Chapter 9

1204 Words
Hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan. Kanina pa akong ninenerbyos pagkatapos ng lunch break. Napatingin ako sa wristwatch ko, 4:32PM na. 30 minutes na lang makikita ko na naman sila. Kung 'wag kaya ako sumulpot? Pero, paano naman si Coco? Baka kung ano na ang ginagawa nila sa baby dog ko. Baka ginugutom na nila si Coco. Napayuko na lang ako kahit nagdadaldal pa ang professor namin. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang isip ko ay nasa 5PM na. Ano naman gagawin ko kung nandoon na ako sa bahay nila? Saan nila ako patutulugin? Saan nila dinala ang mga gamit ko? Ang pinoproblema ko baka kawawain nila ako roon. Baka matulog ako sa maid's room o sa storage room na mayro'n sila. Ayoko nu'n. "Alice? Alice?!" "Wah!" hiyaw ko ng may kumalabit sa akin at halos mapatayo pa ako dahil sa kaba. "Eh?" Napatanga ako habang lahat ng mga classmate and professor ko ay nakatingin sa akin. "Sorry po," hingi ko ng paumanhin at umupo ulit. Nakakahiya ang ginawa ko. Sinamaan ko ang taong nasa harapan ko. Nakangisi siya ngayon kaya palihim kong tinadyakan ang upuan niya. "Bwisit ka, Renma!" madiin kong sabi sa kanya. Nag-iisip na ako kung anong gagawin ko sa kanya after ng class na ito. "Manghihiram lang ako ng liquid eraser. Ang lalim ng iniisip mo, ha?" bulong na sabi niya sa akin. Bwisit na liquid eraser na iyan. Sinaksak ko sa kanyang dibdib niyong liquid eraser na hinihiram niya. May kaya naman siya ba't hindi siya makabili ng sariling liquid eraser. Tinuon ko na lang ulit ang aking sarili sa pakikinig kay professor. Pero, wala, walang pumapasok sa isipan ko. Hanggang, tumunog na ang huling bell para sa amin. Alas-singko na. Nakatingin ako sa mga classmate kong naghahanda na para umuwi. Lahat sila masaya at excited umuwi pero heto ako halos hindi makatayo dahil sa kaba. "Hindi ka pa uuwi, Alice?" Napatingin ako kay Renma na nasa aking gilid. Naka-suot na ang backpack niya. "Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi ka pa uuwi? Baka naghihintay na roon mga pinsan mo." ulit niyang sabi sa akin. "Renma..." Tawag ko sa kanyang pangalan. Hinawakan ko ang laylayan ng kanyang uniform. "H-hindi na ako sa kanila sasabay," nauutal kong sabi sa kanya. Nakita kong nag-flicked ang kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "Magkaaway ba kayo? Kaya hindi ka sasabay sa kanila?" Tumingin ako sa paligid namin. Wala na ang ibang classmates namin. "H-hindi na ako sa kanila sasabay simula ngayon..." Napasinghot ako dahil naaalala ko na naman ba sa Hanlon residence na ako titira simula ngayon. "Ano bang nangyayari sa'yo?" Kumunot na ang kanyang noo dahil sa akin. "S-sa Hanlon n-na ako titira," mahinang sabi ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak ko sa dulo ng uniform niya. "Hanlon? Sa Hanlon!" bulalas niyang sabi sa akin at ang iba naming classmates na nandito ay napatingin sa aming dalawa. Napatayo ako at tinakpan ang bibig niya. "Huwag kang sumigaw!" ani ko sa kanya at binatukan siya. "Kaya ba nagtatanong ka about kay Quinn Hanlon?" Tumango ako sa sinabi niya sa akin. "Magpapakasal na kasi ang daddy ko sa mommy nila. Kaya ang ending sa kanila na raw ako maninirahan simula ngayon!" paliwanag ko sa kanya. "Hindi lang niyon, kaya maaga rin akong pumasok dahil binulabog nila ako sa unit ko!" I frowned in front of him. