Kalahating kilometro na lang at makakaabot na sila Lian at Alex sa kanilang sadya. Nasa isang isla sila sa Palawan para sa kanilang pulot-gata. Hindi man aminin pero kapwa sila sabik sa isa't-isa lalo pa't masosolo nila ang magdamag. Nasa Samal si Lyka, iniwan nila ito para magkaroon sila ng pribadong oras sa kanilang honeymoon. "Malapit na ba tayo?" Reklamo pa ni Lian na hinihingal dahil sa mabatong daan doon. Ngumiti si Alex at nagsalita,"'Di ba ideya mo 'to?" Ngumuso si Lian sa asawa. "Hindi ko naman akalain na napakalayo pala ng lugar na 'to, Malay ko ba," pagmiminaldita pa niya. "O sya, sya, h'wag ka nang magsungit, nakakapangit e," biro pa ni Alex na siyang ikinabugnot ng mukha ni Lian. "Kung 'di lang kita mahal.." ani Alex. "Ha?" tanong ni Lian. "Wala, ang sabi ko 'pag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books