XIAMARA NAG-AALALA ako para kay Y kaya hinayaan ko na lang muna na magsama sila ng kanyang ama ngayon dito sa bahay. Mamaya ko na lang kakausapin si Zi para sa set-up naming dalawa. Basta hindi pa rin ako sang-ayon sa gusto niya na magkabalikan kaming dalawa dahil lang sa may anak kami. "Kailangan mo pa bang pumasok?" tanong ni Zi. Nag-susuot na ako ng sapatos ko dito sa sala. "Kailangan kong magtrabaho, Zi. Hindi naman ako mayaman gaya mo na kahit humilata lang maghapon sa bahay ay hindi po-problemahin ang pagkain sa araw-araw," mahaba kong sabi, dahil iyon naman ang totoo. Dinig ko ang mabigat niyang paghinga. "You no longer need to work, Xi. I am here now, I can provide for your and Y's needs." Umangat ako ng tingin sa kanya pagkatapos kong ibuhol ang sintas ng sapatos ko. Nakata