Late nang naka labas si Monique mula sa opisina, ang balak niya sana ay tapusin nalang muna ang presentation niya sa board at uuwi na siya. Isasantabi na lang muna sana niya ang ibang kailangan niya pang gawin sa trabaho para sana ma aga siyang makapag handa para sa party ni Liam mamayang alas siyete ng gabi.
Kaya lang bukod sa pa emergency meeting ay nagka problema pa sa isang department kayat kinailangan pa ang tulong niya.
Heto siya tuloy ngayon at nagagahol sa oras. Hindi na niya nagawang pumili ng magandang formal dress na maisusuot sa pag mamadali nang mag punta siya sa mall para mag shopping.
Basta na lamang niyang dinampot ang isang red na long gown na sa palagay naman niya ay kakasya at babagay sakaniya, hindi na nga rin niya nakuhang bumili ng bagong sapatos at accesories para sa party, hindi naman na siya nag abala, panigurado namang may gamit na siyang sapatos na babagay sa dress niya.
Nang mabili ang kailangan ay nag mamadali na siyang nag lakad pa punta sa parking lot kung saan niya pinarada ang kaniyang kulay pulang Porsche. Nag mamadali niyang in-start iyon saka mabilis na pina takbo.
Kaunting minuto na lang at mag a-alas siyete na, abala pa rin si monique sa pag lalagay ng make-up sa kanyang mukha, hindi pa nga niya na isusuot ang dress na na bili. Kinuha niya iyon sa pagkakasabit saka hinubad ang bath robe, ingat na ingat ngunit may pag mamadali parin niyang isinuot ang gown. Kung hindi kasi siya mag iingat ay baka masira ang make up niya at matagalan siya lalo sa pag ayos niyon slowly but surely ika nga.
Sigurado si Monique na parating na rin si Liam para sunduin siya. Sa isiping iyon ay binilisan pang lalo ni Monique ang pag kilos. Halos matumba tumba pa siya sa pag mamadali. Ilang sandali pa nang marinig niyang tumunog ang doorbell. Dali-dali na niyang isinuot ang kaniyang silver na 7 inches high heels from prada, na hindi niya alam kung ilang buwan nang naka stock sa cabinet niya .
Tiningnan niya sandali ang sarili sa salamin. Satisfied naman siya sa madalian niyang pag aayos kaya't kinuna na niya ang kanyang itim na charles and keith chain sling bag saka mabilisang inilagay ang wallet, cellphone at ang kaniyang retouch kit doon.
Pag bukas ng pinto ay naroon na nga si Liam, ngiting ngiti pa ito sa kanya at bahagya pang naka nganga.
"I know big guy! I'm pretty, lets go?"
Naka ngising sabi ni Monique sa lalaki.
"No you are not pretty. Damn woman you are hot!"
Parang wala sa sariling sabi ng binata habang busy sa pag siyasat sa itsura niya.
Naka ngiwi naman si Monique dito. Nag mumukha kasing manyakis si Liam sa ginagawa nito.
"Guess I should stop calling you pretty girl for now... La Reine Monique"
Seryosong sabi ulit ng binata. Bahagya pang napangiti si Monique sa pag tawag sakanya nito ng 'La Reine Monique' o queen Monique sa madaling salita.
"I'm sorry but I might not be able to take you straight to the party. I think i just wanna take you somewhere else where I could only be the one to see you so effin' hot like this."
Biro pa ni Liam na ikina-ismid naman ni Monique.
Hindi naman niya masisi ang binata. Nakasuot siya ngayon ng holly red crystallized corset high slit satin gown na nabili pa niya sa 'Miss Circle New York' kanina.
Mamahaling pulang satin gown na may mataas na slit sa madaling sabi, pinaganda lang talaga ang pangalan para mas lalo itong maging tunog mamahalin at mayaman.
Kayang gawing may class ang sinumang mag susuot ng ganitong damit, may pera man o wala ay magiging mayaman sa mata ng tao dahil sa stylish at very detailed na design ng damit na ito, simple at elegante.
Hindi rin naman sa pag mamayabang ngunit aminado si Monique na maganda siya. Kung hindi nga lang business keneme ang kinareer niya ay papasa na siyang international model. Sa height na 5'6 , at magandang hubog ng katawan ay hindi halatang may anim na taong gulang na siyang anak. Makinis na balat na para bang dumi na ang nahihiyang kumapit doon.
Noong nag-aaral pa lamang siya dito sa New York hangang sa pag kuha niya ng masters degree ay ilang talent managers na mula sa kilalang modeling agencies ang lumapit sa kaniya para kuning model ng mga kumpanya nila. Tinatangihan iyon ni Monique dahil hindi naman niya iyon hilig. Mas gusto niya pang na i-stress sa mga paper works at least sa ganun ay gumagana ang mga brain cells niya.
Gusto ni Monique ang mga trabahong hindi kailangang bugbugin at pagurin ng husto ang katawan para umasenso. Mas trip pa niyang utak ang gumagana at napapagod habang naka upo, ayaw na ayaw din kasi niya ang pinag papawisan habang nasa trabaho.
Hindi naman kasi nawawala sa weekly schedule niya ang pag wo-work out to maintain her good figure and good health.
"Hmm... well be careful now Mr. big guy, because who knows what terrible things might happen to you if that continues."
Naka ngiti ngunit seryo niyang biro kay Liam.
Tinawanan naman siya nito. Malamang ay dahil sa pag gamit niya ng southern american accent o dahil sa pabiro niyang banta dito.
Liam is a sweet guy, pero may ka manyakan din itong taglay. Well boys will be boys nga diba?
At hindi exception si Liam doon.
"Haha! but no joke La reine. You look Gorgeous."
Seryoso ulit nitong sabi saka inabot ang kamay ng dalaga upang alalayang maka sakay sa kotse nito.
Agad namang sumakay sa drivers seat si Liam. Nang masigurong ma ayos na ang pwesto niya ay saka nito pina-andar ang sasakyan.
"You really sure you don't wanna go somewhere else?"
Pangungulit ulit ni Liam kay Monique.
"If you can be a good guy the whole night, let's see."
Gatong naman ng dalaga sa biro ng binata. Natigilan naman ito at nan lalaki pa ang matang napatingin sa kanya.
‘If guys could play, we can too.’
Pilyang sabi ni Monique sa isipan. Bihira lang siyang makipag biruan kay Liam kaya mabilis manila ang binata.
"Wow! seriously woman! you know how to drive me crazy!"
Napa hagalpak nalang ng tawa si Monique dahil sa reaction ng binata.
Matagal na silang mag kakilala ni Liam, nagka kilala sila sa isang company event kung saan siya ang napiling mag represent ng kumpanyang pinag tatrabahohan niya, bagong pasok pa lamang noon si Monique kaya't itinuring niyang big shot ang opportunity na iyon.
Nagka-kwentohan lamang sila noon ni Liam tungkol sa mga maliliit na bagay tungkol sa kanikanilang kumpanya. Napag alaman ni Monique na hindi lang ito basta representative kagaya niya kundi ito mismo ang nagmamay-ari ng sarili nitong kumpanya, na nuon ay nag uumpisa nang makilala sa industriya.
Matapos ang gabing iyon ay halos palagian na silang nagkikita ng hindi sinasadya, naroong minsan ay mag kikita sila sa isang coffee shop minsan naman ay sa bar, hangang sa without saying anything or planning anything ay palagi na silang nag kikita sa parehong lugar at parehong oras, sa bar hugo ang n naging madalas na tambayan nila. Isa iyong sikat at mamahaling bar dito sa New york. Nag pupunta silang dalawa doon para mag lasing at mag chill kapag parehong pagod sa trabaho o kaya naman ay kapag day off niya.
Naging ma ayos naman ang pagiging mag kaibigan nila, ito pa nga ang unang naka alam tungkol kay Samantha na iniwan niya sa isang boarding school.
Nariyang minsan ay ipag da-drive pa siya nito upang bisitahin ang anak.
Sa tuwina nga nga ay mas marami pa itong dalang pasalubong at regalo sa bata kaysa sakanya. Kaya't hindi na siya nag taka nang maging ang anak ay close na din dito.
Minsan ay si Liam pa mismo ang mag aayang bisitahin si Samantha o kaya naman ay malalaman niya na lang na nag punta ito doon dahil itatawag bigla saniya ng mga madre na namamahala sa eskwelahan.
Ang isasagot lang naman ni Liam sa kaniya ay hindi na siya sinusubukang ayain at sabihan dahil ayaw niya rin lang daw sumama. Na totoo naman, Monique barely give her daughter attention, kaya tuloy malayo ang loob sakaniya ng anak, mas nagiging mukhang magulang pa nga si Liam kaysa sa kaniya samantalang kailan lang naman nagka kilala ang dalawa.
Hangang sa unti-unti nang nag pakita ng motibo sakanya ang binata, nag umpisa na rin itong manligaw sakaniya na madalas naman niyang i-itsapwera. Monique just doesn’t like Liam in any intimate way.
Masugid si Liam sa panliligaw sakaniya, maging ang iilang kaibagan at ka trabaho ni Monique ay itinutulak na siya dito. Kesyo sagutin na daw niya at huwag nang pakawalan pa.
Ngunit hindi lubusang maibigay ni monique ang pag tingin para sa binata. Talagang kahit na pilitin niya ang sarili na magustohan ito ay hangang pag kakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay dito. Na hindi naman lingid sa ka alaman ni Liam dahil nilinaw naman na niya ang tungkol doon sa binata. Ito lang talaga ang makulit at ayaw siyang tigilan.
Kahit ilang taon na siyang nililigawan ni Liam, kapag napag uusapan nila ang tungkol sa panliligaw nito ay iyon parin naman ang madalas niyang sabihin dito, na hindi niya nakayang ibigay ang higit pa sa pagkakaibigan.
‘Just let me Monique, let me love you. I am not asking you to feel the same for me, at least I showed you how I feel.’
Iyon ang madalas isagot sakaniya ni Liam, kaya kahit ilang beses niya itong patigilin ay wala paring mangyayari. Hinahayan niya nalang ang lalaki sa gusto nito, Monique would just tell Liam to stop courting her just so she will feel less guilty about how he treats him. Hindi naman masama ang trato niya sa binata, may kasungitan lang siya madalas dito pero she knows naman that Liam was used to her being like that.
Monique somehow felt special everytime Liam show her how he feels towards her, The guy never fail to let her know that she is special for him, or remind her how beautiful she looks, or how smart she is. Even make her feel that she is a good mother to Samantha kahit pa nga she herself felt that she failed big time being a parent to her child. So Monique still appreciates Liam a lot, hindi niya man maipakita sa lalaki ay sa palagay niya naman ay ramdam iyon ng binata.
.
.
.
Marami na ang tao nang dumating sila sa kumpanya ni Liam, halos karamihan na nadito ay mga bigating business tycoon na galing pa sa iba't ibang bansa. Pag pasok pa lang ay marami na agad ang lumapit at bumati kay Liam.
Mukhang busy na ito kaya iniwan niya na muna para naman ma asikaso nito ang iba pang bisita.
Sa bar si Monique dinala ng mga paa, Nilapitan naman agad siya ng bartender para kunin ang inuming gusto niya.
Ayaw namang malasing ni Monique kaya pink lady cocktail nalang ang inorder nya.
Ilang minuto na rin siyang naka upo sa bar habang patingin tingin lang sakanya si Liam na may apologetic look. Kinawayan niya naman ito at sumenyas na okay lang siya.
Mayamaya pa ay may lalaking naka sagi sa braso niya, handa na sana niya itong tarayan at awayin nang magulat siya pagka kita sa mukha ng lalaki.
Mariin itong naka titig sa kaniya kaya't halos lumabas na sa kaniyang dibdib ang puso niya sa sobrang kaba.
"S- Samuel?!!!"
Gulat na bulalas ni Monique. Hindi parin nagbabago ang tingin nito sakanya. Mariin at parang nagbabaga sa galit ang mga mata . May isa pa siyang napansin sa mga mata nito... Pain?!
Monique will understand if she sees a hint of pain reflects his eyes but anger?
Anong karapatan ng lalaking ito na magalit sakaniya gayong ito ang may kasalanan sakaniya?
And why does she feel so scared seeing him now?
''Anong ginagawa niya dito? bakit siya nandito? hindi ako pwedeng magkamali, siya si Samuel."
Nag pa-panic at kinakabahang kausap ni Monoque sa sarili.