Chapter 3

1305 Words
Sa bahay, nakahiga na si Monique sa kanyang canopy bed para sana maka pag pahinga. It's been a long day. "She's your daughter after all." Parang echo na narining nanaman niya ang sinabing iyon ni Liam. Na mi-miss na nga kaya siya ng anak? Oo. May anak siya. Mag a-anim na taon. 2 years old pa lamang si Samantha nang iwan niya ito sa isang boarding school dito sa New York. Kaya naman sana niyang alagaan ang anak, ngunit sadyang inilayo niya ang loob niya rito. Kahit pa nga nag alok ang kanyang mommy na siya na lang ang mag aalaga sa apo at i uuwi sa pilipinas ay mariin siyang tumangi. Kaya kahit labag sa loob ng pamilya ni Monique ang pag iwan niya sa anak sa isang boarding school ay wala ring nagawa ang mga ito. Mula nang iwan niya si Samantha sa school na yun ay madalang lamang niya ito kung bisitahin. Tama na ang dalawang beses sa isang buwan, minsan naman ay isa, minsan pa nga ay hindi niya ito makuhang dalawin ng ilang buwan. Idinadahilan na lamang niya ang pagiging busy sa trabaho. Ilang beses na ring sinubukan ng kaniyang pamilya na pauwiin si Monique sa Pilipinas kasama ang anak, kung ano anong dahilan na lang ang sinasabi nya sa mga ito. Kesyo hindi niya pupwedeng basta iwanan ang trabaho niya dito, o kaya naman ay may biglaan siyang out of town. Minsan pa nga ay sinabi sakanya ng kanyang magulang na siya na lamang ang mag asikaso ng ilang kumpanya nila sa Pilipinas dahil tumatanda narin ang kaniyang daddy at hindi na halos magkanda ugaga sa pag aasikaso ng mga business nila. Maging iyon din ay tinangihan niya, nariyan naman ang mga kapatid niya upang tulungan ang magulang sa pag aasikaso ng kanilang mga negosyo roon. Hindi galit si Monique sa kaniyang pamiya, may kaunting tampo siguro, oo at ewan ba niya, hindi niya ma amin sa sarili na hindi niya magawang umuwi dahil natatakot siyang malaman na hindi pa siya handang makita ang lalaking yun. Maging ang kapatid nito na siya namang napangasawa ng nakakatanda niyang kapatid na si Raymond. 'Kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya siya?' Tanong ni Monique sa kaniyang sarili. Hindi niya na na iwasang alalahanin ang kanyang nakaraan na ilang taon niya na ring sinusubukang kalimutan. *flash back* Kababa pa lang ni Monique sa kaniyang BMW nang salubungin siya ng kaniyang mga kaibigan. "Hi girl! I so like your outfit today, you look fabulous," ma arteng bati ni Caitlyn sa kaniya , isa sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya ito pinansin at inilibot ang mata sa campus na pinapasukan. Halos lahat yata ng istudyante maging ang ilang mga proffesor ay napapatingin sa kaniya. Napa smirk si Monique. Well, sino ba naman ang hindi mapapatingin? bukod sa magandang mukha, mala porselanang balat at magandang hubog ng katawan ay nagsusumigaw ng kayamanan ang presensya niya. She was clad with designer clothes. Mula ulo hangang paa. She's wearing a vivienne westwood dress, hermes bag, a prada sun glasses na pinaresan niya pa ng diamond earings and necklace, a jimmy choo high heels and channel no. 7 for her today's perfume. Sa pag mamasid sa paligid ay pilit hinahanap ng mga mata ni Monique ang anak ng yaya Pasing niya. Natagpuan niya naman itong naka upo sa isang fountain habang nag babasa ng libro 'Nerd!' Inis na bulong niya sa sarili bago ito nilapitan. "Nerd! Where is my assignment?!" Nataranta naman sa gulat ang babaeng tinawag niyang nerd . Si Angel. "Ah ehh... eto na po m-miss natapos ko na po ito. I-ipapasa nyo nalang po!" Nag i stammer pa ito sa sobrang pag ka taranta.Naka yukong inabot ni Angel ang assignment na pinapagawa ni Monique kahapon. Kinuha niya iyon saka pinasadahan ng tingin. "Nasaan ang assignment mo?" Mataray niyang tanong, binigay naman iyon ni angel sa kanya. "I'll take this one." Pag papasya ni Monique matapos basahin ang ginawang assignment ni angel para sa sarili "Po? Miss wag naman po. Pinag hirapan ko po kasi iyan eh. Kailangan ko po yan para maka bawi sa grades ko last grading period." Maluha luha na si Angel sa pakiki usap sa kanya "Oh? So yung sakin hindi mo pinag hirapan?" "H-hindi naman po sa ganon miss. Pero po kas-" "Tama na! Leave now! I already said I will take this one." Pag tatapos ni Monique sa usapan. Hindi tamad mag aral si Monique , hindi rin mahina ang utak niya, at mas lalong hindi niya pina pabayaan ang pag aaral. Sa katunayan nga ay palagi pa siyang nangunguna sa ranking ng unibersidad na pinapasukan niya. Talagang gusto niya lang pag tripan ang anak ng yaya niya. Uto-uto kasi ito at masyadong takot sakanya. "Hoy!" Napalingon si Monique sa lalaking sumigaw . "Bakit mo ina away ang kapatid ko?!" Gwapo ang lalaking nag pakilalang kapatid ni Angel, napa tingala pa siya dahil may katangkaran ito. Matikas ang pangangatawan, at medyo may ka itiman, pero bumagay naman sa mukha nito ang kulay ng balat. 'Tall,Dark and Handsome' ika nga. "Kapatid mo to? " sabay turo ni Monique kay Angel. "So anak ka rin ng katulong ko? Hoy lalaking pangit! Hindi mo ba ako kilala?" Naka taas kilay pa niyang tanong dito. Napa ismid naman ang binata. "Hoy ka rin babaeng maldita! hindi 'HOY PANGIT' ang pangalan ko. Samuel De Silva ang panagalan ko. At oo anak ako ng katulong mo at higit sa lahat, wala akong paki alam kung sino ka! Lubayan mo nga ang kapatid ko!" Napa takip ng tenga si Monique sa lakas ng boses nito. " Hinaan mo nga ang boses mo, hindi ako bingi nuh! Mag sama nga kayo niyang nerd mong kapatid! hmp!" Tinarayan niya ito saka pa batong ibinalik kay Angel ang assignment na iniiyakan nito kanikanila lamang. Hindi naman talaga niya kailangan ang assignment na yun eh. Bago siya umalis ay nakuha niya pa munang itulak ang lalaking nag pa kilalang Samuel. ... Sirang-sira ang araw ni Monique kaya pag dating niya sa bahay ay naka busangot siya. Ni hindi niya na nga nakuhang pansinin ang mga pasalubong na dala ng kuya Raymond niya. Galing kasi ito ng Canada doon ito nag aaral ng master's degree nito kasama ang ate Dianne niya. Bunso si Monique sa limang mag kakapatid kaya't sunod sa luho ang dalaga, bukod duon ay maraming negosyo ang magulang niya kaya't kahit anong hilingin niya ay sinusunod ng mga ito, kapalit lamang ng matatas na marka sa unibersidad na pinapasukan niya. Madali lamang naman iyon para sa kanya kay hindi siya nahihirapan. Pag pasok sa kwarto ay padabog na ibinato ni Monique ang mga gamit saka pumasok sa banyo para mag linis ng katawan at mag bihis. Hindi parin ma wala sa isip niya ang lalaking ka away niya kanina. Anak ni aling Pasing. Ang katulong na matagal nang na ninilbihan sa pamilya niya. Hindi alam ni Monique na may anak na binata si aling Pasing. Well hindi naman iyon bago, hindi naman kasi siya nakikipag usap sa mga katulong sa bahay nila "Hmmm... Samuel ang pangalan niya.. may pag ka brusko, pero gwapo." Napangiti si Monique sa isiping iyon, kinuha niya ang bag para sana kunin ang kanyang cellphone ngunit may nakapa siyang maliit na piraso ng papel kaya iyon ang kinuha niya. Kunot noo niya iyong binuklat at binasa ang naka sulat. 'Hindi dapat nakikipag away ang magandang kagaya mo. Huwag kang mag alala, pag niligawan kita, tuturuan kitang maging mabait.' ~ Samuel Napa balik sa kasalukuyan ang isip ni Monique nang tumunog ang cellphone niya. Hindi naka save ang numero kaya't hindi niya na iyon pinag ka abalahang sagutin. Galing sa Pilipinas ang numero, malamang ay isa iyon sa mga kapatid niya at pipilitin nanaman siyang umuwi. Itinabi ni Monique ang cellphone at nag pasya nang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD