XIAMARA "BABY!" agad na kinarga ni Zi si Y na sumalubong sa kanya habang kami naman ni Xien ay nandito pa rin sa hamba ng pinto at nakatingin sa kanila. Bakas sa mukha ni Y ang sobrang saya nang makita niya si Ziggy. Ngayon ko lang nakita ang anak ko na abot langit ang saya sa kanyang mukha. Bumalik ang tingin sa akin ni Xien at saka ngumiti. Inabot niya ang hawak niyang bulaklak sa akin na agad ko namang tinanggap. Dinala ko pa ito sa aking ilong para amuyin. "S-Salamat... P-Pasok ka.." kandautal kong anyaya sa kanya. Hindi na namin hinintay pa na makalapit sa amin si Ziggy at Y, pumasok na kami sa loob ng bahay. Pero bago ako tuluyang makapasok sinulyapan ko muna ang mag-ama na masayang nagkukwentuhan habang ang mga mata ni Zi ay sa akin naman nakatutok. Agad akong nag-iwas ng tingin