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Renma, "anong gagawin ko, Renma? Sila na ang magsusundo at maghahatid sa akin, simula ngayon. At, paniguradong hinihintay na nila ako sa parking lot!" Niyugyog ko ang magkabilang braso ni Renma dahil nababaliw na ako kakaisip. "T-teka... Teka, Alice, paano ako makakapag-isip kung niyugyog mo ang pagkatao ko!" Nilayo niya ako sa kanya at hinihingil na humarap siya sa akin. "Huwag ka kayang sumipot? Doon ka matulog ulit sa unit mo." Napanganga ako sa suggestion na sinabi niya sa akin. "Hindi p'wede, Renma. Hawak nila ang aso kong si Coco." matamlay na sabi ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang buhok. "Tsk!" He clicked his tongue at napatingin sa kisame ng classroom namin. "Wala akong mai—" "Wala ka talagang maiisip dahil ang magandang gawin mo ay sumunod na sa akin dahil naghihintay na sa atin kuya Foster." Nagkatinginan kami ni Renma sa isa't-isa ng may magsalita sa gilid namin. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Quinn na nakasandal sa hamba ng pinto at walang emosyon na nakatingin sa aming dalawa ni Renma. "K-kanina ka pa ba d'yan?" nauutal kong tanong sa kanya. Kumapit ako sa dulo ng uniform ni Renma. Pinapahiwatig kong tulungan niya ako. "Ngayon-ngayon lang. Tara na! Kunin mo na gamit mo." Napapikit ako dahil sa klase ng boses niya. Nakaka-bwisit talaga sila. Silang magkakapatid. "Tara," Napatingin ako kay Renma ng kunin niya ang aking bag at nauna ng lumabas sa classroom namin. Nawala ang pilyong mukha niya at nakikita ko ngayon sa kanya ay isang lalaking walang pake-alam sa paligid. Wala na akong nagawa kung 'di sumunod kay Renma, nilagpasan namin si Quinn na naka-tayo pa rin roon sa hamba ng pinto. "Renma," tawag ko sa kanya ng makasabay ako sa kanya sa paglalakad. "Huwag ka ngang matakot. 'Di ba amasona ka? Kapag may ginawa sila sa'yo lagyan mo ng lason ang mga pagkain nila." Sabay ngisi niya sa akin. Inakbayan niya ako habang papunta sa may parking lot. "Mag-email ka lang sa akin o sa mga pinsan mo, Alice, okay?" bulong niya sa akin at nakita ko siyang lumingon sa aming likuran. Ewan ko pero ngayon lang nagsalita si Renma na seryoso. Madalas kasi kaming nag-aaway niyan. Simula high school, classmate ko na siya. Hindi naman magkalapit ang surname namin pero may sa demonyo yata itong si Renma dahil simula first year until fourth year naging magka-klase kaming dalawa. At, hindi namin inaasahang maging sa college, iisa lang ang kursong kinuha namin dalawa. Sa tutuusin, kahit lagi ko siyang inaaway, sinisipa ang upuan niya, at pinipikon, never siyang nagalit sa akin. Never niya akong ginantihan pa balik. Kaya nagpapasalamat akong naging kaibigan ko si Renma. Napahinto kaming dalawa na makita si Foster, na nagyoyosi sa labas ng kanyang kotse. Gano'n pa rin ang suot niya simula nakita ko siya kaninang umaga, naka-corporate attire pa rin siya hanggang ngayon. "Finally, dumating na rin kayong dalawa! Naka-dalawang yosi na akong naghihintay sa inyo." sabi niya sa amin at hinulog ang yosi niyang nasa kalahati pa lang, tinapakan niya ito. "Come on, my mini-monster!" Nakangiting tawag niya sa akin. Lumakad kami papalapit sa kanya, kasama pa rin si Renma nasa kanya ang bag ko, e. "Oopps, sino ka?" Pigil na sabi niya sa amin at sinamaan ng tingin si Renma. "Renma Sullivan," maangas na pagkakasabi niya kay Foster. Hindi ko sila iku-kuya. Never! "Aba, angas, ha? Hindi kita kapatid kaya tsupi!" Pagtataboy niyang sabi kay Renma. Sapilitan niyang kinuha ang bag ko kay Renma at binuksan ang back seat. Nauna ng pumasok si Quinn sa loob ng kotse. "See you tomorrow, Renma! Salamat!" ngiting sabi ko sa kanya at pumasok na rin sa loob. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang naiba ang aking inuupuan kahit naman parehas malambot ito katulad sa kotseng ginagamit ni kuya Harry. "Renma, ha? Tss..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD