Chapter 34

1260 Words
“Hi, mommy, lola and lolo!” Nakangiting bati ko sa kanila at yumuko sa kanilang puntod bago ako pumasok sa museleo nila. Hindi naman mayaman na angkan nila mommy, nasa average lang ang kanilang pamumuhay bago niya makilala si Reki. Isang two-storey house na bahay ang mayro'n sila, kung saan ako lumaki kasama sila lola at tanging isang owner jeep na sasakyan pero naibenta na ni lolo niyon noong nagkasakit si lola, kailangan nila ng panggastos sa maintenance medicine nila. Ayaw kasi nila umasa sa mga Lazaro. Sinarado ko ang gate ng museleo. Inalay ko ang bulaklak na nabili ko sa labas ng cemetery at sindihan na rin ang dalawang kandilang dinala ko. Nag-alay ako nang maikling dasal sa kanilang tatlo. Pagkatapos kong magdasal, nag-indian seat ako sa harapan ng kanilang lapida. Hinaplos ko iyon habang may pilit na ngiti sa aking labi. Sinandal ko ang aking noo sa puntod ni mommy. “Nakikita mo ba ang lahat ng nangyayari rito, mommy? Masaya ka ba sa mga nangyayari? Kung ako ang tatanungin, hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto kong tumakbo sa malayo ngayon... Gusto kong tumakas at pumunta sa lugar na walang taong mananakit sa akin... Gusto kong mabuhay ulit ng walang lungkot sa aking dibdib... Gusto kong maging masaya ulit nang totoo.” Napapikit ako nang makitang nanlalabo na ang magkabilang mga mata ko. Napasinghap din ako sa aking mga iniisip. Gusto ko talagang umalis at pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin at sa surname na dala ko. “Magagalit ka po ba kung sasabihin kong sana hindi na lang si Mr. Reki ang naging asawa mo, mommy? Papayag ka po bang lumayo ako rito? Kasi, ayoko na, e. Hirap na hirap na ako, mommy. Sana... Sana hindi na lang ako pinanganak kung ito lang din pala ang nararanasan ko.” Napatingala ako at pinunasan ang luhang tumutulo sa aking magkabilang pisngi. “Alam kong pinalaki niyo kong matapang at malakas, lola't lolo. Naging malakas naman po ako noong mga panahong nasa tabi ko pa kayo pero sa ngayon hindi ko na alam kung kanino ako huhugot ng lakas. Kung kanino ako kakapit kasi pakiramdam ko mag-isa na lang ako.” Napatawa ako sa aking sinabi. “Mag-isa naman na pala ako simula noong mawala kayo lola, naging mag-isa na ako simula ng araw na iyon.” Nakagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko na pinansin ang patuloy na tumutulong luha sa aking magkabilang pisngi. “Paano ba maging manhid? Gusto ko na lang maging manhid sa lahat ng bagay. Para wala ng sakit akong nararamdaman.” saad ko sa aking sarili at saka pinalo nang mahina ang dibdib ko. Pinagpatuloy ko ang pag-uusap ko sa kanilang tatlo. Hindi ko alam pero pagkatapos kong ilabas ang lahat ng gustong kong sabihin sa kanila ay doon ko lang naramdamang gumaan ang pakiramdam. Nawala ang bigat sa akin bago ako pumunta rito. Nakatulong sa akin ang pakikipag-usap sa kanila. Sumandal ako sa lapida ni lola, nakatingin ako sa labas ng museleo. Tahimik ang lugar at tanging huni ng ibon at tunog ng hangin lamang ang naririnig ko. Masarap sa pakiramdam ang ganito. Nag-stay pa ako sa p'westo ng maramdamang nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Shutangina! May klase pa pala ako! Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng slacks ko. 60+ misscalls ang bumungad sa akin at 100+ text messages. Quarter to ten na ng umaga. Almost two hours na akong nandito. Wala akong sinabihan kung saan ako pumunta, nauna akong gumising at umalis para puntahan sila mommy. “Hi, Alice, where are you?” “Fck! Alice Domino! Answer your phone?” “Alice Domino, hinahanap ka sa akin ni Quinn at ni Asher, saan ka raw?” “Hey, cous, where are you right now? - Your prettiest cousin, Queen.” “Alice kapag natanggap mo 'to!! Call me right now! Nag-aalala ako sayo!” “Nag-aalala kami sayo!” Nabitawan ko ang phone ko at bumagsak ito sa sahig. Iba-ibang text galing sa mga pinsan ko at kay Renma. Nag-aalala sila. Nag-aalala sila sa akin. Napabalik ang aking katinuan ng may mag-appear na unknown number sa screen ko. Sino ito? Kahit nag-aalinlangan akong sagutin ang tawag ay inaccept ko pa rin ito. Buti na lang hindi nasira ang phone ko. “He-hello?” Umpisa kong saad sa kabilang linya. “Oh my god! Thanks, God!” Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga. Ang boses na iyon. Ang boses na siyang nagpapabilis sa aking pagtibok. Ang boses na siyang nagpapakalma sa akin. “Alice! Alice!” Napangiti ako ng marinig ang boses niyang natataranta. “Are you still there? You alright?” Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin. Hindi ko na napigilang mapatawa dahil sa kanya. “A-ayos lang ako, Cadmus. Anong akala mo sa akin?” “Thanks, God! We thought you were perished. Suddenly I received an email from Harry, saying you were missing. So I ran out of our faculty to find you. I've called you a few times but you don't answer my calls.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. Nag-alala rin siya sa akin. “Cadmus... Ayos lang talaga ako. Actually, papunta na ako ngayon sa campus. So, see you–” “Pupuntahan kita. Text me the exact address where you are now, Alice.” ani niya sa akin at sabay binaba ang tawag. Hindi ko alam pero pumunta ako sa number niya at nagtext ako roon. Nilagay ko ang eksaktong address kung nasaan ako ngayon. Pagkatext ko, yumuko ulit ako sa puntod nilang tatlo at sa labas na akong umupo para hintayin siya. Habang hinihintay rin si Cadmus, tinext ko na rin ang mga pinsan ko, na ayos lang ako at nasa mabuting lagay ako ngayon. Baka kasi mapunta pa ito sa mga eldest ng mga Lazaro, mayari pa ako. Lalo na iyong Tyron na 'yon madaldal niyon. Tagapagmana raw ng Lazaro University, asa siya Iyong you're sa your nga lang ‘di pa niya alam pagkakaiba, e. Maging President pa kaya ng University, pakiramdam ko sanggano ang bubuuin niyang mga estudyante kapag siya na ang humawak. Nakatingin ako sa lupa habang nakatingin sa mga batong maliliit na nandito, ginalaw-galaw ko niyon habang hinihintay si Cadmus. Malayo pa ba siya? Siguro hinanap niya talaga ako. Napa-angat ako ng may marinig na malakas na bagay at gano'n na lamang ang p*********i ng aking mga mata nang makita ko si Cadmus na bumaba sa motorbike. Eh? Nag-mo-motor siya? Napapikit pa ako at kinusot ang aking mga mata. Nandoon pa rin ang motorbike sa likod niya. “Sa-sayo 'yan?” pagtataka ko sa kanya at tinuro ang motorbike sa kanyang likuran. Tumango siya sa akin. “This is what I used this morning. Bennet drove the two to Lazaro University.” “Wow! Astig!” bulalas kong saad sa kanya at tumayo para lapitan niyon. All black ang motorbike niya. “Aprilia RS 660! Napaka-astig mo, Cadmus!” Lalo akong namangha. Ang mahal nito! Iba talaga sila. “Pinag-ipunan ko niyan so I could buy it for myself.” Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa bagay na ‘yon. “Of course that's why I took so long because I even bought it,” pagpapatuloy niyang sabi sa akin at tinaas ang hawak niyang helmet. “Come on, ihatid na kita sa campus...” “No! P'wede mo ba akong ilayo rito, Cadmus?” pagpipigil ko sa kanya at kinuha ang helmet sa kanyang kamay. “Tara?!” masayang yaya ko sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD