Hindi ko alam pero parang nanibago ako aking pagkakahiga sa kama. K'warto ko rin naman ito kapag dito ako natutulog sa main house ng mga Lazaro.
Bumangon ako sa kama. Mas malaki ang k'warto ito kumpara sa k'warto ko sa Hanlon. Baby blue ang kulay ng pader na may touch na puting kulay rito kumpara roon na puro pink lahat.
Walang nabago sa ayos ng k'warto ko rito. Tumayo ako at tumungo sa bathroom. Nalalagkitan na ako. Gusto ko na maligo.
Pagkatapos kong maligo, nagpasya akong tignan ang phone ko. Kailangan kong i-message si Renma na hindi ako nakapasok.
“Renma, pakisabi na lang sa akin kung ano ang topic sa mga subject natin, okay? Thank you!”
Message sent!
Lumakad ako papunta sa beanbag na mayro'n sa room ko, umupo ako roon at nilapag ang aking cellphone sa circle table na mayro'n din dito. Naghihintay ako ng reply ni Renma.
“Hay!” tinungkod ko ang aking baba sa table at nakatitig lamang sa cellphone ko. “Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanila. Paano sila haharapin kapag nakita ko si Quinn o iyong impaktang Sandra na iyon sa campus!”
Nawala ang aking iniisip ng umilaw ang phone ko at nakita ko ang text messages ni Renma.
Umayos ako ng pagkakaupo at pinindot ko agad ang text niya.
“Pumunta rito si Asher kanina, kinausap ang professor natin sa biology. Magtext na lang ako maya ulit after ng school.”
Nakita kong dalawa ang text message niya sa akin kaya binasa ko rin ito.
“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo ngayon, Alice, pero gumawi rin si Quinn dito kanina, hinahanap ka niya. Sinabi kong hindi ka pumasok? May problema ba sa inyo?”
Nagulat ako sa text niyang iyon. Tama ba ang pagkaka-intidi ko sa binasa ko? Pinuntahan ako ni Quinn?
Pero, imposible naman niyon na magkaroon agad siya ng pake sa akin. Wala nga silang nagawa noong umiyak ang impaktang Sandra na niyon.
Tingin nila sa akin ako ang gumawa at naunang nanakit kay Sandra, gano'ng wala naman sila sa pangyayari. Oo nga naman, bratinela pala ang tingin nila sa akin.
Tinaob ko na lang ang phone ko at hindi ko na nagawang magreply kay Renma. Wala rin naman kasi akong i-re-reply sa kanya. Baka i-reply ko lang sa kanya ay ang letrang ‘K’.
Naalala ko ang sinabi ni Foster kahapon. Napa-isip ako sa kanyang sinabi.
“Alam ko na kung bakit once a year lang umuuwi si tito Reki dahil sa ugali mo, Alice!Dahil kasalanan mo ba't namatay ang mommy mo! Ikaw ang sinisisi ni tito Reki kaya namatay ang mommy mo! You're such a brat!”
Kasalanan ko ba talaga? Kung hindi ba ako lumabas sa mundong ito, hindi mamamatay si mommy.
Nag-uumpisa na namang mag-ulap ang mga mata ko dahil sa aking iniisip.
Kaya ba once a year lang siya umuuwi rito at sa mismong birthday ko pa dahil niyon din ang death anniversary ni mommy.
Huminga ako nang malalim at pinunasan agad ang nag-uulap kong mga mata.
B-bakit hindi niya sinabi sa akin? B-bakit kailangan sabihin pa niya iyon sa mga Hanlon? Gano'n ba siya ka-tiwala sa mga iyon?
Gusto kong kausapin si daddy pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pag-uusap namin dalawa. B-baka na-i-k'wento na ng mga iyon ang away na nangyari sa amin. Baka sila naman ang paniwalaan ni daddy.
Pero, tumututol itong isipan ko. Gusto kong kausapin si daddy para mawala na itong iniisip ko. Kung galit siya sa akin dahil kasalan ko ba't namatay si mommy, tatanggapin ko niyon pero ang bumalik ang loob ko sa kanya, hindi ko na magagawa.
Tumayo ako at kinuha ang laptop sa aking backpack. Binitbit ko ito at nilapag sa table ko. In-open ko ang aking Skype, nahihirapan akong i-type ang password ko dahil kinakabahan ako kung ano man ang maririnig ko tungkol sa kanya.
Pinindot ko ang video call. Hinihintay ko na lang sumagot si daddy at ready na akong harapin siya. Paniguradong alam na niyang wala na ako sa mga Hanlon.
“Alice!”
Nakatitig ako kay daddy ng sabihin niya ang pangalan ko. Ngayon pa lang naiiyak na ako.
“Totoo po ba ang sinabi ni Foster sa akin Mr. Reki? Sinisisi niyo po ba ako sa pagkamatay ng mommy ko?” Diretsong tanong ko sa kanya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ayoko ng pahabain ito. Ayokong lagyan niya ng asukal ang bawat sasabihin niya sa akin.
Hinintay kong magsalita siya pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin siya nagsasalita.
Napangiti ako sa screen ng video call namin, “Sana hindi na lang ako nabuhay, Mr. Reki. Kung sa loob ng 19 years na nabubuhay ako, iniisip mo pala sana hindi na lang ako pinanganak ni mommy rito. Kaya pala once a year ka lang umuwi, siguro dahil ayaw mo kong makita man lang...” Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit gusto na'ng tumulo ng aking luha.
“Hindi ako galit sa inyo, atleast kahit ayaw niyo sa akin binigay niyo ang pangangailangang kailangan ko. Atleast, kahit papaano naramdaman ko ang pagmamahal niyo sa akin...” Huminga ako nang malalim at napayuko na sa video call.
Hindi ko na kayang titigan si Mr. Reki sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako. Tumatagos ito sa puso ko.
“A-alice... Mahal kita bilang anak ko. Mahal kita dahil ikaw ang iniwan ng mommy mo para sa akin. Mahal na mahal kita, Alice Domino!”
Umiling ako sa kanya. “Hindi po. Kasi kung mahal niyo ko, hindi niyo sasabihin ang tungkol na iyon sa mga Hanlon. Kaya po ba sinasabi niyong mahal niyo ko dahil baka 'di ako pumayag sa kasal niyo? Hindi po ako tututol sa gusto niyo pero... Hindi ho ako sisipot. Malaki na po ako. Kaya ko na sarili ko, Mr. Reki.”
Pinunasan ko ang aking kanang pisngi ng tumulo na nang tuluyan ang luha ko. “Hindi na ho ako tutuloy sa mga Hanlon. Umalis na po ako kanina. Hindi niyo alam kung anong ginawa ni Foster sa akin doon. Hindi ako belong sa kanilang lahat.”
“Akuti and I are going home today. Wait for me there, Alice Domino!”
“Hindi na magbabago ang pasya ko, Mr. Reki. Kung tatagalan niyo ko ng mana, ayos lang po. Kaya ko mabuhay ng ako lang at hindi ko kailangan ang perang mayro'n kayo. Sige na po, i-e-end ko na po itong video call.” Ginalaw ko na ang arrow ng laptop ko at i-e-end button na sana ng lumitaw sa kabilang linya si Ms. Akuti.
“Alice,” naiwan sa ere ang aking kanang kamay dahil sa biglaang pagsulpot niya. “I'm the one who apologizes for what Foster did and told you. Your daddy loves you. You are his only child and the princess he has. Please, listen to him, okay? Uuwi kami ngayong gabi to settle this problem sa pagitan niyo nina Foster and Sandra.”
Umiwas ako ng tingin sa kanya at nahagip ng mata ko ang mukha ni Mr. Reki. May karapatan ba akong tawagin siyang daddy matapos ng marinig ko ang sinabi ni Foster sa akin.
“Mag-usap din kayo nang masinsinan ng daddy mo pagkauwi namin, Alice, okay?” Hindi ko alam kung anong i-re-react ko sa kanyang sinabi.
“Princess, listen to me first, okay? Uuwi ako d'yan. I love you, my Alice Domino!”
Hindi ko alam pero pinidot ko ang end button ng video call namin.
No, hindi mo ko mahal.