chapter 6

1902 Words
Muntik nang mabanga ni Monique ang waiter na may dalang mga wine glassess sa pag mamadali. Hindi niya nga alam kung paano siyang naka alis sa puder ni Samuel. Samantalang ang huling alam niya lang ay ang mariin at galit na pag titig sa kaniya ng lalaki. "I'm so sorry!" Pag hingi nya ng dispensa sa waiter na muntikan nang matapon ang mga dala dahil sa kanya. Ngumiti lang naman sakaniya ang waiter para iparating na ayos lang dito ang nangyari. Busy ang mga bisita sa party ni Liam sa pakikipag usap sa kapwa bisita, ang iba ay nag sasayawan ang iba naman ay kumakain ngunit wala nang pake alam si Monique. Ang gusto niya lang ay maka alis na sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung paanong ang tulad ni Samuel ay nandito sa isang malaking company event sa New York. Tiyak naman niyang hindi ito waiter o taga pag silbi sa mga bisita dahil sa trendy patterned tuxedo na suot nito. Maliban na lamang kung isa ito sa mga bigating bisita na naimbitahan sa event na ito, pero imposible. Hindi alam ni Monique kung paanong naging imposible na imbetado si Samuel ditto, basta imposible talaga. Namimilipit sa pag mamadali si Monique habang patingin tingin sa paligid at pilit hinahanap ng mata si Liam. Balak na niyang umuwi, itatawag o kaya naman ay mag ti-text nlang siya ng kung anong dahilan kay Liam. Lalakad na sana si Monique palabas ng event hall na iyon, halos mapasigaw pa siya sa gulat nang muli nanamang may mabungo sa kaka madali. "Hey, La reine, what happened? what's wrong?" Si Liam. Napalingon si Monique sa binata na nanlalaki pa ang mga mata. “What’s wrong? Are you okay?” Kunot noong tanong sakaniya ni Liam. "I know this is your party and I know you need to deliver a speech for all of these people, but I need you to take me out of here now!" Mabilis niyang paki usap kay Liam, lalo namang nangunot ang nuo ng binata sa pagtataka, alam ni Monique na naguguluhan ito ngunit wala siyang panahong magpaliwanag ngayon at lalo sa lugar na ito kung nasaan ang lalaking ilang taon niya nang sinusubukang kalimutan, at ilang taon na niyang kinamumuhian. "Please Liam! I will explain to you later, and I promise I will tell you everything just please take me out of this place now!" Halos maiyak na si Monique sa pakikiusap. Nag-a-alala namang niyakap siya ni Liam. Aakayin na sana siya nito para maka labas sa lugar na iyon nang may lalaking lumapit dito para makipag usap. Muntik nang mapa padyak si Monique sa sobrang pag ka inis.Halos gusto na niyang hatakin si Liam palayo sa tumawag dito para hindi na sila matagalan at para din maka alis na sila agad. Kung kelan naman kasi siya nag mamadali ay saka naman may lalapit para makipag usap sa kasama niya. Hindi niya naman magawang mag reklamo dahil alam naman niyang talagang kailangan dito si Liam. Ang binata ang host ng party na ito at kailangan din nitong mag salita mamaya at siya itong nag mamadaling umalis kaya siya ang dapat na mag hintay. Gusto tuloy irapan at tarayan ni Monique ang kung sinong tao ang tumawag kay Liam at sabihing isa itong malaking abala. "Mr. Smith. It's nice to see you again!" Napa tingin bigla si Monique sa lalaking lumapit at nakipag kamay kay Liam. Naka suot ito ng trendy patterned tuxedo at halos magkasing tangkad lamang ang lalaki at si Liam. Matangkad sa kaniya si Liam sa height na 6 foot tall, kaya parang tangang naka tingala lang si Monique sa dalawang nag uusap. Halos man lambot ang tuhod ng dalaga nang makilalang ang lalaking lumapit sa kanila ay walang iba kung hindi ang dahilan kung bakit siya nag mamadaling umalis sa lugar na ito. "Mag ka kilala sila? paano?" Tanong sa isip ni Monique. "Mr. De Silva. It's my pleasure to finaly meet you! thank you for accepting my invitation despite of the distance, " Naka ngiting sagot ni Liam habang nakikipag kamay kay Samuel. ‘Diyos ko naman, ano po bang klaseng joke to? Ngayon pa ba after all these years na nananahinik ang buhay ko?’ Halos isigaw na ni Monique ang mga isiping tumatakbo sa isipan niya, kasi nga naman bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa sila pag tatagpuin ulit, ngayong ma ayos na ang buhay niya at ng anak? Hindi niya man kasama at na aalagan si Samantha ay alam niyang ma ayos ang buhay nilang mag ina. "And thank you for inviting me here. It's such a big opportunity that you have accepted the partnership of our companies! Should we get a drink?" Masayang bati din naman ni Samuel kay Liam. Nanapa pitlag naman si Monique nang mapunta sakanya ang mga tingin nito, hindi niya malaman kung sasalubungin niya ba ng tingin ang lalaking labis na pina halagahan at siya ring naging dahilan ng pag hihirap niya noon o iiwasan niya ang mga tingin nito. Pinili na lamang niyang gawin ang huli. "My apologies Mr. De Silva, but my date here is in a hurry. Would You mind waiting for a bit? I will just take my La reine home. By the way she's Monique Suarez CEO of 'EST. Powell's Corp'. I'm sure You have heard of the company. She is also from the Philippines. You might know each other!" Gusto na halos batukan ni Monique si Liam dahil sa mga pinag sasabi nito. Ngunit hindi naman niya iyon magawa. Hindi naman kasalanan ni Liam kung bakit aligaga siyang iwan na ang ka business partner kuno nito. Hindi naman kasi alam ni Liam ang tungkol sakanila ng lalaking ito. Binalot nanaman ng panibagong tanong ang isipan ni Monique. Paanong naging ka business partner ito ni Liam gayong kargador lamang naman ang trabaho nito noong sila pa? Na aalala pa niya ang ginawa niyang pang lalait noon sa binata ng sabihin sakaniya nito noon ang balak na ligawan siya. Kaya paanong nangyaring ka business partner na ito ni Liam na nag mamay ari ng isang big time law firm company? Isinantabi muna ni Monique ang isiping iyon. Tiyak namang malalaman niya rin ang tungkol doon kay Liam. "Uhm, N-No... hon we don't know each other!" Singit ni Monique sa usapan. Baka kasi mamaya ay mabangit pa ni Samuel ang tungkol sa kanila . At mabangit ni Liam ang tungkol sa anak niyang si Samantha. Ayaw niyang mawalan ng saysay ang ginawa niyang pag tatago at pag kumbinsi sa magulang na huwag na huwag ipa alam kay Samuel maging sa kapatid at sa nanay nito ang tungkol sa pag bubuntis niya kay Samantha noon. Isa pang ikina kunot ng noo niya ay ang pag tawag niya ng 'hon' kay Liam. 'HON??? Seryoso Monique?' Tahimik niyang pag kastigo sa sarili. Mabuti nalang at hindi na binigyang pansin pa iyon ni Liam. Knowing him, ay ginagawa nitong malaking Issue ang pagiging sweet niya rito. Hindi nga rin pinalalampas ni Liam ang mga biglaan niyang indearments dito. "Yes! Mr. Smith, we don't know each other. But Miss Suarez looked familiar!" Makahulugang sabi ni Samuel saka siya nito mariing tinitigan. ‘Tusukin ko mata mo eh.’ Lihim niyang pag babanta kay Samuel, Monique felt bad that she cannot say those words out loud. Pilit nalang ini-iwas ni Monique ang mga mata sa binata. Binata? binata pa nga ba ito? nais niya sana iyong malaman. Kaya nga lang ay para saan? Marahas na napailing si Monique upang alisin ang mga hindi ka aya-ayang katanungan sa isipan. Naging dahilan naman iyon ng nag aalalang tingin ni Liam. "What's wrong sweety? are you feeling okay? you wanna go home now? I will drive you home," May halong pag-a-alala sa boses ni Liam. Nginitian naman ito ni Monique at umiling. "You have a lot of visitors here Hon, You can't just leave all of them because of me. I am okay... I'm just a bit dizzy that's all.. I can just take a cab to go home!" Malambing na sagot niya rito. Nahalata ni Monique ang pag tataka sa mukha ni Liam bahagya pang nangunot ang nuo ng binata dahil sa biglaan niyang pagiging sweet dito, at laking pasasalamat niya nang hindi na ito nag tanong tungkol doon kundi ay napangiti nalang ito. Sana ay isipin nalang ni Liam na may sakit siya kuno bilang dahilan ng pangiging malambing niya dito. "Are you sure cherry? I won't let you take the cab. I will at least call taylor to drive you home." Nag aalala paring sabi ni Liam. Si Taylor ang body guard at driver nito. Isang retired russian military. Napatango si Monique kay Liam at saka ngumiti. Ayaw na ayaw niyang nalalapit sa security na iyon ni Liam, nakaka takot kasi ang presensya ni Taylor, masyadong malaking tao na kung titingnan ay parang kayang kayang tumbahin ang isang bus. Ayaw man ay wala na nang nagawa ang dalaga, mas gugustuhin niya pang si Taylor ang pag tiyagaang kasama kaysa kay Samuel, at isa pa sandal lang naman niyang pag titiisan si Taylor dahil ihahatid lang naman siya nito. Ngunit may isang bagay pa siyang ina-alala, kung iiwan niya rito si Liam kasama si Samuel kaya naman. "May I talk to you in private?" Pabulong niyang pakiusap dito. Nagpa alam agad ito kay Samuel sandali at tango at pag ngiti lamang naman ang sinagot nito kay Liam. Inakay siya ni Liam sa hindi masyadong mataong space ng event hall para makapag usap sila ng maayos. "What is it cherry?" Malambig na tanong sakanya ni Liam nang sila na lamang dalawa. "Please! no matter what, do not ever mention Samantha to that guy! " Nanlalaki pa ang matang pakiusap niya sa binata. Nangunot lalo ang noo ni Liam sa pakiusap ni Monique. Tiningnan siya nito ng puno ng pag tataka. "Why? I thought you don't know Mr. De Silva so why are you being like this cherry? " Malambing parin ngunit takang-takang tanong nito sakaniya. ‘Because that guy, is Samantha’s father! So you can’t tell him that Samantha exists!’ Monique wanted to say those words to Liam out of frustrations and without having reasons to tell him why he can’t mention anything about her daughter to Samuel. Pero hindi niya pwedeng basta sabihin iyon kay Liam. "I will explain to you soon. Just please, do what I asked, and I promise I will tell you everything! Never talk about samantha to that guy!" Maluluha luha niyang pakiusap. Nag tataka man ay napabuntong hininga na lang si Liam saka tumango. "Alright cherry. I won't tell. I promise!" Naka ngiting pangako ni Liam . Parang na bunutan ng tinik sa lalamunan si Monique, kaya naman unti-unti na rin siyang napangiti. "Thank you Liam." Hindi niya na napigilang yumakap dito, niyakap rin naman siya pabalik ng binata. "Taylor is here, are you ready to go?" Tinanguan niya nalang ang binata saka siya nito inalalayan palabas sa maingay at magulong lugar na iyon. Hindi ang ingay at gulo ang iniiwasan ni Monique kundi ang takot niya sa mga posibilidad na ma aaring mangyari sa muli nilang pag kikita ni Samuel. Dahil alam ni Monique hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita sila ulit lalo pa at naging ka business partner pa ito ni Liam na malapit sakaniya. Ngunit kung ano man ang mangyayari sa pagitan nila ni Samuel ay sigurado si Monique na hindi siya handa doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD