Chapter 7

1331 Words
Gano'n na lamang ang gulat ko ng hilahin ako ni Bennet palabas ng unit ko. "T-teka! B-bitawan mo ako!" malakas kong bulyaw sa kanya pero walang epekto man lang. "May pasok pa ako! May examination kami ngayon!" Pilit kong kumakawala sa kanyang pagkakahawak pero malakas siya kumpara sa akin. Nilabas niya ako sa aking unit at sa kabilang kamay niya ay bitbit pa rin niya si Coco. "Hey, let me go!" hiyaw ko sa kanya at tinatanggal ang kamay niya sa aking pulsuhan. Nagulat ako ng sumulpot si Quinn sa gilid namin. Binuksan niya ang pinto sa isa sa mga unit na nandito, kahilera lang nito ang aking unit. "T-teka, sa inyo ba ito?" bulyaw ko pa rin sa kanila pero ayaw nila akong sagutin. Pumasok kami sa loob at doon lang niya binitawan ang aking pulsuhan. "K-kanino ito?" tanong sa kanila. Walang kagamit-gamit ang unit na ito kaya imposibleng may nagmamay-ari rito. "Ino-occupy namin ngayon lang para sa'yo." Tinarayan ko si Quinn na straight ang mukhang nakatingin sa akin. "Here's your uniform, Alice." Gano'n na lamang ang pagkalaki ng aking mga mata ng makita ang underwear ko na hawak niya kaya kinuha ko agad ito at tinago sa aking likuran. "Pervy!" sigaw ko sa kanya. "Maliit ang size 'di ikaw ang type ko." pabalang na sabi niya sa akin, na siyang kinakulo ng aking ulo. Tatadyakan ko na sana siya pero napigilan niya ang kanang paa ko. "Not again, spoiled brat!" Sabay ngisi niya sa akin. Binitawan niya ang paa ko at muntik na akong mawalan ng balanse. Nanggigigil na ako dahil sa kanila. Paano pa kaya kung makakasama ko silang anim sa bahay nila? Tinignan ko iyong Bennet na abala sa pakikipaglaro sa aso kong si Coco. May sariling mundo na yata siya. Kagatin mo niyan, Coco. Kalaban natin ang mga hayop na ito! "Bakit ba gustong-gusto niyo kong sa inyo manirahan? Dahil ba sa sinabi ng daddy ko? No need! Kaya ko mag-isa! Lumaki ako ng mag-isa kaya 'wag na kayong magpanggap na excited kayong doon ako manirahan!" mariin kong sigaw sa kanilang dalawa. "Sanay akong manirahan mag-isa. Sana akong mag-isa. Sanay akong walang nag-aalala sa akin. Sanay akong, ako lang at si Coco dahil doon ako lumaki. Lahat naman ay iniiwan, walang nagtatanggal." Blangko kong sabi sa kanilang dalawa. Madilim na tumingin ako kina Bennet and Quinn, bakas sa mukha nila ang gulat dahil sa aking sinabi. "Kung gusto niyo roon talaga ako manirahan. Huwag niyo kong papake-alaman. Maninirahan lang ako roon dahil sa gusto ng daddy ko. Pero, hindi ko kayo mga kapatid." huling sabi ko sa kanila. Pumasok ako sa bathroom na nandito at malakas na sinara ang pinto. Napa-upo ako sa tiles ng bathroom. Hindi ko na napigilang umiyak. Sanay naman na talaga akong mag-isa, walang nag-aalala, walang nangangamusta. Kaya siguro wala akong kaibigan hindi dahil sa surname ko. Kung hindi dahil wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin, kasi alam ko namang walang tumatagal. Lahat nang-iiwan. Tumayo na ako at pinunasan ang aking magkabilang pisngi. Maliligo na ako. Bahala sila maghakot ng mga gamit ko. Bahala sila. Binilisan ko ang aking pagligo. Ayokong tumanggal na kasama silang dalawa. Sa loob na rin akong nagbihis. Sa paglabas ko, nakatayo roon si Quinn at mukhang hinihintay akong lumabas. Hindi ko siya pinansin at dumiretso akong lumabas sa unit kung saan nila ako pinasok. Sinuklay ko ang buhok gamit ang kanang kamay ko. Mabuti na lang talaga may mga shampoo, conditioner and sabon sa bawat unit dahil kung wala tinawag ko na ang mga pangalan nila. Nakita ko ang iilang mga lalaking buhat-buhat ang mga gamit ko. Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso papasok sa aking unit. Bumungad sa akin si Foster na siyang nagmamando sa mga lalaki. "Hey, little sis--" May sinasabi siya pero 'di ko siya pinansin. Nakita ko ang aking pakay, ang bag ko at ang aking cellphone. Lalabas na sana ulit ako ng harangan ako ni Foster. Bakit ko naman sila kukuyahin? Ano sila gold? Iyong mga pinsan ko nga hindi ko kinukiya, sila pa kaya? "Saan ka pupunta?" baritonong tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Pupunta yata akong dagat at lalangoy papalayo sa inyo." pagtataray ko sa kanya. "Hindi ba halata papasok! May mag-swi-swimming bang naka-uniform?" pabalang na sagot ko sa kanya. Nakaka-bwisit talaga! Pare-pareho silang bwisit! "Sabay ko na kayong ihahatid ni Quinn..." saad niya sa akin. Tinitigan ko siya at ngumiti sa harapan ni Foster. "Luh? Ano ka driver? Hindi kita kapatid bakit ako makikisabay sa inyo? Hakutin niyo man lahat ng gamit ko rito, hindi ako roon uuwi sa inyo, Mr. Foster Hanlon." panghahamon ko sa kanyang sabi. Nakita kong kumunot na ang noo niya at maging ang mata niya ay halatang naiinis na sa akin. Mainis ka nga! "Foster." Sabay kaming lumingon kay Bennet na naka-sandal sa may pintuan. "Pabayaan mo na siya." Tinignan ko siya at ngumisi sa harapan niya. "Bye, Mr. Foster!" paalam ko sa kanya at nilampasan na siya. Maging ang Bennet na iyon ay nilampasan ko na rin. Nakalampas na ako sa dalawang magkapatid na iyon pero nakatayo rin sa dadaanan ko ang demonyong Quinn na iyon. "Hindi ka nag-iisa, sadyang gusto mo lang mag-isa, Alice." saad niya sa akin ng makaraan ako sa tapat niya. "Dahil lahat naman ay nang-iiwan," sagot ko sa kanya at nilampasan na rin siya. Lahat ng mga tao nang-iiwan. Sarili mo na lang aasahan mo. Wala ka ng aasahan sa iba, kung 'di sa sarili mo lamang. Nag-bus ako papuntang campus, mabuti na lang talaga naghuhulog ako sa bag ko ng mamiso kaya nagkaroon ako ng pamasahe. Hindi naman p'wede ang credit card sa bus. Bago ako pumunta sa classroom ko, gumawi muna ako sa Haven namin. Nagugutom na ako. Hindi ako nakakain man lang. Kumuha ako ng limang biscuits at tubig, umalis na rin agad ako. Pagkarating sa classroom, ako pa lang ang tao. Sobrang aga pa naman kasi. Biruin mo mag-8AM pa lang at ang pasok namin mamayang 9AM pa. Sinong hindi maiinis, ha? Kinain ko na lang ang biscuits na kinuha ko sa Haven habang nagbabasa ng notes sa bawat subject namin ngayon. May examination pa akong iisipin kaya inaalis ko ngayon ang galit sa tatlong magkapatid na iyon baka kasi wala na akong maisagot kung 'di ang pagmumukha ng magkapatid na iyon. Bandang 8:30AM, isa-isa ng dumadating ang classmates ko. Mukhang nagtataka sila ba't ang aga ko ngayon. Hindi ba ako p'wedeng maaga pumasok? "Alice? Nandito na ba si Alice?" Napalingon ako sa pinto ng classroom namin ng makita ko ang president ng college namin. Anong ginagawa ng siraulong ito? "Nandito na ako! Bakit? Anong kailangan mo?" pabalang na sagot ko sa kanya. Wala na akong pake kung president siya sa college namin. Gano'ng naiinis pa rin ako. "Init ng ulo, ha? Maling position ba?" Sinamaan ko ng tingin si Renma at tinadyakan ang likod ng kanyang upuan. "Manahimik ka!" babalang sabi ko sa kanya. Nagtaas namam agad siya ng kanyang kamay. "Sabi na nga tatahimik." Pumasok ang president sa classroom at lumapit sa akin. "May nagpapabigay sayo, Alice." ani niya sa akin at nilapag ang isang supot sa desk ko. Umalis na rin siya agad ng hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya. Marunong naman akong magpasalamat, e. "Uy, my secret admirer..." Inangilan ko agad si Renma. Chineck ko ang laman at gano'n na lamang ang gulat kong may lunch box sa loob nu'n. Nilabas ko ang lunch box at gano'n na lamang ang gulat ko ng may pagkain sa loob. Eh? May kasamang sulat ang nandito. To: alicelazaroatyourservice@gmail.com From: bennetmohindisayo@gmail.com We're sorry. Happy kaming magiging kapatid ka namin. Hindi ka namin kinukuha dahil iyon ang utos ng daddy mo. Hindi ka nag-iisa. Brothers, Bennet Foster Quinn PS: Email namin. Alam naming hindi ka gaanong nag-o-open ng facetagram mo. Bennet - bennetmohindisayo@gmail.com Foster - fostericiousyummy@gmail.com Quinn - Quinnhanlon143@gmail.com Ay, wow! Si Quinn lang ang maayos ang email sa kanilang tatlo. Paano pa kaya ang tatlo pa nilang kapatid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD