"Alice? Pagkarating namin sa condominium, front desk said wala ka na roon. Then, hinakot na raw ang mga gamit mo. Lilipat ka na sa mga half-brothers mo?"
Bumungad sa akin ang nakaka-iritang boses ni Queen.
Tinitigan ko siya at nilagpasan din. Ayokong may kakausap sa akin ngayon kahit mga pinsan ko. Baka may mabara ko lang sila kada kausap nila sa akin.
After ko makuha ang lunch box na bigay ng mga Hanlon, kinain ko niyon. Gutom na ako. Aarte pa ba ako? Kulang niyong biscuits na kinuha ko sa haven namin.
Pumasok ako sa Lazaro Haven. Nakita kong naka-occupy na ang tatlong room na mayro'n dito. Naunahan ako.
Pabagsak na umupo na lang ako rito sa sofa. Pinagdugtong ko ang isahang sofa at doon umupo.
Binuksan ko ang aking laptop. Nakita kong dumating na rin si Tyron, may bangas na naman ang mukha niya. Wala naman ng bago niyon. Hobby na niya yata ang makipag-basag-ulo.
Binalingan ko na ulit ang laptop. Pumunta agad ako sa aking email. As usual, hindi talaga ako nagbubukas ng mga social media accounts ko. Wala rin naman gagawin sa mga iyon. Mag-i-scroll ka lang then like, heart, wow, sad, angry lang ang i-re-react mo sa mga post na nandoon. Mukha lang naman ni Queen ang makikita ko roon. I-angry ko ang lahat ng iyon, e.
May natanggap nga akong email.
To: alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: fosteriliciousyummy@gmail.com
Hi, my little sister - mini monster,
Susunduin ko kayo ni Quinn. 5PM Sharp sa harap ng gate.
Delicious,
Foster ?
Mini-monster? Sapakin ko kaya ang isang ito!
To: fosteriliciousyummy@gmail.com
K.
Mini-monster,
Alice Domino ?
Kahit gusto kong sila ang mainis, bakit ako ang naiinis sa sarili ko? Tatlong pa lang sila nakikilala ko. Ano pa iyong tatlo pa nilang kapatid?
Kung magsama-sama silang anim paniguradong nasa 100% na iyong inis ko sa kanilang lahat.
"Alice," napatingin ako sa aking gilid at nakita ko si Asher.
Nasa harapan ko ang isang slice ng strawberry shortcake. Tinanggap ko ito agad. Mayro'n pala ngayon dito. Ba't hindi ko napansin.
"Salamat, Asher!" masayang sabi ko sa kanya.
Inalis ko ang laptop sa aking hita. Kumuha ako ng pillow rito at doon ko pinatong ang cake.
"Sa Hanlon residence ka na pala titira?"
Napalingon ako sa kanya ng magsalita ulit siya. Akala ko kasi umalis na siya at tumungo na roon sa mini library na mayro'n dito.
Napasandal ako sa sofa-ng inuupuan ko. "Binulabog nila ako ng 6AM sa unit ko. Gano'n na lang ang gulat ko ng magpakita ang tatlo sa mga Hanlon. Tapos, hinakot na nila ang mga gamit ko, Asher!" pagkuk'wento ko sa kanya.
Sumandal siya sa gilid ng sofa, "alam ba ni Uncle Reki niyong paglipat mo?" sumeryoso ang boses na sabi niya sa akin. "Nag-aalala kami sa'yo ng malaman naming wala na roon ang mga gamit mo."
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Kahit masungit ang isang ito, alam kong nag-aalala siya sa aming mga pinsan niya, e.
"Sa lahat ng mga pinsan natin, sa'yo ako nag-aalala. Kahit sabihin mong sanay kang mag-isa, Alice. Kahit sabihin mong matapang ka. Ikaw pa rin niyong pinsan namin takot sa ibang tao p'wera sa amin. Ikaw iyong taong, kahit gutom na hindi pa rin lalabas sa room at manghihingi ng tulong sa iba. Kaya nag-aalala ako sa'yo na baka gano'n ang gawin mo sa Hanlon Residence." Tumingin siya sa akin at ginulo ang aking buhok. "Tawagan mo si Uncle Reki," huling sabi niya sa akin at lumakad na paalis.
Pupunta na siguro siya sa mini library namin.
Ngayon ko lang nakitang naging gano'n si Asher. Ibigsabihin, mas mahal ako ni Asher kaysa sa iba naming pinsan. Masungit lang talaga ang isang niyon, e.
"Hey! Hey! Hey! Pinsan naming takot sa tao!"
Napalingon ako sa aking likod at nakita ko si Tyron na may bitbit na coke in can. "Oh, sayo!"
"Siraulo! Huwag mong ibabato, Tyron!" sigaw ko sa kanya.
Ibabato na niyong coke in can. Maaalog niyon tapos kapag binuksan mo, aapaw!
"Hindi ka naman mabiro." Ngumisi itong lumapit sa akin.
Binuksan niya ang hawak niya at binigay sa akin. "Magtext ka kapag inapi ka ng mga Hanlon brother's na iyon, ha?" saad niya sa akin ngingi-ngising tumingin sa kisame.
May iniisip na naman ang siraulong ito. Basag-ulo lagi ang nasa isip nito.
"Che! Kuha mo pa nga ako nitong strawberry shortcake, Tyron!" utos ko sa kanya at tinulak siya paalis.
"Tss..."
"Narinig ko niyon, ha?!" sigaw ko sa kanya.
May pa-tss pa siyang nalalaman, susunod naman pala.
Binuksan ko ulit ang laptop ko. Dapat sundin ko niyong sinabi ni Asher sa akin.
Paano nga kung hindi alam ni daddy na papunta na akong Hanlon Residence? Paano kung pina-prank lang ako ng mga takas sa mental na magkakapatid na mga iyon.
Pagkabukas ko sa aking skype, nakita ko agad si daddy na naka-online. Nag-sent ako ng video call request sa kanya.
"Huh?!" Napabuga na lang ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.
Naging 360° agad ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng tatlong taon kong nananatiling mag-isa sa condominium units ko, bigla na lang may susulpot at sasabihing manirahan ako kasama nilang anim. At, worst, after 19 years na single ni daddy ngayon pa niyang naisipang magpakasal.
"Here's your strawberry shortcake, our precious cousin." pilyong sabi ni Tyron sa akin.
Tinignan ko siya nang masama at saka ko siyang binatukan. Hindi pa ako nakuntento dahil binato ko ang remote sa kanyang mukha buti na lang nasalo niya.
"Huwag ito!" mariin niyang sabi sa akin pero dinilaan ko na lang siya.
Pake ko sa remote na iyan, hindi naman ako ang nanonood dito.
"Hi, my baby Alice!"
Nawala ang tingin ko kay Tyron ng marinig ko ang boses ni daddy.
Sinagot na rin niya ang request kong video call.
"Bakit ang tagal mong sagutin, daddy?" bulyaw ko sa kanya.
Kanina pa akong nag-re-request, e.
"Galit na naman ang baby Alice ko, Akuti! Kausapin mo nga itong mini me ko. Sa'yo lang ito nakikinig!"
Eh?
Napatampal na lang ako sa daddy ko. Buti na lang talaga 'di ako nagmana sa ugali niya. Hindi ko kakayanin. Kung magkakaroon naman ako ng boyfriend, sana 'di katulad ni daddy na immature.
"Daddy, hinakot na nila ang mga gamit ko sa unit ko! Alam mo ba ang tungkol doon?" pagtatanong ko sa kanya.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Sinusumpa ko talaga ang tatlong magkapatid na iyon!
Nakita kong ngumiti si daddy sa screen. Naging maaliwalas ang mukha niya. Maging ang mga mata niya ay sumingkit.
Anong nangyayari sa kanya? Sinapian ba siya nang masamang espiritu?
Napalunok ako dahil 'di pa rin nagbabago ang ekspresyon niya.
“Nakuha na nila ang lahat ng gamit mo?" Nakangiti pa rin niyang sabi.
Natatakot na ako.
Sunod-sunod ang naging tango ko sa kanya. "O-oo!"
"Mabuti naman," ginhawang sabi niya sa akin. Mukha siyang nakahinga sa aking sinabi.
"Anong mabuti roon, daddy? Sobrang aga nila ako binulabog! Tulog pa ang diwa ko nu'n ng bulabugin ako ng tatlong niyon! Bwisit! Bwisit talaga ang mga iyon!" Hindi na ako nakapagtimpi dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin talaga ako.
"Inutos ko iyon."
Napatigil ako sa kanyang sinabi. Kiniling ko ang aking ulo sa kaliwang bahagi ko. "Pakiulit."
"Inutos ko, baby Alice." Sinunod niya ang sinabi ko.
Inhale-exhale, Alice, daddy mo ang kausap mo. Huwag mong sisigawan. Huwag na huwag...
"Bakit mo ginawa niyon?! Ang aga nila akong binulabog! Ang aga nilang pinasakit ang ulo ko! Hindi ako nakapa-breakfast dahil sa kanila! Hindi ko alam kung inaalagaan ba nila si Coco! Naiintindihan mo ba iyon, daddy?!" Hindi ko na napigilang sigawan siya.
Napuno na ako.
"Nasa mabuting lagay naman si coco," masaya pa rin niyang sabi sa akin.
Ang haba ng sinabi ko sa kanya. Tapos, iyong huling sinabi ko lang ang sinagot ko sa kanya.
Ayoko ng kausapin itong daddy ko.
Napabuga ako, "okay." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya at ako na ang nag-end ng video call namin.
Napasandal na lang ako at binalik ang laptop sa bag ko. Ang saya kausap ni daddy. Sobrang saya.