“Hi to everyone! I have an important announcement to you all!” She giggles.
Tumingin ito sa lalaking katabi niya. Habang nakapulupot ang kaliwang kamay ng lalaki sa bewang ni Ms. Akuti.
Ganyan din ba siya ka-sweet kay mommy? Ganyan din ba siya?
“Don't you notice the decorations around you? There are pink and blue balloons in each corner of this living room.” Bakas sa boses niya ang pagkasaya habang sinasabi niya iyon.
Halatang-halata naman, e.
Sinipa ko ang isang balloon na malapit sa akin paanan. Ang tagal naman nilang magsabi kung ano ang announcement nila. May pasok pa ako bukas.
Narinig ko na ang pag-uumpisa ng mga bulungan sa paligid ko. Mukhang alam na rin nila kung tungkol saan ang announcement na ito.
Tsk!
Umangat ang mata ko sa dalawang nasa harap namin. May binubulong si Ms. Akuti sa katabi niyang lalaki.
Mukhang hindi maganda ang pakiramdam kong ito, ha?!
“Omg! Omg! I'm happy to announce that... I'm pregnant!” Masayang pahayag niya sa amin at hindi mawala sa mga mata niya ang ngiti, sumingkit ang mga mata niya.
Tinignan ko ang katabi niya gano'n din ang kanyang ekspresyon. Masaya sila.
Nag-umpisa na ang sigawan nilang lahat dahil sa sinabi ni Ms. Akuti.
Edi, congratulations!
“Wait, calm down first! Um, actually, Reki and I ay matagal ng magkarelasyon, right?. And, right now, before we go home we checked first and we found out the gender of the baby.”
Gulat akong napatingin sa lalaking katabi niya. Matagal na? Bakit iyong email niyang ay parang kauumpisa lang ng relasyon nila?
So, hindi pa niya sasabihin sa akin kung hindi pa nabuntis si Ms. Akuti? At, hindi niya sasabihin sa akin kung wala pa siyang planong pakasalan ang babae?
Mahalaga ba talaga ako sa kanya?
“So, There's a balloon here next to me. When it explodes we will know what the gender of our baby Reki and I are! Um, can you pop it up, Alice?” Nakangiting nakatingin siya sa akin at nakalahad na sa kanyang harap ang matulis na bagay.
Napalunok ako. Nawala ang ingay sa paligid at doon ko lang napansing nasa akin na ang atensyon nilang lahat. Maging ang katabi kong si Denver.
Napatingin ako kay kuya Harry. Ngumiti siya sa akin. “Sorry, Ms. Akuti, Alice is not used to loud noises especially the noise of balloon bursts.” Siya na ang nagsalita para sa akin.
Napatitig ako sa aking paanan. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
“Mahina lang naman ang putok ng balloon, Alice. You should try!”
“Yeah, to overcome your fear of the noise!”
“And, Aren’t you happy that you’re going to have a sibling too?”
Ang daming pumapasok sa aking tenga na maiingay na bagay. Bakit hindi nila maisip na ayoko! Bakit hindi na lang sila ang magpaputok ng lobong niyon? Bakit ba nila ako pinipilit?
“Ba-bakit hindi na lang ka–”
“Ako na lang, mom! I'll just blow up that balloon.”
Hindi ko naituloy ang aking pagsigaw dahil nakita ko ang pagtayo ni Cadmus sa kanyang kinauupuan.
Nakatingin na lahat sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Lumakad na siya palapit sa dalawang taong nasa harap namin.
Nang madaanan niya ako, ngumiti siya sa akin at tumango. Bakit lahat na lang ginagawa mo para sa akin, Cadmus? Ito ang ayoko sa'yo, e. Sobrang bait mo.
Sa sobrang bait mo, naaabuso ka na'ng mga taong nasa paligid mo.
Gumilid siya roon sa balloon at kinuha ang matulis na bagay na hawak ni Ms. Akuti kanina.
“Wa-wait, Cadmus. Let's count one to ten before exploding that balloon and so we can find out the baby's gender.” Nakangiti pa rin si Ms. Akuti, hindi pa rin nawawala sa labi niya ang kasiyahan.
“Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two...” Sabay-sabay silang nagbibilang.
Naka-ready na ang kamay ni Cadmus sa pagputok sa lobo. “One...” Sa huling banggit ng number ay siyang pagputok ni Cadmus sa loob at lumabas roon ang kulay blue-ng confetti.
Nagsigawan silang lahat ng makita ang lumabas sa lobo.
It's a boy.
Nakita kong tumakbo si Denver palapit sa mommy niya at ang maging ibang bisita nila rito ay lumapit na rin kay Ms. Akuti.
Magkaka-anak na ulit siya ng lalaki pero sa pagkakataon na ito si Reki ang ama. Magkakaroon na ako ng kapatid na lalaki, half-brother.
Hindi ko alam kung anong i-re-react ko pero ito ang tama kong gagawin para sa sarili ko. “Uwi na tayo kuya Harry, tapos na rin naman na ang announcement nila.” bulong kong saad kay kuya Harry na siyang tumingin sa akin.
“Are you sure? Uuwi na tayo? Hindi mo pa rin ba kakausapin si tito Reki?” Nag-aalalang tanong niya sa akin pero umiling ako sa kanya.
Hindi ko pa rin siya kayang kausapin. May panibagong na naman siyang nilihim sa akin. Ilan pa ba ang lihim na mayro'n sila? Ilan pa bang lihim ang pilit niyang tinatago sa akin?
Sana, hindi na lang ako nabuhay sa mundong ito kung ganito naman kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon.
Nandoon lahat ang mga bisita nila sa harapan. Napansin kong ako, si kuya Harry at iyong Sandra na iyon lang ang naka-upo ngayon.
Kailangan na namin umalis.
Tumayo na ako at maging si kuya Harry ay tumayo na rin sa kanyang kinauupuan. Wala na rin naman kaming gagawin, pumunta lang kami rito para sa announcement niya. Narinig ko naman na.
Hindi ko alam pero walang nakapansin sa aming pag-alis. Sumakay na kami sa elevator paalis sa bahay ng mga Hanlon.
Ganito pala ang pakiramdam na nag-iisa. Kinakain ako. Unti-unti akong kinakain. Mukhang makukulong na naman ako sa kadiliman katulad nang mamatay sila lola. Dilim ang naging sandalan ko noon. Wala ni-isang nasa tabi ko. Hindi nila naiintindihan ang ganitong pakiramdam na nag-iisa.
“Are you okay, Alice?” Napaangat ang tingin ko ng magsalita si kuya Harry.
Lumakad kami palabas ng elevator at tumango ako sa kanya. “I'm okay, kuya Harry.” maikling sagot ko sa kanya.
Lumakad na kami papunta sa kotse niya. Gusto ko na ulit humiga sa kama at ipagpahinga itong isipan ko. Na-over-use ko na naman.
“Alice! Anak!”
Pareho kaming napahinto sa paglalakad ni kuya Harry ng may marinig na sumigaw sa pangalan ko.
Nakita namin pareho si Reki na tumatakbo papalapit sa amin. Ano na naman ba kailangan niya? May nakalimutan ba siyang sabihin?
“Aalis na kayo?” Hinihingal niyang tanong sa akin ng makalapit siya sa amin. Nagtataas-baba ang kanyang balikat dahil sa kanyang pagtakbo.
Lumihis ang tingin ko sa kanya. Ayoko siyang matitigan. “May pasok pa po ako.” saad ko sa kanya at saka bumalik sa paglalakad.
“I know you hate me. I know what’s running through your mind right now, Alice! Yes, I hid a lot and didn’t tell you because I wanted to tell you it personally, Alice! I have known Akuti for a long time ... ” Tumigil siya sa kanyang sinasabi. “He was Clarke's clubmate when we were in college. I like Akuti but Clarke confesses to Aku–”
“Cut off!” putol kong sigaw sa kanyang sasabihin. “Tama naman na! Pagpahingahin niyo naman po itong isip ko!” Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa aking pagsigaw sa kanya. “Kung ano man po niyang tinatago niyo, ‘wag niyo na sabihin sa akin. Anak niyo lang naman ako, Mr. Reki. Magkakaroon na ulit kayo ng anak na lalaki, kaya ‘wag niyo na akong intidihin pa. Nabuhay akong once a year ka lang umuuwi kaya, kaya kong mabuhay ng mag-isa lang.” Walang emosyon na saad ko sa kanya at pumasok na sa kotse ni kuya Harry.
Nasa legal age na ako. Kaya ko na ang sarili ko.