Chapter 35

992 Words
“Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo ngayon, Alice pero I want to tell you na nandito lang ako.” Malaking ngiti ang binigay ko kay Cadmus ng huminto kami rito sa isang fast-food restaurant. Nagugutom na kasi ako tapos kaya sinabihan ko siyang kumain muna kami balak pa nga niyang sa loob kami kumain pero pinigilan ko siya, marami na kasing tao sa loob ng fast-food restaurant na pinuntahan namin kaya ang ending sa parking lot kami kumain and sa drive-thru na rin siya umorder. “I'm sorry sa sinabi ni mommy kahapon... About sa, about sa pagpipilit niya say–” Tinaas ko ang aking kanang kamay sa kanya at ngumiti. Ninguya ko muna nang mabuti ang kinakain ko at saka ako nagsalita sa kanya. “Wala niyon, Cadmus! Hindi naman sa akin big deal ‘yon! Nagkataon lang talagang ayoko ng putok ng balloon, masakit sa tenga!” ani ko sa kanya at bumalik sa pagkagat ng double cheeseburger na binili niya. “Ako nga d-dapat...” Tinigil ko muna magsalita at saka ninguya nang mabilis ang kinagat kong burger. “Sabi ko, ako nga dapat humingi ng paumanhin kay Ms. Akuti, hindi na kasi kami nakapagpaalam kahapon. Nagyaya na kasi si kuya Harry.” pagsisinungaling ko sa kanya. Sorry, kuya Harry, dinamay kita! Hindi mo naman malalaman, e. I was stunned. Hindi ko naigalaw ang aking katawan dahil sa ginawa ni Cadmus. “May ketchup sa gilid ng labi mo,” saad niya pagkatapos ng kanyang ginawa sa akin. Napapikit ako at pa-simpleng naikagat ang aking ibabang labi dahil sa pagkilos niyang ‘yon. Pinakiramdaman ko ang aking dibdib, heto na naman ang mabilis na pagtibok nito. Hindi na maganda ito. Dapat na ba akong magpa-check-up? Baka ano na ito. Baka hindi ko inaasahang may sakit na ako dahil sa abnormal na t***k nang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib at lalo ko itong pinakiramdaman. “Are you okay, Alice?” Gano'n pa rin ang abnormal na t***k. Hindi pa rin mawala. “Alice, are you okay?” “Ah!” sigaw ko nang may humawak sa magkabilang balikat ko. Muntik ko pa mabitawan ang hawak kong double cheeseburger. “May masakit ba sayo?” Napatingin ako kay Cadmus, bakas sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa mga mata niya. “Ah?” takang tanong ko sa kanya. May sakit ba ako? Hindi ko rin alam ang sa sarili ko. Basta ang alam ko lang kapag nakakatabi o nakikita ko si Cadmus, nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko. “Kako kung may sakit ka ba? Namumula kasi ang magkabilang pisngi mo, Alice.” Lumaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Namumula ang pisngi ko? Gusto kong hawakan para makasigurado ako pero kapag hinawakan ko naman ay baka lalo siya magtaka. “Ah? B-baka sa init lang, Ca-cadmus. Ma-mainit kasi ngayon, ganito niyong pisngi ko kapag mainit ang panahon.” Nagkadautal-utal pa ako sa harapan niya. Shutangina, maniwala ka sana! “Is that so, Alice? We should just sit inside so you don't get heated.” May pag-aalalang saad ni Cadmus sa akin pero umiling ako sa kanya. “Puno naman kasi sa loob saka ayos lang talaga ako.” Binaba ko ang double cheese burger ko, may konti pa niyon sayang naman kung ‘di ko uubusin. “Punta muna akong washroom, Cadmus, ha? Huwag mo akong iiwan, okay?!” Bilin ko sa kanya. Baka kasi iwan niya ako. Mahirap na. “Silly! Why would I leave you, Alice? Go ahead, go to the washroom I'll wait for you here, even if you take longer. I'm willing to wait” Nakangiti niyang sambit sa akin at lalo yata akong namula dahil sa ginawa niyang paghalik sa aking buhok. Bakit may pa-gano'n si Cadmus? Nagiging siraulo na rin ba siya? Pakiramdam ko lalong uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya. At, heto na naman itong mabilis na pagtibok ng puso ko. Nagiging abnormal na naman. Hindi na ako lumingin kay Cadmus, dumiretso ako pumasok sa fast-food restaurant na pinagbilhan namin. Tinungo ko agad ang washroom nila. Namumula nga ang magkabilang pinsgi ko. Daig ko pa ang nilagyan ng liptint sa pisngi. Daig ko pa ang pisngi ni Queen ngayon sa kapal ng make-up niya. Bakit ganito? Naghilamos ako at kinuskos ko pa ang aking pisngi para mawala ang pagkapula. “Hindi ito tama! Alice, magiging kapatid mo na sila. Ilang linggo na lang ikakasal na si Mr. Reki kay Ms. Akuti! And, magkakaroon ka na ring half-brother sa kanila.” kausap ko sa aking sarili at tinapik nang mahina ang magkabilang pisngi ko. Nakailang hilamos pa ako bago ako magpasyang lumabas na sa fast-food restaurant na iyon. Hindi ko rin inabala ang sarili kong patuyuin ito, nakalimutan ko kasi ang panyo ko sa bag ko! “Ikaw talaga,” nagulat ako sa kanyang ginawa ng punasan niya ang buong mukha ko. “Why didn't you even wipe your face, Alice?” Narinig kong wika niya sa akin. Nang matagal niya ang panyo niya sa aking face ay mukhang bumalik sa pisngi ko ang pagkapula noon. Kasalanan na naman ni Cadmus ito, e! Deboto ba ng puso ko itong si Cadmus? “Ah, Um, nakalimutan ko niyong panyo ko sa backpack ko...” mahinang sagot ko sa kanya. “Magkakasakit sa ginagawa mo.” Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. May nagkakasakit ba kapag hindi pinunasan ang mukha? Parang wala naman, ‘di ba? Pinagloloko lang tayo nitong si Cadmus. “Let's go back to your house? I will take you again to the Mainhouse of Lazaro.” Umiling ako sa kanya nang sunod-sunod. “No! May oras pa, oh?! Malapit na rin naman tayo sa Tagaytay! Kain tayo bulalo, Cadmus.” Mahinang sabi ko sa kanya at hinila pa ang kanyang suot na polo. Nakalimutan kong naka-polo pala siya. “Sure, kung niyon ang gusto mo! Let's go to Tagaytay!”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD