XIAMARA "ANG lakas naman ng loob mo na sabihan akong selfish. Ako pa talaga ang naging selfish sa ating dalawa, huh?" matigas kong wika sa kanya. Pinalis ko ang masaganang luha na tumulo sa aking pisngi at pinatigas ko ang aking mukha habang nakatitig sa kanya. "Nagka-amnesia ka na ba? Nakalimutan mo na ba ang lahat?" sarkastiko kong tanong. Lumamlam ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Tahimik lang siya at natameme sa mga sinasabi ko. Marahil ay naalala niya rin ang mga nagawa niya noon sa akin. Umatras ako para dumistansya sa kanya. Hindi ko gusto ang pagkakalapit naming dalawa. Kung bakit ba kasi nandito siya sa bahay ko. "I'm sorry..." mahina niyang sabi. Nginisihan ko siya at natawa na lang nang may muling maalala. "Sorry?" sarkastiko kong tanong. "Kapag ikaw ang humingi