TWO DAYS na ang nakakalipas. Two days na rin ng bumalik na ako rito sa Main house ng mga Lazaro.
At, two days na rin akong may nakukuhang pagkain at bulaklak. Lahat ng iyon ay padala ni Chance Hanlon.
Hindi ko alam kung anong binabalak niya kaya siya nagpapadala ng mga niyon. Ang dami na tuloy bulaklak sa chapel na mayro'n dito sa Lazaro Mainhouse. Iyong mga pagkain naman, syempre kinakain ko. Sayang niyon at mukhang sa mga mamahaling restaurant pa niya pina-order ang mga iyon.
Two days na rin ang nakakalipas ng makarating sina daddy – Mr. Reki and Ms. Akuti sa Pilipinas. Ilang beses na nila akong ini-email na dumalo sa dinner ng mga Hanlon pero hindi ako dumadating at nagrereply sa kanila.
Umupo ako sa study table ko. May kailangan pa akong tapusin na research sa isang subject namin.
Inopen ko rin ang aking email at tumambad doon ang iba't-ibang email mula sa kanila.
Una kong binuksan ang email ni daddy.
To my one and only daughter,
Alice, sana mabasa mo itong email ni daddy sa'yo. Sobra na akong nag-aalala sa'yo. Ni-minsang pagreply sa email ko at sa mga step-brother mo ay hindi ka nag-re-reply.
Pumunta rin ako sa Mainhouse pero hindi ka rin lumabas para kausapin kami. Alam kong nagtatampo ka pa sa akin dahil sa narinig mo kay Foster pero anak, wala akong galit sayo. Hindi ikaw ang sinisisi ko ba't nawala ang mommy mo.
Ikaw lang na ang mayro'n ako ngayon. Kaya sana makipagkita ka na sa amin. Nagpe-prepare na kami ni Akuti para sa kasal namin. Gusto ni Akuti na ikaw ang maging isa sa mga bridesmaids niya.
I love you and please alagaan mo ang sarili mo, Alice Domino.
Loves,
Daddy Reki ★
Napatitig na lang ako sa email niya. Hindi ko alam kung magrereply ako sa kanya. Pero, ilang araw ko na rin kasi siya tinataguan. Pagkarating nila ni Ms. Akuti rito sa Pilipinas, dito agad sila sa Mainhouse ng mga Lazaro tumungo pero hindi ko sila nilabas man lang.
Ayoko pa kasi silang makita. Lalo na ng marinig ko ang sinabi ni Foster sa akin. Para akong pinunit nang paulit-ulit dahil doon. Kaya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng marinig ko niyon.
Sunod kong binuksan ay ang email ni Bennet.
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: bennetmohindisayo@gmail.com
Hi, sweetheart!
I hope you're okay now! Please, don't forget to smile!
Loves,
Bennet ??
Hindi ko alam pero napangiwi ako sa email ni Bennet. Anong nangyayari sa kanya? At, sinong may sabing sweetheart ang itawag niya sa akin?
Yuck! Eew!
Inexit ko ang email niya at hindi rin nagreply sa kanya. Matapos kong mabasa email niya, akala niya magagawa niya akong makapagreply sa kanya.
Luh asa?!
Sunod kong nakita ang email ni Denver. Madalas kong basahin ang email ng isang ito. Every hour may nare-receive akong email galing sa kanya.
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: handsomedenver@gmail.com
Hi, ate Alice!
Miss you po! Balik ka na po rito! Wala na po rito sina kuya Foster and ate Sandra, pina-alis na sila ni mommy!
And, galit din ako sa kanilang dalawa! Inaway ka po nila!? Hindi ko sila mapapatawad, ate Alice!
Please, please, please po, balik ka na po! Wala na po ako maasar, e!
Your cutie-potato,
Denver! ?
Napatampal ako sa aking noo! Kaya pala gusto akong bumalik dahil wala na siyang kaaway roon. How nice, Denver?
Kumiling ang ulo ko pakanan ng mabasa ulit ang email ni Denver.
Pina-alis sila ni tita Akuti? Ngumiti ako nang mapait. Dalawa ba silang umalis o baka sumama lang din siya kay Sandra.
Napasandal ako sa aking iniisip pero... “Huh, tama na, Alice. Kailangan ihinto na natin ito.” kausap ko sa aking sarili at lumabas na rin sa email ni Denver.
Sunod kong nakita ang sabay na email na mula kina Chance and Cadmus. Sabay rin ang oras, nagkaiba lang sa segundo ng email nila.
Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong buksan ang email. Pero, may nagsasabi sa aking buksan ang email ni Cadmus.
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: Cadmusprofako@g*******m
Hi, pretty Alice!
I hope your doing great there! You can email me every time you want. I'm always here for you, okay?
All I want is for your smile and pagsusungit mo sa amin.
Please, take care of yourself, huh?
Your handsome brother,
Cadmus Ω
Napangiti ako sa kanyang email. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong nagtitipa pabalik sa kanya.
To: Cadmusprofako@gmail.com
From: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
Hi, Cadmus!
I'm fine. Don't worry about me anymore. I'm big and I know what I'm doing so don't worry about me.
And, please tell, Ms. Akuti, dadalo ako sa kasal nila ni Daddy. Kahit anong mangyari dadalo ako at magiging isa sa bridesmaids niya.
Your prettiest sister,
Alice Domino ★
Tama naman itong ginawa ko, kailangan ipakita ko kay Ms. Akuti na tanggap ko siya bilang pangalawang mommy ko. Ayokong ma-feel niyang ayoko sa kanya.
Huli kong binuksan ay ang email ni Chance
To: Alicelazaroatyourservice@gmail.com
From: nomoreonemoreChance@gmail.com
Hello to my one and only apple of my eye.
I just want you to know I’m glad you came to us and met you. You are one of the things I appreciate coming to me.
I just want to say that no matter what happens to you, I will side with you. So, please, put the smile back on your lips.
We are looking forward to your return home. If you care about the two, don’t worry they’re not here anymore.
So, can I look forward to your return, pretty please, my Alice!
Your Knight in shining armor,
Chance - para sayo. †
PS: I hope you like the food I send you.
Ano na bang nangyayari sa kanila? Bakit iba-iba na ang tinatawag nila sa akin? May mahiwaga yatang nangyari sa kanila habang wala ako roon.