Chapter 8

1778 Words
Nagising si Samuel sa naka bibinging tunog ng alarm clock na naka patong sa mesang nasa tabi ng kama niya inis niya itong inabot para patigiling sa pag tunog. Alas cinco y media palang, alas siyete pa ang company event na kailangan niyang puntahan. Mamasyal sana siya kanina ngunit ilang stores at ilang stablishments palang ang napupuntahan niya ay nag sawa na agad siyang mag libot, kumain lang siya ng lunch at nag pasya nang bumalik sa kaniyang hotel. Nagkaroon pa siya ng oras para mag relax at matulog bago ang event at ngayon ay ini istorbo siya ng naka ririnding alarm clock. Tinatamad siyang bumangon at nag tungo sa banyo upang muling maligo. Nang matapos ay nag hanap siya ng pwede niyang isuot para sa event kinuha niya ang isang puting tuxedo at itinapat iyon sa dibdib para tingnan sa salamin kung babagay sa sakanya. Napa ismid si Samuel dahil mag mu mukha siyang pastor kung iyon ang isusuot niya. pastor! Napatawa nalang siya sa isiping paano nga kaya kung pastor ang naging propisyon niya at hindi abogado at business man? Naging sakristan naman na siya noong mga panahong pag lalaro palang ang nasa isip niya. Kaya lang ay hindi rin iyon nag tagal dail pinalayas siya agad ni father dahil sa labis niyang ka kulitan. Sigurado din si Samuel na hindi babagay sakaniya ang pagiging pastor kung nag kataon. Bakit ba naman kasi isinama niya pa ang puting tux na iyon sa bagahe niya, hindi naman kasi siya nagkaroon ng pagkakataong ayusin ang gamit na dadalhin kahit maaga naman niyang natangap ang imbitasyon para sa event na ito, masyado kasi siyang subsob sa trabaho at busy sa kaniyang negosyo at wala na siya halos oras para sa sarili. Nag impake siya ilang oras bago ang flight niya pa punta dito kaya basta niya nalang isinilid sa maleta ang mga damit at gamit na kailangan niya. Ibinalik nya sa cabinet ang hindi nagustohang damit at pinili na lamang isuot ang kanyang kulay itim na trendy patterened tuxedo na ma ayos naman at hindi na gusot mula sa pag kaka sabit. Kinuha niya muna ang partner nitong black na slacks at isinuot ang itim din na sapatos na nangigintab pa sa pagka bago. Nang matapos maisuot maging ang puting long sleeves ay saka naman niya isinuot ang tux. Sunod niyang inayos ang kulay dark grey niyang neck tie na kahit halos araw araw na yata niyang suot ay hindi parin niya ma perpekto. Muling sinipat ni Samuel ang sarili sa salamin. Nang sa palagay ay kontento naman sa naging itsura ay nag spray siya ng kaunting pabango. Napangiti ulit si Samuel. paborito niya ang pabangong ito . Lacoste Eau de Blanc. Hindi na niya kinailangan pang ayusin ang buhok caesar cut kasi ang gupit niya. Bago umalis ay kinuha ni samuel mula sa pag kaka patong ang cellphone na kanina pa naka off. Walang patid kasi ang pag tawag sakanya ng girlfriend na si caitlyn. Habang nag lalakad ay isinu suot niya ang kanyang rolex watch. Hindi niya napansin ang babaeng abala din at hirap na hirap sa pag hahalungkat sa bag nito. Malakas pang napa singhap ang babae at muntikan pang matumba nang mag ka bangaan sila. Nagkalat din sa sahig ang mga dala nito kaya napilitan din si Samuel na tulungan ang babae sa pag dampot ng mga iyon. "Oh I'm so Sorry Sir, I wasn't looking!" Mabilis na pag hingi nito ng dispensa kay samuel. Maganda ang babae, blonde ang mahaba nitong buhok na umabot sa bewang ang haba sexy din ito at may katangkaran. Tingin ni Samuel ay galing sa labas ang babae may mga dala din itong paper bags kaya mukhang galing ito sa isang grocery store. "No it's okay, it was partly my fault too. I wasn't looking either, I'm sorry!" Nginitian niya ang babae may kasama pang pag kindat. Halos mawalan naman ng ito ng malay sa sobrang pa ka kilig kay Samuel. Hindi na nag salita ang babae kaya naman ay itinuloy na lang ni Samuel ang pag pulot sa nag kalat na mga dala nito na halos lahat ay puro pagkain. Nang matapos pulutin at iayos sa isang paper bag ay tumayo siya mla sa pag kaka yuko bago iyon inabot sa babae. "Since you are handsome. I forgive you, my name is Charlotte by the way. " Malanding inabot ng babae ang kamay kay Samuel para makipag shake hand. Tinangap naman ito ng binata ngunit sa halip na makipag shake hand ay hinalikan niya likod ng palad nito. "My name is Samuel, but you can call me Sam. Since you are Beautiful." Bola niya babaeng halata naman ang pagka gusto sakanya. Napangit pa ito ng malapad sa naging pag halik ni Samuel sa kamay nito. "I am in a hurry Sam. But..." Pilit ulit hinalungkat ng babae ang bag nito, hirap na hirap sa ginagawa dahil sa mga dala. Tatlong malalaking paper bags ang dala ng babae at pilit iyong niyayakap para hindi mahulog at muling magkalat na katulad kanina. Napangiti pa ito nang makuha ang hinahalugkat sa bag. "Here!" Inabot nito kay Samuel ang isang calling card. "Call me anytime. I will be staying at this hotel for awhile. Ta!" At nag mamadali nang umalis ang babae. Isinilid naman ni Samuel sa wallet ang ibinigay nitong calling card at saka tumuloy sa elevator. .... Mag a alas siyete palang nang dumating si