"Hi, coco! Nakauwi na si mommy!" tawag ko sa baby dog ko.
Sinarado ko ang pinto ng units ko at nakita ko na agad si Coco na tumatakbong papalapit sa akin, kumakawag pa ang kanyang maliit na buntot.
Tinanggal ko ang sapatos ko. Panay lambing na niya sa aking paa. "Teka lang, Coco. Magbibihis muna si mommy." Binuksan ko lahat ng ilaw sa units ko.
Malinis na ang buong sulok. Naglinis na si Nanay Sabel sa buong units ko. May nakita akong notes na nakalagay sa refrigerator.
Alice, anak, malinis na ang refrigerator mo. Ang naaamoy mong mabaho ay iyong fresh milk mong panis na last month pa. Namili na rin ako ng mga bago mong pagkain dito. May pagkain na rin akong niluto, nasa ref initin mo na lang. Babalik na lang ulit ako bukas.
- Nanay Sabel
Napangiti ako ng mabasa ang notes ni Nanay. Matagal na siya sa amin, siya ang kasama ko sa bahay nila lola rati pero ng mamatay sila lola, 'di na siya nag-stay-in pa. May mga apo na rin kasi siyang kailangan asikasuhin. Kaya pumupunta na lang siya rito.
Nilapag ko ang aking bag sa kama. Nagpalit na rin ako ng pambahay. Kinarga ko si Coco at panay halik na niya sa aking mukha.
"Coco!" nakangiti kong sabi sa kanyang pangalan. "Kapag may pumunta rito kagatin mo, ha? Iyong kagat na baon na baon, okay?" Turo ko sa aking baby Coco.
"Aw! Aw!" Tumahol ito sa akin. Mukhang naiintindihan niya ang aking sinabi.
"Very good, Coco!" saad ko sa kanya at hinaplos ang balahibo niya.
Sa kalahating araw ko rito sa unit ko, nag-aral lang ako. May examination pa kami bukas sa ibang subject namin. Halos pumutok na ang ugat ko sa ulo dahil sa huling subject na inexam namin.
Mahirap talaga maging matalino. Nakaka-pressure.
Nag-unat-unat ako habang nakatingin kay Coco, nakahiga na ito at mukhang masarap ang tulog dahil nakatihaya siya sa kanyang kama.
Sana all na lang kay Coco.
Konti na lang gusto ko na rin maging aso. Tamang tahol lang tapos kakain ka na then after p'wede ka na matulog.
Dumapa akong humiga sa kama ko. Ang sakit ng likod ko dahil sa kaka-aral ko yata ito. Isama mo pa ang isip ko na nagpa-highblood dahil sa Bennet at Quinn na iyon.
Napatingin ako sa picture ng lumao kong mommy. Maganda siya pero ni-isang feature niya wala akong nakuha man lang. Malas si daddy ang naging kamukha ko.
Dahil sa kakaisip ko kung paano ako lulusot bukas sa Quinn Hanlon na iyon, nakatulog na akong naka-dapa sa kama.
KINABUKASAN, nagising ako sa mga katok at doorbell na nagmumula sa pinto ko.
Shutangina! Ang aga-aga pa! Sinong walang hiya ang kumakatok sa pinto ko ng ganitong kaaga? Mas nauna pa sila sa alarm clock kong naka-set na 7:30AM.
Narinig ko na rin ang sunod-sunod na tahol ni Coco. Bumangon ako at nakita kong alas-sais pa lang ng umaga sa orasan ko! Mayro'n pa akong one hour and thirty minutes para matulog pero binulabog na nila ako.
Hindi nama p'wedeng si Nanay Sabel niyan dahil 10AM pa ang dating nu'n para maglinis sa unit ko at magbantay kay Coco.
"Coco, come on..." tawag ko sa alaga kong aso na tahol na tahol pa rin sa pinto.
Hindi siya lumapit sa akin. Nag-stay siya roon sa pinto. Nakataas na nga ang balahibo niya, e.
"Sandali!" sigaw ko kung sino man ang tao sa labas ng unit ko.
Panay doorbell kasi. Sirain ko na lang kaya niyong doorbell tapos lagyan ko ng kuryente niyong buong pinto ko para kapag may kakatok, makukuryente sila!
Pumunta ako sa bathroom ko, naghilamos ako at nagsepilyo. Wala akong pake kung maghintay man siya roon sa labas. Siya itong umabala sa magandang tulog ko.
Pinusod ko ang aking buhok into a messy bun. Kinuha ko rin ang reading glass ko para hindi ako magmukhang ewan man lang.
"Heto na," saad ko ulit dahil nag-doorbell na naman siya.
Kinarga ko si Coco baka kasi delivery man ito at may pinadala na namang package sa akin si daddy, tapos makakagat siya ni Coco. Kawawa naman ang baby ko.
Tinanggal ko ang dalawang lock sa pinto, mahirap na ma-akyat bahay gang, este, akyat-unit gang pala.
Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatanga ako sa nakita ko. May tatlong lalaki sa aking harapan. Ang dalawa ay kulay black ang buhok nila at ang isang nasa gitna nila ay may pagka-blue ang kulay ng buhok. Matangkad ang dalawang lalaki pero ang kinanganga ko ay ang makita si Quinn sa harap ng unit ko!
"A-anong ginagawa mo rito?" bulalas kong sabi at tinuro pa si Quinn na inosenteng nakatingin sa akin.
"I told you, kukunin namin ang gamit mo. Lilipat ka na sa Hanlon Residence..." Walang gana niyang sabi sa akin.
Halos lumikot naman sa pagkakabuhat ko si Coco dahil sa tatlong lalaking nasa harapan ko. Nakalabas na ang ngipin niya at 'pag binitawan ko ito, kakagatin niya ang mga ito.
"Quinn, don't be rude to our little sister..."
Napa-atras ako ng magsalita ang may kulay blue na buhok. Gangster ba ang isang ito? Nakakatakot siya.
"Hi, my little sister!" masiglang bati niya sa akin. Nilapit pa niya ang kanyang mukha at malaking ngumiti sa akin.
"A-ah..." Wala akong masabi at halos mautal ako sa kanilang harapan dahil nakaka-intimidate ang kanilang mga itsura.
"I'm Bennet Hanlon, second son of mom, Akuti! I'm the chef of the family!" pagpapakilala nito sa akin. "And, I'm sorry, Alice. Sa isang part ng email, iyong bunso na naming kapatid ang nagreply sa'yo." Sabay kamot niya sa kanyang buhok.
Napagilid ako ng pumasok ang isa pang lalaki sa loob ng unit ko. "Nice. Maganda pala talaga unit ng Lazaro Condominium." manghang sabi niya habang naglilibot na ang mga tingin niya sa loob ng unit ko.
"T-teka!" pagpipigil ko sa kanya pero dumaan din sa harapan ko niyong si Quinn.
Dalawa na silang nasa loob ng unit ko. Ganitong umaga-umaga, sinira na nila ang araw ko. Bakit hindi tumawag ang nasa front desk sa akin na magkakaroon ako ng bisita?
"Nakalagay na sa visitors ang mga name namin, my little sister, kaya naka-akyat kami."
Napaharap ako kay Bennet ng magsalita siya. Kinuha niya sa akin si Coco na panay pa rin ang tahol pero nagulat ako ng biglang tumahimik ang alagang aso ko ng nasa kamay na niya.
"Very good, anong name niya?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Coco," ewan ko pero may kung anong hipnotismo yata siyang ginamit sa akin para sumagot ako.
Parehas sila ni Ms. Akuti. Ang lambing ng boses.
"Oo nga pala, iyong unang pumasok ay si Foster, third son ng mga Hanlon. Siya ang pinaka-boss sa aming lahat. Siya ang may hawak ng mga business na naiwan sa amin." Turo niya roon sa lalaking naka-itim na polo at may kinakalikot na sa aking gamit.
Sure siyang niyan ang boss sa Hanlon family? Bakit parang nakawala sa mental?
Ang saya niyang pinaglalaruan ang snow globi kong nakapatong sa gilid ng television. Para siyang sira, ngayon lang ba siya nakakita niyan?
"Iyong isa naman, alam ko namang nakilala mo na niyan. Same University kayo pumapasok." Nilapag niya si Coco sa gilid ng sink.
Tumango ako sa kanya. "Quinn Hanlon, the fifth son..." sabi ko rito na siyang kinangiti niya.
"Goods! May tatlong pa kaming kapatid. Iyong isa ay si Cadmus Hanlon, professor sa high school ng Lazaro - siya ang pinaka-matanda sa aming lahat. The Fourth son, Chance Hanlon, isa siyang artist kaya madalas mo niyong hindi makikita. And, last, the youngest son, Denver Hanlon, senior high school student. Siya ang pasaway sa aming lahat, na-spoiled nu'n..." Tinignan ko ang ningunguso niya at nakita ko itong nakaturo kay Foster.
Dapat ko ba silang tawagin kuya? Eh, no way! Bahala sila sa buhay nila.
"Kaya sa ayaw at sa gusto mo, my little sister. Sa Hanlon Residence ka na titira. Ilang araw mo kaming pinaghintay."
Napatingin ako sa kanya. Nawala na ang maamo niyang mukha at naging seryoso na itong nakatingin sa akin.
Mga bipolar yata silang lahat.