onse.
Nang matapos mag-prito, sininangag ko ang natirang kanin kagabi. Tinatamad na akong magsaing. Nilagyan ko na lang ito ng margarine para naman magkaroon ng kulay at asin para may lasa tayo.
Sanay na akong si Coco ang lagi kong kasama. Maging sa campus kasi wala akong kinakausap maliban sa mga pinsan ko pero nakakarindi minsan ang mga boses nila kaya ako na ang umiiwas.
Hindi rin ako sanay sa mga atensyon na binibigay ng mga estudyante sa campus. Para naman kaming artistahin kung tingalain nila. Ordinary people lang kaya kami.
Kinuha ko ang laptop na nasa paanan ng kama ko. Binuksan ko ito at tumitingin sa mga email na galing sa mga classmate ko. Ito kasi ang binigay ko sa kanilang paraan para ma-contact nila ako. Hindi rin ako basta nagbibigay ng cellphone number ko. Hindi ko nga alam sa sarili ko ba't may cellphone pa ako 'di ko naman gaano ginagamit p'wera kapag pi-picture-an ko si Coco.
Unang bumungad sa aking ang email ng picture kong mahadera - si Queeny. Feel na feel niya ang pangalan niya, marites naman.
"Sa pinsan naming takot sa tao, nakatanggap ka ba ng email ng daddy mo? Ikakasal daw siya kay Ms. Akuti - isang veteran actress dito sa Philippines..."
What the hell!
Hindi ko na tinapos basahin ang email ng pinsan kong Marites, laging nangunguna sa tsismis katulad nito. Sana hindi ko na lang binuksan!
Hinanap ko ang email ng daddy kong si Reki! Bakit nag-email agad siya sa mga kamag-anak namin?! Dapat ako muna ang makakaalam bago silang lahat!
"Ah?" Nahanap ko na ang email ni daddy pero nagtataka akong last week pa ang email na ito.
Binalikan ko ulit ang start ng aking email, dinahan-dahan ko ang pag-i-scroll baka may nalaktawan akong email niya pero wala, e.
Ito na iyong email niyang mayro'n ako at hindi ko pa binubuksan. 4 days ago ang nakalagay.
Nag-email ba siya sa akin no'n?
Nagtataka man ako, binuksan ko na rin ang email ni daddy na four days na ang nakararaan.
Bumungad sa akin ang hindi gaanong mahabang email mula sa kanya:
To: My one and only daughter, Alice Domino.
I know it's too fast for me to tell you, Alice. I am getting married to Akuti Hanlon, whom I met here in Greenland...
Eh, nasa Greenland siya? Akala ko ba nasa Africa siya? Paanong hindi niya sinabing nasa Greenland na pala siya?
Tinuloy ko ang pagbabasa sa email ni daddy. Umagang-umaga pinapa-highblood niya ako.
...It happened so fast because one day I just woke up that she was the one I love, Alice. Akuti is a famous actress in the Philippines but has retired because she wants to enjoy her life.
Teka, daddy ko hulog na hulog agad? Ano ka teenager?
Napapakamot na lang ako rito sa email niya. Siguro may purpose kaya 'di ko binasa ito last week.
She wants to say, she wants to see you in person, Alice, because she doesn't have a daughter. She has six sons and they already know about it. We want you to live there with them so I can assure you that you are safer than you are in Lazaro Condominium. This is their address, they already know where you are going.
Loves,
daddy Reki.
Pagtatapos kong basahin sa kanyang email. Napatayo ako sa huling sinabi niya sa email na ito, "a-alam nilang darating ako! P-pero, apat na araw na ang nakakaraan!"
Paikot-ikot ako sa unit ko na parang baliw. Naghintay kaya sila sa akin? Saka, bakit ako maninirahan kasama silang anim? Hindi ko nga sila kilala, e!
Baliw yata itong daddy ko! Minsan may saltik din!
Easy, Alice! Kailangan natin makausap si daddy! Kailangan natin makausap si daddy para malinawan tayo sa mga nangyayari sa akin!