Samuel knew that Monique was still mad at him the moment that Monique denied about knowing each other to Liam.
Napa ngiti siya ng mapakla nang agad at walang pag dadalawang isip na itinangi siya ni Monique sa date nito, she can say they know each other at hindi na kailangang bangitin ang naging relasyon nila noon ngunit mas pinili nitong sabihing hindi.
Hindi naman na nag taka pa si Samuel, galit sakaniya ang dalaga dahil sa ginawa niya dito noon, iniwan niya ito at ilang beses na pinag taguan kahit pa nga pinipilit ni Monique na ayusin ang tungkol sa kanila.
Hangang sa napagod na ito at nag pasyang umalis ng pilipinas.
Ngunit sa kabila ng galit sakaniya ni Monique ay hindi niya mapigilang umasa na sana ay makuha parin siyang patawarin ng dalaga. Na sana sa oras na subukan niyang muli itong suyuin kahit na mahirapan siya ay bigyan parin siya nito ng pagkakataon.
“I’m Sorry Mr. De Silva, but if you don’t mind please give me a moment, I’ll be right back.”
Tinanguan niya lang naman si Liam para sabihing ayos lang sakaniyang maghintay, may ibinulong kasi dito si Monique, maybe she has something important to tell the guy in private.
Nangunot ang nuo ni Samuel ng bahagya siyang makaramdam ng inis kay Monique at kay Liam dahil sa sweet na paraan ng pag uusap ng mga ito.
Gusto niyang hilahin ang dalaga para makalayo sa puder ni Liam but Samuel knew he doesn’t have the right to do that. Nag si-selos siya kay Liam aminado siya doon, at hindi niya magawang pagalitan ang sarili kahit pa nga alam niyang mali ang nararamdaman niya.
Mahal niya ang dalaga, kahit pa ilang taon na ang lumipas matapos ang nangyari sakanila noon. At alam niyang isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang pag iwan dito. Gulong gulo si Samuel ng mga panahong iyon at ayaw niyang harapin si Monique dahil sa estado niya sa buhay, anak siya ng katulong ng pamilya ng dalaga at alam niya kung gaano ka tayog ang estado ng pamumuhay nito noon. Kahit pa nga ilang beses ipina ramdam sa kaniya ng dalaga na hindi basehan ang estado ng kanilang buhay para sabihin ng sinuman na hindi sila nararapat para sa isa’t isa ay hindi parin iyon naging sapat para magkaroon si Samuel ng lakas ng loob para harapin ang dalaga matapos nang may mangyari sa kanila. Ginawa niya ang lahat upang mapag taguan ang dalaga, maging ang kapatid niyang si Angel noon ay kinuntyaba niya pang pagtakpan siya kahit pa nga ayaw siya nitong sundin at pinayuhan pa siyang harapin si Monique kahit wala namang alam ang kapatid sa nangyayari sa pagitan nila ni Monique noon, ngunit nagawa niyang kumbinsihin ang kapatid sa pag sasabi ditong hindi niya mahal ang dalaga at nakipag hiwalay na siya dito. Sinabi din niya noon sa kapatid na si Monique lang talaga ang habol ng habol sakaniya. Sa dulo ay napapayag niya si Angel, tinulungan siya ng kapatid na pag taguan si Monique na noon ay halos mag lumuhod sa pakiki usap kay Angel na tulungan siya nito. Kaya naman maging kay Angel ay naging sukdulan ang galit ni Monique.
Ilang buwan niya ring pinag taguan ang dalaga na kahit sa unibersidad na pinapasukan nila ay sinusubukan siya nitong hanapin at kausapin, humingi pa ito ng tulong sa ilang mga kaibigan para mag ka ayos sila ngunit naging matigas si Samuel sa dalaga. Nag kasya nalang siya sa simpleng pag tanaw dito mula sa malayo dahil kahit naman ayaw niyang harapin ang dalaga ay gusto parin naman niya itong makita. Totoong mahal niya si Monique ngunit pinangungunahan siya ng takot na harapin ito.
Hangang sa ilang lingo na niyang hindi nakikitang pumasok sa unibersidad si Monique, nalaman niya nalang isang araw na umalis na si Monique ng Pilipinas nang biglaang umuwi sa kanilang bahay ang kaniyang nanay Pasing na noon ay nag ta trabaho bilang katulong sa pamilya ni Monique. Ayon sa ina ay nag pasya na itong umalis sa trabaho at mag hanap nalang ng iba ngunit alam ni Samuel ni Samuel na may malalim na dahilan ang ina sa pag alis nito sa trabaho, ilang beses niyang tinanong ang kaniyang ina noon ngunit hindi naman siya naka kuha ng sagot mula dito, ilang beses niya ring tinanong ang kaniyang ina ng dahilan ng pag alis ni Monique sa pilipinas ngunit maging ang tungkol doon ay hindi rin alam ng kaniyang nanay Pasing, ang alam lamang daw nito ay doon na mag aaral si Monique sa New York at hindi daw alam kung babalik pa si Monique sa Pilipinas. Nang malaman iyon ni Samuel ay sinubukan niyang puntahan ang dalaga ngunit ayon sa guard ng pamilya ni Monique ay noong gabing iyon pa daw umalis ang dalaga. Nanlumo siya nang malamang naka alis na ito, nawalan pa siya ng pag asang makikita pa ulit ang dalaga.
Naging mabagal ang takbo ng mga taon para kay Samuel, broken hearted siya kay Monique ngunit pinilit parin niyang pag butihin ang pag aaral para sa oras na muli silang magkita ay may maipag mamalaki siya dito. Ngunit muli nanamang nawalan ng pag asa si Samuel na muling makita ang dalaga nang magpakasal ang kapatid niyang si Angel sa panganay na kapatid ni Monique, dahil nuong araw na mag pakasal ang kapatid ay hindi man lang nag abalang umuwi ng Pilipinas ang dalaga kahit pa ilang beses daw itong pinakiusapan ng magulang at mga kapatid. Minsan sa araw ng kasal ng kapatid ay aksidente niya pang narinig na nag uusap ang mga kapatid ni Monique ng dahilan ng pagiging madalang na pakiki pag kumunikasyon ni Monique sa pamilya nito. Bihira nalang daw kung tumawag sa pamilya ang dalaga nang malaman ang tungkol sa kasalan na dati naman ay madalas nitong gawin lalo na kung mayroong mga importanteng okasyon.
Unti-unti na rin sana niyang pinipilit ang sariling kalimutan na ang dalaga dahil nawawalan na rin siya ng pag asang muli pa silang mag kikita ngunit kahit anong pilit ni Samuel ay hindi niya iyon magawa. Kahit pa nagka roon na din siya ng relasyon sa ibang babae ay si Monique parin ang hinahanap ng puso niya, kaya labis ang saya ni Samuel nang sa hindi ina asahang pag kakataon ay nag kita sila dito, kahit pa nga alam niyang galit na galit parin ito sakaniya.
Halos mamatay sa ingit si Samuel nang makita niyang akayin ni Liam si Monique upang maka pag usap, marahil din ay ihatid na ito ni Liam pa uwi dahil masama daw ang pakiramdam.
‘That’s supposed to be me, taking care of her now.’
Bulong niya sa sarili,mapakla siyang ngumiti saka napailing na tinungo ang mini bar kung saan niya nakitang naka upo si Monique kanina, Samuel sat on the same chair where Monique have seated earlier. He ordered himself a drink, his favorite, whiskey. Hindi siya masyadong umiinom, but now a hard drink is what Samuel needs.
Mayamaya lang ay nakita niya si Liam na papalapit sa kaniya, marahil ay naipa hatid na nito si Monique.
Oh how he wished he knew where she lives. Kahit pa mali ay pupuntahan niya ang dalaga, mag lulumuhod pa siya sa harap nito ay gagawin niya, patawarin lang siya ni Monique at bigyan siya ulit ng pagkakataon.
Nakita niyang umupo si Liam sa upuang kalapit ng sakaniya, nag pilit siya ng ngiti dito saka inilapit ang bote ng whiskey na iniinom niya, kinuha naman iyon ni Liam saka sinenyasan ang bartender para humingi ng baso na agad naman niyong sinunod.
“I’m sorry I had to leave for awhile Mr. De Silva.’’
Sabi ni Liam habang nag sasalin ng alak sa baso nito.
“That’s alright Mr. Smith, I completely understand, she isn’t feeling well?’’
Pakiki usyoso niya dito, gustong malaman ni Samuel kung bakit nag mamadaling umalis si Monique kanina kahit pa narining naman niya mismo mula sa dalaga na hindi maganda ang pakiramdam nito.
Gusto niyang isiping kaya nag mamadali si Monique na umalis kanina ay dahil sakaniya, kahit pa ibig sabihin non ay ayaw siya nitong makita ay ibig sabihin din non ay apektado parin ito sakaniya. Napangiti si Samuel sa isiping iyon.
Nababaliw na yata siya, hindi niya ma alis sa isipan ang dalaga. Gusto niyang puntahan kung nasaan man ito nakatira pero sigurado naman siyang hindi sasabihin sakaniya ni Liam ang address ni Monique.
‘Lasingin ko kaya ang isang to? Baka sakaling maging madaldal at sabhin sakin lahat ng tungkol kay Monique?’
Palihim na napatawa si Samuel sa isiping iyon, ganon na ba siya ka desperadong makita at suyoin si Monique?
‘’Yes, she is not feeling well. She must be very tired from all the work she got this morning. That woman is very busy.”
Tango lang ang isinagot ni Samuel kay Liam, ayaw naman niyang isipin nito na masyado siyang interesado sa ka date nito dahil sa pag tatanong niya tungkol sa dalaga.
‘She was a very busy woman? Ganon ba katutok sa career si Monique?’
Napaisip siya sa sinabing iyon ni Liam, hindi niya na lang iyon pinag tuonan ng pansin sa halip ay siya na ang nag kusang ibahin ang usapan. Sa usapin tungkol sa kanilang negosyo na uwi ang usapan nila ni Liam, they were very serious talking about it. Kahit naman kasi tinangap ni Liam ang business proposal ng kanilang kumpanya ay kailangan parin niyang mag pa impress dito.
Pasado alas dose nang maka uwi si Samuel, medyo naparami ang naimom niya sa party ni Liam kanina. May katapangan rin kasi ang alak na pinili niyang inumin. Nanlalabo ang kaniyang matang hinanap ang key card para mabuksan ang kaniyang hotel room.
Nailabas na niya halos lahat ng laman ng bulsa niya maging ang wallet ay na check niya na ngunit hindi niya parin mkita ang hinahanap. Nangunot na’t lahat ang kaniyang noo sa inis ay wala parin siyang makitang key card. Bukod kasi sa na hihilo na siya dahil sa alak na na inom kanina ay gusto narin niyang matulog.
“Sam? Hey, what are you doing here?’’
Napalingon siya sa matinis na boses ng babaeng tumawag sa atensyon niya, nawala naman ng bahagya ang pagkaka kunot ng kaniyang noo nang makilala kung sino ang babae.
“Wow, you look wasted. You can’t find your key?’’
Naka ngiting sabi sakaniya ni Charlote, ang babaeng naka bangaan niya kanina, tango lang ang sinagot niya sa dalaga saka muling binalik ang atensyon sa pag hahanap.
“Do you need help? You can stay in my room for awhile so you can rest too.”
Makahulugang sabi ng babae.
“Come.” Hindi na siya nito binigyan ng pag kakataong sumagot at agad siyang hinila pa tungo sa hotel room na inuupahan nito.