Chapter 4

1683 Words
Mabilis lumipas ang mga araw. Tuesday na agad. Busy si Monique sa pagaayos ng report na i-pi-present niya mayamaya lamang sa mga board members ng kumpanya nang tumunog ang cellphone niya galing ulit iyon sa hindi rehistradong numero na galing sa pilipinas. Nangunot ang noo niya saka saglit na nag isip kung sino nga ba ang taong may ari niyon. Ilang araw na rin siyang sinusubukang tawagan ng kung sino man ang may ari ng phone number kaya't wala nang nagawa si Monique kundi sagutin ang tawag, baka nga importante ang sasabihin ng taong iyon kaya ayaw siyang tigilan. Hindi pa man siya nakaka bati ng hello upang malaman kung sino ang nasa kabilang linya ay alam na niyang ang ate Alessandra niya ito. Pangatlo sa kanilang magkakapatid, sinundan naman ito ng kuya justin niya . Bigla niya pang na ilayo sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng kapatid na alam niyang may kung sinong kausap at dahil narin sa ingay sa paligid. Palagay ni Monique ay naka kuha nanaman ang kaniyang ate ng taong nag tiya-tiyagang kausapin ito. Masyado kasing madaldal ang isang iyon at hindi na uubusan ng sasabihin kaya madalas ay wala itong nakaka usap. Napangiti si Monique nang ma alala ang kakukilitan ng kapatid, noong mga bata pa lamang silang magkakapatid ay ang ate Alessandra niya ang madalas na kagalitan ng mga magulang at ilang mga ka anak dahil bukod sa kadaldalan ay labis din ang ka kulitan nito. Mas nag mumukha ngang ang ate Alessandra niya ang nagiging bunso sa kanilang lima sa halip na siya. "Hello, ate? napatawag ka?" Tawag niya sa atensyon ng kapatid sa kabilang linya. Mukha kasing wala pa itong balak tigilan ang kausap dahil tuloy tuloy parin ito sa pag sasalita. Nakaramdam naman ng kaunting inis si Monique. Ilang araw na kasi siya nitong sinusubukang tawagan, ngayong sinagot niya na ang tawag ay iba naman pala ang gustong kausap. "Hello lil' sissy, it's me your pretty ate Alessandra. Kamusta ka na? Ilang buwan ka ring hindi nag paramdam ah? I kinda miss you. . . yung pamangkin ko, kamusta na, dinadalaw mo naman ba?" Napa irap si Monique sa hangin dahil sa arte ng pag sasalita ng kapatid. Well ganun naman talaga ito, hindi na ata talaga mag babago ang kaartehan ng kanyang naka tatandang kapatid. “Hi, who are you talking to? Daldal mo nanaman ah?” Biro niya sa kapatid nang sa wakas ay napansin nang may tao sa kabilang linya. “Uy hindi naman. I was talking to Justin.” “Justin? Kuya is there with you? I thought he was on Paris?” “Well he is here now, so ano? Kamusta ka?” Nasa Pilipinas pala ngayon ang Kuya Justine niya, sa Paris kasi iyon nag ta-trabaho. Ganon na nga talaga siya katagal na hindi kumo-contact sa pamilya at maging iyon ay hindi niya alam. "Okay naman ako ate, pasensya na. Sobrang busy kasi ako lately kaya hindi ko makuhang tumawag. Kayo diyan? kamusta?" Sinadyang iwasan ni Monique na sagutin ang tanong ng ate tungkol kay Samantha, hindi rin naman kasi niya alam ang isasagot dito. Dahil maging siya ay hindi rin alam kung kamusta na nga ba ang sarili niyang anak. Ilang lingo na ba nang huli niya itong pinuntahan? lingo ba o mahigit isang buwan na yata. "Ay eto okay naman ako nandito ako sa bahay nina mommy ngayon medyo masama kasi ang pakiramdam ni Dad eh tyaka kakarating lang din ni Justin kagabi... si ate Dianne, ayun 3 months pregnant nanaman. Balak atang bumuo ng isang batalyong anak yun eh haha. Si kuya Raymond naman busy sa asawa. Ilang araw nalang kasi due date na ni Angel sa first baby nila ni kuya." Nakalimutan ni Monique, buntis nga pala ang asawa ng kuya niya. Talagang si Angel na ang inasawa ng kuya Raymond niya. Sa lahat naman ng babae yung Angel pa talaga na yun ang natipuhan niya. Hindi parin malimutan ni Monique ang pang i-itsapwera sakaniya ni Angel noong humingi siya ng tulong dito para ayusin ang noon ay nasisira nang relasyon nila ng kapatid nito. Alam niyang galit sa kaniya si Angel dahil binu-bully niya ito sa eskwelahan noong hindi pa sila ni Samuel, pero kahit na paulit ulit na siyang humingi ng tawad dito para lang tulungan siya nito sa kapatid ay hindi man lang siya pinansin ni Angel, sa halip ay tinawanan lang siya nito. Nakaramdam nanaman ng tampo si Monique sa kanyang pamilya. Mukha nga talagang naka limutan na ng pamilya niya ang nangyari sa kanila nila Angel at ng kapatid nito, si Samuel... "Ah ganun ba? mabuti naman kung ganon. Say hi to kuya Justine for me. Eh si dad? di naman ba malala ang nararamdaman?" Tanong ni Monique tungkol sa ama. Na mi-miss na niya ang daddy niya hindi man ito madalas mag pilit na pauwiin siya ay alam niyang iyon din ang guto nitong mangyari, alam niyang mas pinipili nalang nitong huwag magsalita dahil ang daddy niya naman ang nanguna sa desisyong pa alisin siya ng Pilipinas. 'Si Monique ba 'yan nak?' Rinig niyang boses mula sa kabilang linya. 'Si mommy!' Pabulong na tawag ni Monique. 'Paka-usap nga ako!' Narining niya pa ang mabilisang pag agaw ng mommy niya sa telepono mula sa kapatid. Nakaramdam naman ng kaunting kaba si Monique, hindi sa ayaw niyang kausap ang mommy niya, madalas kasi ay wala siyang ma i sagot dito. Bukod kasi sa pag tatanong nito tungkol sa apo nito sakanya ay ipipilit din nitong pauwiin na sila ni Samantha sa Pilipinas. Isa pang iniiwasan ni Monique ay ang pag tatanong ng Mommy niya tungkol sa issue nila ng asawa ng kuya Raymond niya at ng kapatid nito. "Hello, Monique anak, kamusta ka na diyan, ilang buwan kang hindi tumatawag ah? mabuti naman ngayon at napatawag ka na. Ilang buwan na rin kaming nag hihintay ng balita tungkol sayo at sa bata. " Napakagat labi nalang si Monique, may halong pag tatampo ang boses ng kanyang ina. "O-okay naman po ako dito ma. Pasensya na po kayo at hindi ako maka tawag ng madalas, busy po kasi ako sa trabaho eh. Kayo po, kamusta naman po kayo? si Dad?" "Ma ayos lang naman ako, kaya lang ang daddy mo may sakit. Napapadalas na ang pagiging sakitin. Subsob kasi sa trabaho hindi makuhang mag pahinga sa dami ng dapat asikasuhin. Hinahanap ka nga ng daddy mo eh. Gusto mo bang kausapin?" Tanong ng mommy sa kabilang linya. Monique felt relieved nang hindi na nito ulit bangitin sa Samantha. "S-s- sige po ma. Kausapin ko po," Kinakabahang sagot ni Monique sa ina. Mayamaya lamang ay nasa kabilang linya na and daddy niya. "Monique anak?" Nangilid ang luha ni Monique pagka rinig sa boses ng kanyang daddy. Mukha kasi itong hinanghina at garalgal ang boses . "Uwi ka naman dito kahit sandaling araw lang. Na mi-miss ka na namin dito eh, ilang taon mo na rin kaming tinitiis dito. Kahit sana ilang lingo lang ay dumito ka muna sa atin? " Paki usap sa kanya ng daddy, hindi napigilan ni Monique ang mapahikbi. Anim, mag pi-pitong taon na rin nga naman niyang tinitiis ang mga magulang at mga kapatid. Nag kikita kita lamang sila kapag ang mga ito ang pumupunta sa kaniya sa New York. At ilang taon na ba ang huli? Halos pitong taon na rin niyang isinasantabi ang pakiusap ng mga itong umuwi siya ng Pilipinas. "Si-sige po Dad. Susubukan ko pong umuwi diyan," Wala sa sariling sagot ni Monique. "Talaga ba, 'nak? uuwi ka na? pangako mo yan ah, hihintayin ka namin dito." Halata sa boses ng Ama ang sobrang tuwa sa sinabi niya . Napangiti na lamang si Monique at napatango kahit pa alam niyang hindi naman siya makikita ng kausap sa kabilang linya. "Yes Dad. I promise I will go home. Sorry dad ah? may trabaho po kasi ako... tatawag nalang po ulit ako kapag hindi na po ako masyadong busy. Magpahinga na rin po kayo, mag hahating gabi na diyan," Pag papa alam niya na sa ama na nasa kabilang linya. "Sige Monique. Mag iingat ka diyan ha? ikamusta mo nalang kami ng mommy mo kay Samantha." Pinutol na ni Monique ang tawag. Napabuntong hininga pa siya saka nag isip, uuwi na nga ba siya ng pilipinas? Baka naman kasi na bibigla lang nanaman siya at hindi pa naman pala talaga siya handing Makita ang lahat ng iniwan niya doon. Mayamaya lang ay muling tumunog ang cellphone niya. Sinulyapan niya iyon saglit saka dinampot ang cellphone nang makitang si Liam ang tumatawag. "Hello there pretty girl! I just want to remind you about our date tonight, are you ready?" Napapikit si Monique. Naka limutan niyang ngayon pala ang araw ng anniversary ng kumpanya ni Liam at ang date 'kuno' nila ng binata. "Hey back! Yeah... pick me up at my house at 7pm, I should be ready by then. Thank you Liam." Hindi parin nakaka kuha ng maisusuot si Monique sa so called date nila ni Liam, pasado alas nueve palang naman, may oras pa siya para mag shopping at mag handa. Tatapusin nalang niya ang meeting niya with the board and she's off to go. "Thank you for what?" Takang tanong ni Liam mula sa kabilang linya. 'Thank you for reminding me about this day's event. Muntikan na akong mapahiya sayo eh.' Pa bulong niyang sagot na hindi naman narinig ng kausap. "Nothing. Just thank you! I am at the office now, so I have to hang up. See you later!" Saka niya pinatay ang tawag at muling bumalik sa ginagawang report. Hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay humahangos na lumapit sakaniya ang secretary habang hawak ang telepono. “What’s wrong?” Kunot noong tanong niya ditto, humugot muna ng malalim na hininga ang secretarya bago siya nito sinagot. “Sorry ma’am, emergency meeting with the board now.” Napa irap si Monique bago tumayo at tumungo sa conference room. Kung kelan nag mamadali siya saka naman nag pa tawag ng emergency meeting. “This is my lucky day!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD