Chapter 7

1852 Words
"Alam ko yun Angel, Malaki ang New York, isang event lang naman ang pupuntahan ko and I will only stay here for a few couple of days hindi naman siguro kami mag kikita. Wag ka nang mag alala, okay? Magpahinga ka nalang at baka makasama pa baby mo ang pag pupuyat. I have to go now... bye" Pinutol na ni Samuel ang tawag mula sa kapatid. Pina alalahanan lamang siya ni Angel na narito rin sa New York si Monique at nag aalala itong biglaan silang magkita. Ayon kasi sa kapatid niya ay ilang buwan na ring hindi nag kaka usap sina Monique at ang pamilya nito dahil sa hindi pag tawag sa pilipinas ng dalaga. Kaya kahit ang asawa ng kapatid niya na naka tatandang ring kapatid ni Monique na si raymond ay wala ring balita tungkol sa dalaga kaya malamang ay hindi nasabihan si Monique ng tungkol sa pag punta niya sa New York. Sabagay naman, kahit naman siguro nabalitaan ni Monique na pupunta siya dito ay wala rin namang sigurong paki alam doon ang dalaga. Hindi naman takot si Samuel kung sakali mang mag kita sila ni Monique. Sa katunayan ay Iyon nga ang hinihiling niyang mangyari, na sana nga ay magkita sila kahit maliit lamang ang chance dahil sa laki ng lugar na ito ay papatusin niya na. Hindi naman siguro masama na sa tuwing pupunta siya sa anumang bahagi ng America ay umaasa siyang mag kita sila ni Monique. Sabagay naman, kahit na nasa Pilipinas siya ay walang araw na hindi siya nag hintay ng balita tungkol sa dalaga, mula nang araw na umalis ito ay nag hihintay siya sa pag babalik nito. Kahit pa ilang taon nang hindi nag papakita sa kanilang lahat si Monique ay umamaasa siyang baka isang araw ay mababalitaan niyang nasa Pilipinas na ulit ang dalaga. Napa iling si Samuel, asa wala naman siyang ibang magagawa kundi ang umasa at mag hintay, ni hindi niya nga alam kung may dapat pa ba siyang asahan at hintayin eh. Naimbitahan siya sa isang event ng isang malaking law firm dito sa New York. Hindi naman niya magawang tangihan ang invitation dahil ilang buwan niya ring niligawan ang kumpanya na maging partner ng kumpanyang pag mamay ari niya. Bukod doon ay alam niyang nandito ang babaeng matagal niya nang gustong gustong makita. si Monique. Isa ang dalaga sa dahilan ng pag punta niya dito. Halos pitong taon na nang umalis ang dalaga sa Pilipinas dahil sa matinding galit nito sa binata. Mag mula nang umalis ito ay nag tiya-tiyaga nalang si Samuel sa malilit na detalye at balita tungkol sa dalaga na nakukuha niya lang sa kapatid niya. Hindi naman niya makuhang hingin kahit ang contact number ng dalaga mula sa pamilya nito dahil maging ang mga magulang ni Monique pati narin ang mga kapatid lalo na ni Raymond na noon ay boyfriend na ng kapatid niyang si Angel ay hindi siya magawang kausapin. Siguro ay nalaman ng mga ito ang tungkol sa naging problema nila noon ni Monique, kaya hindi din naman niya masisi ang pamilya ng dalaga kung galit din ang mga ito sakaniya. Medyo naging ma ayos lang sila ng pamilya nito noong nagpakasal sina Angel at Raymond. Hindi man masabi ni Samuel na hindi ganoon kalapit ang ang pakikitungo sa kaniya ng mga ito na hindi katulad noon, ay nag papasalamat parin naman si Samuel na kahit papaano ay nagagawa na siyang kausapin ng mga ito. Madalas siya noon sa bahay nina Monique dahil bukod sa doon nag ta trabaho ang kaniyang nanay Pasing ay nakaka pag extra din siya ng pag ta trabaho doon bilang isang hardenero. Pumasok lamang naman siyang hardenero nina Monique dahil gusto niyang mapalapit sa dalaga na noon ay ubod ng katarayan pag dating sakanya. Ang huli nga niyang balita tungkol sa dalaga ay ang pag tatapos nito sa kursong business administration at ang pagka tangap nito sa Harvard University para sa masters degree nito. Lihim na lamang siyang nag diwang para sa dalaga kasabay niyon ang pilit niya ring pag tatapos sa kursong Law. Na kahit na nahihirapan sa kursong napili ay ginawa na lamang niyang inspirasyon si Monique para makapag tapos sa pag aaral. Pilit niyang ibinangon ang sarili para maging karapat dapat para sa dalaga lalo na ngayon na sobrang tayog na ng narating ni Monique sa banyagang bansa. Kaya nang maka graduate at manguna sa bar examination ay agad siyang nag hanap ng mapapasukan. Pinalad naman siya at naka kuha ng magandang trabaho bilang isang patent attorney sa isang malaking kumpanya sa Australia, malaki ang kinikita niya roon kumpara sa kung sa Pilipinas siya mag ta trabaho. Ilang taon siyang nag lagi roon. Nang sapat na ang naipon, sa edad na 35 ay nag tayo si Samuel ng maliit na kumpanya na sa pag lipas ng ilang taon ay lumago naman dahil sa ma ayos na pamamalakad at mapag kaka tiwalaang mga empleyado. Ngayong sa tingin niyang ma ayos na ang estado niya sa buhay at sa pag aakalang sa wakas ay may maipag mamalaki na rin siya sa minamahal ay saka naman ito mas lalong naging mailap. Nang malaman kasi ni Monique na ikakasal ang kuya Raymond nito sa kapatid niya ay naging madalang na ang pag contact nito sa pamilya na naiwan sa pilipinas. Alam ni Samuel ang labis na pag tutol noon ni Monique sa relasyon nina Raymond at Angel, kaya noong malamang buntis si Angel at kailangan nang mag pakasal sa kapatid na si Raymond ay ang dalaga na mismo ang kusang lumayo sa pamilya. Ang sabi sa kaniya ni Angel noon ay sinubukan naman daw kausapin at paliwanagan si Monique ng magulang at mga kapatid ngunit hindi daw ito ma contact. Nag palit din daw ito ng address noong huling pag dalaw ng mga kapatid nitong sina Alessandra at Justin para sana makasamang mag celebrate ng pasko ang dalaga, wala na raw ito sa dating tinutuyan kaya naman bumalik ng pilipinas ang mga kapatid nito na bigong makita si Monique. Kahit nga daw hangang ngayon ay hindi parin alam ng pamilya ni Monique ang address nito ang alam lamang ng pamilya nito ay narito ang dalaga sa New York. Malalim ang naging pag buntong hininga ni Samuel. Kung nasaan man ang dalaga ay ipinag darasal niya na sana nga, ay makita niya ito dito. . . . Tinatamad pang bumangon si Samuel mula sa pag kakahiga sa kama ng hotel na tinutuluyan niya. Ma aga pa lang naman para sa event na dadaluhan niya kaya lang ay naka ramdam na siya ng gutom. Pu pwede naman sana siyang mag patawag nalang ng home service o kaya ay magpa deliver ng makakain kaya lang ay sayang naman ang ilang araw niyang pag stay dito kung mag kukulong lang siya sa hotel. Uungot ungot na nag lakad si samuel papasok ng banyo para mag shower. Halos nag uumpisa palang siya sa paliligo ng marinig niyang may tumatawag sa cellphone niya. Hula niya ay ang kapatid nanaman niya ang tumatawag. Napa iling nalang si samuel sa kulit ng kapatid. Maselan ang pag bubuntis ni Angel kaya dapat dobleng ingat ito. Lalo na ngayong ilang araw nalang ay manganganak na ito. At heto ngayon ang kapatid niya at walang tigil sa pag aalala at pag papa alala na nandito din si Monique. Wala siyang pinag sasabihan tungkol sa nararamdaman niya sa dalaga, kahit sa kapatid at sa nanay niya ay hindi niya nagawang sabihin maging ang dahilan ng gulo nila noon ni Monique, kahit pa nga ilang beses siyang sinubukang kausapin at tanungin ng ina tungkol doon. Ang alam lang ni Angel ay nag karoon sila ng relasyon ni Monique noon ngunit hindi nito alam ang dahilan ng hiwalayan nila ng dalaga. Hindi na pinansin ni Samuel ang tawag at tinuloy na lang ang pag ligo. 'Tatawagan ko nalang ang makulit na iyon mamaya!' Bulong niya sa sarili. Pasado alas 8 nang matapos maka pag handa si Samuel. Ready na siyang umalis nang muling tumunog ang cellphone. 'Hay! Ang kulit talaga!' Naiiling na bulong niya saka kinuha ang telepono mula sa ibabaw ng lamesa. Napakunot pa ang noo niya nang makitang hindi si Angel ang tumatawag kundi si Caitlyn. Girlfriend niya , wala sanang balak si Samuel na sagutin ang tawag dahil tiyak na mangungulit lang ito sa kanya ng tungkol sa kung ano ano, hinayaan niya nalang na mamatay ng kusa ang tawag, napangiti siya at i su suot na sana sa bulsa ang cellphone nang muli itong tumunog. Napa irap nalang si Samuel sa hangin saka napilitang sagutin ang tawag. "Hi sweety pie. Tagal mo namang sagutin. Busy ka ba?" Ma arteng boses ng girlfriend mula sa kabilang linya. "Medyo busy, palabas palang sana ako ng hotel ko to have breakfast!" Walang ganang sagot niya. "Ganun ba? Are you sure you're alone? Baka naman may ibang babae kang kasama diyan ah?" "Ano ka ba. Business ang ipinunta ko dito hindi yun. Kung wala ka nang sasabihin ibaba ko na to." Inis na sagot ni Samuel sa babae. Palagi nalang kasing ganon ang girlfriend niya, madalas na gumawa ng paraan ng pag aawayan nila. Selosa kasi masyado na kahit mga ka trabaho niya ay pag si-selosan nito. Madalas din ay parang bata kung mag isip ang girlfriend niya na sobrang kinaiinisan ni Samuel at wala naman siyang magawa kundi ang pag tiisan ang babae. "Wait! Eto naman hindi na mabiro wag ka nang magalit… hmm… sorry na." Ma arte pa ring pag hingi ng sorry nito. "It's okay. Sorry din. I really have to go now... May lalakarin pa kasi ako pagkatapos ko mag breakfast. I will hang up now. Bye!" Pag hingi din niya ng sorry sa girlfriend. "Okay bye sweety pie. I miss you and I love you, call me later nalang ha?" Hindi na sinagot ni samuel ang sinabing iyon ni Caitlyn at ibinaba na ang telepono. Hindi gaanong iniintindi ni Samuel ang girlfriend, masyado kasi itong ma arte at clingy selosa rin at halos wala namang ka kwenta kwentang bagay ang pinag awayan nila madalas. Hindi lamang maiwan iwan ni Samuel si Caitlyn dahil sa tatay nito. Tinuloy na ni Samuel ang balak na mag almusal. Nang maka labas ng hotel ay pumara siya ng taxi at nag pa hatid Brooklyn Diner Manhattan. Iyon ang lugar na madalas niyang puntahan sa tuwing pumupunta siya dito . Ang lugar na iyon na yata ang nag si-serve ng pinaka masarap na burger sa balat ng NYC. "Thank you sir!" Pasasalamat ng driver nang bigyan ito ni Samuel ng may kalakihang tip. Nginitian nya ito saka bumaba. Tumuloy na siya agad sa restaurant na gusto niyang kainan, napa ngiti pa siya nang makitang wala masyadong tao sa lugar, nag order muna siya bago nag hanap ng ma uupuan. Ma aga pa naman at balak muna niyang mamasyal sa New York bago bumalik sa hotel at mag handa para sa party mamaya. Wala siyang gaanong alam sa New York kaya wala din siyang ideya kung saan pupunta pero bahala na siguro kung saan siya dalhin ng mga paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD