Chapter 33

1626 Words
FOSTER POINT OF VIEW Hindi ko alam kung ano itong nagawa ko. Kung bakit ako agad umaksyon na hindi muna inaalam ang puno't dulo ng pangyayari. Malakas kong sinuntok ang unan na nasa tabi ko, hindi naman ito nakagawa ng ingay. Nakatingin ako sa kopya ng CCTV camera rito sa room ko, kitang-kita ritong si Sandra ang unang lumapit kay Alice. Fck! Fcking s**t! Napahawak ako sa aking buhok dahil sa sobrang inis ko. Naalala ko na naman ang ginawa ko kanina. Nasampal at nakasabi ako ng masakit na salita sa kanya. Gusto ko sapakin ang sarili ko dahil sa katangahang nagawa ko. Wala naman katotohanan ang sinabi ko kanina, walang sinabing gano'n si tito Reki sa amin. Nasabi ko na lang niyon dahil sa inis ko. Pinatay ko ang computer sa aking harapan at tinignan ang mahimbing na natutulog na si Sandra sa room ko. Bakit nahulog agad ako sa inosenteng mukha mo? Bakit naniwala ako sa acting mo, Sandra? Ganyan ba talaga ang ugali mo? KINABUKASAN, nagising ako sa mga ingay. Sa mga boses na galing sa labas ng room ko. Bumango ako at nakita ko ang galit na mukha ni Cadmus. “Lumabas kayo ni Sandra d'yan, Foster.” May diin na sabi niya sa akin at saka umalis sa harapan ng k'warto ko. Wala akong nagawa kung ‘di sumunod sa kanyang sinabi. Ginising ko si Sandra kahit inaantok pa siya, wala siyang nagawa. Si Cadmus ang nagsabi sa amin. Pinapunta niya kami lahat sa may sala. Nadatnan ko roon si Quinn na naka-pantulog pa at nagbabasa ng libro. Siya lang nandito. Naningkit ang mga mata ko ng may makitang apat na lalaki sa bandang k'warto ni Alice. Anong mayroon? Gusto kong tanungin si Quinn pero mukhang wala rin siyang alam sa mga nangyayari. Narinig ko ang iyak ng bunso naming kapatid. Pumayahaw ito ng iyak at nakita ko roon sa itaas si Alice sa magkabilang gilid niya ay may lalaki. Tatayo na sana ako pero naramdaman ko ang paghawak ni Sandra sa aking damit. “Fo-foster,” mahinang saad niya sa pangalan ko. Gusto kong tanggalin ang kamay niya sa dulo ng aking damit pero ang tanging nagawa ko lamang ay bumalik sa aking pagkakaupo. Sinundan ng paningin ko si Alice hanggang makasakay sila sa elevator at doon ko nakita si Denver kung paano katukin ang pinto ng elevator namin. Patuloy pa rin siyang umiiyak. Sumunod na lamang ay ang pag-alis din ng dalawa pang lalaki na kausap ni Cadmus at Bennet kanina. Naging tahimik ang lahat ng magsalita si Cadmus sa amin. “We need to talk.” seryoso ang boses niya at lumingon siya kay Denver. “Doon ka muna sa k'warto ko, Denver, okay? May kailangan lang kaming pag-usapang lima. ” Kumpleto na kaming lima rito sa living room. Walang nagsasalita at lahat ay naghihintay sa sasabihin ni Cadmus. “Ano ang totoong nangyari, Foster and Sandra? I just want the truth. Explain!” Malakas na sabi niya sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha at mukhang galit siya sa nangyari. “A-” Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Sandra. Nakita ko ang kaba sa kanyang mukha habang nagkadautal-utal siya. “U-um... B-bumaba kasi ako p-para kumuha ng maiinom, C-cadmus. T-tapos, nagulat na lang ako–” “Liar.” Napatingin ako kay Chance na malakas itong nagsalita at pinigilan si Sandra sa kanyang pagsasalita. “H-hindi ka ba n-naniniwala sa akin, Cha-chance? A-ako niyong napuruhan d-dito...” Kung hindi ko rin nakita ang CCTV camera, mukhang sayo pa rin ako maniniwala, Sandra. Pero, mali ang ginawa mo. Kailangan kong i-tama ito. “I think what I saw was different from what you should say, Sandra.” Gulat akong napatingin kay Chance. Nakita niya? Bakit hindi niya pinigilan kung nakita niya? “Ano ba pinupunto mo, Chance? Nagsisinungaling si Sandra?” Napatayo na ako sa aking kinauupuan. Hindi sana gano'n ang sasabihin ko sa kanya pero hindi niya inawat ang dalawa kung gano'ng nakita naman niya pala ang pangyayari. “Exactly! She's just lying and you believe her!” Napatawa ako sa kanyang sinabi. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang k'welo. Nakita naman pala niya pero wala siyang nagawa. “Huwag mo ko i-daan sa mga ngiti mo, Chance. Hindi ako katulad ng fans mong naaakit sa mga ngiti mo!” Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya. “Why do you feel guilty when you know Sandra fought first and not Alice?” Natamaan ako sa kanyang sinabi. Alam kong may kasalanan din ako pero mas malaki ang kasalanan mo! Hindi ako nakapatimpi, nasuntok ko siya dahil sa malakas niyang pagtawa. Wala akong pake kung celebrity ka. “Why don't we just watch the CCTV in this house. I'm sure your questions will be answered, Foster. ” Nakita kong tinulungan siya ni Quinn na tumayo. “'Isn't it, Sandra? Let's watch the CCTV in this house and let's find out who exactly came first between you and Alice. ” Nakita kong tumingin siya kay Sandra at nakita ko sa mga mata ni Sandra ang takot. “S-sira ang CCTV camera rito sa living room and sa kitchen. Kaya hindi natin makikita.” Wala na akong nagawa kung ‘di magsinungaling. Alam kong kapag nalaman nila ang totoo, mawawalan ng scholarship itong si Sandra at naalala ko ang sinabi ng Mama niya. May suicidal attack siya. Natatakot ako. Naikuyom ko ang aking kamao ng marinig ang paghalakhak niya sa akin. “When was that broken? Was it just last night? ” “Oh, maybe you just broke it because what I said was true. Sandra was the first one to approached and not Alice ... ” Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakita kong lumapit si Chance kay Sandra. “Because you found out that Sandra was really the first but you made the wrong move Foster, you hurt Alice, didn't you? Oops! The rest of our brothers didn't know that you slapped and spoke badly to Alice. ” Lalong kumayom ang kamao ko at nagngingitngit na ako sa galit. Akala mo wala siyang kasalanan. Nakita niya ang lahat-lahat pero wala rin siyang ginawa. Masyado kang pa-superhero, Chance! Fck you! Pagkatapos sabihin ni Chance niyon samu‘t-sari na ang tanong ng mga kapatid ko sa akin at ang gagong niyon bigla na lang umalis. ILANG ARAW ang lumipas pagkatapos ng pangyayari niyon. Ilang araw na tahimik ang bahay namin, hindi na rin sabay-sabay kumain dito. Nawalan na ng ganang magluto si Bennet at maging si Denver ay galit sa akin. Nalaman niya ang pinag-usapan naming lima at paniguradong galing kay Chance ang information na iyon. Gago! Tanghalian, ng mabigla kami sa pagdating ni mommy at ni tito Reki. Dumating sila sa bahay pero wala silang bitbit ni-isang maleta man lang. Lahat kami nagulat at maging si Cadmus ay walang alam sa pag-uwi nilang dalawa. Umuwi sila siguro dahil sa nangyari ilang araw na ang nakakalipas. “I'm disappointed at you, Foster!” Malakas na sigaw ni mommy sa akin. Nakaturo pa ang kanyang kanang hintuturo sa akin. Ramdam ko rin ang tingin ni tito Reki, alam kong galit din siya sa akin dahil sa ginawa ko kay Alice. Maging siya ay nagkaroon ng problema dahil sa sinabi ko. “I‘m sorry, mom! Inaamin ko ang maling ginawa ko.” Nakayukong sambit ko sa kanya. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. Hindi ko na pinapansin ang mga taong nasa paligid namin. Alam kong nakikinig ngayon ang lima ko pang kapatid. “Do something for Alice, Foster. Humingi ka ng sorry sa kanya. Maging kay Reki ay galit din siya.” Madiin na pagkakasabi niya sa akin. “I‘m sorry to say but,” lumingon siya sa katabi kong si Sandra. “Hindi ka na p‘wedeng manatili rito Sandra. Hindi maganda para sa isang babae ang manirahan kasama ang mga anak kong puro lalaki... P‘wede mong gamitin ang isa sa mga unit na pagmamay-ari namin sa Hanlon Tower, malapit lang din niyon sa Lazaro University.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umalis din sila agad, sa Hanlon Tower din sila tumuloy. Kinabukasan, hinatid ko si Sandra sa Hanlon Tower. Ako na ang nagbuhat ng mga bag niya at tinulungan din siya mag-ayos ng mga gamit niya. Ala-una ng tanghali ng magpasya akong uuwi na pero hinarangan ni Sandra ang pinto. “F-foster, di-dito ka na lang din, please. Natatakot ako mag-isa.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Safe ang lugar na ito, Sandra. Walang mangyayaring masama sayo rito.” Umiling siya sa akin. “P-paano kung mangyari ulit iyon? Pa-paano kung makita mo na akong naliligo sa sarili kong dugo, Foster? Natatakot ako! Walang araw na hindi ko iyon napapanaginipan!” Nanginginig ang kanyang labi at maging ang kanyang katawan. “Nakakulong na siya, Sandra. Hindi ka na niya magagawan nang masama!” Pagpapahinahon ko sa kanya pero patuloy pa ring nanginginig ang buong katawan niya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Bata pa lang kami ng maranasan niyon ni Sandra, muntik na siyang ma-rape ng kaibigan ng kanyang tatay. Lasing ang mga tao sa kanila at walang nakapansing p'wersahang dinala ng lalaking iyon si Sandra sa madamong lugar sa likod bahay ng rest-house namin. Buti na lang nagawi ako roon at mabuti na lang nandoon din kami. Kung nahuli ako ng ilang minuto pa, paniguradong nagalaw na ng hayop na iyon si Sandra. Kaya noong araw na rin na ‘yon ay nakatatak na sa kanyang isipan ang pagiging isang hero ko sa kanya. Kaya kahit gusto kong sabihin ang totoo sa mga kapatid ko, ang totoong nangyari ay hindi ko magagawa. Ayokong mapahamak si Sandra. Ilalayo ko siya sa kahit anong makakasakit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD