HAPON na ng magpasya akong bumaba sa sala. Nagpahatid lang ako ng pagkain ko kaninang umaga at tanghalian.
Hindi ko kasi kayang bumaba after ng pag-uusap namin ni daddy, umiyak ako nang umiyak.
Nagulat nga rin ako ng maka-receive ako ng tawag kay Cadmus, na agad ko rin namang sinagot.
“Alice!”
Napangiti ako ng marinig ang boses ni Cadmus sa kabilang linya. Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang boses ni Cadmus kumakalma ako.
“H-hi, Cadmus.” mahinang bati ko sa kanya sa kabilang linya.
“Susunduin ka na namin ni Denver, okay? Hintayin mo kami d'yan.”
Nagulat ako sa kanyang sinabi na agad kong nilayo sa aking tenga ang cellphone ko.
Nasisiraan na ba siya nang bait? Hindi ako uuwi, ano!
“Ayoko! Hindi ako uuwi! Never na ako uuwi ss inyo!” salita ko sa kabilang linya.
“Kailangan ka ni Denver... After mong umalis kanina nagkulong na siya k'warto ko, hindi na siya lumabas after nu'n at pangalan mo na lang ang laging binabanggit niya. Hindi rin siya nakapasok kanina.”
Bakas sa boses ni Cadmus ang lungkot doon. Iyong maldito na niyon iiyak para sa akin? Siguro wala na siyang kaasaran kaya gano'n niyon.
“Pero, ayoko na talagang bumalik sa inyo, Cadmus. Mas gugustuhin ko ng manatili rito kaysa makasama niyong dalawa. Sorry pero nakapagdesisyon na ako.”
Ibababa ko na sana ang tawag niya pero bigla na naman siyang nagsalita ulit.
“Please listen to me first, okay? Papunta na kami d'yan.”
“H-hoy! T-teka... Shutangina! Binabaan ako!” sigaw ko sa harap ng phone ko.
Inunahan akong magbaba!
Napatayo ako at agarang tumakbo sa bathroom dito sa may sala. Tinignan ko ang aking sarili, okay naman ang mukha ko. Maganda pa rin naman ako.
Teka? Ba't tinitignan ko ang mukha ko? E, si Cadmus lang naman niyon. Bigla akong kinabahan nang bumilis ang t***k nang puso ko. T-teka, shutangina! Parang may mali na sa akin.
Binuksan ko ang gripo rito sa sink at hinilamusan ko ang aking mukha. Tinapik-tapik ko rin ang magkabilang pisngi ko.
“Hoy, Alice Domino! Anong nangyayari sa atin?!” kausap ko sa aking sarili sa salamin.
Hindi p'wede ito. Baka kinakabahan lang ako kaya nag-a-alburuto itong puso ko. Tama baka kinakabahan lang talaga ako.
Kumuha ako ng tissue sa gilid ng bathroom at tinuyo ang aking mukha. Lumabas na ako ng bathroom, makakuha na nga ng pagkain at sa room ko na kakainin niyon para kapag dumating sila Cadmus, magtutulog-tulugan ako.
May nakita ako tasty bread sa counter ng kitchen, kumuha ako ng palaman sa refrigerator. Kinuha ko ang chocolate na palaman.
Apat na slice ang kinuha kong tinapay at pinalamanan ito. Nilagay ko ito sa platito at kumuha ng bottled softdrinks niyong maliit lang.
Bitbit ang mga tinapay at softdrinks ay lumabas ako sa kusina, nakita kong dumaan sina Cole and Harry.
Nandito pa rin si Harry dapat papunta na siya sa campus para sunduin ang tatlong itlog na niyon, ha?
Hindi ko alam pero sinundan ko silang dalawa at gumawi sila sa pond ng Main house na ito. Nagtago ako sa gilid ng malaking paso na mayro'n dito.
“Bakit ko ba ginagawa ito?” Nakatingin ako sa pagkaing hawak ko. “Makaalis na nga lang. Bakit ko pa kasi silang sinun–”
“After nating umalis sa bahay ng mga Hanlon, nag-away daw ang dalawa sa kanila.”
Lumaki ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko na tuloy maihakbang ang mga paa ko paalis sa kinalalagyan ko ngayon.
“Nagkagulo sa kanila... Hindi napigilan ng panganay sa mga Hanlon ang away sa kanila.” Sumilip ako sa kinalalagyan ko ulit. “Pasalamat sila nagtimpi lang ako nu'ng nandoon tayo, maging si Tyron nagtitimpi lang din sa kanila kung 'di nandoon pa lang tayo nagkakagulo na sa kanila.” Nakita ko si Cole na nakangising nakatingin kay Harry.
“Lahat naman sila matitigas ang ulo. Pagkakita ko pa lang sa kanila 'di na maganda ang loob ko sa mga niyon.”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa bitbit kong platito.
“Si Cadmus lang matino sa kanila. Apat sa kanila ay nasa loob ang kulo.” Sumandal si Cole sa kanyang silya at nakita ko siyang tumawa-tawa.
Kakilala ba nila si Cadmus? Lumaki ang mga mata ko ng may maalala, ka-edad nila si Cadmus.
Hindi ko alam pero umalis na ako sa aking kinatataguan at lumakad pabalik sa sala ng bahay. Palakad na ako ngayon papunta sa may hagdan ng may tumawag sa pangalan ko.
“Ms. Alice!”
Lumingon ako at nakita ko ang isang kasambahay namin na madaling naglalakad papalapit sa akin.
“Bakit?” pagtatanong ko sa kanya. Pabayaan niyo muna ako, gusto ko lang naman mag-meryenda.
Yumuko siya sa akin. “May dalawang lalaking naghahanap po sa inyo. Mr. Cadmus and Mr. Denver Hanlon po ang pangalan nila, sabi ng guard sa pinaka-main gate.” saad niya sa akin at ramdam ko sa boses niya ang hingal.
Tumakbo ba naman siya, e. Alam naman niyang huminto na ako.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kanyang sinabi. “B-bakit daw sila nandito?”
Eh? Anong klaseng tanong niyon, Alice?
Bakit ang bilis naman yata nilang dumating? Baka dinaya ako ng mga iyon!
“Gusto raw po kayong makausap, Ms. Alice.” sagot niya sa akin.
Hindi ko alam pero tumango ako sa kanya. “Papuntahin niyo sila sa Gazebo. Doon ko na lang sila kakausapin. Salamat po.” saad ko sa kanya.
Yumuko siya sa akin at bumalik kung saan siya galing kanina. Napatingin tuloy ako sa hawak kong tinapay, meryenda na dapat nang tahimik pero bigla silang sumulpot.
Gumawi ulit ako sa kitchen namin. Nakita ko roon si Nanay Winnie – isa sa mga kasambahay namin na matagal na. “Hi po, Nanay Winnie. May ginagawa po ba kayo?” pagtatanong ko sa kanya.
Nakita ko kasing may nilalabas siya sa may refrigerator. “Wala naman po, Ms. Alice. Bakit po?”
“Padala na lang po ng tinapay and juice sa Gazebo po. May bisita po kasi ako. Salamat po.” saad ko sa kanya at umalis na rin sa kusina.
Balak ko pa sanang umakyat sa k'warto ko pero hindi ko na ginawa. Maayos naman ang itsura ko saka sino ba sila para paghandaan ko? Duh?!
Lumakad na ako papuntang Gazebo, gumamit ako e-bike papunta roon. Ayokong mapagod. Bakit kailangan kong mapagod na makita sila, e, hindi naman sila worth it para sa pawis ko.
Hininto ko ang e-bike na dala ko ng makita sina Cadmus and Denver na naka-upo sa may Gazebo.
“Ate Alice!” palahaw na saad ni Denver sa akin ng makita niya ako.
I was stunned to speak ng yakapin niya ako nang mahigpit pagkakita niya sa akin. “A-ate Alice, uwi ka na po! I'll promise 'di na po kita aasarin at sasabihang na flat chested po.”
Aba, shutangina! Pinapabalik ba niya ako sa kanila o inaasar niya lalo ako.
Kinutusan ko nang mahina si Denver. “Bakit naman ako uuwi ulit sa inyo? Mas okay na ako rito kaysa roon sa bahay niyo.” seryosong saad ko sa kanya. Inilayo ko so Denver sa akin “Hindi na ako babalik doon, Denver, naiintindihan mo ba ako?”
Yumuko siya at nakita kong nilagay niya ang kanang braso niya sa kanyang mukha. “D-dahil ba kina kuya Foster and ate Sandra?” Maliit na ang boses niyang pagkasabi sa akin.
Tinitigan ko siya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“Alice,”
Nawala ang tingin ko kay Denver ng magsalita si Cadmus sa pagitan naming dalawa.
“Ca-cadmus...” tawag ko sa pangalan na panganay sa mga Hanlon.
“Are you alright? Sorry for what Foster did to you.” saad niya agad sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Bakit ka nag-so-sorry, Cadmus? Hindi ka naman ikaw ang may kasalanan sa akin, ha? And, huwag mong akuin ang kasalanan ng kapatid mo.”
Ito ang hindi ko gusto sa kanya. Hindi porket panganay siya, pasan na niya pati kasalanan ng mga kapatid niya.
Lumakad ako papasok sa Gazebo at umupo roon. “Totoo bang may away na nangyari sa inyo after kong umalis?” Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung totoo, ayon sa narinig ko kina Cole and Harry.
“Kuya Chance and kuya Foster got a fights!” Malakas na pagkakasabi ni Denver at umupo sa aking tabi.
“Nakita lahat ni Chance ang nangyari.” Nagulat ako sa sinabi ni Cadmus.
“Gano'n ba? Kaya ngayon pinapabalik niyo ko?” Napatawa ako nang mahina dahil sa sinabi niya. “Yes, makakalimutan ko niyong ginawa nila sa akin pero iyong sinabi ni Foster sa akin, hindi niyon maaalis sa isipan ko.” Tumayo ako sa aking pagkaka-upo. “Kung niyon lang ang pinunta niyo rito, makakaalis na kayo.” seryosong pagkakasaad ko sa kanila.
“Wait, hindi lang niyon ba't kami pumunta rito. Nag-aalala ako sa'yo at si Denver. Hindi siya nakatulog nang mabuti kakaisip sayo.” ani niya sa akin at tinuro si Denver na malungkot ang mga matang nakatingin sa akin.
Nakatingin ako kay Denver at ngumiti sa kanya. “I'm fine. Okay na akong nandito ako sa Main house ng Lazaro. Pero, hanggang nandoon sila hindi ako babalik. Saka, p'wede niyo naman ako dalawin dito.” Ngiting saad ko sa kanila.
Tumakbong papalapit sa akin si Denver. “Promise, p'wede po akong dumalaw rito everyday?” Nakayakap niyang tanong sa akin.
Tumango ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. “Kaya umuwi ka na at kumain ka sa inyo mukhang nangangayat ka na.” saad ko sa kanya at pinitik ang kanyang noo.
Napatingin ako kay Cadmus, napaiwas din agad ako ng makitang nakatingin din siya sa akin.
Lintik ba't ang bilis kumabog itong dibdib ko? Anong nangyayari sa akin?
Send help.