Samuel sa event hall. Medyo marami nang tao ngunit pinili niyang wag munang pumasok at na upo nalang muna sa lounge. Kita niya ang mga taong labas pasok sa loob ng event hall. May ilang minuto na rin siyang naka upo nang ma agaw ang pansin niya ng isang babaeng naka pula. Maganda at sexy iyon kaya't halos lahat ng madaanan ay napapatingin dito. May awra itong tila nag sasabing, 'Stop what you're doing! I am walking! Watch me!' Kasunod ng babae ang isang lalaking americano. Tingin ni Samuel ay mahalagang tao ito dahil hindi pa man tuluyang nakaka pasok sa building ay marami nang bigating tao ang bumabati dito. Hindi naman niya ma mukhaan dahil sa medyo may kalayuan ang pwesto niya mula sa mga ito. Hindi lamang talaga niya ma alis ang tingin sa babaeng naka pula. Ganoon ba kalakas ang dating ng babaeng yun at ganun na lamang kaininin si Samuel ng kuryosidad? Ilang sandali pa ay palapit na ang babae sa reception area ng event center kung saan siya malapit kaya naman medyo na aaninag niya na ang mukha ng babaeng naka pula. Sa paraan palang ng paglalakad ng babae ay mukha na itong sopistikada. Ewan ba ni Samuel kung bakit mukhang pamilyar sakanya ang mukha ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Samuel at halos hindi na siya maka hinga sa sobrang kaba nang tuluyang makalapit ang babae at malinaw niyang makita ang mukha nito. "Monique?!" Tama nga kaya siya? si Monique nga kaya ang babaeng iyon? Muntikan na siyang mapatalon sa pinag halong tuwa at kaba. Kung si Monique nga ang babaeng ito ay labis siyang nag papasalamat dahil sa hinaba haba ng panahong umaasa at paghihintay niya ay dininig parin naman ang matagal niya nang ipinag darasal. Kailangan niyang lapitan ang babae upang masiguro ang hinala niya. Nang maka pasok ang babaeng naka pula kasama ang americanong hindi niya parin namumukhaan dahil nasa babae lang natuon ang pansin niya ay dali dali niya itong sinundan. Nag mamadali pa siyang ibinigay ang invitation card sa reception para maka pasok agad. Hindi na hinitay ni Samuel na kumpirmahin muna ng babaeng nasa reception na nasa guest lists ang pangalan niya. Nang nasa loob na ay bumungad sakanya ang ingay ng maraming taong kanya kanya ng pinag uusapan. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan nga kwartong iyon. Madali lang naman makita at mapansin ang babaeng yun dahil sa suot nito. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya agad ang babaeng naka upo sa isang stall ng mini bar, umiinom ito. Dali dali syang lumapit sa babae ngunit hindi niya naman ito magawang tingnan ng ma ayos dahil sa medyo dim ang ilaw ng kinaroroonan nito o kaya naman ay malapitan ang babae para malinaw na Makita ang mukha nito. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Lumapit pa siya lalo sa babae at sinadyang bangain ito sa balikat. Napatalon pa sa gulat si Samuel nang inis na mag angat ito ng tingin sa kanya. Pilit niyang itinago ang kaba at mas naging seryoso ang dati na niyang seryosong itsura. Ganun din naman ang reaksyon na babae . gulat na gulat din naman ito nang makita siya. "S-Samuel??" Halata ang pag ka gulat, galit at takot sa mga mata nito. Si Monique nga! hindi siya ma aaring mag ka mali. Si Monique nga ang babaeng naka pula. Tuwang tuwa si Samuel na makita ang dalaga. Sa wakas ay nakita na niya ito matapos ang ilang taon niyang pangungulila sa dalaga. Nasa harap niya na nga ngayon ang babaeng matagal niya nang itinatangi. Nawala ang pag ka tulala ni Samuel nang tumayo si Monique at mabilis na nag lakad palayo. Overwhelmed and still in shock Samuel never get to stop her from walking away from her, pero hindi parin nawawala ang saya at kaba na nararamdaman niya. "Si Monique nga iyun! Haha thank you Lord!" Tuwang tuwang sabi ni Samuel at sinundan na lamang niya ng tingin ang nag mamadaling dalaga. Nag hintay lamang siya ng ilang minuto bago nag lakad para muling hanapin si Monique, maliit lang naman ang kwartong ito kaya sigurado siyang mabilis niyang makikita ang dalaga. Hindi naman siya nabigo, nakita niya agad si Monique na kausap ang lalaking pamilyar din sa kaniya, kasama ito ni Monique nang dumating sa event hall kanina ngunit hindi niya ito agad nakilala dahil narin sa bukod sa may ka layuan ang puwesto niya mula sa mga ito ay na pako din ang atensyon niya sa babaeng naka pula na kung su-swertehin nga naman ay si Monique pa. Kasama at kausap ngayon ni Monique si Liam Smith, ang nag mamay ari ng kumpaniyang nililigawan niya upang maging partner sa negosyo at siya ring nag imbita sakaniya na dumalo sa party na ito. Hindi na siya nag dalawang isip at agad na nilapitan ang mga ito, nakuha naman niya agad ang atensiyon ng dalawa. Hindi na halos bigyang pansin ni Samuel ang ginawang pag bati sakaniya ni Liam nang muli nanamang mapako ang atensyon niya kay Monique, nag tama pa ang tingin nila, nabakas ni Samuel ang galit sa mata ng babae. ‘Hangang ngayon ba Monique, galit ka pa rin saakin?’ Samuel was dying to ask but he doesn’t have the courage to do so.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD